Pero karaniwan na ang mga pinaglalaruan nila ay iyong mga guys na alam nilang masyado din talaga ang ere sa katawan. Iyong mga tipong ang tingin sa mga babae ay trophy sa braso ng mga ito. Iyong mga tipong iisa lang ang habol sa mga kabaro nila. They loved raising the expectaions of those jerks then brutally putting them down.
Ang turing nila sa sarili nila ay mga secret avengers ng mga kabaro nilang sinaktan at pinaasa ng mga walang-maggawang lalaking iyon. Hence the name Heartless Girls. Because they are the girls who will never fall for a jerk and have her heart ripped out by said jerk. Mas gusto nilang sila ang magpadugo sa puso ng mga iyon.
Ang tingin tuloy sa kanila ng mga kaeskwela nilang babae ay playgirls dahil sa tila napakadali lang para sa kanilang pag-approach nila sa mga lalaki. Ang hindi alam ng marami, ni isa sa kanilang apat ay hindi pa nagkakaroon ng seryoson
Nakayuko si Aishell habang naglalakad sa pasilyo ng building na kinaroroonan ng Psychology class niya. Kakakausap lang sa kanya ng propesora nila. At sabi nito ay kung hindi niya bibilisan ang paghabol sa subject nito, malamang ay bumagsak siya. Kung kailan pa naman nasermunan siya ng Lolo Miong niya nang bisitahin niya ito sa Labrador kahapon. Tiyuhin ng kanyang ina si Lolo Miong. Ang tanging natitira niyang kapamilya mula sa side ng kanyang ina. Nang hindi sinasadyang mabanggit kasi niya dito ang tactic niyang sadyang ibabagsak ang kurso niya ay srmon ang ipinaulan nito sa ulo niya. “Para ano, Aishell? Ibabagsak mo ang kurso mo para lang makaganti sa lola at madrasta mo? Anong maidudulot niyon sa kanila bukod sa mapapahiya silang ang anak at apo nila ay bobo? Mas ang sarili mo ang pahihirapan mo!”
Pamoso ang reputasyon ng Labrador sa pagiging kuta ng mga delingkwenteng kabataan at kriminal dito sa San Isidro noon. Kapag may tumatakas na mga pugante ay doon awtomatiko ang takbo. Wala kasing pulis na nakakapasok doon at lumalabas ng buhay. Kaya naman pinababayaan na lang ng mga awtoridad ang mga naroon.Marumi, magulo at maya’t maya ang rambulan ng mga tagaroon sa lugar na iyon. Subalit nitong mga nagdaang taon ay tila luminis at tumahimik doon kahit paano. At iyon ay dahil daw sa tumatayong baranggay captain doon na si Kapitan Miong. Bagamat hindi ito pormal na kinikilala ng Comelec ay binoto naman ito ng mga tagaroon bilang pinuno ng mga ito. “Aishell, ano ba ang gagawin mo dito? May pupuntahan ka ba sa loob?” mahinang tanong niya sa dalaga. Ka
“Huwag kang mag-alala. Hustler ako dito, pampalipas oras namin ito ni Nando.” “Hindi na oras mo ngayon ang lilipas kapag natalo ka, buhay mo kaya huwag kang masyadong pa-easy-easy diyan!”Puno ng iritasyon ang anyo at tono nito. Pero may palagay siyang mas para sa sarili nito kaysa sa kanya ang iritasyong iyon. ---------------------------------------------------------------------------------------------------- Nginangatngat ng pangamba at guilt si Aishell habang pinanonood ang laban sa bilyar nina Bastian at Damulag. Alam niyang mahusay sa laro
Sa pila pa lang para sa flag ceremony ay hindi na mapakali si Bastian. Maya’t maya ang sulyap niya kay Aishell na nakahalukipkip sa dulo ng pila ng mga babae. Kataka-taka wala sa paligid ang ibang kaibigan nito. Malamang ay no-show n naman ang tatlo. Ganoon naman kasi ang grupo nito, dedma sa karamihan sa rules ng eskelahan nila.Akala niya hindi rin ito makaka-abot sa seremonya dahil hindi tulad kahapon, medyo huli na naman itong dumating ngayon.Tuwing Lunes lang ang flag ceremony ng eskwelahan nila. At required lahat ng estudyante na sumama sa seremonya. Kasabay rin kasi niyon ang lingguhang pagtatalumpati ng dean nila. Nang matapos ang pagsasalita ng
Nang manlaki ang mga mata nito sa gulat, akala niya magagalit ito at sasampalin siya kaya ihinanda na niya ang pisngi. Ngunit hindi nangyari iyon. Sa halip, tinitigan siya nito na para bang iyon ang unang halik nito gayong ayon sa tsismis ay marami na itong naging nobyo sa pinanggalingang pribadong eskwelahan.“Aishell…” anas niyang hindi malaman kung paano ilalabas ang labis na katuwaan sa natuklasan. Hindi siya nagkamali ng inisyal na hinala. Siya nga ang unang halik nito. Malinaw iyong nakasaad sa namumulang mga pisngi nito at nanlalaki sa gulat na mga mata.“T-tara na, uwi na tayo. Baka naghihintay na kanina pa si Lolo Bart sa akin. Ikaw din, kailangan mo nang umuwi. Hinihintay ka na sa inyo,” halos hindi humihingang wika nito. Luminga-linga sa paligid, hinahanap ang bag nito gayong nakasukbit na iyon sa balikat nito. Tila
Dali-daling dinampot niya ang pouch bag na nakapatong sa dresser niya. Kung aapurahin niya si Bastian sa pag-alis, hindi ito kailangang makausap ng matagal ng madrasta niya. Kung suswertehin ay ni hindi na nga nito kailangang makatagpo pa ang madrasta niya. Ngunit pagbaba niya ay kaharap na ito ng madrasta niya sa sofa sa sala. Tuwid na tuwid ang tingin nito sa madrasta niya. Hindi kababakasan ng pangingilag o kaba ang anyo pero naroon sa tono at anyo ang paggalang sa isang nakakatanda. He wasn’t intimidated by her stepmother’s stern look. But neither was he disrespectful. In fact, kinilabutan siya sa pagkakatingin sa mga ito. Dahil tila nakikita niya kay Bastian ang parehong taglay na tiwala sa sarili at awtoridad ng kanyang ama. Bakas sa kanyang nobyo ang ere ng isang taong nakatakdang mamuno.&
Aishell couldn’t belive it. In truth, she didn’t want to believe it. Ngunit hindi nagsisinungaling ang kanyang mga matang gimbal na nakatitig sa naka-cast na kaliwang braso ni Bastian. Maging sa puno ng pasa nitong mukha at putok na labi.Wala pang nakakapansin sa kanya kaya malaya niyang nabistahan ang kalubhaan ng pinsalang tinamo nito mula sa mga lalaking diumano ay humarang dito kagabi habang pauwi na ito. Kung hindi pa siya nasagi ng lalaking bisita ng pasyente sa katabing kama ng kay Bastian at hingan nito ng pasensya, hindi pa siya mapapansin nina Tiya Clara at Nando na nakapalibot kay Bastian.“Aishell! Iha, buti nandito ka na. Kanina ka pa niya hinahanap,
“Good evening, Tita Zita! Good evening, ladies, gentlemen! Busy planning how to steal from the good people of the Philippines?!” malakas na bati ni Aishell sa madrasta at sa sampung kapartido nito na kasalukuyang kausap sa loob ng opisina nito dito sa mansyon.Sinundan pa niya ng paghagikhik at pasuray na paglakad palapit sa mahabang mesa ang sinabi.She knew most of her stepmother’s colleagues think she’s drunk. Nasa anyo, lakad at tono niya iyon. Bagay na halata niyang ikinangingitngit ng kanyang madrasta ng mga sandaling iyon. “Excuse me. I need to talk to my stepdaughter,” mabilis na paalam ng kanyang madrasta sa mga kausap nito bago siya mahigpit na hinawakan sa braso at iginiya palabas ng silid. “Bye, people!” kaway