Salamat po sa suporta!
PAGPASOK ni Lorenzo ng silid ni Lorena ay nagulat siya sa dami ng gamit na nakita sa may tabi ng pintuan. Eksakto namang nag-ring ang phone niya as if on cue."Hello?" Alam naman ni Lorenzo kung sino ang tumawag dahil iyon lang naman ang madalas tumawag sa kanya."Lorenz, I forgot to tell you I sent some stuff sa hospital kanina. Masyado tayo naging preoccupied dahil sa ganap kanina kaya hindi ko pala nabanggit."Napailing si Lorenzo habang nakatingin sa hilera ng pitong malalaking paper bags na nang silipin niya ay puro damit ang laman. Mayroon ding limang kahon ng sapatos sa isang malaking eco-bag na nakapatas sideways para magkasya sa isang lagayan lamang. May dalawang pares ng tsinelas na kung titingnan ay magkiaba pa ng size. Isang teddy bear na puti na mayroong malaking ribbon. Magkasinlaki sina Lorena at ang stuffed toy kung nakaupo. May isang kahon din ng laptop na pambata. Sinipat ni Lorenzo kung ano iyon. Nakita niya ang listahan ng mga fairy tales at children's stories kasa
NAKABABA na siya ng elevator at naglalakad sa ground floor hallway papuntang cafeteria ng ospital nang may biglang tumapik sa balikat niya."Have you thought about it?"Napalingon siyang bigla. Sa gulat niya nang makita ang nasa likuran ay napaatras siya at muntikan nang matumba. Nasalo siya ng taong kausap. Nakakapit ang kamay sa beywang habang ang kabilang kamay ay sa braso. Kung may makakakita sa kanila ay para silang nagsasayaw ng tango at nag-dip ang kaparehang babae pahiga."Anong ginagawa mo rito?" tanong niya habang marahang tumatayo at inaayos ang sarili. Nag-iwas siya ng tingin at dumistansya habang palinga-linga sa paligid. Alam naman niyang wala roon ang taong kinatatakutang makita."I came to see you."Pinigilan niya ang sariling lumapit sa kausap. Pumikit muna bago nagsalita. Sinusubkang pakalmahin ang sarili dahil sa sitwasyon."Hindi ba kakasabi ko lang kanina, bukas na tayo magkita at mag-usap sa opisina." Hindi niya alam kung tama ba ang tono ng pananalita niya na tu
SA mga panahong iyon naisip ni Princess na sana ay nakinig siya sa mga payo sa kanya noon na huwag gagawa ng desisyon kapag nasasaktan o kaya ay galit. She made a big one that day and it changed her life completely."Hello?" alas-siete ng gabi nang makatanggap siya ng tawag. Hindi na niya nasilip ang caller id dahil galing siya ng banyo, nakatapis lamang ng tuwalya at nagtutuyo ng buhok matapos mag-shower. "Hello? Princess?"Tiningnan ni Princess ang numero sa phone ngunit hindi niya iyon kilala. Hindi nakaregister ang number ng kausap."Yes, sino 'to?" "Si Charisse, classmate mo nung college. Buti pala ito pa rin ang number mo. Ano kasi--" Napairap si Princess dahil hindi niya alam kung ano ang gusto ng kausap. Mangungutang ba itoJ? Hindi naman sila gaanong close ni Charisse. Kaklase nga niya ito noong college at nagkapalitan lang sila ng number dahil sa isang school project. Marahil hindi nagpalit ng cellphone simula noon ang kausap niya kaya't alam pa rin nito ang phone number n
THE door opened even before she could reach the third count. Sa kabila ng pinto ay may bumalandrang babaeng mahaba ang buhok, manipis ang kilay, hindi katangusan ang ilong at makapal ang namumulang mga labi. Kung titingnan ang katawan ay hindi rin proportion. Mas malaki ng mga dalawang beses ang dibdib ng babae kaysa sa balakang niya. Mukha siyang donut na nakatusok sa barbecue stick. "Darling, sino ba 'yan? Ang ingay, nakakahiya sa ibang kwarto." Naka-lingerie na pula ang babae na kasingpula ng lipstick ng labi. Hindi naman sa nanghahamak siya ngunit mukhang pokpok ang babae. "Ex-fiancee niya 'ko. Ikaw sino ka?" Nakangising sabi ni Princess. "Hon--" "Fiancee?" Magkasabay pa nasalita ang bab
NAPABUNTONGHININGA si Princess habang inaalala ang mga sumunod na nangyari.Princess felt heartbroken and humiliated. Ang masakit pa, wala siyang mapagsabihan ng mga suliranin niya. Wala siyang makaramay na kahit na sino man lang ngayong puno ng pighati at galit ang buhay niya dahil sa tagpong nasaksihan. Hindi naman niya pwedeng tawagan si Charisse at sabihin na tama nga siya at lunukin niya ang pride niya para magpasalamat sa impormasyong nanakit sa kanya ng husto. Akala ni Princess, makukuha niya ang sagot sa mga katanungan kung papaandarin lang niya ang kotse na walang patutunguhan ngunit hindi pala. She went to a place where she thought she could forget about everything. Sa isang bakanteng lote ang parking lot ng isang sikat na bar sa Malate, Manila. Malayo pa lang siya ay nakita na niya ang dalawang parking space na bakante. May kotseng naka-hazard na pumasok sa isa sa mga bakanteng slot.Papasok na siya ng parking slot na natitirang bakante nang mag-ring ang phone niya. She s
SA isang pribado ngunit maliit na silid sa isang sikat na ospital sa Maynila, ang St. James Hospital ay lumabas mula sa banyo ang isang babae habang nagsusuklay ng buhok. Sa isang kamay ay bitbit ang supot ng damit na pinaghubaran. Nang makita ang dalawang tao sa silid ay napabuntonghininga ito nang malalim at napahinto sa paglalakad. Inihagis niya ang dalang supot patungo sa nakabukas na itim na bag sa paanan ng higaan."Pupunta muna ko sa opisina. May meeting ako ngayong umaga. Ikaw muna ang magbantay dito tutal mukhang hindi ka naman kailangan sa trabaho." Naalimpungatan sa pagkakahimbing si Lorenzo Villaverde at napatingala sa asawang si Princess. Nakaupo siya sa sa isang pulang upuan sa tabi ng kama ng kanilang dalawang taong gulang na anak. Noong makatulog ang anak ay idinantay niya ang sariling pisngi sa maliit na kamang nababalutan ng puting kumot habang hawak ang maliit at maputlang kamay ng bata. Nang makita na napairap ang misis ay tumayo kaagad si Lorenzo. Hinawi ang itim
KINABUKASAN, nagtungo si Lorenzo sa building ng opisina ni Vic gaya ng napagusapan nila. Galing siya sa ospital at ang damit lang na nadala ng misis niya na pamalit ay ang uniporme niyang pang-delivery man kaya't iyon lang ang naisuot niya."Good morning. May appointment ako kay Mr. Vicente Santiago."Nagulat si Lorenzo nang taasan siya ng kilay ng babae sa reception area ng LV Corporation."Ano namang mapapala ng Chairman namin kung makikipag-appointment sa delivery man?" Sarkastikong sagot ng babae."Miss, pakitawagan mo na lang. Alam niyang pupunta ako." Sinubukan ni Lorenzo na maging mahinahon ngunit sadyang sinusubukan ng mga tao ang pasensiya niya."Wala si Chairman. I bet kung nandito 'yon hindi ka rin kakausapin. Kung may idinideliver ka diyan na mga parcels at sulat, sabihin mo na para makaalis ka na. 'Wag ka na magpanggap na may appointment ka sa Chairman baka kung anu-ano lang ideliver mo."Napanganga si Lorenzo at saka nakaisip ng paraan para maging maayos ang lahat."Mana
NOON naalala ni Lorenzo ang nakasukbit na bag sa balikat. Sa sobrang galit nang makita ang dating kaibigan at ang asawa ay nalimutan na niya ang nakuhang pera mula kay Vicente. Ngayon lang niya naalala ang perang resulta ng kasunduan nilang pag-ako ng responsibilidad sa negosyo ng mga Villaverde."Heto na ang perang ipinautang mo!" Mahina man ang boses para hindi magising si Lorena ay siniguro ni Lorenzong may diin at anghang ang pagkakabanggit ng bawat kataga. Ihinagis niya ang maliit na bag sa mukha ni Peter. Nasalo naman agad iyon ng lalaki."Nagnakaw ka?! Saan galing ang pera?" Hinablot ni Princess ang bag na hawak ni Peter at sinilip ang laman."Sabi ko naman sa 'yo, pwedeng ako na ang magpahiram. Baka kung kanino mo na naman inutang itong pera at mabaon pa kayo lalo--" Sadyang kinapalan ni Peter ang mukha niya para malumanay na sabihin ang mga salitang iyon. Seryoso ang ekspresiyon at nagpapanggap na mabait para mas mahumaling sa kanya ang inaakit na si Princess. Alam niyang kau