NAPAPAHINGA NG MALALIM at panay singhap naman si Evie sa tanong pa rin ni Benjamin.
"You know what, never mind. I'm sorry if I --"
"It's okay. Actually, wala naman sigurong masama kung -- kung malaman mo di ba? You're my friend after all. And -- his as well."
"Before you saying anything, I just wanted you to know that -- I'm talking to you right now as your friend too."
Napangiting matipid na lamang din si Evie sa boss.
"We -- we haven't talk since that day." tila napaningkit ni Benjamin ang mata rito na halatang nagtataka.
"I understand na bumalik ang galit mo sa kanya."
"It's not like that." napatingin naman si Benjamin sa kanya at napabuntong hininga siya. "Noong magkarelasyon pa kami ni Silver, mayroong -- mayroong nag-claim sa kanya na -- nabuntis niya raw." tila nagalangan pa si Evie na sabihin ito dahil nahihiya rin siya at ayaw niyang mahusgahan din ito ni Benjamin. Nahalata niya ang pagkagulat ng binata.
"What? Seriously? Habang kayo?!"
"No! I mean, bago pa kami magkakilala noong may -- may --" pagsenyas pa ni Evie na kina-gets rin naman ni Benjamin. "Nangyari yun ng hindi pa kami magkakilala, at noong kami na, ayun! Doon nag-claim yung babae."
"Teka? So may anak na pala si Silver?"
Tila parang may tumarak naman kay Evie ng sabihin iyon ni Benjamin. Nakapanghina at nakapagpalungkot pa rin sa kanya ang mga salitang iyon.
"Hindi ko alam. Kasi noong gusto ipa-paternity test ni Silver habang nasa sinapupunan pa lang, ayaw ng babae, hinuthutan lang siya ng pera pero hindi pa rin pumayag. Hanggang sa ngayon na hinihingian na naman daw siya ulit kapalit ng pagpayag na niyang ipa-dna test ang bata, pero tumanggi na si Silver na magbigay unless, magpa-dna test muna sila at mapatunayang kanya ang bata. "
Ilang sandali natigilan ang dalawa na tila napapaisip. Kahit si Benjamin ay nauunawaan na ang pagkakomplikado ng sitwasyon.
"So, are you saying that until now, Silver doesn't even know if that kid is his or not?"
Napatungo-tungo na lamang si Evie na halata na ang lungkot sa mukha.
"At ang masakit, lately ko lang din nalaman na may ganito pala siyang problema."
Napapabuntong hininga na rin si Benjamin.
"So, hindi sigurado kung anak ni Silver iyon sa ibang babae o hindi? Kaya ka ba nagagalit sa kanya?"
"Ang kinagagalit ko ay inilihim niya ito sa akin habang kami pa noon. Actually, nililihim niya pa rin hanggang ngayon kundi lang -- kundi lang nabunyag noong Georgia."
"Si Georgia?"
"Oo, alam ng babalinang yun! Sumugod kaya sila ng nanay niya sa bahay ni Silver nun at pinagtulungan ako!"
Nanlalaki muli ang mga mata ni Benjamin sa nalaman.
"Ano?! Nagaway na naman kayo ni Georgia?"
"With her mom, yes!" pagtungo pa nito.
"Kaya ka ba nagpagupit para hindi ka na mabunutan ng buhok kapag nakikipagsabunutan.?"
"Parehas kayo ni Silver ng sinabi."
Hindi malaman ni Benjamin kung maaawa o matatawa siya sa nangyari kay Evie. Pinipigilan niyang matawa dahil sa pakikipagaway na naman ni Evie, kaso bumabakas pa rin sa mukha nito na malungkot pa rin dahil pala sa sitwasyon nito kay Silver.
"Oh well, who am I to judge? Nasa sayo ang desisyon kung matatanggap mo ba yung tungkol kay Silver o hindi."
"Tingin mo?"
"Ikaw! --" pagaalangan pa rin ni Benjamin. "Kung -- ano sa tingin mong tama di ba? Kung saan o kung kanino ka hindi masasaktan."
"Hindi masasaktan?"
Inabot naman ni Benjamin ang kamay ni Evie na nasa table nila kaya napatingin ito sa kanya.
"I'll never hurt you."
Nagpantay sandali ang mga kilay ni Evie na tila nagtataka. Tiningnan siya ni Benjamin sa mata na tila nakapagpabago sa emosyon ni Evie.
"You deserve to be happy though. And whatever is in your past, it doesn't make any change how I feel for you now, Evz."
"Benj.."
Napayuko saglit si Benjamin at tumingin ulit kay Evie, kumakawala rito ang munting ngiti na nakakapagpatunaw ng kahit na anong galit o inis ng sino man. She finds really adorable and irresistible of him.
"I --should've done this earlier kaso -- sobrang boss-zone mo ko eh. Maybe, I could try?"
MAYBE, I COULD TRY?
Maybe, I could try?
Maybe, I could try?
Paulit iyon sa isip ni Evie. Hindi niya makalimutan ang mga sinabi sa kanya ni Benjamin kanina sa dinner date nila.
Napapatulala siya sa kawalan habang nakaupo sa mini sofa sa terrace ng unit niya at tumisimsim ng gatas. Oo, gatas imbes na moscato wine na paborito niya dahil pakiramdam niya kailangan niyang magpakalas dahil sobrang stressed at drained out na siya sa mga nangyayari sa buhay niya.
Maliwanag ang kalangitan dahil sa mga bituin, ngunit hindi niya iyon ma-appreciate sa ngayon dahil sobrang lutang siya lalo kapag napagiisa.
Nothing occupies her head like Silver does. She misses him.
She hates to admit even to herself that she really misses Silver so bad that it went her insane.
Pero pinipigilan niya ang sarili na maging mahina muli para sa lalaki. Hindi man niya gusto ang sitwasyon nila ngayon, pero labis pa rin ang pagaalala at pagmamahal niya rito. Ngunit napapikit na lang siya ng marahan ng maalala na naman ang mga sakit na dulot sa kanya ng binata. Paulit-ulit, pasakit ng pasakit.
Arf!
Bumalik sa wisyo si Evie at napasimsim muli ng gatas niya ng pumasok si Steve sa teresa niya at tumahol sa kanya.
Arf!
"Bakit Steve? May pagkain ka pa dun ah?" pagtataka niya rito dahil tinatahulan siya ng aso niya at nag-whining na tila tinatawag ang pansin niya.
Tila natataranta ang aso na naglabas-pasok sa may pintuan ng teresa niya.
Nang mapatayo si Evie ay naglakad ang aso na tila nagmamadali palabas ng kwarto niya. Mabuti na lang at maayos na nag lagay nito kaya nakakakilos na ng normal ngunit hindi pa ganoong naghaharot.
Sinundan naman niya ito palabas ng kwarto niya at nakitang nakatungo ito sa may pintuan niya at tumatahol na tila nasasabik dahil sa pagkawag ng buntot.
"Steve? Hindi tayo lala --"
*Tok! Tok!
Magkahalong gulat at pagtataka ang naramdam niya ng marinig ang pagkatok sa pintuan niya kaya kaagad siya ritong lumapit.
Alangan man, binuksan niya ang pintuan niya at halos malaglag ang panga niya sa pagkabigla kung sino ito.
"Can we talk?"
"No!"
Mabilis niyang sagot at pasara na sana muli ng pintuan niya ngunit napigilan rin ito kaagad ni Silver na maisara.
Dahil mas malakas ito kaysa kay Evie, naitulak nito ang pinto kaya mas napabukas at napaatras na lamang si Evie rito.
"Sabi ng hindi eh!"
"Please, mommy?"
"Ayoko! Umalis ka na bago pa ko tumawag ng security."
Ngunit nakapasok na ng tuluyan si Silver at naisara pa nito ang pinto bago humarap kay Evie.
"Sinong may sabing pwede kang pumunta ng basta na lang dito sa bahay ko?!" iritableng bulyaw naman ni Evie kaagad rito.
"Wala. Pero gusto lang kitang makausap."
Napataas ng dalawang kilay si Evie at nag-crossed arms sa may dibdib niya.
"Gustong makausap? After a week na wala man lang ni-hi ni-ho, gusto mo kong makausap?! Who do you think you are?!"
"Look, I'm sorry if I didn't talk to you for a --"
"Shut up! Kung sasabihin mong dahil busy ka, pwes! Busy rin naman ako!" singhal pa nito. "Alam mong hindi rason ang pagiging busy kung gusto mo talaga!"
"Alam ko, kaya nga ako nandito di ba?!"
"Ayaw kitang makausap! Tutal naumpisahan mo na, ipagpatuloy mo na lang!"
"Sandali kasi, pwede? Alam kong galit ka, tingin mo ba maglalakas loob pa kong kausapin ka kaagad kung alam kong hindi mo rin naman ako kakausapin di ba?!"
"Kaya ni hindi ka man lang talaga nag-effort na mag-reach out ganun? At ngayon susulpot ka na lang na para bang wala lang, ganun ba?! Feeling mo kapag sumulpot ka sa harap ko ngayon, mawawala na ang lahat ng galit ko, ganun ba?!"
"Medyo, pero -- gusto ko lang naman makapagusap tayo ng personal. Kung tinext o tawagan kita, alam kong babalewalain mo lang yun. Kaya naman ngayon lang ako nakapunta kasi sobrang dami kong kailangang habuling gawain sa opisina. Kahit gustong-gusto na kitang makausap, tiniis ko para lang matapos na ko sa mga ginagawa ko at makapaglaan na ng oras sayo."
"Whatever! Talagang kailangan mo pang ipamukha na naman sa aking mas marami kang bagay na dapat i-priority at unahin kaysa sa akin?!" lalo naman ito nagpagalit sa dalaga kaya tila humahalam na naman ang mga luha sa mga mata niya na pilit niyang pinipigilan.
"No! It's not like that!
"It is like that! Yan na nga ang proweba oh?" paghaya pa nito ng mga kamay. "Ang dami mo na namang inuna muna bago man lang makausap ako? Mas pinili mong hindi ako makausap kahit sandali man lang kaysa ipagpaliban ang isang gawain mo! Bakit? Kasi pinakikinabangan mo di ba? Pinagkakaperahan mo! At pinamumukha mo na naman sa akin na least priority lang talaga ako kahit ano pang issue natin! "
"Stop it, please? Nandito ako para makipagusap, makipagayos --"
"Hindi tayo magiging maayos Silver hanggat bullshit ang mindset mo pagdating sa pakikipagrelasyon sa akin."
"Priority kita, okay? Trabaho yun, maraming umaasa sa akin. Kung gugustuhin ko lang, hindi na sana kita pinauwi nung nasa Pangasinan tayo. Doon na lang sana tayong dalawa! Hindi na kita pagtatrabahuin at kahit mag-work from home ako, gagawin ko para lang hindi tayo maghiwalay. Pero hindi pa pwede eh! May priorities ka rin di ba? And here's mine. "
Tila napatahimik naman si Evie sa bulyaw rin ni Silver na halatang naaburido na sa pagtatalo nila.
"Damn it! Miss na miss na kita! Pero alam kong galit na galit ka pa rin sa akin kaya hinayaan ko na lang muna palipasin yun. Pero walang oras o minuto na hindi ko naiisip ang papaano pa bang gagawin ko para lang maging maayos na sa atin ang lahat."
"Alam mo naman ang solusyon, gagawin mo na lang." pagiwas naman na ni Evie ng tingin rito at nagpaikot muli ng kamay sa may dibdib niya.
"I know, and that's what I'm doing. Kung nagiintay ka, nagiintay din naman ako. God knows how much I wanted to end this problem! Para mapatunayan na sayong lahat ng sinabi at pinangako ko sayo, totoo!" she look at him fiercely.
"Wala akong pakialam sa nangyari sayo noon, --"
"Ano nga naman bang pakialam mo kung naghirap at nagdusa ako noon di ba?!" she interrupted sarcastically.
"It's not like that!" napahagos saglit si Silver ng noo. "What I mean is -- tanggap kita! Admit it or not, parehas lang tayong naglihim sa isa't isa. Sa akin yung tungkol sa bata, ikaw yang kay Bradley."
"We're not the same! Nilihim mo sa akin yun noong unang naging tayo pa lang!"
"Kasi takot akong mawala ka! -- Kita mo nga ngayon? Hindi pa nga siguradong anak ko yun pero nilalayuan mo na ako! Ano pa kung -- kung noon mo pa nalaman? Baka iniwan mo kaagad ako ng --"
"Iniwan mo rin naman ako noon ng hindi man lang talaga tayo nagkakasama! You'd choose that so I have to choose it too!"
"No! I never wanted to you to leave."
"You've left first."
"I did not left, okay? I'm just making up my mind kasi sobrang takot na kong malaman mo ang lahat at baka iwan mo --"
"Kaya inunahan mo na ganun? Ikaw na lang nangiwan? Ikaw na lang gumawa ng paraan to get rid of me easily?!"
"No. -- Please? Let's talk about this." sinusubukan pa rin ni Silver maging kalmado.
"We are already talking about all of these!"
"Ang lagay, hanggat wala pa ang resulta, hindi mo ako kakausapin?"
"Eh ano ba dapat? Silver, tingin mo ba hindi mahirap sa akin ito ha?! Na malaman na may ganyan kang issue behind my back at tapos ano? Wala kang balak sabihin sa akin? Papaano na lang kung kasal na tayo at positive yun?!"
"So it will change a thing? Hindi mo na ba ako mahal porket malaman mong may anak ako sa iba?"
"My point is, tinago mo yun sa akin ng mahabang panahon! At ang nakakabwisit pa, yung Georgia na yun alam na alam! Samantalang ako ang so called na mahal mo, hindi?!"
"Tinago mo rin naman sa akin yung nangyari sayo at kay Bradley."
"Oo, dahil kinakahiya ko yun! Katangahan ko yun na walang ibang sisisihin kung hindi ako! Kahit pa, kaya ako nagkaganun dahil sobra lang akong nasaktan ng dahil mismo sa pagiwan mo sa akin." mabilis pinunasan ni Evie ang mga luhang kumawala sa mga mata niya at tinatatagan ang sarili.
"It's okay, blame it all on me. Kasalanan ko naman talaga. Kaya nga gusto ko lang naman makabawi na at maitama ang lahat."
"Hindi ko alam." napapailing at kibit balikat pa ito. "Hindi ko na alam kung ano pa o papaano pang gagawin."
"Let's just both be patient, okay?"
"You think I'm not patient enough for you?"
"I mean, hindi mo ba talaga ako kakausapin man lang hanggat wala yung resulta? Balik ka na naman ba sa pagiging cold mo sa akin?"
"I cannot force myself to deal with something I'm not totally okay with. Kaysa naman palagi tayong nagaaway lang di ba?"
Napahugot ng malalim na hininga si Silver na hindi mawari kung ano pang dapat sabihin kay Evie. Mukhang nais talaga nitong maglayo muna sila habang hindi pa niya napapatunayang hindi siya ang ama ng bata.
"Okay." halata na rito ang pagkaaburido at pagkadisgusto sa ginagawa sa kanya ni Evie.
Malalalim ang bawat paghugot nila ng mga hininga nila, pareho silang natatahimik ngayon dahil baka kung ano na naman ang lumabas sa mga bibig nila na makapagpalala pa ng sitwasyon.
Sinusubukan pa rin ni Evie na kumalma kahit pa naiinis na siya sa sitwasyon. Halo-halo ang emosyon niya ngayon na hindi malaman kung ano ang dapat pairalin o unahin.
"I think, you must leave. Mukhang pagod ka na." mas mahinahong saad nito kay Silver na hindi niya matingnan ng maayos.
Isang malakas na buntong hininga lang ang sinagot ni Silver at kaagad na rin itong nagmartsa palabas ng pinto niya. Hindi niya malaman kung dapat na ba siyang makahinga ng maluwag dahil nawala na ito, o manikip ang dibdib niya sa sakit dahil umalis na nga ito.
Sobrang na niya itong mami-miss ngunit sobra rin siyang naiinis pa rito. Hindi na niya malaman kung anong dapat paiiralin. Pero mas nangingibabaw ang pagkalungkot at sakit sa kanya sa ngayon, marami na naman siyang katanungan sa sarili niya na hindi rin naman niya masasagot.
Ngunit halos mapalundag siya sa gulat ng bumukas muli ang pintuan niya kaya kaagad siyang napabaling doon at nakita si Silver na nagmamadaling papalapit muli sa kanya ngunit walang emosyon ang mukha. Mabilis siyang sinunggaban ng yakap nito at siya naman ay napatuod na lang sa kinakatayuan.
"I came here to do this, kaso inaway mo kaagad ako. Muntik ko pang makalimutan." humigpit ang yakap niya kay Evie na halos gusto na niyang buhatin, mas binaon niya ang ulo sa leeg ni Evie.
Hindi malaman ni Evie kung anong dapat gawin, dapat ba niyang ipagtulakan ito o yakapin rin? Napaawang ang mga labi niya ngunit walang salitang lumalabas.
Sa huli, pasimple pa rin siyang pumayakap rito kahit pa tila para siyang yumayakap sa talim ng kutsilyo. It feels good to be hurt after all. Especially, when it's Silver.
HABANG abala si Evie sa pagta-type sa kanyang computer, hindi na niya namalayan ang paglapit sa cubicle niya ng isang lalaki.
"Ahm, Miss Evie Symaco?"
Halos napalundag siya sabay paikot ng swivel chair niya para maharap ang tumawag sa kanya.
"Ah, yes?"
Inabot ng delivery guy ang isang mini bouquet of sunflower na labis niyang kinabigla.
Ayaw niyang mag-assume at kiligin, pero mabilis niyang napabalik ang sariling wisyo.
"Ahm, sa akin?" napansin naman niya kaagad ang maliit ng note card sa bouquet at kinuha iyon.
Cheer up, my sunshine!
-Benj
Napapakurap ng mabilis si Evie dahil sa nabasa.
"Okay, thanks po."
Yun lamang at umalis na rin ang nag-deliver sa kanya.
Napamasid naman si Evie sa cute mini bouquet at napapangiti rito. Benjamin has been really this sweet, she never thought he could be sweeter.
But back of her mind she's hoping that it was the another person who does this to her.
Makalipas ng ilang araw, nagiging ganito ka-sweet pa rin si Benjamin sa kanya ngunit hindi ito halatang nanlalandi man lang. Very casual at gentleman pa rin ito sa kanya, para itong teenage boy na nagpapa-impress sa crush niya. He became sweeter yet not too much to show na nakakabastos o mapagsamantala.
Kung dati hindi napapansin ni Evie ang mga sweet smiles at pasimpleng pagpapa-cute nito, ngayon pansin na pansin na niya. Naiilang pa rin siyang ganito na ka-caring at sweet sa kanya ang boss niya ngunit aminado siyang gusto niya ang ginagawa nito sa kanya. Gumagaan ang loob niya.
"Ahm, board meeting tomorrow."
"Nagpatawag ka?"
"Nope, si dad."
"Nandito na si chairman sa Pinas?" tila hindi naman inaasahan ni Evie ito ngunit labis siyang natutuwa.
Napatango at simpleng ngiti naman si Benjamin sa kanya habang nakaupo pa rin sa swivel chair nito.
"Yeap. Back to work na siya. So, ikaw ng bahala ah?"
"Of course!" then a sudden realization hits her that it changes her mood. Silver.
Mukhang makikita na naman niya ito bukas dahil sa board meeting ngunit kailangan niyang magpakatatag.
Sa natitirang oras niya sa opisina, mas ginugol niya ang sarili sa pagaayos ng files at paghahanda sa board meeting bukas. Kahit pa nakakaramdam siya kaunting excitement dahil makikita niya si Silver bukas, kailangan niyang pigilan ang sarili dahil ayaw niyang magkamali.
PALABAS pa lamang si Evie ng pintuan sa unit niya ngunit natigilan kaagad siya ng may nakitang maliit na paso ng succulent plant na may maliit ng bulaklak sa taas nito. Dinampot niya iyon at nakita ang note na nakadikit roon.
I know you don't like flowers, so I just give you this. Kahit matagal na walang dilig, it will survive. Parang ikaw! :)
-- Your husband (soon)
"Ugh?" napabuga ng mahinang hangin na halos hindi siya makapaniwala sa sinabi nito sa note. Hindi niya alam kung gusto niyang mabwisit o humagalpak ng tawa dahil sa sinabi nitong 'walang dilig but it will survive' just like her. She get what does it mean. "Ang kapal? Walang dilig? Eh nakailan nga kami noong nasa Palawan kami?"
Nagpipigil na lamang siya matawa at napapailing. Bwisit siya kay Silver pero ang lakas pa ring mangasar nito sa kanya.
Pagkarating sa opisina ay inumpisahan na ni Evie asikasuhin ang reports para sa board meeting at inayos ang conferences room. Excited siya dahil makikita niya muli ang chairman na maayos na ang lagay, gusto niyang magpa-impress dito.
Nang dumating si Benjamin, sunod-sunod na rin ang dating ng ibang members ng board, ang iba ay tumuloy muna sa opisina ni Benjamin at ang iba ay dumiretso na ng conference room.
Habang nagiintay pa ang lahat sa ama ni Benjamin, bumalik muna si Evie sa cubicle niya para asikasuhin ang ibang gawain.
Kanina pa kinukubli ni Silver ang ngiti niya ng makatuntong sa building ng Yu Solar Panels. Sa entrance pa lang, may nakasabay na siyang delivery man hanggang sa makasakay sila ng elevator. Hindi ito pumindot at tila tama ang hinala niya dahil nagbabaan na ang lahat ng empleyadong nakasabay nila sa elevator ngunit narito pa rin ito.
Napapataas siya ng kilay at panay suri sa delivery man na nasa harap niya dahil sa dala nitong medium size basket of sunflower at chocolates.
Kinukutuban na siya kaya nagdidilim na ang mukha niya. Kinakain na kaagad siya ng selos at inis dahil mukhang tama ang hinala niya kung para kanino ang ide-deliver ito.
Nang makalabas sila ng elevator, nauuna nga ang delivery man sa paglalakad at sinadya niyang bagalan ang paglalakad para makita nito sa hindi kalayuan kung saan didiretso ito.
Lumapit nga ito sa cubicle ni Evie na tila tinawag naman ng atensyon nito. Nakita niyang tila hindi nito inaasahan ang paglapit ng delivery man ngunit tinanggap naman din ang binigay nitong basket.
Saktong napahinto siya sa may gilid ng cubicle nito at minasdan ang dalaga.
"Thanks po ulit, kuya." yun na lamang ang sinabi ni Evie at umalis na rin ang delivery man.
Saktong napabaling na ng tingin si Evie sa kanya na nanlalaki ang mga mata ngunit hindi nagpapahalata na nagulat sa kanya. Nananatiling madilim ang mukha niya at mapanuri ang mga tingin.
Hawak pa rin ni Evie ang basket of sunflower at chocolates na tila nahihiya na kaya inilapag na lang ito sa gilid ng mesa niya.
Nasuri ni Silver ang kabuuan ng cubicle ni Evie at tila gusto niyang mangiti dahil sa nakita malapit sa bintana nito, ang binigay niyang succulent plant.
Tila unti-unti nawala ang dilim sa mukha niya, napapataas ng dalawang kilay at buntong hininga na lamang.
Natuwa siya na dinala pa sa opisina nito ang binigay niya ngunit naiinis pa rin siya na may nagbigay rito ng bulaklak.
"Nasa loob na ng conference room ang ibang board." pormal lang na saad ni Evie rito at bumalik na ng tingin sa monitor ng computer niya.
Lumapit si Silver sa cubicle niya at tila pumasok kaya nabibiglang napabaling muli si Evie rito.
Mabilis na kinuha ni Silver ang maliit na note na nakakabit sa basket, gusto sanang pigilan ni Evie ito ngunit huli na.
To sweeten your smile sunshine..
-Benj
Hindi malaman ni Evie kung mahihiya siya o maiinis. Bigla naman nakaramdam ng selos si Silver at sumama muli ang awra.
BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam
HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa
"GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni
HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b
NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky
DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open