Share

PART 3-SEVEN, NERD

      Nang manlaki ang mga mata nito sa gulat, akala niya magagalit ito at sasampalin siya kaya ihinanda na niya ang pisngi. Ngunit hindi nangyari iyon. Sa halip, tinitigan siya nito na para bang iyon ang unang halik nito gayong ayon sa tsismis ay marami na itong naging nobyo sa pinanggalingang pribadong eskwelahan.

“Aishell…” anas niyang hindi malaman kung paano ilalabas ang labis na katuwaan sa natuklasan.

Hindi siya nagkamali ng inisyal na hinala. Siya nga ang unang halik nito. Malinaw iyong nakasaad sa namumulang mga pisngi nito at nanlalaki sa gulat na mga mata.

“T-tara na, uwi na tayo. Baka naghihintay na kanina pa si Lolo Bart sa akin. Ikaw din, kailangan mo nang umuwi. Hinihintay ka na sa inyo,” halos hindi humihingang wika nito.

Luminga-linga sa paligid, hinahanap ang bag nito gayong nakasukbit na iyon sa balikat nito. Tila

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status