NAGUGULUHANG NAGTATAKA pa rin si Evie sa kausap. Napapatingin naman siya sa may labas na malakas pa rin ang ulan.
(Silver? It's me, Georgia!)
Lalong kinabahan si Evie dahil hindi mukhang client o empleyado ang dating ng pagtawag nito kay Silver. Napatingin naman siya kay Silver na ganoon pa rin ang posisyon.
"He -- hello?" pagsasalita na niya. "I'm sorry, who's Georgia is this?" pormal pang sagot ni Evie.
(Is this Silver's number?")
"Ahm, oo. Sinong Georgia toh?"
(Ikaw? Sino ka?!) tila singhal ng babae sa linya at kinabigla iyon ni Evie.
"Ikaw ang sino? Ikaw ang tumawag eh!" mabilis na pagsagot ni Evie na hindi niya napigilang mapasinghal rin dahil sa tugon ng kausap. Bigla siyang na-beast mode rito.
(Bakit ikaw ang sumagot ng phone ni Silver?! Sino ka?!)
"Eh bakit ka tumatawag kay Silver?! Sino ka?!" tila ganting sagutan naman nila over the phone. Mabilis namang na-high blood si Evie dahil nababastusan siya sa kausap.
(Fiancé niya ako! Sino ka ha?!) pagsigaw pa rin nito na labis na kinabigla ni Evie.
"Fiancé?! Sigurado ka? Bakit wala naman siyang nabanggit nung pilit niya akong inuwi dito sa condo niya?!" hindi naman nagpapasindak si Evie rito. Nakuha pa niya itong asarin upang makaganti sa pagmamaldita nito sa kanya.
Minamalditahan siya ng kausap kaya ganito rin ang tugon niya rito.
(Nasaan ba si Silver ha?!)
"Nandito sa tabi ko, natutulog eh. Gisingin ko na ba?!" sarcastic pa nitong sagot.
(What the fuck?!)
"Yeah! What the actual fuck! Saka fiancé? Pero hindi naka-save number mo sa phone niya?! Baka nagiilusyon ka lang?!" hindi na talaga napigilan ni Evie ang pagiging mahadera niya.
Naramdaman niyang natahimik ang babae sa linya. Halos hingalin naman siya sa tensyong nararamdaman. Nanlalamig lalo ang mga kamay niya at halos mapalundag siya ng lingunin si Silver na nakatingin na sa kanya na tila nagtataka.
"Oh! Si Georgia! Fiancé mo daw!" singhal ni Evie at pag-emphasised ng salitang fiancé sabay abot kay Silver ng phone nito.
Inabot naman kaagad ito ni Silver ngunit pinatay niya ang tawag. Hindi naman malaman ni Evie kung galit ba ito sa kanya dahil sinagot niya ang phone nito o nahihiya sa kanya.
"Sorry ah? Sinagot ko, akala ko kasi importante dahil unregistered number naman. Para magising sana kita kaagad kung importante man!" tila galit pa ring saad ni Evie na nagpapakalma ng sarili.
Nilapag lang ni Silver ang phone niya sa coffee table.
"Fiancé pala ah? Fiancé na pala!" pasaring ni Evie na hindi makapaniwala. Pakiramdam niya naloko siya pero mas hindi niya maunawaan kung bakit parang nagagalit siya sa mga nalaman.
"Hindi ko siya fiancé. Nagiilusyon lang talaga yun."
"Eh di wow!"
"Kita mo unregistered number di ba? Naka-block kasi sa akin mga gamit niyang number noon. Bagong number na naman siguro ang ginamit para ma-contact ako." malumanay pa ring paliwanag nito.
Napapabuntong hininga si Evie ng malalim para makalma ang sarili.
"Kakontakan na naman pala.." pasaring pa rin ni Evie dahil napagtanto na niya kung sinong Georgia ito. Ang dating reto kay Silver ng stepmom nito.
Marami ng naging reto kay Silver ngunit itong Georgia ang pinaka matyaga at desperada na. Napagaawayan na rin nila ni Evie ito dati dahil kahit alam ni Georgia na ang tungkol kay Evie, nagpupumilit pa rin ito sa kanya.
Dalawang beses ng tinatakasan ito ni Silver sa pagpapakasal at nagtatago sa Canada. Nangyari ang lahat ng ito bago pa man niya nakilala si Evie, kaya noong naging sila nito ay tuluyang nawala ito sa eksena kahit pa nagpupumilit pa rin kay Silver makalapit, ngunit todo iwas naman doon ang binata dahil mahal talaga nito noon pa man si Evie, ito ang gusto niyang mapangasawa hindi kung sino lang lalo na yung Georgia na iyon.
"Hindi ko siya kakontakan. Nalaman lang siguro ang number ko kay mama."
"Kaya pala kung makapagtanong kung nasaan ka parang obligadong sabihin sa kanya? Bakit kailangan mo pang itanggi?!"
"Hindi naman kasi talaga! Hindi ko siya fiancé noh! Ilang beses ko ngang tinakasan yun noong hindi pa kita kilala, what more ngayon di ba?!"
"Eh di ba nga sabi mo kino-consider mo na rin yun kapag nag-failed tayo?! Ayan! Nag-failed na di ba?! So, no wonder na in-entertain mo ulit!"
"Hindi nga sabi! Sige! Tawagan mo! Tanungin mong mabuti kung nag-propose ba talaga ako sa kanya o kung may relasyon ba kami!" pagkuha at sabay abot pa ni Silver ng phone niya kaya Evie. Inirapan lang naman siya nito.
"Wala akong pakialam! Magsama kayo!"
"Nagpupumilit lang yun dahil akala niya mapapansin ko na siya porket --" tila natigilan naman si Silver dahil nagalangan.
"Porket ano? May nangyari ulit sa inyo?!"
"Wala noh! Kahit vaccinated pa siya, hindi ko siya pinatulan."
Hindi naman mawari ni Evie na nakaramdam siya ng pagka-intimidate sa nalaman.
"Wow ah? Talagang nagpa-vaccine din siya? Prepared?" hindi malaman ni Evie kung bakit may inis talaga siyang nararamdaman sa babaeng ito at sa mga pinaggagagawa.
"Malay ko sa kanya!"
"Porket ano nga?!"
Pagpupumilit pa rin ni Evie malaman ang katotohanan kahit pa alam niyang mukhang hindi niya ito magugustuhan.
"Na inasikaso niya ako noong nasa ospital ako." hindi naman makatingin ng diretso si Silver.
"Noong naospital ka kamo ng isang buwan?! Akala ko ba si Andrei ang nauutusan mo?"
"Oo nga. Nachismis din ni mama sa kanya na nasa ospital nga ako noong nalaman din niya yun kay Andrei. Eh di yun ang loka -- sumugod talaga ng ospital, nagpupumilit asikasuhin ako kahit pina-ban ko pa ang pagbisita sa akin."
"Pina-ban?! Ako ba talagang pinaglololoko mo?! As if I didn't know na natuwa ka pa kasi inasikaso ka niya! Sana siya na lang ang pinuntahan mo noong nahirapan kang huminga, for sure baka minouth to mouth ka pa!"
Napapasabunot naman si Silver sa sariling buhok dahil mukhang hindi siya pinaniniwalaan ni Evie.
"Hindi ko yun ginusto! Pinalalayas ko nga siya. Siya lang nagpupumilit ng sarili niya sa akin!" tila inis na ring tugon ni Silver dahil sa tono ni Evie ay nagpupumilit ito na karelasyon niya ang Georgia na iyon.
Lalong nanggalaiti naman si Evie at napakuyom ng kamao. Pinaikot na lamang niya ang mga braso sa harapan dahil labis na siyang nanginginig sa pagkainis. Hinihingal man, pilit niyang pinapakalma ang sarili ngunit sa mga narinig niya, hindi na niya kaya pang magpigil.
"Ahh.. Pero nagpaasikaso ka naman kasi kaya feeling fiancé na bigla! Napakasinungaling mo talaga!"
Napatingin naman si Silver sa kanya na hindi nagustuhan ang sinabi niya. Hindi rin kasi malaman ng binata kung papaano magpapaliwanag kay Evie. Kilala niya ito, at alam niyang galit ito ngayon.
"Anong sinungaling dun?!"
"Hirap ka ba talaga magsabi ng totoo? You had your chance kanina na sabihin ang totoo noong kinuwento mo na. Pero never mong nabanggit ang tungkol sa reto mong nandoon pala! Napakasinungaling mo pa rin talaga! Same old Silver!" bulyaw naman nito sabay kinuha ang bag na nasa solo chair sofa at phone na nasa coffee table.
Kaagad itong nagtungo sa may pinto, dinampot nito ang sandals na nakatabi doon ngunit mabilis siyang hinablot ni Silver upang pigilan.
"Ano ba?!"
"Makinig ka muna kasi." mahinahong tugon naman ni Silver.
"Bitawan mo ko!" malakas na paghigit ni Evie ng braso niya bilang pagpalag ngunit matindi ang pagkakahawak ni Silver sa pulsuhan niya.
"Walang namamagitan sa amin ni Georgia, okay? You have already proven na ni hindi naka-save number niya sa akin. Does mean, wala talaga akong pakialam sa kanya. Kaya after kong maka-recover nun, hindi na ko nagbalik muli ng Pangasinan kasi baka punta-puntahan naman ako sa bahay ko doon. At ayokong may ibang nagpupunta doon. " paliwanag pa niya.
"Still, nagsinungaling ka pa rin tungkol sa kanya noong naospital ka!"
"Hindi naman sa nagsinungaling ako, hindi ko nabanggit kasi hindi naman mahalaga yun. Balewala sa akin yun."
"Yan.. Dyan ka magaling! Hindi aamin hangga't hindi tatanungin noh? Hindi aamin hangga't hindi mahuhuli! Wala kang pinagbago! You're still an asshole!"singhal pa rin ni Evie na halos nanginginig na sa inis.
"Bakit ka ba nagagalit ha?!"
"Hindi ako galit!" sigaw pa nito at malakas ulit na hinigit ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Silver, napabitiw naman na sa kanya si Silver.
"Please Evie!"
Paghabol niya pa rin dito dahil nabuksan na ni Evie ang pinto ngunit mabilis din iyong itinulak ni Silver pasara.
"Please Evie, don't be like this."
Napahinto naman si Evie na tila nagtitimpi talaga. Napahinga na lamang siya ng malalim para makalma ang sarili.
Seryoso niyang hinarap muli si Silver na tila hindi sila nagtatalo.
"Alam mo, wala naman akong pakialam kahit sinong babae pa ang kinakalantari mo na ngayon. It's in your nature dati pa di ba? Hindi nakakapagtaka na bumalik ka sa ganoong gawain."
"Hindi ko gawain yun! Tingin mo may papatol pa sa aking babae kapag nalaman ang totoong kondisyon ko?!"
"Oo! Yung reto mo! Vaccinated na nga oh? -- Saka pwede ba? Tama na, Silver! Kahit ano pang sabihin mo, I'm done with your lies. Hindi mo kailangan magpaliwanag sa akin dahil wala naman talaga akong pakialam na!"
Tila may kirot naman kay Silver ang mga narinig kay Evie. At hindi naman malaman ni Evie kung bakit may naramdaman siyang sakit gayung ginusto naman niyang sabihin ito sa binata dala na rin ng emosyon niya rito. Pilit niyang pinipigilang magpakawala ng luha sa mga mata niya kaya panay hinga siya ng malalim upang makalma.
Binuksang muli ni Evie ang pintuan at hindi na iyon pinigilan pa ni Silver ngunit napahawak siyang muli sa braso ni Evie upang pigilan ito. Nagsusumamo ang mga mata nito sa dalaga na huwag siyang iwan ngunit hindi maisatinig. Labis siyang nanghihina dahil sa sakit ng nangyayari sa kanila.
"Do me a favor, kalimutan mo na lang ang lahat ng nangyari simula noong nandoon ka sa labas ng compound at nahirapang huminga. Kalimutan na lang natin ang lahat at huwag na sanang malaman ng iba. Tigilan mo na lang ako." pagdiin pa nito sa mga huling salitang binitiwan bago tuluyang lumabas ng condo unit ni Silver.
Hindi naman na nagawang pigilan ni Silver si Evie dahil alam niyang lalo itong magagalit sa kanya kapag nagpumilit siya rito. Napasigaw na lamang siya at suntok sa makapal na wooden door. Dito niya binuhos ang lahat ng emosyon at galit lalo sa sarili.
Buong akala niya ay masaya na siya sa araw na ito, hindi pa rin pa pala. Labis siyang nanggagalaiti dahil sa nangyari. Kung masasakal niya lang siguro ang Georgia na iyon ay nagawa na niya.
Nananakbo naman si Evie patungong elevator ng palapag. Magkahalong kaba at takot na baka sinundan pa siya ni Silver ngunit hanggang sa makarating siya doon ay walang Silver na nakasunod. Kanina pa siya nagpipigil ng emosyon niya.
Nang makapasok sa elevator ay may iilan siyang nakasabay roon. Kaagad niyang sinuot ang sapatos dahil nakayapak pa siya ng manakbo palabas ng unit ni Silver.
Nang makarating sa ibaba ay kaagad siyang nagpa-book ng masasakyan, ilang minuto lamang ay dumating na ito kahit pa napakalakas ng ulan.
Habang nasa byahe, hindi na nakaimik si Evie. Natutulala na lamang siya at napapakuyom sa tuwing maiinis sa naalalang nangyari. Maraming pumapasok sa isip niya ngunit alam niyang wala siyang karapatang magalit man lang tungkol roon. After all, hiwalay naman na sila ni Silver.
Medyo matrapik dahil inabutan na siya ng rush hour plus malakas ang ulan at paskong pasko pa! Pero hindi niya alintana ito dahil tila wala siyang buhay na nakaupo sa back seat at nakadungaw sa bintana ng sasakyan.
"Mag-ibang ruta na lang po ako Ma’am, baka abutan pa tayo ng pagbaha sa Magallanes eh." saad naman ng driver na hindi inimikan ni Evie.
Madilim na ng makauwi siya sa bahay niya. Malakas pa rin ang ulan ngunit wala siyang pakialam kahit nababasa na siya. Naglakad siya papasok ng compound na tila parang zombie na nalugi.
"Ma’am! Baka magkasakit po kayo!" pagsigaw ng guard na papalapit na sa kanya at may dalang malaking itim na payong.
"Okay lang po kuya!" pagtanggi niya rito at binilisan na lamang ang paglalakas upang makapanik na sa unit niya.
Pagpasok niya ng bahay niya ay halos mapipiga na ang damit niya dahil pati underwear niya ay basa. Mabuti na lamang at water resistance ang bag niya kaya hindi siya nangambang mababasa ang phone niya roon. Ngunit tila isa pa rin siyang basang sisiw na walang nasilungan.
Sakto namang tumunog ang phone niya at dinukot iyon upang tingnan kung sino ang tumatawag. Si Benjamin.
Ni hindi siya na-excite o natuwa. Initsa lang niya ang phone niya sa sofa. Ngunit bigla niyang naalala roon si Silver na nakahiga.
Napaupo siyang bigla sa sahig dahil nawalan talaga siya ng enerhiya. Mabilis namang lumapit sa kanya ang alagang asong si Steve at pinagdidilaan ang mukha niya at braso.
Inawat niya ang aso ngunit dinidilaan pa rin siya nito dahil nga siya ay basang-basa pa.
"Gago talaga yang daddy mo, napakasinungaling pa rin. Paasa!" saad niya sa aso at siya rin mismo ay natigilan sa nasabi niya. Nasabi niyang daddy ni Steve si Silver.
"Hinding-hindi ko na talaga hahayaang mauto pa niya ako! Hayup siya!"
Tila nanggagalaiti si Evie ngunit labis pa rin siyang nalulungkot.
NANG makabalik si Silver sa salas niya ay narinig niya ang vibration ng phone na nasa coffee table niya. Dinampot niya iyon at nakitang unregistered number. Naiinis man, sinagot niya ito.
(Hello?! Silver?!)
Magsasalita pa lamang siya ngunit naunahan na siya nito na tila matigas ang tono ng boses kaya ngayon ay hindi na niya kailangang magpanggap.
"Ano ba?! Hindi mo ba talaga ako titigilan Georgia?!" singhal niya kaagad rito. "Hindi ka na nahiya sa sarili mo! Nilalayuan ka na't lahat, nagpupumilit ka pa rin!"
(I just want to know if you're okay, umuwi ka daw ng San Fabian, hindi ka man lang dumaan sa mama mo.) pagpapakumbaba naman nito kahit pa sinisinghalan siya ni Silver.
"Wala kang pakialam! Wala akong pakialam sa inyo! Kaya pwede ba?! Huwag niyo na akong pakialaman!"
(Si -- sino yung sumagot ng phone mo kanina? Si Evie ba yun?) tila may inis rin sa tono nito.
"Oo! At tigilan mo na kami! Tigilan mo na ko! Ang kapal mong sabihing fiancé kita?! Kahit kailan hinding-hindi kita gugustuhin, nagkabalikan man kami ni Evie o hindi!" sabay malakas na hagis nito ng phone niya sa terrance at paniguradong nalaglag ito mula 12th floor.
Ibinagsak ni Silver ang sarili sa sofa at tinadyakan ang coffee table. Sobra siyang naiinis bakit kung kailan maayos na sana ang takbo ng nangyayari sa kanila ni Evie, bigla na namang may humahadlang. Paniguradong nagalit na naman ito sa kanya kahit pa wala naman talaga siyang ginagawang masama.
Hindi niya sinabi ang buong katotohanan noong naospital siya dahil hindi rin naman niya gustong maungkat pa ang pangyayarimg iyon. Na kahit siya ay ayaw niya nangyaring iyon.
Gusto niya sanang maginom ngunit naalala niya na baka atakihin na naman siya ng sakit niya at hindi siya makakahingi basta ng tulong dahil binato niya ang phone niya. May spare phone siya ngunit walang sim cards iyon kaya hindi rin makaka-contact.
Napahilamos na lang siya ng mukha sabay tingalang mabuti sa sandalan ng sofa niya. Napatulala na lamang din siya sa kisame at pilit na pinapakalma ang sarili.
MATAPOS ni Evie makapaglinis, napansin na niya ang mga regalong nasa gilid ng cabinet niya kaya naupo siya sa carpeted floor na silid at tinabihan ang mga ito.
Inisa-isa niyang nilabas ang mga regalong nasa malaking paper bag. Yung iba nakakalat dahil hindi na kasya doon.
Una niyang binuksan ang mga malalaki hanggang sa maliliit na regalo. Natuwa naman siya ng nakatanggap siya ng tatlong dosenang instant coffee na may metal tumbler. Galing iyon kay Fe dahil alam nito kung gaano siya kahilig sa kape.
Sumunod ay may natanggap rin siyang mga makeups at any beauty products. Mayroon ring mga accessories at office tools, may mga gift checks rin sa mga restaurants, supermarkets at hotel. At ang pinakamalaking box ay naglalaman ng nakuha niya sa exchange gift nila, kalahating kaban ng dog food. Oo, ito ang nasa wish list niya dahil halos kompleto naman na siya ng gamit sa bahay.
Nang magawi ang tingin niya sa box na inaakala niyang bigay ng katrabaho, dinampot niya iyon at muling kinalog. Binasa niyang muli ang nasa card nun na tanging pangalan lang niya ang nakasulat. Mabilis niyang tinanggalan ng balot at napasinghap siya ng makita ang laman nun. Isang itim na box na may naka-engraved name na Rolex.
Kaagad niya iyon binuksan at halos mapanganga siya sa nakita. Totoong Rolex watch nga. Napayakap siya rito at hindi makapaniwala.
Sino naman kaya ang magreregalo sa kanya ng ganito kamahal na relo? Could that be Benjamin?
Minasdan muli ni Evie ang rolex watch niyang silver lace and gold plate inside na may jems sa bawat numero nun. Kaagad niya iyon sinukat at sakto sa pulso niya. It's like really made for her!
Inusisa pa niya ang box at baka may naiwang note pa doon o pricetag man lang kung magkano ito ngunit wala! Probably the best gift she ever received! Nais niyang pasalamatan ang boss dahil rito kaya kaagad siyang tumayo at nagtungong sala. Kinuha ang phone na nasa sofa at tinext si Benjamin. Kaagad naman siyang tinawagan nito.
(Hey there! Tulog ka noh?) biro pa nito sa kanya kaya bahagya na lamang siyang sumakay rito.
"O -- oo. Ang lamig ng panahon."
(Nabalitaan ko nga ring may low pressure ngayon diyan. Sakto namang pasko pa noh?)
"Oo nga eh. Nakakatamad lalo."
(Kamusta naman ang pasko mo? Bukod sa malamig.) pangaasar pa nito na kinatawa ng bahagya ni Evie.
Kung alam mo lang!
"Ayos lang. Parang wala lang. Eh ikaw? Kamusta pasko niyo dyan?"
(Nako! Napakaraming bisita kanina pang umaga. Akala ko mababawasan ngayon, pero mas lalong dumami! Nagka-instant reunion ang mga Yu!) tila reklamo ni Benjamin.
"Oh? Ayaw mo nun? Eh di nagkakamustahan kayo ng mga relatives mo."
(Yun na nga eh. Walang ibang bukambibig kundi kailan ako magaasawa!) sabay naman silang napatawa ni Evie.
"Ayan kasi! Sige ka! Kapag hindi ka pa nagtino, baka ipagkasundo ka na rin nila."
(No way! So old fashioned!) tutol rin si Benjamin sa arranged marriage. Gayun kasi ang nangyari sa mga magulang niya dahil may kaedaran na kaya pinagkasundo na lamang ng mga pamilya nila. Si Benjamin lamang ang naging bunga dahil nasa late 30s na ang ina niya noong napagbuntis siya. Ngunit hindi naman siya dinidiktahan nito patungkol sa pagaasawa pa.
"Eh di magtino ka na sa babae!"
(Matino ako noh!)
"Ay sus! Anong niregalo mo kay Sofie?" pagusisa pa ni Evie rito na kinatahimik naman ni Benjamin. "Huy? Ano kako niregalo mo kay Sofie?" pagtingin pa niya sa kaliwang wrist niya kung saan nakasuot ang bagong relo.
(Huh? Ano ba dapat?)
Napa-face palm naman si Evie dahil hindi makapaniwala sa sinabi ni Benjamin.
"Ano?! Hindi mo niregaluhan si Sofie?"
(Hindi pa. Alam mo namang nagka-emergency di ba? Sayo nga wala pa kong regalo eh.)
Parang binuhusan naman ng malamig na tubig si Evie sa narinig. Napatulalang tingin pa siya sa relo niya.
Hindi galing kay Benjamin ito? Ngunit -- kanino?
"Sa -- sa akin okay lang, pero kay Sofie dapat advance ng meron ka nun." saka na lamang niya babanggitin ito.
(Eh nawala talaga sa isip ko eh. Hehe.. Napaka-busy natin noong mga nakaraang araw di ba? Tapos nag-quick getaway pa sabay emergency. Wala talagang time.)
"Hay nako! Alam ba niyang nandyan ka?"
(Oo naman. Panay tawag at chat nga sa akin.)
"Oh baka tinatawagan ka na nun?"
(Hayaan mo siya. Sinabi ko namang busy dahil may reunion. Nasa family reunion din naman siya.)
"Sana all! Kailan ba balik mo?"
(Hmm? Sa 28th, may final meeting pa tayo sa S.A Constructions di ba? Kina Silver. Bago magsimulang mag-site inspection yung mga engineers natin.)
Bigla naman naalala iyon ni Evie. Nabanggit naman ng boss si Silver kaya naalala niya rin na magkikita na naman pala sila nito.
"O -- oo nga pala. Kasama ka ba sa Palawan nun?"
(Hmm? Oo? Gusto mong sumama?)
"Hindi na. Ayokong matambakan ng gawain noh! Ikaw na lang. Marami ka namang kasamang engineers eh, saka si Fe kasama di ba?"
(Sabagay. Oh, siya sige, see you sa office!)
"See you! Bye."
Pagkababang-pagkababa ng tawag ay napabuntong hininga na lamang si Evie.
Hindi na niya talaga gustong makita pa o magkaroon ng ugnayan sana kay Silver ngunit, hindi naman maiiwasan ang pagkakataon dahil na rin sa trabaho.
"Mag-resign na lang kaya ako?" nahihibang niya pang tanong sa sarili. "Pero sayang ang trabaho ko. Hindi na ko makakahanap ng kompanyang kasing ganda ng kina Benjamin. Malaki ang utang na loob ko kay chairman. Hay!"
Buong gabi na lamang siyang nagmukmok. May natira pang chicken macaroni salad na gawa niya at yun na lamang ang nilantakan niya bilang hapunan habang umiinom ng soju at nanonood ng pelikula.
Susulitin na niya ang araw na ito para sa pagmumukmok niya, bukas ay panibagong araw na naman at babalik na siya sa dating gawi sa trabaho.
KINABUKASAN, dahil alam ni Evie na wala pa naman din doon si Benjamin, pang sariling almusal na lamang ang binili niya.
Padiretso na sana siya sa cubicle niya habang humihigop ng kape ng mapahinto siya at tingin sa pinto ng opisina ni Benjamin. Tila nakabahagyang bukas iyon at may liwanag sa loob nun.
Labis siyang nagtaka dahil sigurado niyang patay ang lahat ng ilaw at aircon nito sa loob noon iniwan niya, alam niya ring nakasarang mabuti ang pinto nito.
Dahan-dahan niyang nilapag ang mga dala sa mesa niya at naghanap ng maaaring gawing sandata kung sakali mang may kung sino sa loob. Imposible rin kasing pasukin ito ng mga cleaners ng wala pa siya.
Dinampot ni Evie ang mahabang gunting niya at dahan-dahang naglakad patungong opisina ni Benjamin.
Kinakabahan man, itinulak niya ang pinto upang maa makita niya ang loob, bumungad naman ng mesa at swivel chair ni Benjamin na walang laman. Pumasok na si Evie at saktong may napatigil ng lakad patungo sa kanya.
"Aaahhh!"
BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam
HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa
"GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni
HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b
NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky
DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open