Share

Sixty Seven

Jarred

Alam kong hindi inaasahan ni Shella Mae ang biglang pagsulpot ko ng mga sandaling iyon.

Kahit na batid kong may kausap pa ito sa phone ay pilit ko pa ring pinalakas ang loob ko na malapitan siya at makausap.

Ayukong masayang ang pagkakataon na ito bago man lang ako ganap na lumayo sa kaniya. Ikalawa, ayuko ring masayang ang todo preparations ni Liza para magkita kami at makapagpaalaman, kung saka-sakali man.

May konting kirot na umalma sa puso ko ang ideyang magkakahiwalay na nga kami ni Mj/Shella Mae ng tuluyan.

Nakita ko kung paano parang namutla at tila matutunaw sa kinauupuan niya si Shella Mae. Bukod sa nagulat ito ay hindi rin siguro nito sukat isipin na nandoon ako. Lalo kong naramdaman ang pagkataranta ng mukha niya at parang ibig maglaho ng bigla na lamang sa sirkulasyon huwag lang ako makita akong papalapit.

“W-what are you doing here?”

Hinayaan ko muna ang sariling makalapit sa kaniya ng tuluyan bago ako sumagot.

‘What do you mean I’m doing here? It is a restaurant
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status