Share

11.2

Unti-unti man akong kinakabahan pero hindi ako nagpatalo. Mas dinoble ko ang aking bilis,hanggang sa lumipas ang sampung minuto. “Sir Phin!” nagpaikot-ikot ako para obserbahan ang aking paligid. Wala akong nakikitang signs ng tamang daan! Naloko na, naliligaw yata ako!

Alas kuwatro na nang tingnan ko ang aking relo. Bumaling ako sa gawi kung nasaan ang araw, inatake nanaman ako ng kaba nang maisip na baka lumubog na ito at mag-isa lang ako. Shoot, huwag naman sana!

Habang naglalakad mag-isa ay wala akong matinong direksyon, kahit may hawak akong mapa ay hindi ko naman tiyak ang lokasyon ko. Walang silbi ang aking cellphone dahil wala namang signal. Wala akong makitang signs sa paligid, tanging nagtataasang kahoy at sanga lang ang nakikita ko.

“Phineas!” Dapat ay may mga mountaineers kaming kasamang aakyat ngayon, pero dahil ayaw nitong si Phineas Fuchs na may kasama kaming dalawa ay together alone naming inakyat ang Mt. Payapa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status