Share

Chapter 12: Marthinie 2.2

Marthinie's POV

Panay ang sugal at waldas ni mama sa sinabi n'yang inutang n'ya raw sa isang kakilala. Kung sino man ang pinagka-utangan n'ya ay masama ang pakiramdam ko dito.

Pinabalik din ako ni mama sa pag-aaral at s'ya mismo ang nagbayad sa matrikula ko. Kaya laking gulat ko na lang at pinayagan n'ya akong bumalik sa pag-aaral. Mabait din ang mga kapit-bahay namin kay mama at halos araw-araw ay may piyesta sa amin!

Lumipas ang ilang buwan at bumabalik na naman sa pagiging mainitin ang ulo ni mama at mas madalas silang mag-away ni Tito Edward. Hindi ko alam ang mga pinagtatalunan nila pero mukhang tungkol ito sa pera.

Noong una ay naisip ni mama na magnegosyo ng sari-sari store pero nalugi 'yon dahil panay utang ang mga amega n'ya tapos ang tagal magsi-bayad. Sinubukan rin ni mama na mag karinderya pero agad din n'yang hininto dahil lugi s'ya kasi nanghihingi pa ng discount 'yong mga kapit-bahay namin kapag bumibili. Kaya sa huli ay bumalik s'ya sa pagsusugal hanggang sa nalubo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status