Share

Chapter 35

Allison POV

"Hala, ang gandaaa," nakangangang bulalas ko. Napabitaw ako kay Jazzer at nanguna sa paglalalakad.

Hindi ko maiwasang mamangha nang sandaling makapasok kami sa mismong resort. May makukulay na payong ang nakasabit sa ere. Pinaghalong pink, red, blue, yellow, orange at kung ano-ano pa. Matatas rin ang mga puno ng niyog. Habang sa taas ay may nakasulat na 'The Venue beach resort' kung saan iyon ang pinakapangalan ng resort nila.

Mabilis lang kaming nakarating dito gamit ang van na hiniram ni Cassandra sa mommy niya.

Isa-isa kong nilibot ang paligid. May ilang kubo na gawa sa kawayan, ang bubong ay gawa naman sa pawid. Halatang napakapreskong pumasok doon. Nakangiti kong tiningala ang asul na langit at hinayaang dumampi ang sariwang hangin sa balat ko. 

Napatingin ako kay Jazzer nang bigla ay isuot niya sa akin ang sunglass na suot niya kanina lang.

"Baka masilaw ka," natatawang sabi niya, bakas ang tuwa habang pi

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status