Lucy chose to sin for survival, and Alec was tasked to get rid of her to save his boss' marriage. It was a piece of cake in the beginning, until Alec found himself breaking the ultimate rule; to not fall for the President's mistress.
View MoreKabanata 1
KASAGSAGAN ng bagyo sa Cagayan. Nilipad ng hangin ang bubong ng pamilya Saturnino. Lahat ng gamit ay basa, ang tubig ay aabot na ng baywang sa loob lamang ng ilang oras na patuloy na pag-ulan. It's tragic to hear news about the government extending help to the affected places, yet not even a bag of rice nor a couple instant noodles had reached their home.
Pumapalahaw ng iyak ang bunsong kapatid ng dose anyos na si Alec dahil ilang araw nang tubig lamang at biskwit ang kaya nilang ipang-laman tiyan.
Sinuong ng ina ni Alec ang baha para mangutang sa malapit na tindahan, ngunit kalahating araw na ang lumipas ay wala pa ang kanilang ina. Ang sabi ng mga kapitbahay ay kahapon pa lumikas ang pamilya nina Aling Pasing. Nangupa raw ang mga ito ng kwarto sa isang hotel sa kabayanan dahil ayaw humalo sa mga nasalantang nasa evacuation center.
Isa ang bahay nina Alec sa nasa pinaka-liblib, at kung hindi magpupursige ang rescue ay hindi sila mararating upang masaklolohan. Kung patuloy na lalakas ang bagyo dala ng panibagong namumuong sama ng panahon, siguradong lulubog nang tuluyan ang kanilang maliit na tahanan bago pa sumikat ang araw kinabukasan.
"Alec, baka nagpunta ng kabayanan ang nanay mo!" sigaw ni Mang Abner.
"Ho? Wala namang pera ang nanay! Isa pa ay mataas na ang tubig sa sunod na barangay! Kanina pa umalis gutom na gutom na si Andrea!" sigaw niya pabalik.
Gumuhit ang pangamba sa mukha ng matanda. Mayamaya ay sumenyas itong mayroong kukunin sa loob. Nang lumabas ang matanda dala ang supot ng pagkain, nadinig ni Alec ang galit na tinig ng asawa nitong ubod ng damot.
"Wala na nga tayong pagkain uunahin mo pa ang mga 'yan?! Tignan mong hindi na nga makaahon si Rodessa sa utang sa akin hayan ka na naman!"
"Tumigil ka nga riyan, Berta nagugutom na ang mga bata!"
"Ewan ko sayo, Abner! Nagpapauto ka kasi sa mga 'yan! Sinabi ko na sayo noon may sumpa ang pamilyang 'yan. Lahat ng tumutulong diyan minamalas!"
"Mahiya ka nga sa mga sinasabi mo?! Mga bata 'yan, Berta!"
Pinaningkitan siya ng mga mata ng matandang babae saka nito inagaw ang supot na hawak ng asawa. "Lalo na 'yan! Malas 'yan! Bakit kasi inampon-ampon pa 'yan ni Rodessa! Ke-ganda ng buhay nilang mag-asawa noon. Dumating lang 'yan nagkandaletse-letse ang buhay niya!"
Napaiwas na lamang ng tingin si Alec.
Minsan ay naiisip niyang tama ang sinabi ng mga kapitbahay. Malas siya sa buhay ng Mama Rodessa niya. Siguro kung hindi siya iniwan ng matalik nitong kaibigang siyang tunay niyang ina para makapag-Japan ito, baka maganda pa rin ang buhay ng Mama Rodessa niya. Hindi sana nagugutom ngayon si Andrea.
Tinignan niya ang kanyang kapatid, limang taon lamang at walang muwang sa nagaganap. Basag na ngumiti si Alec. Maswerte pa rin si Andrea. Hindi pa nagagawang basagin ng mga salita ang munti nitong puso. Ang tanging iniinda pa lamang ay ang sakit ng tiyan na mapapawi ng simpleng pagkain.
Lumunok si Alec nang tumunog ang kanyang tiyan. Nalalasahan na niya ang asido sa kanyang sikmura dala ng gutom ngunit mas inaalala niya ang kapatid. Kung hindi niya magagawang gumawa ng paraan para magkaroon sila ng pagkain, baka mapaano ang kanyang kapatid.
He carried his adoptive sister on his back and tried to go to the other house, begging them to keep Andrea safe as he looked for food and for their mother. Napakiusapan niya ang matronang bagama't mataray sa paningin ng karamihan ay madalas hiramin si Andrea.
"Kuya!" iyak nito nang ibigay niya sa kapitbahay.
"Dito ka lang, Andeng babalik ako. Hahanapin ko lang si Mama, ha tsaka bibili akong pagkain." Bumaling siya sa matandang babae. "Salamat ho, ah? Babalikan ko siya kaagad."
Mahinang tumango ang matanda. "May pagkain dito. Huwag mo nang intindihin ang kapatid mo."
Basag na ngumiti si Alec. "Maraming salamat ho. Andeng, huwag kang makulit ah?" He squeezed her hand as he took in some air. "Babalikan ka ni kuya kaagad, Andeng."
Tuluyang lumusong si Alec sa baha. Nang makarating sa sunod na barangay ay kinailangan na niyang lumangoy dahil mas mataas na ang tubig. It was a total struggle. His limbs are shaking because of cold and hunger, yet no one dared to give him a hand or offer him anything they have.
Sa mga oras na iyon ay nakita ni Alec kung paano talaga umiikot ang mundo. When things get rough, he can never count on anyone. Naitatak niya sa kanyang isip ang pag-iwas ng tingin ng mga nakakikita sa kanyang hirap na hirap na hanapin ang kanyang ina. Panay ang tawag niya rito, ngunit nang marinig siya ng isang kakilala at ipinagbigay-alam sa kanya ang masamang balita, halos manlumo si Alec.
Tinamaan ng lumipad na yero ang kanilang ina. Dinala sa ospital ngunit hindi rin nagtagal ay binawian ng buhay sa laki ng sugat na tinamo nito sa ulo.
Halos hindi na makita ni Alec ang daan dala ng kapal ng kanyang luha. Nang marating niya ang tinutukoy na ospital, bumigay ang kanyang dibdib at halos magwala siya nang makita ang inang wala nang buhay. May malaki itong sugat sa ulo na naging sanhi ng pagkamatay, sa gilid ng kamang hinihigaan nito ay ang supot ng pagkaing para sa kanila ni Andrea.
"Mama!" Nagpapadyak siya habang yakap-yakap ang malamig na bangkay ng ina. "Mama, gumising ka hinihintay tayo ni Andeng, Mama!"
"Boy, tahan ka na, boy," alo ng lalakeng nurse na lumapit sa kanya ngunit hindi naawat si Alec. Patuloy siyang nagmakaawa sa ina para imulat nito ang mga mata.
Bakit ganito? Bakit nangyari ito sa kanilang ina? She just wanted to feed them. She risked her life just to have some food so they won't die of hunger. Kung hindi ba maramot ang mga kapitbahay, kung hindi lumisan ang pamilya ng may-ari ng tindahan, at kung nagpaabot lang ng tulong ang gobyerno sa tulad nilang mahirap, mamamatay ba ang taong nag-aruga sa kanya kahit wala na siyang ibang dinala rito kung hindi kamalasan?
He cried harder out of anger towards everyone and everything. Naririnig din niya ang pag-uusap ng mga nasa paligid tungkol sa magiging kapalaran nila ni Andrea.
Idadala sila sa magkaibang ampunan. Tama ba ang dinig niya? Parang nagpanting ang tainga ni Alec. Kamamatay lang ng kanilang ina pero naririnig na niya ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang kapatid.
Hindi na alam ni Alec kung anong sunod na nangyari. Tila ang galit, pighati, gutom, panlalamig, at panghihina ay hindi na kinaya ng kanyang kalamnan. Bumagsak siya sa sahig, nagdedeliryo dahil mayroon na pala siyang lagnat. The nurses attended to him but as soon as they carried his malnourished body, he passed out.
When Alec woke up, the youngest Senator of the Republic is already sitting in front of him. He was the youngest politician who bagged the highest vote for the Senate position in the last election. Some said it's because of his good looks, some said because of his family. Ngunit anumang sabihin ng mga tao, isa sa pinakamahusay na nailuklok bilang Senador si Senator Vince sa kasaysayan ng Republika.
Alec looked around. Hindi na niya makilala pa ang silid. Masyado iyong magarbo para masabing nasa ospital pa rin siya sa kanilang bayan. May aircon ang silid, may telebisyon at mayroon pang refrigerator. Puno ang mesa ng pagkaing nagpatakam sa kanya, ngunit ang kanyang isip, una pa ring inalala ang kapatid niyang naghihintay sa kanya.
"Woah, easy, boy!" ani Senator Vince nang tangkain niyang bumaba. Nakaramdam siya ng hilo at panlalata kaya kung hindi siya hinawakan ng Senador ay baka humalik ang mukha niya sa sahig.
"N—Nasaan ho ako?"
"Makati Medical Center, Alec. You were transported here two days ago in my girlfriend's request after things got worse in your province." Lumamlam ang mga mata ng Senador. "I heard about what happened. I'm sorry for your loss."
Mataas ang grado ni Alec sa eskwela sa kabila ng pagiging mahirap kaya kahit diretsong Ingles ang gamit ni Senator Vince ay malinaw niyang naintindihan ang sinabi nito.
Lumunok siya. "Ser, salamat sa tulong ninyo pero napakalayo ko na sa Cagayan. Iyong kapatid ko, si Andeng? Baka hindi na makatulog ang kapitbahay namin. Sigurado ho hinahanap na ako ni Andeng."
Sumara sandali ang mga mata ng Senador. Mariing lumapat ang mga labi nito sa isa't-isa kasabay ng paghagod nito ng palad sa batok. "Alec, may sasabihin ako sayo."
Kumunot ang kanyang noo. "Ano ho iyon, Senator?"
Humugot ng malalim na hininga ang Senador, tila kinakapa ang lakas ng loob upang iparating sa kanya ang bagay na magpapaguho lalo sa mundo niya.
Hinawakan nito ang kanyang kamay saka siya tinitigan sa mga mata. "Alec, nagpakawala ng tubig ang Magat Dam. It flooded the entire Cagayan... And many weren't able to survive, including those people in the area where you live. I'm so sorry, boy, but your Sister wasn't found since the beginning of the search and rescue..."
Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo para kay Alec. Did he hear the Senator right.
Patay na ang kapatid niyang si Andeng?
Nawala sa sarili si Alec. Naghisterikal siya nang husto at halos hindi siya makontrol ng Senador. Sakto namang pumasok ang security, ang mga nurse, at ang girlfriend nitong isang surgeon.
The woman pulled him for a comforting hug, consoling him while crying out of pity for him.
"Tama na, Alec. It's okay. It's okay." She held his cheek then flashed a broken smile. "I'm here. You're not gonna be alone, I promise..."
The woman kept her words. A few weeks after, Alec was adopted by Senator Vince De Vera and Dr. Hailey Esconde. The two soon got married, and fifteen years later, Hailey received a message from her private investigator that broke her down.
The newly elected president of the Philippines, Vince De Vera is having an affair with someone way younger than Alec...
Special Chapter 3: Armani and TeissaHUMIGPIT ang pagkakahawak ni Teissa sa tela ng kanyang damit nang marinig ang sinabi ng lalaki. Parang sumikip ang kanyang dibdib at sa sobeang kirot, halos hindi na siya makahinga. Even her limbs felt weak. Tila anumang sandali ay bibigay nang tuluyan ang kanyang mga tuhod.How could they do this to her? How could they betray her after everything? Nagpakabait siya. She listened to everything she's told to. Tapos ngayon ay ito pala ang kapalit ng lahat ng iyon?Kinagat niya ang kanyang ibabang labi kasabay ng tuluyang pagpatak ng kanyang mga luha. Paano nila siya nagawang lokohin? Kung ganoon ay planado pala ang lahat? This can't be happening!She turned her back on the slightly open door and ran. Her eyes were clouded with her tears but she didn't mind anymore. Nanlalabo ang kanyang paningin ngunit kung hindi pa siya aalis ay baka maging huli na ang lahat."Teissa! Saan ka pupunta?!" sigaw ni Mana
Special Chapter 2: Dos and HaileyHALOS maiyak na si Hailey nang makitang natanggap siya sa pangarap na trabaho kahit na pilit sinira ng kanyang ina ang kanyang reputasyon sa mga kumpanya para lang sundin niya ito. Her mother wanted her to become a doctor but she didn't want to pursue it. Nang mabuntis siya sa pagkadalaga dahil sa isang one-night stand noong kolehiyo, halos patayin siya ng kanyang inang sikat na doktora. She was even named after the famous former first lady, Dr. Hailey De Vera. Kaya naman nang lumobo ang kanyang tiyan, itinakwil siya ng sariling ina."Congrats, friend! Deserve mo 'yan. Hindi ka na magpupunas ng mga mesa kapalit ng barya-barya," masayang ani ng kaibigang si Lauren na siyang tumulong para makapasok siya sa trabaho bilang magazine writer.Matamis na kumurba ang sulok ng mga labi ni Hailey. She raked a few strands of her brown hair towards the back of her shoulders. Pagkatapos ay hinaplos niya ang nguso ng tasa n
Special Chapter 1: Alea and KaliTAHIMIK na nakayuko ang binatang si Kali habang hawak ang bag na may lamang pagkain at ilang damit. Halos ayaw nitong tignan ang bawat presong pumapasok sa visiting area dahil sa totoo lamang ay ang lugar na iyon ang pinakakinamumuhian niya.Nang may maupo sa kanyang tapat ay sandali siyang lumunok. He removed the hood of his jacket then pushed the bag towards his dad. "Nagluto ho si Mama ng paborito niyong ulam."Tanging tango ang sinagot nito bago binuksan ang bag. "Iyong pinatatrabaho ko sayo, kumusta?"Kali looked away then hid his clenching hands under the table. "M--Mahirap ho.""Mahirap?" Inis itong umismid. "Anak ba talaga kita? Walang mahirap sa akin, Kali."His expression turned terrified. Alam niyang mainit na naman ang ulo ng kanyang ama dahil sa naging sagot niya. Kung hindi lang talaga dahil sa kanyang ina, hindi naman siya magtyatyagang pumunta ng kulungan."Tandaan m
EpilogueTULAK ni Andrea ang wheelchair ng ina habang karga naman ni Alec ang kanilang anak. Binisita nila ang puntod ni Presidente Vince at ng kanilang munting anghel. Kagagaling lamang nila sa Justice Hall kung saan tuluyang nahatulan ng panghabambuhay na pagkakakulong si Joel Sta. Maria. Ang kanya namang ama ay nakatanggap ng mas mababang parusa dahil sa pag-amin nito sa kasalanan, habang ang ina naman ni Vince ay namatay matapos matanggap ang hatol ng korte. Even Joel's parents and the woman who sold Andrea to them paid the price of their crimes, and the justice Andrea once thought would never be given to her, was finally served.Naabswelto ang kanilang Mama Hailey matapos umamin ang ina ni Vince na ito lamang ang ginamit na front sa krimen. Now their Mama Hailey is recovering from the operation and living with them in Cagayan. Mahirap man para rito na tanggapin ang sakripisyong ginawa ng asawa, sinigurado ni Alec at Andrea na nasa tabi sila nito.&nbs
Kabanata 70PIGIL na pigil ni Alec at Andrea ang mga sarili habang pinagmamasdan ang anak na maglaro kasama ang lolo nito. They were in the hospital's playground. Humahagikgik si Alea tuwing itutulak ng lolo nito ang swing."Yoyo swide! Swide Awea!" ani ng kanilang walang muwang na anak saka ito lumipat sa slide.Parang prinsesa itong inalalayan ni President Vince habang paakyat ito sa hagdan ng slide. Nang makapwesto ang bata ay nag-abang naman ang presidente sa dulo ng padulasan."Mommy, dadjie!" she waved at them before she went down the slide. Sinalo naman ito ng presidente at kinarga. He even tickled his grand daughter, and every giggle coming from Alea broke Alec and Andrea's heart.Mayamaya ay napansin nilang natulala ang presidente sa apo nito kasabay ng pagguhit ng basag na ngiti sa mga labi nito. He pushed the strands of Alea's hair towards the back of her ear before he pecked a gentle kiss on his granddaug
Kabanata 69TAHIMIK na pinanonood nina Alec ang balita tungkol sa pagkakadakip kay Joel Sta. Maria. Rhen was sitting on the couch with a lollipop in her mouth. Malamig ang ekspresyon nitong kinasanayan na rin ni Alec sa ilang araw itong nakakasama. Sa tabi nito ay ang kilalang hotelier na si Klaze Ducani.Nang makita nila ang itsura ng mugshot ni Joel ay nalukot ang noo ni Alec. His gaze drifted towards Rhen and Klaze Ducani. When Rhen felt him staring, she cocked her brow and removed her lollipop. "What?""Akala ko pinatikim mo lang? Bakit parang hindi na makilala?" tanong ni Alec. Paano ay halos maga ang mukha ni Joel. Naka-wheel chair din ito at ang ilong at panga ay basag.Klaze swallowed hard before he losen his tie. "Uh..." Alanganin itong tumawa. "Iyan kasi 'yong tikim pa lang. Kung hindi 'yan tikim, wala na sana 'yang binti o kaya kamay."Napakurap si Alec. Sandali siyang natahimik habang nakatulala kay Rhen. "God, you're such
Comments