Chapter 3Tahimik lang siya nang ilang segundo, nakapikit, parang pinipigilan ang sariling lumuha.Pagkatapos ay marahan siyang nagsalita, halos pabulong, parang batang humihingi ng tulong.“Okay… I understand,” mahina niyang sabi.“But can you… hug me until I sleep?”Napatingin ako sa kanya.Ang mga mata niya ay pagod, puno ng kirot, at may bahid ng takot na muling mag-isa.Hindi ko alam kung anong pwersa ang nagtulak sa akin,pero bago ko pa napigilan ang sarili ko, marahan kong inalalayan siya pahiga.Lumapit ako, dahan-dahan, at inilapit ang braso ko sa kanya.At nang tuluyan kong yakapin siya—parang sumabog ang lahat ng ingay sa utak ko.Mainit ang katawan niya, marahan ang paghinga,at sa bawat galaw niya ay naramdaman kong unti-unti siyang kumakalma.“Thank you, Fire…” mahina niyang bulong.“You make me feel safe.”Napapikit ako.Kung alam mo lang, Ninang… hindi ko dapat ginagawa ‘to.Pero sa sandaling ‘to, wala na akong lakas tumanggi.Hinaplos ko ang buhok niya, marahan, hab
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-27 อ่านเพิ่มเติม