LOGINPaano kung ang tanging lalaking makakapagliligtas sa pamilya mo ay siya ring lalaking gustong sumira nito? Nawala na ang lahat kay Alessia Devereaux, maging ang kumpanyang pinaghirapan ng kanyang ama. Habang nakikipaglaban sa kamatayan ang kanyang ama, napilitan siyang humingi ng tulong sa lalaking kinatatakutan ng lahat, si Dante Valentino Moretti, isang bilyonaryong mafia boss na may matinding galit sa kanila. Nag-alok si Dante ng isang kontrata, pakakasalan siya ni Alessia, kapalit ng tulong. Para kay Dante, isa lang siyang “revenge bride” na gagamitin sa paghihiganti niya sa pamilya ng babae. Para naman kay Alessia, kahit kinamumuhian niya ang lalaking ito, ang kanyang agenda, gamitin ang kapangyarihan ng mga Moretti, kaya pinirmahan niya ang kontratang magkukulong sa kanya. Gagawin ni Dante Moretti ang lahat para gawing impiyerno ang buhay niya. Handang isakripisyo ni Alessia ang kanyang kalayaan para iligtas ang kanyang pamilya. Ngunit paano kung ang kasal na nagsimula sa galit ay mauwi sa pag-ibig? At paano kung ang lalaking pinakasalan niya para gamitin ay siya ring lalaking maaaring tuluyang wasakin at durugin ang puso niya? “You will be mine, Alessia. Even if I have to drag you into hell.”
View MorePOV: Dante Mabigat ang mga hakbang ko pabalik sa loob ng mansyon. Amoy pulbura pa rin ang aking damit, at may kaunting bahid ng mga natuyong dugo ang dulo ng aking manggas mula sa mga tauhan ni Gabriel. Nabawi ko ang shipment na tinangka nilang nakawin, pero hindi pa rin mapakali ang dibdib ko, dahil alam kong hindi susuko si Gabriel. Nasisiguro kong may iba pang plano si Gabriel, at alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya."Boss, maayos na ang seguridad sa labas," ulat ni Marco na sumunod sa akin pagpasok sa sala. "Pero may napansin ako kanina habang wala ka."Huminto ako sa balak na pag-akyat ng hagdanan at nilingon siya. "Ano 'yon?""Nadatnan ko si Alessia sa loob ng opisina mo. Sabi niya ay naghahanap lang siya ng libro, pero pakiramdam kong may iba siyang tinitingnan sa lamesa mo," seryosong sagot ni Marco.Bahagyang umawang ang mga labi ko, napasamid ako. Masyado atang malikot ang mga kamay ng asawa ko. Akala ba niya ay ganoon kadaling pasukin a
POV: DanteMabilis na tumatakbo ang sasakyan patungo sa pupuntahan namin. Wala akong ibang iniisip kundi si Gabriel. Nagiisip ako papaano ko uubusin ang lahat ng tauhan niya para magtanda siya. Walang sinuman sa mga ito ang pwedeng humarang sa mga plano ko, lalo na ang isang De luca."Boss, limang minuto na lang at sasalubungin na tayo ng ating mga tao sa labas ng bodega," sabi ni Marco na nakatingin lang sa daan habang mahigpit ang hawak sa manibela."Mabuti. Siguraduhin mong walang makakatakas sa kanila," malamig kong sagot habang sinusuri ang aking baril. Nang makarating kami sa daungan, agad kong narinig ang sunod-sunod na putok ng mga baril. Puno ng maiingay na sigawan ng mga nagkakagulong tao sa paligid. Ang mga tauhan ko ay kasalukuyan nang nakikipagpalitan ng bala laban sa mga tauhan ni Gabriel na sumubok na agawin ang aming shipment. Puno ng amoy ng pulbura at usok ang malamig na hangin ng gabi, sasabayan pa ng amoy ng mga sariwang dugo.Bumaba ako ng sasakyan, walang takot
POV: Alessia"Huwag mong subukan ang pasensya ko, Alessia. Kumain ka!"Malamig na utos ni Dante. Nakaupo siya sa dulo ng mahabang lamesang puno ng masasarap na pagkain. Sa dami ng nakahain, wala akong balak hawakan kahit ang kubyertos. Magkaharap kaming dalawa sa malaking dining area, pero ang hangin sa paligid namin ay sobrang bigat. Gusto kong isaksak sa mukha niya ang bawat kutsara na nasa harapan ko. Naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya. "Nandito ako dahil lang sa kontrata natin, Dante. Hindi para makipag-plastikan sa 'yo," mariing sagot ko, sinalubong ko ang kanyang madilim na tingin nang hindi kumukurap. Isang maikling ngisi ang dumaan sa kanyang mga labi bago niya ibinaba ang hawak niyang baso ng alak. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Akala mo ba may kakayahan ka para tumanggi sa akin? Isang tawag ko lang sa ospital ngayon, matitigil ang gamot at suporta sa buhay ng Papa mo. Gusto mo ba iyon?"“Damn you!” naikuyom ko ang aking kamao sa ilalim ng lamesa hanggang sa mabaon ang m
POV: Dante "Nakaalis na siya, Boss." Tumango lang ako bilang tugon. Ibinaba ko ang baso kong may lamang alak sa aking lamesa bago hinarap si Marco. Alam ko kung saan pupunta si Alessia—sa ospital, diretso sa kanyang ama na si Theodore Devereaux . Ang buong akala niya siguro, ay nagtagumpay siyang isalba ang pamilya niya. Ang hindi niya alam, pumasok lang siya sa isang kasunduan na dahan-dahang wawasak sa lahat ng natitirang meron siya. "Bantayan mo ang bawat galaw niya, Marco," utos ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng aking opisina. "Ayokong magkaroon siya ng pagkakataon na makipag-usap kahit kanino sa mga tauhan ni Gabriel." "Masusunod, Boss. Pero paano si Adrian?" tanong muli ng aking secretary. "Nabalitaan kong tumawag si Alessia sa kanya pagkaalis dito. Mukhang tinapos na niya ang kanilang engagement." Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ko. Matalino ka talaga, Alessia. Alam mong walang maitutulong sa 'yo ang lalaking iyon. "Hayaan mo na si Adrian. Mas madal












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.