His Secret Child (Tagalog)

His Secret Child (Tagalog)

last updateHuling Na-update : 2022-10-24
By:  Seera MeiKumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.7
360 Mga Ratings. 360 Rebyu
157Mga Kabanata
1.5Mviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Masaya si Eunice nang mapangasawa ang lalaking mahal niya. Kahit nahihirapan siya sa kanya, patuloy siyang umuunawa at nagmamalasakit. Ikinasal sila para sa kapakanan ng kumpanya at sa kagustuhan ng kanilang mga magulang. Tiniis niya ang lahat, umaasa na balang araw ay matutunan din siyang mahalin at tanggapin ang kanilang kasal. Ngunit nagkamali siya; mas lalo siyang nasasaktan. Mas binibigyan ng atensyon ng kanyang asawa ang dating kasintahan kaysa sa kanya. Hanggang isang gabi, laking gulat niya nang makita ang kanyang asawang lasing na nakatayo sa harap ng kanyang kwarto. Bigla na lang siyang hinila papasok. Doon, may nangyari sa kanila. Ibinigay ni Eunice ang sarili sa kanyang asawa kahit lasing na lasing ito. Pagkaraan ng isang buwan, nalaman niyang siya ay buntis. Pinili niyang lumayo. Natakot siyang hindi siya paniwalaan at itakwil ang kanilang anak. Umalis siya nang hindi sinasabi ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Ilang taon ang lumipas, bumalik siya, ngayon kasama ang kanilang anak. Paano kung muli silang magtagpo at ang tadhana ay magbuklod muli sa kanila? Ano ang gagawin ni Eunice? Sasabihin ba niya ang katotohanan na may anak sila, o patuloy niya itong ililihim?

view more

Kabanata 1

PROLOGUE

Aaliyah Eunice

(Present) 

     "Bes, anong resulta, positive ba?" Tanong ni Trisha habang nakatingin sa ’kin, nanginginig na inilahad ko sa kanya ang pregnancy test, mabilis naman niyang kinuha sa kamay ko ang PT at tinignan iyon. Napasinghap ito ng makita ang resulta.

 

    "Oh my god!" Kitang kita ko ang takot sa mga mata ng bestfriend ko. Napapikit na lamang ako at napahawak sa aking mukha. Hindi ko inaasahan na mabubuntis ako, paano ko sasabihin kay Travis 'to?

 

   "Trish, anong gagawin ko? Natatakot akong sabihin sa kuya mo ang pag bubuntis ko, baka hindi niya ako paniwalaan! Alam mo naman ang sitwasyon namin ‘di ba? Alam mong pinakasalan lang ako ng kuya mo para sa kompanya n’ya. At hindi naman ako ang tunay niyang mahal. Wala lang ako sa kuya mo. kaya paano 'to?." Hindi ko maiwasan na hindi ma-iyak, naramdaman ko naman ang pag-yakap niya sa akin. 

 

   "Shhhh..stop crying Bes, mag-iisip tayo ng paraan ok? Magiging ok din ang lahat." Pang-aalo niya sa akin. Tumigil naman ako sa pag-iyak. Unti-unti akong lumayo sa yakap niya at nag-angat ng tingin. 

 

   "May naisip kana ‘ba kung paano? kase ako wala, sobra ang kalasingan ni Travis ng gabing 'yon at sigurado akong wala siyang na-aalala na ako ang kasiping n’ya..dahil..." Muling nag-tuluan ang mga luha ko, naalala ko na naman ang nang-yari ng gabing 'yon.

 

  "...D-Dahil...dahil habang mag-kasiping kami ibang pangalan ang binabanggit n’ya. Si Mikaela Mayell pa rin Trish, si Mayell pa’ rin talaga ang mahal niya." 

  "What!? si Mayell ang binabanggit n’ya!? Napaka g*go talaga ni kuya! God! Baliw na baliw siya sa babaeng iniwan siya at pinili ang iba?! Sumusobra na talaga ang lalaking 'yan!" Galit na sambit niya. 

 

 

 

  Kalaunan ay tumigil ito saglit mukhang may ini-isip. Makalipas ang ilang minuto ay nag-salita siyang muli.

    "May naisip na ako Bes, alam kong mahal mo si kuya pero sa ginagawa niya sa 'yo, sa pag-trato niya sa ’yo na hindi na maka-tao mas makakabuti na iwan mo na siya. Mas maganda lumayo kana lang Bes, Akong bahala sa lahat tutulungan kita. Ilang buwan nalang naman tapos na ang kontrata n’yo ni kuya ‘di ba? Talk to him and say that you will set him free. Pero— `wag mong sasabihin na buntis ka. Hindi niya deserve malaman 'yon. Hayaan mo siyang mag-mukhang t*nga bilang kabayaran sa lahat ng ginawa niya sa `yo. I'm here, akong bahala sa pamangkin ko. H'wag mong ikulong ang sarili mo sa kagaya ni kuya, ‘Di ba gusto mong maging fashion designer? Ituloy mo 'yon kapag nanganak kana. Nandito ako para suportahan ka..

 

 

   “End this b*llsh*t relationship, Ikaw lang naman ang nag-mamahal sa inyong dalawa. Tigilan mo na ang pagiging martir mo. Basta ikaw ginawa mo ang lahat para isalba ang relasyong niyong dalawa ni Kuya. Hindi ka nag-kulang, nagkataon lang na arrange marriage kayo at may ibang mahal ang g*go kong kapatid. Think bes, hindi ka na pwede mag-stay dito na ganyan ang kalagayan mo.”

 

   Napatigil at napa-isip ako sa mga sinabi ni Trish, Tama lahat ng sinabi niya. Tutal pagod na pagod na din ako sa mga ginagawa sa ’kin ni Travis, ‘yung sarili at magiging baby ko naman ang isipin ko ngayon. Oras na nga sigurong lumayo ako at iwan siya. Hindi na ako pwede mag-tagal sa bahay na ito na ganito pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Baka may mang-yari pa sa anak ko. 

 

 

 

   Hindi din naman niya paniniwalaan na may anak kami. Ayoko ipilit ang sarili ko sa taong hindi naman talaga ako mahal mula sa umpisa palang. Tama na ang pagiging martir ko. Ginawa ko naman ang lahat para sa relasyon namin kaso hindi ko talaga kayang higitan si Mayell sa puso ng asawa ko.

    Mariin akong pumikit.. Papalayain na kita Travis, hahayaan na kitang habulin ng habulin si Mayell. Pinunasan ko ang luha ko at tinignan si Trish, tipid akong ngumiti sa kanya bago nagsalita.

   "Tama ka Trish, oras na sigurong pakawalan ko si Travis, Nakapag-desisyon na ako. Kakausapin ko siya at aalis na ako sa bahay na ’to." Isang malungkot na ngiti ang pumaskil sa labi niya bago hawakan ang kamay ko at nagsalita.

   "Kahit nakakalungkot na aalis kana dito sa bahay, ok lang kesa ikulong mo ang sarili mo sa katulad ni kuya, tutulungan kita Bes, akong bahala sa lahat." Ngumiti ako bago niyakap ang kaibigan ko.

  "Thank you Trish. Thank you..."

 

 

  Nag-papasalamat pa rin ako na may kaibigan akong katulad ni Trisha. Handa akong tulungan sa lahat.. 

 

 

 

*********

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Ratings

10
94%(337)
9
1%(5)
8
1%(5)
7
0%(1)
6
0%(0)
5
0%(1)
4
1%(3)
3
0%(1)
2
1%(2)
1
1%(5)
9.7 / 10.0
360 Mga Ratings · 360 Rebyu
Sulatin ang Repaso

RebyuMore

Seera Mei
Seera Mei
Hello beshie's! May bagong story na po! Title: The Night I Met My CEO Sana po ay suportahan niyo. ... Thank youuuuu!
2025-07-30 12:11:59
3
0
Grethel Sta Ana
Grethel Sta Ana
ganda ng story.. congrats sa author ...️
2025-06-03 09:17:30
0
0
Adah Dino
Adah Dino
nice story po
2025-03-20 14:24:27
0
0
Babylyn Asi
Babylyn Asi
congratulations
2024-12-04 08:57:31
3
0
Rhenzsethlyn Bolaños
Rhenzsethlyn Bolaños
good story maganda yung genre hindi boring
2024-12-02 22:20:25
10
0
157 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status