Mina's POV
MALALABONG anag-ag, parang isang pelikula. Mga ala-ala niya nang bata pa siya.
Ang Daddy niya habang kalong-kalong siya. May suot siyang party at pink na bestida. Maraming tao, maraming bata. Masaya siya habang kinakantahan ng birthday song.
"I love you, baby..." anang Daddy niya sabay halik sa noo niya.
"MOMMY!" masiglang bati niya ng makita ang ina sa gate ng mansion nila. Nakangiti ito at may hawak na regalo.
Lumingon siya para hanapin ang Daddy niya at sabihin umuwi na ang Mommy niya pero hindi niya na ito nakita. Nag-aatubili man lumapit siya sa Mommy niya.
Dali-dali siya nitong kinarga at sinakay sa isang taxi. Mula no'n hindi na niya nakita ang Daddy niya.
KAILANGAN niyang makauwi ng maaga para makapagsaing, malayo pa lang tanaw na niya sa pinto barong-barong nila ang nakatayong si Pipoy. Marungis na naman ang kapatid niya.
<Kenobi's POV"And they live happily ever after..." pagtatapos ni Kenobi sa kuwentong pambatang binabasa niya kay Lexa. Binalingan niya ang anak na nakaunan sa kanyang braso.Namimigat na ang talukap ng mga mata nito. Napangiti siya at hinila ang kumot saka ikinumot dito."Goodnight, baby..." masuyong aniya saka ito hinalikat sa noo."Daddy...""Hmmm?""Paggising ko po ba bukas nandito na si Axel at Mommy?" inaantok na tanong ng ni Lexa.Natigilan siya. Saglit na hindi niya malaman kung paano sasagutin ang tanong ng anak.
Mina's POVMASUYONG hinahaplos ni Mina ang buhok ng kanyang ama habang nakahiga na ito sa kama. Ayaw siyang bitawan nito hanggang sa nakatulog na ito. Natatakot raw kasi ito na bigla na naman siyang mawala. Baka raw magising ito na hindi totoong buhay siya.Nakaramdam siya ng awa sa kanyang ama. Hapis ang mukha nito at tila pagod na pagod. Mas matanda itong tignan kaysa sa tunay nitong edad.Na-stroke ang Daddy niya dahil dinamdam nito ang pagkawala niya. At wala siyang ibang masisi kundi si Kenobi. Kasalanan nitong lahat ang nangyari. Kung hindi nito pineke ang pagkamatay niya, kung hindi sana siya nito nilayo sa pamilya niya hindi nagkaganito ang Daddy niya.Pinahid niya ang mga luha nang
Mina's POVSUMAKAY si Mina ng taxi at nagpahatid sa Village kung na saan ang mansion ng mga De'Marco. Ibinayad niya ang 24 karat gold bracelet niya na niregalo ni Kenobi last Christmas. Tuwang-tuwa ang driver at inabutan pa siya ng limang daan.Lumapit siya sa guard house ng Village at nagpakilala. Nagkatinginan ang dalawa at saglit na nagbulungan."Eh, Ma'am, wala hong tao sa mansion ng mga De'Marco ngayon kundi ang mga katulong. Kung si Mr. Honaracio De'Marco ho ang hinahanap niya mas mabuti pang dumiretso na kayo sa Manila Cathedral. Nandoon ho ang mga De'Marco dahil kasal ni Miss Shimmer.""Si S-Shimmer?" ulit niya. May pananabik na bumangon sa kanyang dibdib ng mabanggit ang kapatid.
Mina's POV"Kenobi!" malakas na sigaw niya sabay bangon. Hinihingal siya at tagaktak ang pawis niya.Alam niya na lahat. Natatandaan na niya kung sino siya, kung sino ang mga taong naalala niya. Kung sino talaga si Kenobi sa buhay niya.Kung sino si Kristoff at kung ano siya nito. Hindi siya si Agatha, siya si Hermina De'Marco at mas lalong hindi si Adrian o Kenobi ang asawa niya kundi si Kristoff Sandoval.Natutop niya ang bibig. Limang taon. Limang taon siyang niloko ni Kenobi. Inilayo sa pamilya niya at sa lalaking totoong mahal niya.Pero bakit?Bakit nagawa itong lahat ni Ken
"Kayo po pala ang asawa ni Sir Kristoff, Ma'am," ani nito na sinagot niya lang ng tipid na ngiti."Ang ganda niyo po pala sa personal sa mga pictures ko lang po kasi kayo nakita.""Thank you..." mahinang pasasalamat niya. Pinamulahan siya ng mukha sa mga papuri nito sa kanya."Dito po tayo, Ma'am..." anito at iginiya siya sa kanang hallway. Isang mahogany table ang nasa labas ng isang double door na pintuan. May gold template doon at nakaukit ang pangalan ni Kristoff. "Jas, si Ma'am Mina asawa ni Sir Kristoff," pakilala sa kanya ng receptionist sa babaeng nakaupo sa likod ng silya.Halata namang nagulat ito pero pagkuwan ay ngumisi sa kanya ng nakakaloko. Parang sasabog na ang dibdib nito sa suot na puting blouse na napapatungan ng blazer. Makapal ang make up nito at mahaba ang wavy na buhok. Maganda ito at mas mukhang artista kaysa secretary.Nakaramdam siya ng paninibugho. Hindi niya maiwasan ang i
Mina's POVMALALABONG anag-ag, parang isang pelikula. Mga ala-ala niya nang bata pa siya.Ang Daddy niya habang kalong-kalong siya. May suot siyang party at pink na bestida. Maraming tao, maraming bata. Masaya siya habang kinakantahan ng birthday song."I love you, baby..." anang Daddy niya sabay halik sa noo niya."MOMMY!" masiglang bati niya ng makita ang ina sa gate ng mansion nila. Nakangiti ito at may hawak na regalo.Lumingon siya para hanapin ang Daddy niya at sabihin umuwi na ang Mommy niya pero hindi niya na ito nakita. Nag-aatubili man lumapit siya sa Mommy niya.Dali-dali siya nitong kinarga at sinakay sa isang taxi. Mula no'n hindi na niya nakita ang Daddy niya.KAILANGAN niyang makauwi ng maaga para makapagsaing, malayo pa lang tanaw na niya sa pinto barong-barong nila ang nakatayong si Pipoy. Marungis na naman ang kapatid niya.