Ezra's POV Itinapat ko sa isang biometric ang aking palad at agad na bumukas ang metal na pinto kung saan nandoon ang itim na kristal. Kasama ko din sina Commander Nazi, Justin at Dia. Pinagmasdan kong mabuti ang kristal na pinalilibutan ng bawat baril na awtomatikong maglalabas ng bala kung magtatangka kang kunin ang itim na kristal. Nakalagay sa loob ng transparent glass diamond ang kristal na kung mabubuksan mo man ito ay maglalabas ng air poison na puwede ring ikamatay. Sa bawat paligid ay may trap na puwedeng kumitil ng buhay ng kung sino man ang maglalakas loob na kunin ito. "Kung totoo man ang sinasabi ni Pabio na gawa sa itim na Kristal ang robot na 'yon masama ito. Dahil tayo lang ang may hawak sa lahat ng itim na kristal at wala ng iba pa." seryosong sambit ni Commander at maging sina Justin ay napatango rin. "Naniniwala kaming wala kang kinalaman dito Commander Nazi. Ang bawat isa sa atin ay may alarm para maging alerto sa kung sino man ang gagawa ng kalokohang kunin an
Ezra's POV Today is my father's birthday. Sobrang busy nila ngayon especially si mom para sa paghahanda. Kuya Shan and Cody sent the invitation dahil nitong mga nakaraang araw ay puro pag-inom ang inatupag nilang dalawa at nakalimutan na nilang ipamigay sa mga imbitado ang invitation cards. Kahapon lang din nakabalik si daddy galing sa business trip habang si mom naman ay talagang pinaghandaan ang araw na 'to. "Where are you going, anak?" Tanong ni mom ng makasalubong ko s'ya sa sala. "Work?" Maikli kong saad at saka naman ito bumuntong hininga. "Anak, makakaabot ka ba mamaya? You know you're dad. Matampuhin 'yon.." wika ni mommy at halatang lumungkot ito. Nginitian ko na lang s'ya at niyakap, I know her. Gusto lang magpalambing. "Don't worry mom, Hahabol ako." paninigurado ko at tumango naman ito bago kumalas sa pagkakayakap sa akin. Nasabi ko na bang may maganda akong mommy? Well, kung hindi pa, s'ya ang pinakamaganda! "Well, it's better late than never," ngumiti ito bag
Ezra's POV Ilang oras na ang nakalipas simula ng nakarating kami dito at naghihintay sa babaeng nagpadala ng box. Hindi na rin ako mapakali sa kinalalagyan ko kaya palakad-lakad at babalik ang ginagawa ko. Nandito rin ngayon sina Tito Pabio pati na rin si Nexus. Hindi ko alam kung sino ang tumawag sa kanila para pumunta dito, basta abala ako sa pag-iisip kung darating ba s'ya o hindi. "Damn. Bakit ba ang tagal n'ya?!" Hindi na ako nakatiis at naisatinig ko na ang iniisip. "Kalma Captain. Baka na traffic!" Sabat naman ni Drake habang kumakain ng pizza. "Hey fucker, track her down." malamig na utos naman ni Nexus sa isa sa mga tauhan n'ya at mabilis nitong sinunod ang iniutos sa kaniya. Nasabi ko na bang mafia boss ang isang 'to? Panay naman ang tingin ko sa wall clock at naupo sa bakanteng sofa. Si Dia at Justin naman ay nilalantakan ang pagkaing dala nina Tito Pabio galing sa birthday ni dad. Oo, galing na raw sila doon at tinatanong nga raw ako nina mommy kay Tito. Napahint
Marthinie's POV Panay ang sugal at waldas ni mama sa sinabi n'yang inutang n'ya raw sa isang kakilala. Kung sino man ang pinagka-utangan n'ya ay masama ang pakiramdam ko dito. Pinabalik din ako ni mama sa pag-aaral at s'ya mismo ang nagbayad sa matrikula ko. Kaya laking gulat ko na lang at pinayagan n'ya akong bumalik sa pag-aaral. Mabait din ang mga kapit-bahay namin kay mama at halos araw-araw ay may piyesta sa amin! Lumipas ang ilang buwan at bumabalik na naman sa pagiging mainitin ang ulo ni mama at mas madalas silang mag-away ni Tito Edward. Hindi ko alam ang mga pinagtatalunan nila pero mukhang tungkol ito sa pera. Noong una ay naisip ni mama na magnegosyo ng sari-sari store pero nalugi 'yon dahil panay utang ang mga amega n'ya tapos ang tagal magsi-bayad. Sinubukan rin ni mama na mag karinderya pero agad din n'yang hininto dahil lugi s'ya kasi nanghihingi pa ng discount 'yong mga kapit-bahay namin kapag bumibili. Kaya sa huli ay bumalik s'ya sa pagsusugal hanggang sa nalubo
Ezra's POV It's been a week had passed nang makausap namin si Marthinie. Lagi naman s'yang nag u-update tungkol kay Chase at sa kalagayan nito. Marami ding problemang kinakaharap ngayon ang organisasyon dahil sa pagkawala ng ilang tao at pati na ang ilang miyembro ng organisasyon! "Captain, na-hack na namin ang system nila!" Wika ni Ranz sa kabilang linya. Habang kami namang tatlo nina Dia at Justin ay nandito sa abandonadong building kasama ang iba pa para makuha ang mga dinukot na buntis kahapon. Mga walang hiya talaga! Pati mga buntis dinadamay pa! "Alright." malamig kong saad at mas naging alerto ng makarinig kami ng isang malakas na sigaw. Tumingin naman sa gawi ko sina Justin at Dia at sinenyasan ko silang mauuna ako at tumango lang sila bilang tugon. Nauna akong mag lakad at habang palapit ako nang palapit ay palakas nangjhg palakas din ang tunog ng sigaw. Damn! Agad akong pumasok sa pinanggagalingan ng sigaw at nakita ko ang isang babaeng buntis na nakahiga sa isan
Commander Nazi's POV Today I will make a decision to sell the half of company to Mr. Montague. He arrived here at seven o'clock in the morning. At ilang oras na ang lumipas ay nandito pa din s'ya. May ilang tawag kasi s'yang natatanggap kaya hindi agad matapos-tapos ang usapan naming dalawa patungkol sa organisasyon. Nang pumasok ulit ito ay bahagya pa itong ngumiti at sa itsura naman n'ya ay mukha s'yang mabait. "I am very sorry, Commander. Sana hindi magbago ang isip n'yo. Alam n'yo namang medyo busy din ako." hinging paumanhin nito at naupo sa swivel chair. Tumikhim muna ako bago magsalita at iniabot sa kaniya ang mga dapat n'yang malaman tungkol sa organisasyon. "I understand. Sana sa oras na nasa iyo ang kalahati ng organisasyon ay walang magbago." saad ko pa at nanatili lang ang mga ngiti sa labi n'ya. "Of course! Ganoon ba kasama ang tingin mo sa akin Commander?" May mapaglarong ngiti ang nakapaskil sa labi nito at bahagya pang natawa. "Anyway, I changed my mind. Hindi
Ezra's POV Maaga pa lang ay nandito na ako sa organisasyon para gawin ang mga trabaho. I already visited Dia before I came here to my office and she's now perfectly fine. Mamaya ay magkakaroon kami ng meeting dahil sa naging desisyon ni Commander Nazi na ibenta ang kalahati ng organization. Maging ang ibang miyembro ay sumang-ayon naman dito pero tulad ng gustong mangyari ni Commander ay gusto n'ya pa ding mag pa-meeting para na rin daw makilala namin ang nag mamay-ari ng kalahati nitong organization. Kahit maraming pondo ang organization hindi din kasi basta-basta ang gamot na 'yon. Iisang tao pa lang ang meron at 'yon nga ang sinabi ni Commander na nag may-ari ng kalahati ng organisasyon. I felt sad a bit dahil dapat ay hindi basta makakapasok ang kung sino man ng ganito kabilis sa organisasyon pero wala naman kaming ibang magagawa. Sana lang ay hindi na s'ya mangialam pa sa mga misyon at maging tahimik s'ya sa mga malalaman n'ya dito. Agad akong napatingin sa cellphone ko nang
Ezra's POV "N-Nexus.." 'yan na lang ang tanging nasambit ko nang makita ko s'yang bumaba sa magarang kotse n'ya. Why he's here? May kailangan ba s'ya? He's wearing a black tuxedo at marahan s'yang sumandal sa kotse habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay panandaliang tumigil ang pagpasok ng hangin sa baga ko. Damn, this man is devilishly handsome! "Done checking me out?" Ngumisi pa ito kaya naman ay para akong natauhan at napapahiyang lumapit sa kinatatayuan niya. Inirapan ko lang s'ya nang makitang nakangisi pa din s'ya. "What are you doing here?" Seryosong tanong ko at tumayo naman s'ya ng maayos at inalis ang espasyong nasa pagitan naming dalawa. Kamuntik pa akong mapa-atras dahil sa paglapit n'ya! "I'm going to fetch you." baritonong saad h nito at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Napakurap naman ako at bahagyang umatras ng kaonti. "Si tito ang magsusundo sa akin." malamig kong saad at akmang tatalikod na ng hablutin n'ya ang kamay ko. "Sakay sa kotse, Captai