Share

Kabanata 1703

“Maaga ka ata nagising ngayon.” Lumapit sa kaniya si Yvonne.

“Dahil narito ka para gamutin ako, mas masigla ako ngayon,” Sabi ni Dayton.

Lumapit si Yvonne sa tabi ni Dayton at hinawakan ang kamay nito. Saka niya pinakiramdaman ang pulso nito.

Matapos ang ilang sandali, binitawan niya ang kamay nito at sinabing, “HIndi pa ganoon kaganda ang pulso mo. Kailangan kitang bigyan ng acupuncture treatment ngayong araw.”

Bumuntong-hininga si Dayton at sinabing, “Sabihin mo na lang na natutuwa kang tusukin ako ng karayom araw-araw.”

Naupo si Yvonne sa tapat niya at sinabing, “Ikaw ang gumawa nito sa sarili mo.”

Dito naman lumapit ang butler dala ang telepono at sinabing, “Young Master, gusto kang kausapin ng Young Madam.”

Bahagyang nagulat si Dayton. Tinawagan siya ni Quincy Lane?

Anong kailangan nito nang ganito kaaga?

Saka niya naisip ang kanilang anak. Mayroon bang nangyari kay Sirius doon?

Kakain na sana si Yvonne nang almusal nang marinig niya ang sinabi ng butler. Saka napalingon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status