Share

Chapter 6: One Circle

Ezra's POV

Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari doon sa muntik ng pagpatay sa lalaki na dinala sa gubat, napansin ko namang naging okay na si Cody at bumalik na s'ya sa pagiging pabibo n'ya.

Napagpasyahan ko rin na bumili ng condo unit para doon ilipat ang mga gamit ko at hindi na masyadong mag-usisa si Cody. 

"Siswang, sure ka na ba ditey sa condo unit na ito? Deal na talaga diz?" Maarteng saad ni Justin at napairap nalang ako. 

"Kailangan ko 'to para hindi na maghinala 'yung magaling kong kapatid.." malamig kong saad habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad sa hallway. 

Nang makarating na kami sa tapat ng condo unit na napili ko, nakita ko pa ang palinga-linga ni Justin sa paligid at siguro'y nagbabakasali s'yang maghanap ng lalaki rito. 

In-enter ko na ang passcode para makapasok kami at literal naman na napanganga si Justin nang makita ang kabuuan sa loob. 

"Iyang kapatid mo kasi ang galing maka-radar! Daig pa 'yung training dog eh!"

Komento nito kaya naman napangisi ako sa narinig, simula bata pa lang kami'y ganiyan na 'yang si Cody pero alam kong kapag ganiyan s'ya, he just want my attention. The way kung paano n'ya ko asar-asarin sa araw-araw. 

"What do you expect, sa mga bunso?" I just rolled my eyes while checking everything, habang s'ya naman ay daig pa ang reyna kung makaupo sa sofa. 

"So, what's the plan anyway? Paano natin matatakas ang ibang gamit mo doon knowing na ang future husband kong si Shan ay nasa kompanya at ang parents mo ay malamang nasa mansion n'yo tapos idagdag mo pa yung kapatid mo." saad nito kaya naman ay agad akong napaisip. 

Plano kasi naming ilipat dito ang lahat ng mga confidential files na hawak ko lalong-lalo na 'yong kay Chase.

May mga baril din doon, even a bomb! Hindi naman pwedeng ilusot ko sa bintana dahil may mga guards na bantay and the only way para mailabas ko iyon ay kung kasama si Justin.

S'ya ang bahalang makikipag-usap kila mommy dahil wala atang araw na hindi nakakaligtaan ni mom na i-check ang gamit ko lalo na at sinisigurado n'yang wala akong naiiwanan o nakakalimutan na importanteng bagay. 

Agad kong tinungo ang banyo and everything is perfect! Ako na din ang personal na mag lilinis dito dahil mahirap na, kaya ko nga ito kinuha para sa oras na may mga case kami o requested mission puwedeng dito kami tumambay ni Justin. 

"Hoy barbielat! Ang ganda ditey!" Si Justin na halos makita na 'yong gilagid kung makangiti ay wagas habang hawak nito ang kaniyang selpon at animo'y may ibang kausap kaya napailing na lamang ako.

For sure si Dia na naman ang iniinggit n'yan. 

Ilang oras din kaming nag-stay ni Justin dito at dumating din ang in-order n'yang pizza at fried chicken. 

"Grabe si kuyang delivery boy! Napagkamalan pa akong asawa mo, dzai!"

Nakasimangot nitong saad dahil noong hinatid ng delivery man ang mga in-order n'ya sinabihan pa kaming maganda raw ang magiging lahi naming mag-asawa. 

"Alam mo kasi, kahit pa anong wig mo d'yan at tago sa pagiging lalaki mo wala eh, namana mo 'yung mukha ng papa mo! Barakong-barako!" Saad ko pa kaya naman ay mas lalo s'yang sumimangot.

"Shutaneeees. Ang unfair naman ng layf! All I want is maging girl na talaga para madiligan akooo!" Sigaw nito kaya ay napailing lang ako. 

Matapos naming kumain ay agad kaming umalis para pumunta sa bahay. Wala naman siguro silang pinagkakaabalahan ngayon?

Nah, I'm not sure.  

"Alam mo Captain? Naisip ko lang ha? ang ganda mo pero single ka pa din, hehehe." bakit parang naririnig ko sa kaniya si Tito Pabio? 

I just rolled my eyes habang nakatingin sa labas, s'ya kasi ang nagda-drive ngayon. 

"Hindi ko kailangan n'yan. Ang importante sa akin ngayon ay mahanap si Chase." seryosong saad ko at napangiti naman s'ya sa narinig.

Justin is one of my good friend, kahit ganiyan 'yan ay maaasahan ko naman all the time. Well, puwera nalang kapag lalaki na ang usapan. Literal na para bang nagiging sinto sinto. 

"Yes. Nararamdaman ko 'yong kagustuhan mo, pero puwede naman atang pag sabayin diba? Hihi." Pahayag nito na ikinailing ko naman.

Wala na nga akong oras para sa pamilya ko tapos isasabay ko pa 'yan? Tsk. 

"Alam mo, men do cheating kapag wala kang time sa kanila. So, bakit pa kung alam ko namang wala akong magiging oras sa ganiyang bagay?" Tamad kong saad at grabe naman ang reaksyon n'ya sa narinig mula sa akin.

Yung tumingin pa siya at parang hindi makapaniwala sa narinig. 

Bakit? Totoo naman diba? Gano'n naman sila.

Tulad ni As- whatever.

Tapos irarason kesyo may pagkukulang at kung ano-anu pa. Ano, kukuha ako ng bato para lang ipukpok sa sarili kong ulo? Tsk. 

"Ay grabe dzai! Judgemental ha?! Hindi naman siguro lahat. May iba pa ding faithful at kaya maging loyal sa isang babae kaso super rare no'n! Endangered species kumbaga.." seryosong saad nito.

Kung makapapayo ang lakas, samantalang wala rin naman s'yang boyfriend duh! 

Nang makarating kami sa bahay ay agad n'yang ipinark ang kotse at sabay kaming bumaba. Nagtaka pa ako sa mga iba't-ibang kotse na nakaparada doon. May bisita ba? Pero parang ang dami naman ata?

"Mukhang may mga visitors ah? Hihi, sana may mga guwapooo! Papadilig talaga ako!" Tatawa-tawang saad ni Justin at pumasok na kami sa loob. 

Bumungad lang naman sa amin sina tito Pabio habang kasama sila mommy at dad. They even tossed their wine glass at mukhang nagkakasayahan silang lahat.

Si Cody na halos makita na ang ngala-ngala sa kakatawa. Nandito rin 'yong mga kumuha kay Justin noon kaya mabilis na tumingin sa direksyon ko si Justin.

Naramdaman ko naman ang panandaliang pagbagal ng paghinga ko. Agad naman nila kaming napansin at nakita ko pa ang bahagyang pagngisi ni Tito Pabio nang makita ako. Tsk.

"Hey, yow Ezra!" Masayang saad ni Cody habang katabi 'yong Calliope na may payakap-yakap pa sa akin noon.

"Ezra, anak? Medyo maaga ka atang nakauwi ngayon?" Si dad na katabi si mom habang hawak ang wine glass.

Bakit ba nagtataka sila kung maaga akong nakauwi? Minsan nga mas maaga pa, mga 1:00 am gano'n!

"Hello po sa inyooooo! And Hi sa mga fafable na nandito hihi." malanding saad ni Justin at nakita ko naman ang pagngiti ni mommy.

Pumasok kami at naupo sa bakanteng sofa. Naramdaman ko naman na may nakatitig sa akin kaya mabilis kong inilibot ang aking paningin at nahuli kong si Nexus 'yon!

Problema n'ya? Tsk. 

"Long time no see sa favorite kong pamangkin hehehe!" Si Tito at talaga namang amoy na amoy ko ang pang-aasar n'ya. 

"Birthday ng tito mo kaya dito na s'ya nag-celebrate." si mommy naman ang sumabat at narinig ko pang nag tatawanan sina Cody at Calliope.

Nakita ko naman ang pag-roll eyes ni Justin. 

"Landi amp!" Bulong ni bakla at napa-crossed arms na lang sa inis na nararamdaman. 

"I see. Happy birthday, Tito." pinilit kong pasiglahin ang boses ko pero parang wala namang nangyayari dahil tunog seryoso pa rin at pormsl. Kaya bahagya ko s'yang nginitian. 

"Ezra, nagkita raw kayo ni tito last time, Is that true?" Si Cody na tumigil na sa kakabulong at kakatawa.

Kaya naman ay saglit akong tumingin kay Tito at ngumisi ulit ito.

Damn. 

"Yes." Maikling sagot ko at tumango-tango pa si Cody 

Ito yung ayoko eh. Yung mag-uusisa sila sa 'kin. 

"Ano pa lang pinagkakaabalahan ng maganda kong pamangkin?" Si tito na nilingon sina mommy bago tumingin ulit sa akin.

Ngumiti naman si mommy at mukhang marami-rami s'yang iku-kuwento. Knowing her, she's a proud mom!

"Well, may sariling negosyo si Ezra kasama na ang kaibigan n'yang si Justin. I am so proud dahil lahat sila ay maayos na nakapagtapos at may kaniya-kaniya ng negosyo!" Masayang saad ni mom at narinig ko pa ang pagtawa ni Tito Pabio at napansin ko rin na napangisi ang iba. 

"Really? That's good to hear! Well, nakaka-proud nga naman." bakas sa boses ni Tito ang panunuya pero hindi ko s'ya papatulan.

I know him, gusto n'yang i-hot seat ako rito at kumagat sa pinapain n'ya!

"Anyway sis. Kilala mo ba sila? I bet hindi. Matagal ko na silang mga kaibigan and madalas silang pumunta rito pero late kana kasing umuuwi kaya hindi mo sila naabutan.." nakangiting saad naman ni Cody at wala namang ibang ginawa si Justin sa tabi ko kundi ang kindatan 'yung Flare na halos magsalubong na ang kilay.

"Yes, kilala na n'ya kami.." para namang tinatambol yung dibdib ko sa kaba habang tumatagal na nandito ako.

Feeling ko maso-soffocate ako ng wala sa oras! Napalingon ako sa nagsalita at si Nexus 'yon! Hawak n'ya ang wine glass at prenteng nakaupo sa single sofa.

Kulang na lang ng mga taga-paypay para magmukha na s'yang hari sa kinauupuan n'ya. 'Yun bang kaya kang i-look down dahil feeling n'ya s'ya lang ang pinakamataas at makapangyarihan. 

Bahagya akong napairap nang magtama ang aming paningin. 

"R-Really? How come?" Takang tanong ni Cody 

"We met her last time, and we didn't know na kapatid mo pala s'ya!" 'Yung Zack naman ngayon.

Gusto kong magsalita pero ayoko ng sumali at mambato ng salita sa kanila. Pakiramdam ko, ako 'yung hari sa chess game at anytime pwede nilang i-check mate! 

Tamad akong tumayo at tumingin kila mom at dad. 

"Aakyat lang po ako." paalam ko at tumango lang sila bilang tugon.

Mabilis akong pumunta sa kuwarto ko at ini-lock ang pinto. Inilabas ko ang malaking bag at doon ko inilagay ang iba't-ibang klase ng baril na meron ako.

Pati ang susi ng mga sasakyan ko na hindi pa nakikita ng pamilya ko. Inilagay ko naman ang file sa loob ng bag at ang laptop ko na ginagamit ko lang para sa paghahanap kay Chase. Tinanggal ko rin ang mga pictures na nakadikit sa dingding. 

I should be more careful this time. Wala na dapat pang ibang makaalam dahil kung hindi, ay wala ng patutunguhan ang lahat ng mga pinaghirapan ko!

Binitbit ko na lahat ng kailangan kong ilabas sa kuwarto at dalawang bag ang dala ko kaya naman naisip kong sa kitchen na dumaan lalo na't magkakasama naman sila.

Nang makalabas ako ay binuksan ko kaagad ang kotse ko at inilagay doon ang mga gamit. Isinarado ko ang pinto at sumandal dito, napapikit pa ako at agad ding nagmulat ng mga mata ng may marinig akong yabag. 

"Be thankful na hindi nagsalita si Mr. Pabio tungkol sa sikreto mo." malamig na saad ni Nexus kaya naman napakunot ang noo ko ng makita ko s'ya. 

Ano bang ginagawa niya rito?

"Why should I be thankful? Kung plano n'yong sabihin edi sabihin n'yo na. It has nothing to do with me!" Inis kong saad at bahagya pa s'yang ngumisi dahil sa narinig.

"Really? That's why you almost forgot to breath no'ng nakita mo kami." sambit nito at inilagay sa magkabilang bulsa ang mga kamay. Lumingon ito sa akin at diretsong tumingin sa mga mata ko. "Stop what you are doing right now. It can ruin someone big time." kung gaano s'ya kalamig magsalita ganoon din s'ya kalamig kung tumingin.

At sino ba s'ya para sundin ko? 

"And who do you think you are para pakinggan ko? I would not accept that piece of advice, ako pa din ang magdedesisyon!" Inis kong sambit at nakita ko naman si tito na palapit sa amin. 

"Ezra, we're on one circle here! Oo, kabilang kami sa black organization but it doesn't mean na katulad kami ng iba." sabat ni tito habang nakatingin lang sa mga bulaklak.

"And?" Awtomatikong umarko ang aking kilay. "What do you want me to do tito? Stop finding Chase? Isinugal ko na lahat, kaya hindi n'yo 'ko mapipigilang hanapin s'ya." seryosong sabi ko at seryoso naman itong tumingin sa akin. 

"I will never doubted you and your skills, Ezra. Noong araw na nalaman kong kasali ka nga sa organization na 'yan, I become more worried. Hindi natin nakikita ang lahat ng mga kalaban sa paligid. Kung hindi man kita mapipigilang umalis sa kinalalagyan mo ngayon ,then I will just support you, but once your family- especially your father know your little dirty secret.. I can't do anything about it!" matapos n'yang sabihin 'yon ay agad ako nitong iniwan at pumasok s'ya sa loob. 

He's right. Alam kong kapag nalaman nina dad ang lahat, gagawin n'ya ang lahat ng mga posibleng paraan para mapigilan ako.

Kaya dapat na mas mapabilis ko ang paghahanap, sa tingin ko rin ay nagdududa na si kuya Shan.

Last time, naisipan n'yang biglaang bumisita sa negosyong idinadahilan ko sa kanila. He even asked me kung sino-sino ang mga nag-iinvest sa amin. 

Mabuti nalang at naibigay ni Arielle ang mga records at nakabisado ko kaagad. 

-

Please stay tuned for more upcoming chapters! I hope you like it. Comment and rating of this story are well appreciated! God bless and stay safe. Lovelots!꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rogelio Rosales Su
wow ganda ng story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status