Every Second Count

Every Second Count

last updateLast Updated : 2022-01-19
By:  AI RagasOngoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
42Chapters
2.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Sa inis ni Aura Beatriz Diaz, nakuha niyang makipag-usap sa kaklase at kapitbahay niyang iniiwasan ng lahat. Sa ngalan ng plus points, pinilit niya si Shintaro Terrano na magpalit sila ng points sapagkat ito ang dahilan kung bakit siya na-late sa klase. “Sino naman ang nagsasabi sa iyong ayaw ko ng points? Pasensiya ka na, ‘di ko magagawa iyan...” Sagot ni Shintaro sa kanya. “Pero may ibang paraan ako para makakuha ka nito...” Namangha niya nang namalayan niyang kaya naman palang makipag-usap nito sa mga tao. “Babaguhin natin ang nakaraan.” Sinabi pa nito. Napatigil siya nang hawakan nito ang kamay niya at literal na umikot ang kanyang mundo. Pumikit siya ng mariin at noong sa tingin niya'y tumigil na ang pag-ikot. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Wala na sila sa paaralan. Nasa waiting shed na sila kung saan sila nag-agawan ng pwesto sa jeep kanina. “P-Paano mo nagawa ito? I-Isa ka bang w-wizard? G-Guardian? Guardian angel?!” Halos pasigaw na tanong niya. Mababaliw na siya. Paano ito nagawa ng isang Shintaro Terrano? Ano nga ba si Shintaro Terrano? Umangat ang gilid ng labi nito. “Akala ko ba matalino ang isang Aura Beatriz Cortes Diaz? Bakit hindi mo napagtagping maaaring isa akong manglalakbay sa kahapon, kasalukuyan at hinaharap… Oo, manlalakbay ako. Kaya kong baguhin ang nangyari na. Itong kaharap mo ngayon ang totoong Shintaro. Ikaw lang ang nakakaalam ng totoong Shintaro Terrano… Ikaw lang ang hahayaan kong makaalam.”

View More

Chapter 1

-----A-----

NASAAN ako?

Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Hindi ko alam kung kaninong kwarto ito. Hindi pa ako nakapunta dito.

Isa-isa kong tiningnan ang bawat gamit, nagbabaka-sakaling kilala ko ang nagmamay-ari pero wala. Wala akong makuhang tip kung nasaan ako! Wala naman akong kakilalang mahilig sa black and white.

Dahan-dahan kong inilapat ang aking mga paa sa sahig na marmol. Kulay itim na marmol kaya dapat matakot na ako pero wala. Wala ulit. Wala akong nakuhang takot sa nakikita ko sa paligid. Parang ang cool nga, ‘e! Para akong nasa libro ng Fifty Shades of Grey. To the point na nasa kama niya ako!

Huminga ako ng malalim at sinuklay ang aking buhok gamit lang ang aking kamay. Dapat ‘I woke up like this.’ ang peg ko. Nakita ko ang bag ko na komportableng nakaupo sa sofa at agad ko itong nilapitan. Binuksan at tiningnan ang lamang loob kung kompleto pa. Mukha namang ‘di ginalaw.

Pero… Nasaan nga ba ako? Kaninong kwarto ito? Sino ang kasam- Shit! Si Shintaro! Tama. Nasaan si Shintaro? Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala naman akong nararamdamang kakaiba. Maliban nalang sa suot ko. Iba na ito! Oh, my God! Don’t tell me-

“Awww.” Mahinang daing ko nang maramdaman ko ang sakit sa binatong damit sa akin. Inis ko itong inilayo sa mukha ko at tiningnan ng maigi. Ang school uniform ko! Binalingan ko ang bumato at binigyan siya ng pinakamasama kong tingin. “Ang sama mo, ah! Pwede mo naman iabot ng maayos!” Singhal ko. Napatigil ako saglit nang napagtanto kong hubad siya! Maliban nalang sa suot niyang apron, magiging hubad siya! Syempre, biro lang. Naka-Jersey short siya at topless. Ayon na nga, may apron. Ang hot! Lumunok ako. “S-Shintaro, ano kasi.. A-Anong nangyari? Bakit tayo nandito?”

Sinuklian rin niya ako ng masamang tingin. “Magbihis ka para makauwi ka na.” Malamig niyang wika. Nanlaki ang mga mata ko.

Wala akong maaalala! Anong nangyari sa kanya? May ginawa ba akong ikinagagalit niya? Napatitig nalang ako sa pintuang nilabasan niya at pinoproseso ang lahat. Gawd! Tama! Aura, maling tanong kasi! Dapat ang tanong ko sa kanya ay kung nasaan si Eliz.

Si Eliz ang huli kong nakausap at ‘di ko manlang naalala kung bakit nakatulog ako. Bakit ‘di manlang ako nagtaka kung bakit narito si Shintaro! Ah, right. Sa kanya ang bahay na ito. K-Kwarto niya ito! Malamang!

Hindi ko na inabala ang sarili kong tumakbo pa sa C.R.. Itinupi ko ang damit na ipinangtulog ko at nilagay sa kanyang kama. Inayos ko na rin ang aking mukha at buhok. Kung galit man siya, sana mabawasan man lang iyon ng ganda ko. Syempre, naghilamos ako at dumikit ang aking paningin sa nag-iisang toothbrush na naroon na alam kong kay Shintaro. Kukunin ko na sana ang toothbrush ngunit lumiko ang kamay ko at kinuha nalang ang mouthwash bilang pamalit. Nang umayos na ang mukha ko ay nagpabango pa ako.

“S-Shintaro,” Nauutal kong harap sa kanya. Lately, kapag siya ang kaharap ko. Lagi nalang akong nauutal! “Shintaro,” Ulet ko nang hindi man lang siya lumingon.

Isang palapag lang ang bahay pero malaki. Malawak ang kanyang sala at nakaupo siya sa isang parihabang sofa na nakapaharap sa isang flat screen T.V.

Nagmistulang bingi siya kaya tatawagin ko na sana siya ulet nang bigla siyang tumingin sa akin. Napalunok ako nang makita ang blanko niyang titig. “Huli na natin itong pag-uusap, Aura. Umuwi ka na at nag-aalala na ang nanay mo.”

Ang pinakaweirdo sa school at sa buong lugar na si Shintaro Terrano ay sinabi iyon sa sa nag-iisang Aura Beatriz Diaz.

Ang pinakaweirdo na si Shintaro Terrano ay hindi lang basta tao! Isa siyang malaking kalokohan na mahirap paniwalaan. Kaya niyang mag- leapt through time!

Para kay Aura, isang alamat ang makakakilala ng isang time-traveler. Isinama siya nito, naiba ang lahat!

Paano kung bigla-bigla nalang itong maging cold sa kanya? Hays. Paano kung dahil dito ay nasasabotahe ang takbo ng tadhana ng mga kaibigan niya? Hays. Paano kung pati lovelife niya ay napeperwisyo pa? Hays.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

Comments

No Comments
42 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status