Home / All / BEWARE OF THE NIGHT / CHAPTER 12: WARMTH

Share

CHAPTER 12: WARMTH

Author: amortia
last update Last Updated: 2021-11-20 23:22:35

EURUS' POV

Hindi kami dumeretso sa Academy dahil ayon sa bagong announcement ng headmaster, pwede na raw kami umuwi sa kaniya-kaniyang bahay dahil walang pasok ng one week. agad naman itong ikinatuwa naming lahat, halata sa amin na sabik na sabik na kaming makauwi sa kaniya-kaniya naming tahanan. Mabilis lang ang naging byahe namin, nang malapit na ako sa subdivission namin ay inihanda ko na ang mga gamit ko. 

I am so happy that finally I can sleep on my own bed with the smell of home. Agad akong bumaba nang tumigil sa tapat ng subdivission namin ang bus, nakareceive rin ako ng text na nakauwi na raw si Oceana kaya dumeretso na ako sa bahay. Hindi na ako nag patumpik-tumpik pa, kaagad akong pumara ng tricycle para ihatid ako sa bahay namin. Malawak ang subdivission namin, pero madali lang naman mahagilap ang bahay namin dahil namumukod tangi itong kulay mint green at kapansin pansin ang laki nito. 

Kilala na rin ako ni manong driver kaya alam na niya kung saan ako ibababa, nang makarating kami sa bahay nakita kong nasa bungad ng gate ni Mom. Halata sa mukha nitong sabik na sabik akong makita, kaya agad akong nag bayad nang makababa ako para salubungin ng mahigpit na yakap si Mom. At ganon din siya, sinuklian niya ako ng napakahigpit na yakap.

"Namiss kita, anak." wika nito habang inamoy-amoy pa ako. Pagkatapos naming magyakapan ay agad naman kaming pumasok dahil naghihintay na doon sa loob si Oceana at may inihanda siyang pagkain para sa amin. Sa 'di ko malamang dahilan bigla akong kinabahan. 

"Bakit anak?" pagaalalang tanong ni Mom. Agad ko namang iwinakli ang kaba ko at nginitian si mom. "Namiss ko lang ang bahay, ma." sagot ko. Ngumiti naman ito pabalik at inakay na ako papasok.

Dito pa lang sa sala ay amoy ko na ang napakabangong sarsa na tiyak akong luto ni mom. Agad naman ako naexcite kumain dahil namiss ko rin ang luto niya.

"Kuya." tawag ni Oceana, nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang makita ko siyang nakatayo sa pintuan ng kusina habang nakangiti pa. Hindi ko alam pero nawala ang kaba ko kanina nang makita ko siyang okay naman. Siguro dala lang din 'to ng pagod at gutom. Buti pa nga, kakain na muna ako.

Agad kong ibinaba ang gamit ko at dinaluhan sila sa hapag-kainan. Naging maganda naman ang takbo ng araw ko, marami kaming napagkwentuhan dahil daming tanong ni mom about sa studies namin. Pagkatapos ng ilang oras na kwentuhan, hinayaan na muna kami ni mom na magpahinga dahil alam niyang pagod pa kami galing byahe, mamaya niya na raw kami kukulitin. Hindi na ako umangal pa dahil totoong kailangan ko ng magpahinga.

Naglinis muna ako ng katawan bago mahiga sa kama ko, haay namiss ko ang kama ko. Nakailang ikot muna ako bago ako tuluyang nakatulog na. 

AEULOS' POV

Hindi ko maitatangging naiinggit ako sa mga taong bou ang pamilya, hindi ko kayang makita ang mga masasaya nilang mukha habang ang mga katulad kong naghihirap at nangungulila sa pagmmahal ng isang pamilya. Karaniwan akong nakaupo sa malaking sanga habang pinagmamasdan ang pamilya ni Eurus. Ang mga ngiti nila, ang masayang tawa mas lalo kong kinamumuhian si Amelia. Walang karapatang maging masaya ang isang taksil. 

"Dito ka lang pala." bungad ni Hades sa gilid ko, nramdaman ko namang umupo siya sa tabi habang nakatingin sa pamilya ni Eurus. "Gusto mo bang umuwi na?" tanong nito,  alam kong nagaalala lang ito sa'kin dahil wala na akong mauuwiang pamilya. Ayokong umuwi. Ayokong umuwi sa mansiong wala naman akong kasama kundi kadiliman lang. Kahit minsan ay dinadalaw ako nila Hades, hindi pa rin mapapawi nito ang pangungulila ko sa tunaw na pamilya. 

Hindi na muli siya nagsalita pa, alam niyang sobra akong naiingit  to the point na kinamumuhian ko na ang mga may kompleto at masasayng pamilya. Hindi nila ako masisisi, lumaki akong puro sakit, poot, galit at lungkot ang nararanasan ko. Alam ko namang ganon ang mangyayare dahil sa pamilyang taglay ko. Isang sumpa ang isinilang bilang isang Cromwell. 

Ang alam ng lahat isa itong makapangyarihang pamilya, malakas at nakakaangat sa lahat ng bampira. Sabagay, ayon lang ang importante. Kapangyarihan at angat sa lahat, kahit sariling pamilya ay kakalabanin makuha lang ang hangarin.  Mga taong nilamon ng kasamaan at kasakiman. Nakakadiri, minsan ay nakakaawa pero wala. Dumadaloy sa'kin ang dugong sakim, ang dugong Cromwell.

Bago pa man ako madala ng emosyon ay inaya na ako ni Hades na umalis na. Hindi na ako umangal, alam kong ikakabuti ko ang paglayo. Mas natitrigger kasi ako pag may nakikita akong tulad niyan, siguro dahil sa inggit at galit. Halo-halong emosyon.

Sinadya kong mapalapit kay Eurus dahil may bagay akong kailangan sa kaniya. Bagay na hindi nila pagmamay-a*i at kailangan lang maibalik. Tila nakalimot ang mga Laurier.

"Kung may makakakita sa'yo baka isipin stalker ka. Oh 'di kaya'y magnanakaw." sambit ni Hades habang naglalakad palayo sa mansion ng mga Laurier. Hindi ko na lang siya kinibo, wala pa namang nakakahuli sa'kin at isa pa, magaling akong magtago ng presensya. Hindi ako magiging isang Cromwell kung tatanga tanga ako.

"Kumusta ang pinapagawa ko?" seryosong tanong ko. Hindi ko alam bakit kailangan ko pang pumasok sa paaralan kung alam ko naman ang itinuturo nila at isa pa, matagal na akong nakapagtapos sa pag-aaral. Kung hindi lang dahil sa kaniya, hindi ako papasok sa paaralang hawak ng kinamumuhian ko, ang mga Caddel.

"Mas lumalala ang sitwation sa St. Ardelean dahil sa mga tauhan ni Headmas- err ni Sebastian Caddel." wika nito. Natatawa na lang ako pag tinatawag nilang Headmaster ang bakulaw na 'yon. Eh, mas matanda pa 'tong si Hades kaysa don. Kung hindi lang siya namatay-.

EURUS' POV

Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng ulan sa labas, mukhang napapadalas na ang pag ulan dito sa St. Castillio. Pero kahit umuulan ito pa rin ang tamang pagkakataon para makasama ang pamilya kaya agad akong bumangon dahil alam kong nagluluto si mom ngayon ng champorado dahil umuulan. At hindi nga ako nagkamali, amoy ko na ang bango ng niluluto niya. Kasabay ko sa paglabas ng kwarto si Oceana, na halatang kakagising lang din.

"Miss ko na talaga ang lutong bahay ni mom." wika niya, napatango lang ako dahil ganon din ako. Sabay kaming bumaba sa hagdan, sa hindi ko malamang dahilan bigla akong nakaramdam ng kilabot. Hindi naman malamig sa loob ng bahay, baka sa ihip lang ng hangin kaya agad kong tinungo ang nakabukas na bintana sa sala. Malakas na hangin ang humahampas sa bintana namin, kaagad kong isinara para hindi na rin kumalat ang talsik ng ulan sa loob. 

Pagkatapos ay kaagad akong pumunta sa kusina para dumalo sa kainan nila, as usual may nakahanda na sa mesa kaya umupo na ako para makakain na rin. Sobrang sabik ako sa luto ni mom.

"Masarap ba ang luto ko mga anak?" tanong ni mom. Kaagad akong tumango dahil puno pa ang bibig ko. Napatingin ako kay Oceana dahil hindi maipinta ang mukha nito. Tila ba nandidiri na ewan siya, magsasalita na sana ako nang may nag door bell. 

"Ako na po." presinta ni Oceana, hindi pa man nakakassagot si mom ay kaagad itong tumayo at umalis. Ano kayang problema non? Hinayaan ko na lang at inubos na ang pagkain ko. Tinulungan ko na ring magligpit si mom. 

"For you ma." Abot ni Ocean sa isang red letter.

Tinignan ko si mom habang tinitignan ang letter, napansin kong namutla ito at parang natataranta kaya kaagad akong lumapit sa kaniya. "Mom, ano pong problema?" seryoso kong tanong. Kinabahan ako bigla dahil hindi umimik si mom, umalis ito sa harap namin. Hindi ko magawang sumunod dahil para akong napako sa kinatatayuan ko. Tinignan ko si Oceana at ganon din siya. 

Makalipas ang ilang segundo ay naigalaw ko na ang katawan ko. Si mom kaagad ang naisip ko kaya kaagad akong tumakbo papunta sa kwarto niya. Naramdaman ko ring sumunod sa'kin si Oceana, nang makarating ako sa tapat ng room ni mom kaagad akong kumatok. 

Ilang katok pa ay walang sumasagot sa loob, mas lalo akong kinabahan kaya binuksan ko ang pintuan. Wala akong nakitang tao sa loob kaya kaagad kong tinungo ang cr ng kwarto ni mom pero wala siya. 

"Ahhhh." rinig kong sigaw ni Oceana kaya kaagad akong lumabas, hinanap ko kaagad siya at natagpuang nakaupo sa sahig. Gulat at takot ang rumihistro sa mukha niya kaya nilapitan ko siya at tinignan kong saan siya nakatingin. Si..... si mom.

Si mom nakahiga, pero...

pero wala na siyang puso...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 41

    KASALUKUYAN HADES' POV Hindi naging masaya ang nagdaang pasko namin dahil sa pagkawala nila Aeulos at Eurus. Idagdag mo pa na nagsimula nang kumilos ang kampon ni Sebastian. Talagang napakasama niya, pati pasko hindi pinalampas. Sabagay, wala naman nang nagmamahal sa kaniya maski ang anak niya. Nagtulong tulong kami nila tito Eos para lipunin ang pumapanig sa kabutihan para sa magaganap na labanan. May kutob kaming sa mismong bagong taon sisimulan nila ang kaguluhan. Mas mabuti na ang handa kaysa sa wala. "Sa tingin mo ba saan nagpunta sina Aeulos?" tanong sa'kin ni Zag na ngayon ay hinahanda ang mga gagamitin naming s*****a para sa labanan. "Hindi ko alam, pero may hinala ako." sagot ko. May binigay sa'kin nakaraan si Aeulos na dalawang galoon ng tubig. Tinanong ko siya kung para saan, isa itong dinasalang tubig na may engkantasyon la

  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 40

    EURUS' POV Naunang magising sa'kin si Ayu, malamig ang boung paligid dahil sa hamog sa labas. Maaga pa naman kaya naisipan kong maghanap ng kape. Hindi naman mahirap hanapin ang kusina sa bahay na 'to dahil ito lang ang tanging nakabukas. Isa pa, amoy na amoy ko ang masarap na sarsa muli dito. "Gising kana pala." bungad ni Minrod sa'kin habang hinahalo ang sinangag. "Maupo ka doon, may kape rin jan kung gusto mo." dagdag niya. Nagpasalamat muna ako bago maupo sa upuan at magtimpla ng kape. Ang sarap higupin ng kape sa malamig na panahon. Inilapag na ni Minrod ang pagkaing niluluto niya. saka ko lang napansin ang itlog at ham sa mesa. Mukhang tira ata nong pasko ang ham, joke. "Kuha ka lang jan." wika niya, hinanap ng mata ko si Ayu. Mukhang wala ata siya sa bahay, mamaya ko na lang siguro itanong kay Minrod kung nasaan siya. Agad akong sumandok ng sinangag, k

  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 39

    EURUS' POVChristmas Eve and we're still here. May binigay sa'kin si Ayu kanina regalo niya sa'kin sa pasko. Isang kwintas may pendant itong sword na may ahas sa hawakan niya. Sabi niya ay itago ko ang kwintas na 'to dahil importante 'to sa kaniya. Sinuot ko ito at itinago sa damit ko. Wala man lang akong pamaskong handog sa kaniya, dinala ko na nga siya sa nakaraan wala man lang akong pangbawi.Rinig ko ang sari saring putukan sa magkabilaang lugar. Napatingin ako sa relo ko, 12 am, pasko na. Dinala ako ni Ayu dito sa tuktok ng puno para mapanood ang mga fireworks ngayong gabi. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko, nakakalungkot lang isipin na hindi ko kasama ang mga minamahal ko. Si mom na namatay na, si Oceana na hindi ko na alam kung nasaan. Mukhang hindi ko na matutupad ang pangako kong hanapin siya. Buhay pa kaya siya? Masama kaya ang loob niya sa'kin?

  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 38

    EURUS' POVGabi na pero hindi pa rin bumabalik si Ayu simula nang iwan niya ako. Hindi kami makakatagal sa lugar na 'to kung wala kaming lugar na pwedeng tulugan at makakain. Tanging nagliliyab na apoy lang ang kasama ko sa gitna ng kadiliman, sinabayan pa ng malamig na ihip ng hangin. Wala naman sigurong lalabas mula sa dilim 'di ba? Mas lumapit na lang ako sa apoy baka may nilalang mula sa dilim ang biglang sisipot, mas mabuti na ang handa."Oh." napaangat ako ng ulo nang marinig ang boses ni Ayu. Nakabalik na pala siya, malapit na rin maupos ang kahoy na nilalagay sa apoy. Inabot ko ang telang ibinigay ni Ayu, mukhang may nakuha siyang mga pwedeng pangtapal sa lamig. Dinagdagan niya na rin ang kahoy na panggatong sa apoy. Habang pinapanood siya hindi ko maisiwasang isipin ang mga nasaksihan ko sa nakaraan niya. Kung paano niya binura ang alaala ko, kung paano siya buhatin ni Minrod at

  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 37

    EURUS' POVNakaupo ako sa isang nakatumbang kahoy habang nag iisip ng pwedeng maging solusyon sa problema namin. Kung hindi lang sana nag interrupt si Ayu kanina edi sana kanina pa kami nakabalik sa hinaharap. Paano ba kasi kami napunta dito? Ang alam ko, nagising na ako kanina pa."Nakaisip kana ba ng paraan para makabalik tayo?" tanong ni Ayu, buti naisipan niya pang balikan ako. Tinignan ko siya habang nakabagsak ang balikat ko. "Sa itsura mo masasabi kong hindi pa." dagdag niya sabay upo sa harapan ko. Tinitignan niya lang ang boung paligid, hindi halata sa kaniya ang nababahala. Magaling nga talaga siya magtago ng emosyon maliban kanina."Bakit mo pala ako pinigilan kanina? Tutulungan niya tayo." tukoy ko kay Lacrisse, tinignan niya ako ng hindi makapaniwala. "Seryoso ka? Magtitiwala ka sa kanila?""Bakit hindi? Sila na lang ang tanging pag-asa ko pa

  • BEWARE OF THE NIGHT    CHAPTER 36

    EURUS' POVDamang dama ko na ang kapaskuhan, mas lumamig na rin ang simoy ng hangin. Madalas ding umulan tuwing gabi, kulang na nga lang mag snow dito. Gumawa ng champorado si Zag bilang almusal namin habang pumapatak ang ulan. Ganito ba talaga pag december? Malamig, parang si Ayu. Walang halong biro, pagkatapos ng ginawa niya nakaraan ang cold na ng treatment niya sa'kin. Hindi na nga niya ako magawang tignan sa mata o kaya kausapin. Good thing din dahil mas nakapag focus ako ngayon sa abilities na meron ako. Pagkatapos nang nasaksihan ko nakaraan hindi na ako muli pang nakapag time travel, may pumipigil na naman sa'kin.Sa ngayon pinapraktis ko kung paano maging isang matibay na shield. Hindi ko pa rin kayang gumawa ng malakas na barrier para protektahan ang isa sa kanila. Sabi ni Hades ay kailangan ko nang macontrol ang mga kapangyarihan ko dahil alam nilang bago pa matapos ang taon na 'to kikilos n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status