Share

Chapter 46

PAREHONG TUMATANGIS at patuloy ang pagdaloy ng mga luha nila Evie at Silver dahil pareho silang nasasaktan sa mga nalaman at nangyayari sa kanila.

Humihinga ng malalim si Evie upang ma-condemn ang sarili.

"Hindi ko aasahang matatanggap mo ang nangyari sa akin, dahil kahit ako -- hindi ko yun matanggap sa sarili ko. Nandidiri ako sa sarili ko!" pagbuhos muli ng mga luha ni Evie.

Napahinga ng malalim si Silver na tila napasinghot, natatagis bangang siya at napapakuyom ng kamao.

"I'll destroy that bullshit!" paggiit pa niya rito.

"You don't have to do that for me. Dahil kahit ako, hindi ko rin matanggap na inilihim mo sa akin ang tungkol sa pagkakaroon mo ng anak. Kahit pa hindi yun kumpirmado." paggiit rin ni Evie rito.

Sinubukan ni Silver na haplusin ang pisngi ni Evie para pahiran ang mga kumakawalang luha rito ngunit hinawi iyon ni Evie.

"Please, let's just -- let's just fix this. Together again. I can't lose you again, mommy." tila pagsusumamo ni Silver.

"I have loved you yet you disregarded it. I gave you all that I could offer yet you took it for granted." muli bumuhos ang mga luha ni Evie ngunit hindi niya ito ininda. "You've left me lying on the floor alone and broken, licking my own wounds and whining in pain."

Tila pareho silang humahangos at sinusubukan ng kalmahin ang sarili.

"You've hurt me to death yet I survived. What makes you think I would ever needed you again to live?"

She fiercely said even her eyes are full of tears.

"I will never ever let anyone to take away my peace of mind, Silver. I could have love you still, but I will do it in a distance. Where you can no longer hurt me again like this."

Yun lamang at inalisan na ni Evie si Silver. Napasunod na lamang ito ng tingin sa kanya habang naglalakad siya ng mabilis papalayo.

Hindi napigilan ni Silver na bumuhos ang mga luha dahil sa sakit na nararamdaman. Tila sa pangalawang pagkakataon na naman, mawawala ang pinakamamahal niyang babae sa kanya. Ang nagiisang babaeng minahal niya ng lubos higit pa sa buhay na niya.

MAG-ISANG bumalik si Evie sa hotel kung saan sila naka-check in. Kaagad siyang nagimpake at kahit pa gabi pa sana ang flight nila pauwi ng Manila, pinabago na niya ito upang makalipad na siya paalis.

Nalaman kaagad ni Benjamin na nakapag-check out na pala si Evie ngunit hindi na lamang niya ito hinabol o pinigilan.

Pawang lahat sa team nila ay walang umiimik o nagbibigay komento patungkol sa nalaman nila, ni hindi rin sila nakapagkwentuhan ng ibang bagay pa.

Panay ang sulyap ni Benjamin kay Silver na mukhang mas nananahimik at napapatulala. Hindi niya akalain ng matapos ang nangyari, nagagawa pa rin nitong magpatuloy sa gawain.

Dumiretso nga sila sa Kaur Beach Resort and Luxury Hotel, ito ang resort ni Khalil sa Palawan na nais niyang ibenta kay Silver, at ngayon mukhang mas desidido si Silver na bilihin ito.

Habang hinahayaan nila Benjamin at Silver ang kanilang mga empleyado na mag-enjoy sa resort para na rin mawala sa isip ng mga ito ang tensyon na naganap, nakapagsolo naman silang dalawa sa may pool area.

Parehong nakaupo ng magkatapat sa table sa pool area habang may tig-isang baso ng scotch on the rocks ang dalawa na tila hindi malaman kung papaano maguumpisa.

"So, will you gonna take over his resort?" paginom pa ni Benjamin ng alak niya.

"I will." baritonong tugon naman ni Silver.

"No doubts now."

"I will be needing this place to take him down." pagtagis bangang pa nito at hinigpitan ang pagkakahawak sa rock glass niya.

Na-gets kaagad ni Benjamin kung sino ang tinutukoy ni Silver.

"I wish Khalil has another resort here, so I could also take over that."

Sabay pa sila muling uminom sa kani-kanilang baso ng alak.

"Why didn't you -- follow her?" tila hindi na nakatiis si Benjamin kaya naitanong na ito.

Alam ni Silver na alam na rin ni Benjamin ang patungkol sa kanilang dalawa dahil na rin sa mga narinig nito kanina noong naguusap sila ni Evie.

Nang nawala sa paningin ni Benjamin si Silver kanina, may hinala na siyang sinundan nito si Evie kaya hinanap niya rin ang mga ito. Nang matagpuan niya ay naabutan niya ang paguusap ng dalawa habang parehong nagiiyakan at doon niya napagtanto na ang lahat.

Nang papaalis na si Evie, nagtago si Benjamin upang hindi siya makita nito ngunit lumabas din siya at hinarap si Silver. Nakita niya kung paano rin itong umiiyak kahit pa pilit na tinatago sa kanya.

"She needed that space. Mahirap ipilit sa ngayon dahil napakakomplikado pa. But soon, I'll find a way."

"I never thought that -- it was you she has been trying to move on these pass over years."

"Did she told you?"

Napailing naman si Benjamin. "Not everything I've learned today. Hindi ko alam ang nangyari sa kanila ni Bradley. Ang akala ko lang, bitter siya sa ex niya kaya ayaw tumanggap ng mga manliligaw man lang."

Palihim napangiti si Silver.

"I should be really mad at you, you know?" paseryosong saad pa ni Benjamin. "With all the money you have, yet you didn't even helped her throughout of her problems."

"I didn't know. She already cut me off."

"I bet you knew where she found by that time, aren't you? Why you didn't even bother to come?" tila may pangungutya at paninisi sa tinig nito.

"I was also confused and hurt by that time. It was so overwhelming that -- that it really frustrates and despresses me. I thought -- I thought that's what she really wants, so I have to respect it. But fuck it! It ruins me! It also fucks me off to hell and back." bakas rin naman ang lungkot at pagsisisi sa tinig ni Silver. Labis siyang nakakaramdam ng galit rin sa sarili dahil tila hinayaan niyang mangyari sa kanila ni Evie ang bagay na yun. Tila nahayaan niyang mangyari kay Evie iyon.

"She wouldn't suffer on that if you could just treat and love her right." tila sampal kay Silver ang mga sinabing ito ni Benjamin. He wanted to react but he knows it will be just pointless.

"I love her like I never loved anyone before. She means a lot to me. It's just happen that -- lots of things came up that it doesn't come in our favor."

"Having a right love at the wrong time? Damn, too cliché."

"But I will do everything to make it up to her. I cannot lose her now."

"But now, I think she needed more than just a helping hand to move on." napatingin naman si Silver sa kanya na tila nagtataka. "I know, I've said Evie is more than just a secretary to me. She's my bestfriend, a sister like. But -- that was actually what she only wanted." napasimsim pa ito ng hawak na alak. "Since the first time I saw her, I know there's something in her that is so deep and mysterious. And that makes me wonder how will I gonna get close to her because I know, as of everyday I've been seeing her, her eyes were sad like full of sorrows."

"Beyond her beautiful and cheerful face, there's a pain she keeps on hiding from anyone to know. Because she doesn't want it to be used against her."

Tila may kung anong tumatarak kay Silver habang naririnig ang sinasabi ni Benjamin. Nakakaramdam na naman siya ng pagka-intimidate rito dahil mukhang kilalang-kilala rin ni Benjamin si Evie.

"Natatakot akong subukan kasi -- I don't think I could ever be enough for her. She's too much to ask for. Lagi niyang pinamumukha sa akin na boss niya ako, sekretarya ko lang siya. I felt so lucky that she let me become part of her brand new life as her friend."

"Sinasabi ko sa sarili ko, sobrang swerte siguro ng lalaking mamahalin niya. And there you are."

Nagkatinginan naman silang dalawa na hindi mabasa ang ibig sabihin ng mga tingin nila sa isa't isa.

"Hindi ko lang akalain na -- magagawa mo sa kanya yun." nahalata na ang lungkot at panghihinayang ni Benjamin sa mga mata nito. "I have thoughts before, I've asked Evie if you were making a moves onto her but she denied it. Until Sofie opened up the idea of you trying to steel her as my secretary, and I stupidly almost believed on that. I just can't explain yet why you seemed getting close to her. "

"How did you find out?"

"I just confirmed it now. I just never thought that -- you've known each other for that long time. Akala ko nagka-develop-an na lang kayo dahil sa akin." as he poorly smirk.

Hindi gusto ni Silver ang mga nararamdaman ngunit hindi siya ganun kamanhid para hindi maunawaan ang pinupukol ni Benjamin, that he likes Evie too.

"I will do everything to have her again." tila pagsigurado ni Silver.

"If still that's what she wants."

Tila na-gets ng isa't isa ang bagay na ito. Hindi man nagugustuhan ni Silver ang mga sinabi ni Benjamin ngunit wala din naman siyang karapatang pigilan ito. At mas wala siyang karapatan pangunahan ang magiging desisyon ni Evie. Ang kinakailangan na lamang niyang gawin ay ang mga bagay na makakapagtama pa sa mga maling nagawa niya sa dalaga. Na kay Evie pa rin ang desisyon kung mapapatawad pa ba siya nito at matatanggap muli.

NAKAUWI na ng apartment niya si Evie kasama ng asong si Steve. Pilit man niyang hindi na maging emosyunal, ngunit hindi niya kontrolado ang sarili na.

Nagkulong na lamang siya sa kwarto niya at doon pinagpatuloy ang pag-iyak na pinipigilan niya bago pa man makauwi.

Tila nananariwa na naman sa kanya ang lahat ng nangyari, nananariwa muli ang sakit na naranasan niya at nanunumbalik ang galit hindi lang para sa mga taong nanakit sa kanya, kung hindi galit na rin sa sarili niya dahil sa mga nagawa niya.

Hindi niya alam kung may mukha pa ba siyang maihaharap sa mga katrabaho niya lalo na kay Benjamin. Hindi lang dahil ikinakahiya niya ang nangyari sa kanya nito, kung hindi baka magtampo ito sa kanya dahil naturingan silang magkaibigan ngunit ni hindi man lang niya ito nabanggit dito kailanman.

Masakit man isipin, ngunit tila mabuti na ring nagkaalaman na sila ni Silver. Oo nga't nagagalit siya sa paglilihim nito dahil tila may lihim rin siyang nais na sana ibaon sa limot dahil paniguradong baka hindi rin ito matanggap ni Silver.

Ayaw na sana niyang isipin ang mga sasabihin ng iba ngunit hindi niya maiwasang hindi pa rin masaktan lalo't muli niyang naaalala ang lahat ng sakit at paghihirap na dinanas noon.

MAAGA pa ring pumasok si Evie sa opisina kahit pa sobrang namumugto ang mga mata niya dahil sa pag-iyak at kulang sa tulog. Naging tahimik lamang siya at casual hanggang sa dumating rin si Benjamin na opisina.

Casual lang din bumati si Benjamin sa kanya kaya buong akala ni Evie malamang ay nagtatampo na ito, hindi lang dahil iniwan niya ang mga ito kahapon sa Palawan, kundi pati hindi niya pagsabi rito ng totoong nangyari sa buhay niya.

Hindi man sanay si Evie sa medyo cold treatment ni Benjamin, but she have to deal with it. Hindi siya kinakausap nito kung hindi tungkol sa trabaho at sa trabaho lamang, parehas silang ni hindi nag-lunch break. She felt off and relieved at the same time, mas nakapag-focus siya sa iba pang trabaho niya na parang wala lang ang nangyari sa kanya kahapon.

Narinig ni Evie na mayroong lumabas sa elevator at naglalakad ngayon papalapit sa kanya ngunit hindi niya ito nililingon dahil may tina-type siya sa computer niya.

"Ahm.. Miss Evie?"

Nabosesan ni Evie ito kaya mahina siyang napasinghap bago ito nilingon.

"Yes?" bahagya niyang pagngiti rito.

"Hi Miss Evie, ahm by the way, ito na yung reports namin sa site inspection sa Palawan." pag-abot niya ng folder rito at kaagad rin naman kinuha ni Evie.

"Ang bilis ah? Di ba dapat, i-email niyo na lang muna toh?" hindi naman inaasahan ni Evie na magbibigay sa kanya si Fe ng printed report na.

The usual kasi ay i-email muna ito sa kanila ni Benjamin at kapag approved na ni Benjamin ay saka pa lamang ipi-print ito ni Evie.

"Ahmm.. Sabi kasi ni director na gawin ma ito as soon as we get back here at para mapirmahan na daw niya." tila nagtataka pa rin si Evie rito at nagiintay pa ng paliwanag niya. "Para daw mabawasan naman yung trabaho mo daw."

Nailang naman si Evie at tila napapaiwas ng tingin rito.

"Sige, I'll have him sign this. Thanks, Fe." pagngiti na lamang niya rito at paglapag ng folder sa mesa niya.

"Ahm, Miss Evie." humarap naman din si Evie sa kanya kaya bigla niya itong niyakap.

Nabigla si Evie sa ginawa ni Fe ngunit hindi naman din siya pumalag at tinapik ito sa likuran.

Humiwalay din si Fe sa pagkakayakap kay Evie na nakaupo pa rin sa swivel chair niya at labis na nahihiya pa rin.

"Miss Evie, sobra talaga kitang hinahangaan. At kahit ano pang pinagdaanan mo, tandaan mo -- hindi ka nagiisa. Nandito kaming mga -- mga sumusuporta sayo. Nandito lang kami."

Gusto maiyak ni Evie sa tuwa ngunit ayaw niya iyon ipakita. Napahinga siya ng malalim at nangiti naman kay Fe.

"Thank you, Fe. Thank you." paghawak pa niya sa kamay nito at gayun din naman ito sa kanya.

"Whatever we found out yesterday, sa amin na lang yun. Nangako kami kay Sir Benjamin na sa amin na lamang din yun hindi dahil sinabihan niya kami. Kundi dahil nirerespeto ka namin bilang tao, bilang katrabaho, bilang kaibigan."

Tila natutunaw si Evie dahil buong akala niya ay makakatanggap siya ng pangungutya at panghuhusga mula sa mga ito.

"Hindi nga kami makapaniwala na magagalit si director ng ganun? Grabe! Ang lakas niyang manuntok! Tumba yung Mr. Bradley na --"

"Ano?!" halos hindi makapaniwala si Evie sa narinig.

"Ay ahm.. Nung nag-walkout ka, panay side comment pa yung walang hiya na lalaki na yun, kaya ayun! Binigyan siya ni Sir Benjamin!" pagsuntok pa nito sa hangin habang nagkukwento.

Napaawang naman ng labi niya si Evie dahil hindi niya akalaing magagawa iyon ni Benjamin.

He defended me?

"Kaya, fighting lang din, Miss Evie ah?" pagngiti na rin ni Fe rito saka iniwan si Evie sa cubicle niya.

Tila nakahinga naman ng maluwag si Evie dahil na-touch siya sa suporta sa kanya. Napahinga siya ng malalim at kinuha ang folder na binigay sa kanya ni Fe saka tumayo.

Kaagad siyang pumasok sa opisina ni Benjamin at tila nabigla ito ng mapatingala ng tingin sa kanya dahil may pinipirmahan.

Nang magtama ang kanilang mga mata, bumagal naman na si Evie sa paglalakad hanggang sa mahinto siya sa tapat ng table ni Benjamin.

"Benj.."

Napatigil si Benjamin sa ginagawa at tumuon sa kanya ng pansin.

"I'm -- I'm sorry.."

Naiilang at nahihiya niyang saad kay Benjamin ngunit tila wala itong reaksyon sa kanya.

"I -- I know may atraso ako sayo kasi -- hindi ko man lang nasabi sayo ang totoo."

"I just have one question for you." napataas ng dalawang kilay si Evie sa kanya. "Was it the reason why you're so good to me is that my father asked you to?"

Nanlaki naman ang mga mata ni Evie ngunit mabilis siyang dumipensa.

"Of course not! I may hide something from you but I'm not pretending. I never pretend when it comes to you. You've become my bestfriend, you know that."

Napangiti naman si Benjamin at tumayo na. Nagpunta ito sa harapan ng mesa niya at pumaupong sandal sa tapat ni Evie.

"I know, Evz. I believe in you. Hindi lang ako makapaniwala na -- marami ka palang tinatago."

"It's not that I'm hiding something --"

"It's fine. No big deal, nakakatampo lang talaga lalo na yung sa inyo ni Silver."

Nanlaki muli ang mga mata ni Evie at nakaramdam ng kung anong takot at kaba.

"You mean to say --"

"Yes, I knew it. Well, may kaunting hinala na ko noon, kaya nga tinanong kita di ba?"

Napapabangsak balikat naman si Evie sa kanya na hindi makapaniwala.

"It was really complicated Benj."

"Akala ko nga inaagaw ka lang talaga ni Silver bilang sekretarya ko dahil yun ang hinala ni Sofie, but it comes out. Tama pala ako. Well, some part of it, but -- basta yun na yun!" natatawa naman sa sarili niya si Benjamin.

Napapabuntong hininga naman si Evie at napayuko na lang dahil hindi niya malaman kung ano pang sasabihing paliwanag kay Benjamin.

"Hey? It's okay." pagtapik niya pa sa braso ni Evie kaya napatingin na ito sa kanya. "Kahit hindi mo sabihin, nahalata ko naman na yun. I know Silver has always eyes on you from the moment he saw you on that presentation."

Tila nangungusap ang mga mata ni Evie habang nakatingin kay Benjamin.

"He seems like, he's really doing something to get close to you. Noong nakita ko ang yate niyang may pangalan mo at yung matching tattoos niyo, mas lalo akong kinutuban pero ayokong maghinala kaagad kasi baka nagkataon lang, akala ko kasi kakakilala niyo lang nun eh. Until -- I've heard him told Steve that he was his daddy and your matching watches."

Napatingin naman din si Evie sa suot niyang relo na niregalo ni Silver sa kanya. Kahit pa sa galit siya rito, simula ng mapasakanya ito, ito na ang lagi niyang ginagamit.

"And to mention that you were holding hands and kissing while walking on the beach back from his yacht. And -- I've heard your talk yesterday. "

Gustong maglaho ni Evie sa kinakatayuan dahil sa hiya kay Benjamin. Napansin pala lahat ito ng boss niya kaya mas lalong wala siyang mukhang maiharap.

Shit naman oh! Nakakahiya!

"I didn't mean to hide it, especially from you, Benj. What's with me and Silver is in really complicated matter."

"I know. But I also know you've love him."

Napabuntong hininga na lamang ulit si Evie at napapangiwi ng labi dahil wala na nga siguro siyang maitatago pa kay Benjamin patungkol sa kanila ni Silver.

"I get mad to him too when I found out. But mostly to Bradley, so I didn't stop myself to --"

"Punch him?"

Napatungo naman si Benjamin rito at tila nahihiyang napapangiti.

"Benj, you don't really have to do that."

"Of course, I want to!" kinuha naman nito ang isang kamay ni Evie at hinimas ng dalawang kamay niya. "I will never let him get close to you. Whatever your move against him, I'll help you. I'm here for you, Evz."

"Benj.." napabuga na lang siya ng hangin at bagsak balikat bago tiningnan at ngumiti ng pilit. "Thank you."

Hinatak ni Benjamin si Evie papalapit sa kanya at bigla itong niyakap. Nabigla man si Evie, pero pumayakap na rin siya rito.

"Whatever your decisions are, I'm with you." paghaplos pa nito sa buhok ng dalaga.

Binaon ni Evie ang ulo sa balikat ni Benjamin habang nakapayakap rin dito. "I know, and thank you."

Naghiwalay na rin sila sa pagkakayakapan at pinisil pa ni Benjamin ang baba ni Evie.

"Smile Evz." at napangiti na lang din si Evie rito.

BUMALIK rin kaagad ang confident ni Evie sa tuwing haharap siya sa boss at sa ilang kasama sa trabaho. Mas magaan sa pakiramdam niya ngayon ang magtrabaho sa araw-araw na tanggapnat karespe-respeto siya.

Sa bawat araw na nagdaan, madalas ayain ni Benjamin si Evie na kumain sa labas kahit pa hindi related sa trabaho. Hindi naman ito binibigyang malisya ni Evie dahil gawain din naman nila ito ni Benjamin noon pa man at hindi niya rin maiwasang isipin na baka pinapagaan lang nito ang loob niya dahil sa nalaman.

Gusto niya ang ginagawa ni Benjamin sa kanya ngunit pakiramdam niya ay kinakaawaan na siya nito. Mas naging sweet at caring ngayon si Benjamin sa kanya sa loob o labas man ng opisina.

"Thanks again, Benj. May sodexo ka ba sa mga restaurants kaya panay ang aya mo sa akin kumain?" tila pagbibiro pa ni Evie matapos nilang ibalik ang menu at makapag-order na.

Natawa naman si Benjamin sa pasaring nito ngunit napatikhim.

"Wala naman. I just wanted to try again these restos." karamihan sa mga pinagdalahan ni Benjamin sa kanyang restos ay kinainan na nila o di kaya ay nakainan na ni Benjamin at gusto lang siyang dalahin doon.

"Akala ko kasi inuubos mo lang yung gift checks dahil mag-e expired na."

"Haha! Grabe ka! Hindi noh! -- masama bang ayain kang kumain paminsan-minsan?" pagngiti pa nito na tila nagpapalusot.

Napabuga ng hangin naman si Evie saka hinarap ulit ang boss.

"Alam mo Benj, hindi mo naman kailangan araw-arawin ang panlilibre mo sa akin para lang gumaan ang loob ko. Yes, I love this. But I'm fine already." pagngiti niya rin rito.

Biglang parang hindi mairi si Benjamin at napapakamot pa ng ulo. Hindi rin siya makatingin ng diretso kay Evie na tila nahihiya. Napansin naman ito ni Evie kaya lalong minasdan ang kaibigan.

"Okay ka lang? Natatae ka ba?"

Biglang nawala ang kaba ni Benjamin dahil natawa sa sinabi ni Evie. It has no dull moments talaga kapag kasama niya ito.

"Hindi.. I just -- I just wanted to ask something. If you don't mind?" pagaalangan pa rin nito.

"Sure, ano ba yun?"

"How's you -- and Silver?"

Tila napaatras naman si Evie sa kinauupuan at napalunok dahil hindi inaasahan ang tanong ni Benjamin sa kanya.

Ilang araw na ang lumipas simula ng makabalik sila mula Palawan, ilang araw na ring hindi niya nakikita o ni wala siyang balita kay Silver. Pakiramdam niya ay hindi man lang ito mag-effort na ma-contact man lang siya pero sinasabi rin niyang mas gusto niya yung magkalayo muna sila.

Pilit iniiwas ni Evie isipin ang patungkol sa kanila ni Silver. Napakakomplikado sa puso't isip niya. Ayaw niya rin sana magdesisyon pa ng walang kasiguraduhan. At hindi niya rin talaga alam kung alin ba ang tama o mali kung sakali.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status