Share

Kabanata 29.2 - Revelation

"I heard you and Nikolai Jauregui are dating, is that true?" tanong ng pinsan kong babae, si Cleah. Sinundan niya ba 'ko dito sa kitchen para lang itanong 'yon?

Tumango nalang ako nang hindi siya nililingon. She pour wine on her glass and sipped on it. Ramdam ko naman ang mapanghusgang tingin na iginawad niya sa'kin. Don't tell me she like Isaiah?

"Just so you know.. I like Nikolai since the day I met him in a bar, you should break up with him, can you do that for me? If you did, maybe I could ask our family to accept you na.."

The fuck is that? She wants me to do what? Break up with Isaiah kapalit ng pagtanggap sa'kin ng family ko? She's insane!

"Sorry, I can't do that.. and if I did, I don't know if Isaiah will let me, he's damn inlove with me, you know.." may bahid ng pang-aasar sa pagkakasabi ko kaya naman nanlilisik ang mata ni Cleah ngayon.

Maglalakad na sana ako palayo nang binunggo niya 'ko, natapon ang wine na hawak nito at nadumihan ng konti ang suot niyang dress. Nagulat agad ako dahil doon at naestatwa sa kinatatayuan ko, maya maya pa ay nagsipuntahan na sa'min ang mga pinsan namin para daluhan siya. Si Ate naman ay tinabihan ko para tanungin ang nangyari.

"You're so clumsy, hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo!" sigaw ni Cleah. Kaedaran ko lang siya at isa siya sa hindi ko makasundo dahil sa ugali nito. What the hell? Baliw ba siya?

"Are you blind? You are the one who's clumsy!" sarkastikong sabi ko. Naiinis ako dahil alam kong sinadya niyang bungguin ako. Tapos ngayon parang siya pa ang biktima? Ang kapal din naman pala ng mukha nito.

"How dare you! Akala mo ba hindi ko alam na nagkikita pa rin kayo nung Drew na 'yon?" she fired back, that stops me. "I saw you inside the coffee shop, you're disgusting!" dugtong niya pa.

Drew.. hearing his name triggers my emotion. Agad na nagsilapitan ang mga relatives namin, hindi ko alam na nandyan na pala sila, siguradong narinig na nila ang sinabi ni Cleah.

The Tita's and Tito's looks confuse now, ang iba sakanila ay mapanghusgang tingin ang iginawad sa'kin. Mukhang alam ko na kung saan patungo ang usapang ito.. at ayoko no'n.

"Is that true, Chantreia? Nagkita kayo ng lalaking 'yon?" one of my Tita asked, puno ng panghuhusga ang mata nito nang balingan ako.

They looked at me like I did a crime, they are already accusing me of the action I didn't do. Yes, nagkita kami pero accidentally 'yon!

"Yes, but—" a slapped stops me from speaking.

I heard gasps after that slap, no one dared to move. Maging ako ay natatakot dahil sa nangyari. Maybe I really deserve that slap, maybe I deserve their treatment.

"Ang tanga tanga mo! Hindi ka pa ba nadadala? Niloko ka nung lalakeng 'yon tapos nakikipagkita ka pa rin sakaniya hanggang ngayon? You are really a disgrace in this family... Well, you're not really belong—"

"Stop it, Cristy!" my father's voice thundered.

Nilapitan ako ni Mama para daluhan ako, bakas ang galit at pag-aalala sa mukha nito. Ang mga relatives naman namin ay natahimik habang nakatingin kay Papa. Wala ni isang nangahas na magsalita maliban kay Tita Cristy.

"What now, Kuya? You will defend that girl again?" ani Tita at dinuro-duro pa ako.

Agad na nagpuyos sa galit si Mama at nilapitan ang Tita ko para sampalin ito. Lahat ay nagulat sa ginawa niya, wala ni isa sa amin ang nagsalita matapos mangyari 'yon. Kita ko ang galit kay Mama to the point na nanginginig na ito habang nakaturo kay Tita, she gritted her teeth while showering dagger-like gazes at our relatives.

"That is for slapping my daughter, you bitch! I'm so tired of pretending to be a good sister-in-law to all of you when in fact, you doesn't deserve even a bit of it. Sawang sawa na 'ko sa pang-aalipusta niyo sa anak ko—"

My mother's words were interrupted when my Tita laughed evily, lahat ng atensyon ay napunta sakaniya. Para siyang mga evil mother na napapanood ko sa mga fairytale, yung tipong magpapahirap sa bida. Bakas ang tuwa sa mukha nito kahit nasampal na siya ni Mama.

On the other hand, I stayed quiet. Natatakot ako sa kahihinatnan ng gabing 'to at the same time, pagod na rin ako. Pagod na 'ko sa lahat ng sinasabi nila patungkol sa'kin, paulit ulit nalang. I am a disgrace, I don't belong here, I shouldn't be here. Pagod na pagod na 'ko!

"Really, Charlotte? Is she really your daughter?" sambit ni Tita na ikinagulat ko. Napaangat ako ng tingin dahil doon, my heart is beating loudly and my Tita's words echoed on my head repeatedly.

What the fuck was that? Naguguluhan na 'ko, that is the idea I didn't entertain for the past years dahil alam kong imposible pero ngayon, parang sinampal ako ng katotohanan. I couldn't move, it is like the whole world stops for me, like it is the end of it. Parang gumiba yung mundo ko, nag flashback lahat ng idea na pinili kong isawalang bahala dahil akala ko imposible..

But right now, right in front of me. I felt like I stabbed multiple times. Parang gusto ko ulit magpasampal kay Tita dahil sa narinig ko.

"She is our daughter, Cristy! If you cannot accept her in this family, then, forget being relatives with me!" my father said with finality. Like his words speaks authority.. like he really owned me.

Bakas ang pagkabahala sa mga mukha nila ngayon ngunit mas pinili pa rin ni Tita na ngumisi na para bang hindi siya natatakot kay Papa. She really wants to messed with our family and as much as I don't want to believe her, I just can't. May part sa akin na pinaniniwalaan siya dahil ramdam ko, lalo pa ngayon.. Alam kong may katotohanan sa mga pinagsasabi niya.

"Am I really you daughter?" I asked them, nakatingin lang ako kay Mama at halata sa mukha nito ang pagkagulat. Nilapitan niya ko para sana hawakan ang kamay ko ngunit umiwas agad ako.

Nakitaan ko ng lungkot ang mga mata nito, ganoon din si Ate at Papa. Hindi ko na napigilan, sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ko, ayaw tumigil. Gusto kong saktan yung sarili ko ngayon dahil baka panaginip lang 'to, baka hindi ito totoo, baka kapag nakaramdam ako ng sakit magising bigla ako pero kahit anong gawin ko, hinding hindi ko matatakasan ang katotohanang ito.

"Why don't you tell her the truth, Charlotte?" Tita said, she is smiling widely like she won a lottery.

Unti-unting lumapit si Mama sa'kin, unti-unti rin ang paglayo ko rito. All this time, they made me believe in lies. Tanggap ko naman sana, e, kung noon pa nila sinabi, noong bata pa 'ko. Kesa naman ngayon na matanda na 'ko at sa iba ko pa talaga nalaman. I questioned my whole existence because of it and it fucking sucks!

"I'm sorry.." 'yun lang ang tanging nasabi ni Mama bago humagulgol ng iyak.

I cannot stay there and watch her crying, it pains me. I stepped back, I cannot stay here in this same roof with them, hindi ko yata kakayanin. I need to calm myself first before talking to them.

Agad akong lumabas at nagtungo sa sasakyan ko para magdrive palayo. Binilisan ko ang pagmamaneho para hindi ako masundan nila Ate. They keep on calling me but my mind is too clouded so I turned off my phone.

I cried my heart out while driving, hindi ko namalayang dinala ako ng sarili ko sa isang lugar na saksi sa lahat ng paghihirap ko. I'm here on my usual spot in Tagaytay. Umiyak lang ako ng umiyak.

I've been questioning myself for the past years, bakit ayaw sa'kin ng mga Tita at Tito ko? Bakit hindi nila ako matanggap? Bakit iba ang trato nila sa'kin kumpara sa mga kapatid ko? Bakit sobra yung galit nila sa'kin? I've doubted my whole existence becase of that. There's too many ideas running in my head but I ignored it all. Ang nasa isip ko lang, hindi magagawang magsinungaling nila Mama sa'kin. Sa pagtrato nila sa'kin, parang totoo, e. Kaya sinong magdududa roon?

And then I saw that woman's picture. Nakaramdam ako ng kakaiba the moment I laid my eyes on her, lukso ng dugo? I don't know. And why would my mother forget to tell us about her? She is her fucking sister, for God's sake! Kung hindi pa 'ko sumama kay Lola at nakita 'yon, hindi niya pa ipapaalam. Does my sister already knew it? I hope not.. Kasi baka hindi ko kayanin kapag pati si ate naglihim sa'kin.

I chuckled on the thought that pops up in my head.

Dati, ginagawa ko lang biro 'to, e.. Na baka ampon lang ako or what. Pero ngayon, totoo pala siya. I don't know what to do, I feel like they all betrayed me. Deserve ko ba 'to?

Napatayo ako nang marinig ang sasakyang parating. I'm expecting it to be my sister or one of my friend but it was Isaiah. Hindi ko na ito hinintay makalapit, ako na mismo ang lumapit sakaniya nang lumabas siya ng sasakyan niya. I hugged him tightly, this is what I need right now. I need my comfort, I need my home..

"Shush, baby.. I'm here," he whispered.

Wala na 'kong nagawa kung hindi humagulgol ng iyak. He's caressing my hair, tila pinapatahan ako. Unti-unting gumaan yung loob ko dahil sakaniya. He didn't speak, he didn't ask me anything, that's all I want. He heard my heart out, nariyan lang siya at matiyagang hinihintay na matapos ang pag-iyak ko. He's patently waiting for me to be fine and it was heart warming.

Nanatili pa kami roon ng ilang minuto, a call interrupted us. Isaiah doesn't let go of me while answering that call. Ramdam ko pareho ang bilis ng tibok ng puso naming dalawa. Napaangat nalang ako nang marinig ang pangalan ni ate, mukhang bad news ito base sa mukha ni Isaiah.

"Okay, we'll go there immediately," sambit nito.

Mas lalo akong kinabahan dahil sa reaction niya. Parang nagdadalawang isip pa ito na sabihin sa'kin ang napag-usapan nila ni ate.

"Why? Anong nangyari?" hindi ko na napigilan ang magtanong.

He stares at me, tila tinitimbang ang reaction ko. For God's sake, Isaiah! Sabihin mo nalang, mas lalo akong kinakabahan dahil sa tinginan niyang 'yan!

"We need to go to the hospital.." sagot nito.

Hospital. Fuck, what happened? There's a certain idea popped up in my head but I ignored it immediately, hindi naman siguro 'yon ang nangyari.

Kinakabahan ako, bakit kami pupunta sa ospital? Anong nangyari? I almost panicked but Isaiah held my hand, it's already trembling, hindi ko namalayan.

"Your father met an accident, he's in the hospital.. unstable."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status