“Stop saying you’re sorry, will you? Simula nang makilala kita lahat na lang yata ng pag-uusap natin nagso-sorry ka,” putol ni Simoun sa sasabihin ni Menchie.
Nilingon nito ang tumigil na sa pag-iingay na printer. “Tapos na yata ang pini-print mo.”
Inilapag niya sa mesa niya ang fish bowl at lumapit sa printer. Dinampot naman nito ang picture frame na naka-display sa mesa niya.
‘’Who is this man?’’ kunot-noong untag nito sabay turo sa kuya niya na naka-akbay sa kanya sa litrato.
“Ang Kuya Carlosito ko ho.”
“I see. Ayos na
“Will you keep your voice down!” sita ni Simoun sa babae. “Hindi ko hinihiling na katawan ang ipambayad mo! Jeez! Do I look like someone who needs to buy a woman’s consent?!”Agad namang namula ang buong mukha nito. Pero hindi pa rin napalis ang kislap ng indignasyon at mariing pagtutol sa mga mata nito. Masyado nang cliché ang kasabihang mas gumaganda ang isang babae kapag nagagalit ito. Pero totoo pa rin iyon sa kaso nito. Tila mas gumanda kasi ito sanhi ng buhay na buhay nitong anyo nang mga sandaling iyon.“Kung gayon ay linawin ninyo.”Bumuka ang mga labi niya para sagutin ito pero pinigilan ang anumang sasabihin niya nang pagtunog ng cellphone
PAKIRAMDAM NI MENCHIE ay nalanghap na niya ang lahat ng oxygen sa mundo at naibuga ang eighty percent ng carbon dioxide sa loob ng building nila sa dami ng beses niyang nag-inhale-exhale bago kumatok sa nakapinid na pinto ng opisina ng amo nila.Sinabihan na siya ng sekretarya nitong si Mrs. Vanza na pumasok. Kanina pa daw siya hinihintay ng amo nila. Pero imbes na pabilisin siya ng kaalamang iyon, mas lalo lang siyang pinabagal niyon sanhi ng matinding kaba niya. Heto na, sesesantihin na talaga siya ng lalaki.Dapat pala ay iniligpit na niya ang mga gamit niya kanina. Hindi nga nito diretsahang sinabing hindi lang nito hindi ibibigay ang hinihiram sana niyang pera dito, kundi sesesantihin na rin siya n
Pero hindi pa rin nakakatuwa ang nakakainsulto na pag-iisip ni Sir Simoun na mapi-presyuhan nito ang pag-sang-ayon ni Menchie sa plano nito. “Sabi ni Lola Dorinda, wala ka namang nobyo ngayon. Kaya ano ba talaga ang pumipigil sa iyo para pumayag sa proposisyon ko? It’s not as if I’m asking you to sell your body to me! What do you want in exchange for being my fake fiancee? A house? Fine, I’ll buy you a house!” animo nang-uuto ng isang bata ang tono at anyo nito. Malayung-malayo sa karaniwan na ay maawtoridad at masungit nitong anyo lagi. He must be rea
Napaisip si Menchie. Ano na lang ang mangyayari oras na kumalat nang may relasyon sila ng big boss ng kompanya? Tiyak magbabago ang pakikitungo ng mga iyon sa kanya. Iyon o iisipin ng mga ito na ginayuma niya o hindikaya ay bina-blackmail ang amo nila. “Don’t worry about them, okay? Just act the way you normally act. Now, get your bag, sasamahan kita sa bangko. Ipadala mo na sa kuya mo ang perang ipambabayad ninyo sa utang ninyo," ang paniniyak ni Simoun.******************************************************************* &n
"At sa palagay ko, kulang ka lang rin sa pagkakataong mahasa ang pisikal na mga abilidad mo kaya ka laging nadidisgrasya. Sorry to say this, pero lampa kang sobra,” dugtong pa nito.“But we’ll soon fix that. I’ll teach you some sports I know. I’ll train you how to be flexible, agile and quick on your feet so you won’t get into too many accidents.”“Kung jackstones at chinese checkers iyan, sige lang. Pero kung hindi, maghunus-dili ka. Dahil malamang ikaw naman ang madisgrasya dahil sa pagkalampa ko,” pabirong aniya.Pilit ikinukubli ang kilig niya at tuwa sa kaalamang handa it
“Buti hindi ka nagkakasakit sa ginagawa mo. Puros vetsin at preservatives ang laman ng mga kinakain mo. Ang mabuti pa, tuturuan na lang kitang magluto. Hindi sa pagmamayabang pero masarap akong magluto," puna ni Menchie. “Eh di huwag mo na akong turuang magluto. Ipagluto mo na lang ako mismo. Sa bahay mo na lang din ako kakain ng hapunan gabi-gabi. May kasama ka pang uubos ng mga ito,” kaswal na wika ni Simoun na inginuso ang sandamakmak na groceries sa pushcart nila. Kusang inimbita na nito ang sarili sa bahay niya. “Seryoso ka?!” b
JUST MOMENTS AGO, Simoun was hungry for the delicious food Menchie was cooking for him. Subalit ngayon, habang tinitikman niya ang tamis ng mga labi nito, mas higit pa sa pagkagutom ang nadarama niya.At base sa mainit nitong pagtugon sa halik niya, pareho sila ng nadarama. Sinalo ng dalawang kamay niya ang likod ng ulo nito upang mas mapaglalim pa niya ang paggalugad sa loob ng mga labi nito.He had never felt this much need for a woman before. Had never felt like he would die if he stopped kissing her.“Simoun…” anas nito nang bahagyang maghiwalay ang mga labi nila para sumagap sila pareho ng hangin.Para siyang malulunod sa pagkakati
Hindi tiyak ni Menchie pero may kutob siya na ang dahilan ng pagka-aligaga nito ay dahil kinakain din ng guilt ang dibdib nito sa napipinto nilang panloloko sa mga kapamilya nito. Saksi kasi sila pareho sa nag-uumapaw na kagalakan ni Lola Dorinda noong isang gabi nang makasama nila itong mag-dinner matapos nila itong sunduin sa airport. “I still can’t believe that you’re together now. I’m so happy for you both. Menchie is too nice a girl for you, Simoun, pray to high heavens she doesn’t discover you don’t deserve her at all. Siguraduhin mong hindi mo siya sasaktan!” wika nito sa nangangaral na tono habang iwinawagayway ang isang daliri kay Simoun. Napa-arko naman ang mga kilay ng binata. Bagamat may munting