Share

Kabanata XXI

UNTI-UNTI kong iminulat ang mga mata. Nagtaka ako nang makita ang Ate Frixie ko na iyak nang iyak habang hawak ang kamay ko.

Bumakas ang gulat sa mukha niya nang makitang gising ako.

“Aniela!” bulalas niya. Dali-dali siyang tumakbo palabas ng silid kung nasaan ako. Wala akong nagawa kung hindi sundan lamang siya ng tingin.

Mayamaya'y inilbot ko ang paningin. Puting-puti ang buong lugar at naiiba lamang ang kulay ng kurtina. Kulay beige kasi iyon kaya nakapupukaw ng pansin.

Binalak ko sanang tumayo nang mahagip ng paningin ko ang nakatusok sa likod ng kamay kong iv fluid. Gusto ko sanang matawa dahil kung dati-rati ay ako ang naglalagay niyon sa pasyente pero ako ngayon ang mayroon n'on. Nang maisipan kong tanggalin 'yon, napangiwi ako nang makitang naka-cast ang isa kong braso.

Kaya napagtanto kong totoo ang lahat ng nangyari. Hindi 'yon panaginip.

Pero may isang bagay akong naalala na gusto kong matiyak na totoo mula sa mga natunghayan kong nangy

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status