Share

Kabanata 1598

Napagtanto ni Quincy na biglang natahimik si Dayton. Tumingala siya para tingnan ito. Nakita niyang nakakunot ang noo nito. Mabigat at malamig din ang ekspresyon sa mukha nito.

“Anong problema? Hindi ba talaga ako marunong makipagkaibigan noon? Wala ako masiyadong kaibigan?” Inaalala niya talaga ito.

Pinisil ni Dayton ang ilong niya at umiwas ng tingin kay Quincy. Saka siya tumango at sinabi, “Oo, medyo hindi ka marunong makipag-kaibigan.”

“Bakit?” Naguguluhan ang itsura ni Quincy. Pangit ba ang ugali niya noon?

“Kasi…” Nilaro ni Dayton ang mga hibla ng buhok ni Quincy gamit ang mahahaba niyang daliri, “Bilang isang young miss, medyo maikli ang pasensya mo. Walang gustong gumalit sa iyo, kaya iniwasan ka ng lahat.”

Kumunot ang noo ni Quincy. Sinubukan niyang alalahanin ang nakaraan, ngunit walang pumasok sa isipan niya. Mainitin ba talaga ang ulo niya noon?

“Sabihin mo sa akin kung gaano kasama ang ugali ko.” Bakit wala siya ni isang kaibigan?

Tinuon ni Dayton ang madilim at hug
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status