EURUS' POV
Ngayon lang umaraw uli, kaya naman naging busy na ang lahat sa kaniya-kaniya nilang gawain. Ako naman ay nasa room lang nag papahinga. Masakit pa rin kasi ang ulo ko kaya hindi na muna ako hinayaang makisali sa mga activities namin ngayon. Baka raw kasi lumala at mahilo pa ako, binigyan naman nila ako ng tubig at gamot. Naisipan ko na lang na manood sa kanila kaysa bagutin ko ang sarili ko sa loob ng room namin.
Nag lagay ako ng upuan sa harapan ng room namin, kitang-kita ko ang mga students na abala sa iba't ibang gawain. Maya-maya rin ay nag simula na ang ibang activities. Pinagsabay sabay na nila dahil hindi namin nagawa kahapon ang iba. Bali mahahati sa iba't ibang grupo ang iisang section para sa ibang activities, depende 'yon sa dami ng activities sa umaga.
Ang saya pa rin pala kahit nanonood lang ako dito. nakakatuwa kasi lahat ng students ay nag eenjoy sa mga games. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit. Pinanood ko sila Loki habang nag lalaro ng patintero, hindi ko maiwasang matawa dahil palagi na lang nahuhuli team nila. Makikita mo talaga sa mukha nila ang pagkakasar. Nakahanap din ng katapat, buti nga.
Habang pinapanood lang sila napansin ko ang napakagandang rainbow. Agad din naman nilang napansin 'to kaya napatigil sila sa pag lalaro sabay tingin sa kalangitan. May iba pa nga na nag picture pa kasama ang rainbow. Manghang-mangha sila dito, kahit ako rin. Ngayon na lang din kasi ako nakakita ng rainbow simula nong pumasok ako sa Castillio de Academia.
Bukod kasi sa 'di kami nakakalabas masyado, natatakpan din kasi halos ng lugar ng mga naglalakihang puno. Hindi naman sa ayaw ko sa mga puno, dahil nga sa kanila kaya malaya kaming nakakatambay or nakaklakad nang hindi naiinitan. unti-onti na rin nawawala ang rainbow kaya pinagpatuloy na nila ginagawa nila.
Hindi na rin ako nakapagtiis kaya tumayo na ako at naisipang maglibot-libot na lang muna. Hindi naman siguro bawal sa'kin ang maglibot ano? Una kong pinuntahan ang nasa likuran ng isang building -- ang mga gulayan. Nakakamanghang tignan mga gulay nila, it looks healthy kasi. And kung may mga oud or soething man sabi nila nakaktulong daw ito mag fertilize ng gulay. Hindi nga ako sue kung nakakatulong ba talaga, ayon kasi sabi sa'kin ni Loki nabasa niya raw kasi.
Masaya akong naglilibot sa boung campus, may mga nakakasalubong akong papunta sa mga games. Sobrang busy nga talaga nila, last kong pinuntahan ay ang canteen nila. Gawa ito sa bamboo and wood, pero mukhang matibay naman. Habang papalapit ako, napansin ko ang isang babae na nakaupo habang nakasandal sa haligi. Nagbabasa siya ng makapal na libro, hindi ko siya mamukhaan dahil nakaharang ang libro sa mukha niya. Nahihiya na tuloy akong tumuloy sa canteen dahil baka maistorbo ko siya, pero tumuloy pa rin ako dahil ito naman talaga ang ipinunta ko dito.
Sa may left side ako pumunta kung saan may mga chairs na nakatambak lang, umupo ako doon para sana umidlip. Ilang minuto pa ang nakalipas hindi man lang ako makatulog, pinilit ko pa pero hindi talaga. Tumayo na lang ako at babalik na lang sa room, baka doon makapagpahinga pa ako. Hindi ko na rin pinansin ang babaeng nasa dulo, hindi ko rin naman kasi kilala. Naglakad na ako pabalik, sa may harapan na ako dumaan para makinood na rin.
Last game na pala, saka ko lang naalala na last day na pala namin nagyon kaya wala ng games sa hapon. Kaya palalahat ng games ay nilaro na ngayong umaga. Nakitayo na lang din ako don para manood, basketball ang laro. Sinabipa ng announcer na friendly game lang ang laro dahil baka raw may magsasapakan. Kung sino man ang mamimisikal out na sa game with guidance office pa pag nakabalik sa school.
Masaya naman ang naging flow ng basketball, nag eenjoy ang nasa labas habang nag cheheer pa sa mga kaklase nila. Mas nagiging intense ang labanan dahil both teams ay magagaling. Score dito, score doon. Halos nga mag tie na score nila. Sa game na 'to walang quater, score lang na hanggang 50 para saglit lang. Wala namang umangal dahil mamayang hapon na kami uuwi, walang may gustong uuwi ng pagod lalo na't may dadaanan daw kami mamaya.
Habang nawiwili ako, nakaramdam akong bagay na humawak sa kamay ko kaya agad akong napalayo ako sa pagkabigla. Napatingin ako sa humawak sa kamay ko, si Dion lang pala, nakangisi ito sakin na tila nangaasar. Baliw talaga.
"Anong trip mo ba?" tanong ko. Hindi naman 'to sumagot at naikinood na lang din. Hinayaan ko na lang dahil baka nantitrip lang.
Napapalingon ako sa iba't ibang direction dahil feeling ko may nakatingin sa'kin. Hindi sa pagiging paranoid pero kasi feeling ko talaga. Simula nong hawakan ako sa kamay ni Dion nagiging ganito na pakiramdam ko. Oh baka naman dahil lang a sakit ng ulo ko 'to.
Natapos na ang game, tuwang-tuwa naman ang team na nanalo sa basketball. Hindi na rin ako nakapag focus sa game dahil napapraning na nga ata ako. Sumabay na ako kay Dion pabalik sa room namin, nag ayos na rin ako ng gamit at nilinis na rin namin ang boung room. Hindi kami nagtira ng kahit anong kalat dahil malinis 'to nong dumating kami dito.
Nang matapos na naming linisin lahat, agad naman kaming lumabas na para makasakay na sa bus. may kaniya-kaniyang pila uli ang bawat section, ilang minutes muna kami nag hintay bago umakyat sa bus.
"Attention students." sabi ng isang teacher, agad namang nanahimik ang mga kaklase ko. nag aagaw pa kasi ang iba ng upuan. "May vacant ba kayong kahit 6 seats lang?"tanong nito.
"Yes ma'am. Apat po sa pinakalikuran tas may dalawang vacant po na magkahiwalay." sagot ng president namin. Nag okay naman si ma'am at pinaakyat ang students ng ibang section. Nagulat at natuwa ang iba nang malaman nilang kasama doon si Odin.
Hindi ko na pinansin ang mga umakyat sa bus dahil nag aayos ako ng gamit ko. Gusto ko na rin kasi makatulog na dahil sobrang sakit na rin ng ulo ko. Pagkatapos kong mag ayos naupo na ako sa may bintana, si Helios naman ay lumipat ng seat. Hindi niya sinabi sa'kin kung bakit, hinayaan ko na lang din, mas maganda ang solo ang upuan.
Maya-maya ay nakaramdam akong ng pag bigat sa kabilang seat, hindi ko matignan dahil ang ganda na ng pikit ko. Tsaka inaantok na rin kasi ako. Hinayaan ko na lang kung sino man ang umupo sa tabi ko. Hindi naman siya nag iingay kaya ayos na rin. Agad din akong nakatulog sa byahe.
KASALUKUYAN HADES' POV Hindi naging masaya ang nagdaang pasko namin dahil sa pagkawala nila Aeulos at Eurus. Idagdag mo pa na nagsimula nang kumilos ang kampon ni Sebastian. Talagang napakasama niya, pati pasko hindi pinalampas. Sabagay, wala naman nang nagmamahal sa kaniya maski ang anak niya. Nagtulong tulong kami nila tito Eos para lipunin ang pumapanig sa kabutihan para sa magaganap na labanan. May kutob kaming sa mismong bagong taon sisimulan nila ang kaguluhan. Mas mabuti na ang handa kaysa sa wala. "Sa tingin mo ba saan nagpunta sina Aeulos?" tanong sa'kin ni Zag na ngayon ay hinahanda ang mga gagamitin naming s*****a para sa labanan. "Hindi ko alam, pero may hinala ako." sagot ko. May binigay sa'kin nakaraan si Aeulos na dalawang galoon ng tubig. Tinanong ko siya kung para saan, isa itong dinasalang tubig na may engkantasyon la
EURUS' POV Naunang magising sa'kin si Ayu, malamig ang boung paligid dahil sa hamog sa labas. Maaga pa naman kaya naisipan kong maghanap ng kape. Hindi naman mahirap hanapin ang kusina sa bahay na 'to dahil ito lang ang tanging nakabukas. Isa pa, amoy na amoy ko ang masarap na sarsa muli dito. "Gising kana pala." bungad ni Minrod sa'kin habang hinahalo ang sinangag. "Maupo ka doon, may kape rin jan kung gusto mo." dagdag niya. Nagpasalamat muna ako bago maupo sa upuan at magtimpla ng kape. Ang sarap higupin ng kape sa malamig na panahon. Inilapag na ni Minrod ang pagkaing niluluto niya. saka ko lang napansin ang itlog at ham sa mesa. Mukhang tira ata nong pasko ang ham, joke. "Kuha ka lang jan." wika niya, hinanap ng mata ko si Ayu. Mukhang wala ata siya sa bahay, mamaya ko na lang siguro itanong kay Minrod kung nasaan siya. Agad akong sumandok ng sinangag, k
EURUS' POVChristmas Eve and we're still here. May binigay sa'kin si Ayu kanina regalo niya sa'kin sa pasko. Isang kwintas may pendant itong sword na may ahas sa hawakan niya. Sabi niya ay itago ko ang kwintas na 'to dahil importante 'to sa kaniya. Sinuot ko ito at itinago sa damit ko. Wala man lang akong pamaskong handog sa kaniya, dinala ko na nga siya sa nakaraan wala man lang akong pangbawi.Rinig ko ang sari saring putukan sa magkabilaang lugar. Napatingin ako sa relo ko, 12 am, pasko na. Dinala ako ni Ayu dito sa tuktok ng puno para mapanood ang mga fireworks ngayong gabi. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko, nakakalungkot lang isipin na hindi ko kasama ang mga minamahal ko. Si mom na namatay na, si Oceana na hindi ko na alam kung nasaan. Mukhang hindi ko na matutupad ang pangako kong hanapin siya. Buhay pa kaya siya? Masama kaya ang loob niya sa'kin?
EURUS' POVGabi na pero hindi pa rin bumabalik si Ayu simula nang iwan niya ako. Hindi kami makakatagal sa lugar na 'to kung wala kaming lugar na pwedeng tulugan at makakain. Tanging nagliliyab na apoy lang ang kasama ko sa gitna ng kadiliman, sinabayan pa ng malamig na ihip ng hangin. Wala naman sigurong lalabas mula sa dilim 'di ba? Mas lumapit na lang ako sa apoy baka may nilalang mula sa dilim ang biglang sisipot, mas mabuti na ang handa."Oh." napaangat ako ng ulo nang marinig ang boses ni Ayu. Nakabalik na pala siya, malapit na rin maupos ang kahoy na nilalagay sa apoy. Inabot ko ang telang ibinigay ni Ayu, mukhang may nakuha siyang mga pwedeng pangtapal sa lamig. Dinagdagan niya na rin ang kahoy na panggatong sa apoy. Habang pinapanood siya hindi ko maisiwasang isipin ang mga nasaksihan ko sa nakaraan niya. Kung paano niya binura ang alaala ko, kung paano siya buhatin ni Minrod at
EURUS' POVNakaupo ako sa isang nakatumbang kahoy habang nag iisip ng pwedeng maging solusyon sa problema namin. Kung hindi lang sana nag interrupt si Ayu kanina edi sana kanina pa kami nakabalik sa hinaharap. Paano ba kasi kami napunta dito? Ang alam ko, nagising na ako kanina pa."Nakaisip kana ba ng paraan para makabalik tayo?" tanong ni Ayu, buti naisipan niya pang balikan ako. Tinignan ko siya habang nakabagsak ang balikat ko. "Sa itsura mo masasabi kong hindi pa." dagdag niya sabay upo sa harapan ko. Tinitignan niya lang ang boung paligid, hindi halata sa kaniya ang nababahala. Magaling nga talaga siya magtago ng emosyon maliban kanina."Bakit mo pala ako pinigilan kanina? Tutulungan niya tayo." tukoy ko kay Lacrisse, tinignan niya ako ng hindi makapaniwala. "Seryoso ka? Magtitiwala ka sa kanila?""Bakit hindi? Sila na lang ang tanging pag-asa ko pa
EURUS' POVDamang dama ko na ang kapaskuhan, mas lumamig na rin ang simoy ng hangin. Madalas ding umulan tuwing gabi, kulang na nga lang mag snow dito. Gumawa ng champorado si Zag bilang almusal namin habang pumapatak ang ulan. Ganito ba talaga pag december? Malamig, parang si Ayu. Walang halong biro, pagkatapos ng ginawa niya nakaraan ang cold na ng treatment niya sa'kin. Hindi na nga niya ako magawang tignan sa mata o kaya kausapin. Good thing din dahil mas nakapag focus ako ngayon sa abilities na meron ako. Pagkatapos nang nasaksihan ko nakaraan hindi na ako muli pang nakapag time travel, may pumipigil na naman sa'kin.Sa ngayon pinapraktis ko kung paano maging isang matibay na shield. Hindi ko pa rin kayang gumawa ng malakas na barrier para protektahan ang isa sa kanila. Sabi ni Hades ay kailangan ko nang macontrol ang mga kapangyarihan ko dahil alam nilang bago pa matapos ang taon na 'to kikilos n