Napagtanto ni Quincy na biglang natahimik si Dayton. Tumingala siya para tingnan ito. Nakita niyang nakakunot ang noo nito. Mabigat at malamig din ang ekspresyon sa mukha nito.“Anong problema? Hindi ba talaga ako marunong makipagkaibigan noon? Wala ako masiyadong kaibigan?” Inaalala niya talaga ito.Pinisil ni Dayton ang ilong niya at umiwas ng tingin kay Quincy. Saka siya tumango at sinabi, “Oo, medyo hindi ka marunong makipag-kaibigan.”“Bakit?” Naguguluhan ang itsura ni Quincy. Pangit ba ang ugali niya noon?“Kasi…” Nilaro ni Dayton ang mga hibla ng buhok ni Quincy gamit ang mahahaba niyang daliri, “Bilang isang young miss, medyo maikli ang pasensya mo. Walang gustong gumalit sa iyo, kaya iniwasan ka ng lahat.”Kumunot ang noo ni Quincy. Sinubukan niyang alalahanin ang nakaraan, ngunit walang pumasok sa isipan niya. Mainitin ba talaga ang ulo niya noon?“Sabihin mo sa akin kung gaano kasama ang ugali ko.” Bakit wala siya ni isang kaibigan?Tinuon ni Dayton ang madilim at hug
Lahat ng miyembro ng pamilya Newton ay narito para ihatid sa huling hantungan ang old master.Nakasuot ng itim ang lahat. Mayroon din mga puting bulaklak sa kanilang mga dibdib. Halos lahat ng isang daang miyembro ng pamilya Newton ay nakapalibot sa puntod ng old master.Bilang head ng pamilya, nakatayo sa unahan si Eugene. Samantala, nakatayo sa tabi niya si Fern.Katatapos pa lamang ng kanilang kasal, pero kailangan nilang magdaos ng libing ngayon. Hindi ito magandang tingnan.Gayunpaman, hindi ito inaalala ni Fern. Kahit na noon ay hindi siya tinatanggap ng old master, lolo pa rin ito ni Eugene, ibig sabihin ay lolo niya rin ito.Nagsimulang umambon pagkatapos ng libing. Isang tauhan ang humawak ng payong para sa kanilang dalawa.Hinawakan ni Eugene ang kamay ni Rue habang ang isa ay nakapulupot sa baywang ni Fern. Sama-sama silang umalis.Mayroon silang narinig na nagreklamo, “Siya iyon. Narinig kong isa siyang malas. Noong buhay pa ang old master, nabanggit niyang magdadala
Pinagmasdan nang malamig ni Eugene ang lahat ng taong nasa libing at sinabing, “Ito na ang huling beses na sasabihin ko ito. Ayaw ko nang marinig ang sinuman na pagsasalitaan ng masama ang asawa ko. Kung hindi, huwag niyo akong sisisihin kung hindi ko na kayo irerespeto. Kung mayroon man gustong umalis sa pamilya Newton, malugod kong tutuparin ang hiling niyo.”Manipis ang paghinga ng lahat ng miyembro ng pamilya Newton matapos marinig ang sinabi ni Eugene. Nagkatinginan silang lahat. Hindi sila naglakas-loob na magsalita kahit na ayaw pa rin nilang tanggapin ang sinabi niya.Pagkatapos magsalita ni Eugene, binalewala niya ang ekspresyon sa mga mukha nila at umalis sa sementeryo kasama ang kaniyang asawa’t anak. Sumakay sila sa kotse at umalis.Tiningnan ni Fern si Eugene na masama pa rin ang ekspresyon sa mukha. Hindi niya mapigilang magtanong, “Hindi ba’t masiyadong marahas ang mga salitang sinabi mo sa kanila?”“Anong mga salita?” Lumingon sa kaniya si Eugene. Tinaas ang kilay a
“Huh? Talaga?”Tinitigan nila pareho ang nakaumbok na parte ng tiyan ni Quincy at sinimulan itong imbestigahan.Nang nalaman ni Tia na gustong dalhin ni Dayton si Quincy para sa isang bakasyon, nagpumilit siyang sundan sila.Kinuyom niya ang mga kamao at kaagad na lumapit. “Dayton, nalaman kong pwede tayong mangisda sa dagat. Pwede mo ba akong isama?”Lumapit siya at kinuha ang braso ni Dayton. Saka niya ito inalog sa malambing na paraan.Kumunot ang noo ni Dayton at inalis ang kamay ni Tia. “Kung gusto mong mangisda, pwede kang magpasama sa manager. Mas marami siyang alam tungkol sa pangingisda kaysa sa akin.”“Pero…gusto kong sumama ka sa akin.” Sumimangot si Tia at nagmamakaawang tiningnan si Dayton.“Hindi ako pwede.” Hindi siya pinansin ni Dayton.“Wala ka naman ginagawa ngayon.” Bahagya ng nagagalit si Tia. Tiningnan niya nang masama si Quincy na nakaupo sa tabi ni Dayton.Tiningnan ni Quincy si Tia na parang bata umasta ngayon. Naisip niya bigla ang sinabi ni Sharon sa
Pinag-isipan ito sandali ni Dayton. Hindi niya kailanman pinagbalat ng hipon noon si Tia. Marahil ay mali ito ng pagkaka-alala. Maaaring sinasadya rin nitong magsinungaling.Malamig ang eskpresyon sa mukha niya nang sabihin, “Walang nangyaring ganoon.”Kaagad na sinabi nang malakas ni Tia, “Siyempre nangyari iyon. Paano mo nakalimutan?” Nilagay niya ang hipon sa harapan ni Dayton at sinabing, “Tulungan mo akong balatan iyan, okay?” Napakalambing ng kaniyang boses.Nanatiling walang emosyon si Dayton. Tinulak niya pabalik ang hipon kay Tia at sinabing, “Gawin mo mag-isa kung gusto mong kainin iyan.”“Ikaw…” Ngumuso si Tia. Galit na galit siya.Pinanood ni Quincy ang interaksyon ng dalawa. Napaka wala sa katwiran ni Tia.Gayunpaman, nagsimula siyang matakam sa garlic prawn matapos maamoy ang aroma nito.Lumingon siya sa lalaking nasa tabi niya. Kinurap niya ang mga mata at sinabing, “Gusto kong kumain niyan.”Hindi pa napoproseso ni Dayton ang hiling ni Quincy. “Huh? Anong gusto
…Nang gabing iyon ay nakaramdam ng pagod si Quincy, naghanda na siyang bumalik sa kaniyang kwarto para magpahinga.Madilim na ang langit sa labas. Binalot ng kulay abong mga ulap ang buong kalangitan kasabay ng malalakas na bugso ng hangin mula sa karagatan. Mukhang uulan nang malakas.Ang manager ng isla na si Mr. Cabot ay nagmamadaling pumasok sa kwarto at sinabi kay Dayton, “Young Master Night, ang dalagang kasama niyo ay sumakay sa cruise kanina. Hindi pa siya bumabalik. Base sa kondisyon ng panahon, mayroong papalapit na bagyo. Dapat niyo siyang kontakin at sabihin na bumalik na.”Hindi inasahan ni Dayton na sasakay ng cruise si Tia sa karagatan nang mag-isa pagkatapos ng pagsasagutan nila.Tiningnan niya ang nagwawalang bugso ng hangin sa labas. Alam niyang madali para sa isang bangka na tumaob sa ganitong klaseng panahon. Sinumang nasa dagat ay mamamatay.Kahit na mayroong ginawa si Tia na hindi nito dapat gawin, miyembro pa rin ito ng pamilya ng tita niya. Hindi niya maa
Pinagmasdan ni Quincy ang nagwawalang bagyo sa labas. Paulit-ulit na humahampas ang mga alon sa dalampasigan, pero hindi pa rin nakakabalik si Dayton. Paano niya mapipigilan ang sarili na lumabas?Gayunpaman, nakatanggap ng utos ang mga tauhan ni Dayton mula sa akniya. Hindi nila pwedeng hayaang lumabas si Quincy anuman ang mangyari.Isang malakas na kalabog ang narinig. Isang puno na hindi malayo mula sa pinto ang nahati dahil sa lakas ng hangin!Lumukso ang puso ni Quincy dahil sa malakas na kalabog. Napuno siya ng pagkataranta at pag-aalala.“Tumabi kayo! Gusto ko siyang hanapin!” Malamig niyang sigaw.Apat na lalaki ang lumuhod sa harapan niya habang nagmamakaawa, “Young Madam, inutusan kami ng young master na bantayan ka. Kapag mayroong mangyari sa inyo, katapusan na ng mga buhay namin. Kung gusto niyong lumabas, patayin niyo muna kami.” Sigurado naman na ang kanilang kamatayan kung lalabas si Quincy.“Kayo…Balak niyo ba akong patayin sa galit?” Hinihingal si QUincy. Marahil
“Doktor, gamutin niyo kaagad ang sugat niya.” Tumabi si Quincy para makalapit ang doktor. Saka niya tiningnan si Dayton nang puno ng pag-aaala at nagtanong, “Mayroon ka pa bang ibang injury? Sabihin mo sa doktor ang lahat.”Napangiti si Dayton nang makita niya ang labis na pag-aalala sa kaniya ni Quincy. Tinaas niya ang kamay at pinisil ang pisngi nito habang sinasabi, “Ito lang. Bakit sobra kang nag-aalala? Maliit na injury lang ito. Hindi mamamatay ang asawa mo.”Para sa kaniya, wala lang talaga ang injury na ito. Ang pinakamalalang injury niya ay ang ginawa sa kaniya noon ni Quincy. Sinaksak siya nito ng kutsilyo sa dibdib na muntik nang kumuha ng buhay niya.Nainis si Quincy sa kaniya. Tinabig niya ang kamay nito at sinabing, “Wala ako sa mood para makipagbiruan sa iyo.”Ininspeksyon ng doktor ang injury ni Dayton at sinabing, “Mukhang galing ang sugat mo sa pagkaka gasgas sa ocean reefs.”Tumango si Dayton at sumagot, “Oo.”Nagulat ulit si Quincy. “Ocean reef? Lumangoy ka sa