LOGINChapter 83Saturday AfternoonMaaga kaming umalis ng bahay ni Gab para hindi ma-late sa birthday party. Nakasuot ang anak ko ng simpleng polo at jeans, habang hawak-hawak ang maliit na gift box na pinili niya mismo kahapon.“Mom, are there many kids there?” tanong ni Gab habang nasa likod ng kotse.Sumulyap ako sa rearview mirror at ngumiti.“I think so. Birthday party iyon.”Napangiti siya.“Good! Baka may makalaro ako.”Sa tabi ko naman ay nakaupo si Zahra na mukhang excited din kahit pilit niya itong itinatago.“Address is just ahead,” sabi niya habang tinitingnan ang phone.Pagliko namin sa isang malawak na gate, agad bumungad sa amin ang isang malaking bahay na halos parang maliit na resort.Maraming sasakyan ang nakaparada sa labas at may mga staff na nag-aasikaso ng mga bisita.Napahinto ako sandali sa pagmamaneho.“Wow,” bulong ni Zahra. “This is not just a birthday party.”Bahagya akong napangiti.Mukhang totoo nga.Pagbaba namin ng kotse, agad na sinalubong kami ng isang sta
Chapter 82 Pagbalik namin sa opisina ko, agad akong naupo sa swivel chair habang inilalapag ni Zahra ang mga folder sa mesa. Sandali akong napasandal at ipinikit ang mga mata ko. Mahaba pa ang araw na naghihintay sa akin. “Ms. CEO,” tawag ni Zahra habang tinitingnan ang tablet niya. “You still have two meetings this afternoon.” Bahagya akong napabuntong-hininga. “Let me guess,” sabi ko habang binubuksan ang laptop ko. “One with the architects.” Tumango siya. “And the other one?” “With the marketing team for the Skyline summer campaign.” Tumango ako habang mabilis na binubuksan ang ilang emails. Halos limampung bagong mensahe na agad ang bumungad sa akin. “Busy day,” sabi ko. “Very busy,” sagot ni Zahra. Tahimik akong nagbasa ng ilang email bago ko biglang naalala ang isang bagay. “Zahra.” “Yes, Ms. CEO?” “Do we have any events scheduled next week?” Mabilis niyang chineck ang calendar sa tablet niya. “Next week… hmm,” sabi niya habang ini-scroll ang schedule. “Wedne
𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫 𝐍𝐨𝐭𝐞: 𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐨 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚𝐬𝐚. 𝐊𝐮𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐩𝐚𝐧𝐬𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐩𝐚𝐫𝐞𝐡𝐨𝐧𝐠 𝐞𝐤𝐬𝐞𝐧𝐚 𝐨 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐮𝐦𝐩𝐚𝐧𝐲𝐚, 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐛𝐮𝐧𝐠𝐚 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐦𝐚𝐡𝐢𝐧𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐮𝐧𝐮𝐥𝐚𝐭. 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐨 𝐢𝐭𝐨 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐨 𝐨 𝐤𝐚𝐮𝐠𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐭𝐚𝐨 𝐨 𝐤𝐨𝐦𝐩𝐚𝐧𝐲𝐚. 𝐒𝐚𝐧𝐚 𝐩𝐨 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐮𝐧𝐚𝐰𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐧𝐲𝐨. 𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐬𝐚 𝐚𝐭 𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚! -𝐋𝐨𝐯𝐞: 𝐒𝐊𝐘𝐆𝐎𝐎𝐃𝐍𝐎𝐕𝐄𝐋/ 𝐒𝐤𝐲 𝐆𝐨𝐨𝐝𝐧𝐨𝐯𝐞𝐥 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐢𝐞𝐬
Chapter 81 Matapos naming magpaalam sa ilang staff ng resort, naglakad na kami papunta sa parking area. Mainit na ang araw ngunit sariwa pa rin ang hangin mula sa dagat. Binuksan ko ang kotse at inilagay ang bag ko sa passenger seat bago ako umupo sa driver’s seat. Ako ang magmamaneho pauwi ng Manila. Sumakay si Zahra sa kabilang side habang inaayos ang seatbelt niya. “Ready?” tanong ko. “Ready,” sagot niya habang sumandal sa upuan. Paandar ko ang makina ng sasakyan at dahan-dahang inilabas ang kotse mula sa resort. Habang umaandar kami sa highway palabas ng Batangas, tahimik lang muna kami. Pareho kaming pagod mula sa mahabang gabi. Makalipas ang ilang minuto, nagsalita si Zahra. “Back to reality,” sabi niya habang tumitingin sa labas ng bintana. Napangiti ako nang bahagya. “Back to work.” Bukod sa pagiging kaibigan ko, si Zahra rin ang aking PA — personal assistant sa Skyline. Kaya kadalasan ay sabay talaga kaming pumapasok sa opisina. “By the way,” sabi niya habang bi
Chapter 80 Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Zahra. Bahagyang pumapasok ang sinag ng araw mula sa bintana habang maririnig ang mahinang hampas ng alon sa dalampasigan. Pagkatapos naming mag-ayos at mag-empake ng aming mga gamit, bumaba kami sa restaurant ng resort para mag-almusal bago umalis. Tahimik lang kaming kumakain habang pinagmamasdan ang magandang tanawin ng dagat sa umaga. “Ang sarap ng hangin dito sa umaga,” sabi ni Zahra habang umiinom ng kape. Tumango ako. “Yeah. Peaceful.” Kinuha ko ang phone ko sandali para silipin kung may message mula sa bahay tungkol kay Gab. Nang makita kong maayos naman ang lahat, napangiti ako nang bahagya at ibinalik ang phone sa mesa. Habang kumakain kami, napansin kong may dalawang lalaking papalapit sa mesa namin. Bahagya akong napataas ng kilay nang makilala ko sila. Sila ang dalawang lalaking nakasayaw namin kagabi. “Good morning, ladies,” bati ng isa sa kanila habang nakangiti. Napangiti si Zahra. “Good morning.” Tumayo nan
Chapter 79 “Hahah!” Iyon lang ang naging sagot ni Zahra sa sinabi kong stop overthinking. Malakas pa ang tawa niya kaya napailing na lang ako habang napapangiti. “You’re impossible,” sabi ko habang umiinom ng kaunting champagne. “Hey, I’m just saying,” sagot niya na nakataas pa ang kilay. “Handsome, successful, single dad… that’s a rare combo.” Umiling ako at hindi na lang pinatulan ang sinabi niya. Sandali akong tumingin sa paligid. Patuloy pa rin ang sayawan sa dance floor, mas lalong naging lively ang tugtog at ang ilang bisita ay mukhang hindi pa handang matapos ang gabi. Pero nang silipin ko ang aking relo, bahagya akong napakunot ang noo. “Zahra,” sabi ko. “Hm?” “It’s almost midnight.” Napatingin siya sa relo niya. “Oh wow… 12 AM na pala.” Napabuntong-hininga ako nang mahina. “Let’s go,” sabi ko. “We should rest.” Tumango siya. “Yeah… tomorrow we still have things to do.” Tumayo kami mula sa aming mesa at nagpaalam sa ilang taong nakilala namin kanina. Habang nagl







