Share

Chapter 4

Friend





Sa hapon ding iyon pag-uwi ay dumiretso ako sa crafts room ng bahay matapos magbihis. Sinet-up ko ang mga gamit para makapag-pinta.


Painting had always been my escape through the storm. Tuwing may gumugulo sa isip ko ay ito ang nagiging paraan ko para mapakalma ang isipan. It gives me a certain kind of peace.


Ni hindi ko na namalayan ang oras kung hindi lang kumatok sa pinto si mama.


"Dinner na tayo, dear." she smiled warmly.


Tumango ako. "Sunod ako, Ma. Ligpit ko lang po muna 'to." 


She nodded in agreement and closed the door.


Habang nagliligpit ng mga materyales ay nag-ring ang telepono ko.


Ava calling...


"Hello?" bati ko.


Agad sumalubong sa pandinig ko ang ingay ng tugtugan at iba pang boses na tila nagkakasiyahan.


"Lia?!" pasigaw na sabi ni Ava. "Wait nga shuta labas muna tayo," sabi niya dahil marahil sa sobrang ingay.


Nang maramdaman kong unti-unting tumahimik sa kabilang linya ay muli na siyang nagsalita.


"Dito kami sa may Encore," tukoy niya sa isang bar. "Sunod ka!" aya niya.


"Ava.." panimula ko dahil alam naman nilang hindi ako nagca-clubbing.


"Sis, punta ka na para kumpleto tayo!" dinig kong nagsalita rin si Zoe.


"Babe please? Masaya promise!" ani naman ng boses ni Quinn.


Napabuntong-hininga ako.


"I can't.. I'm sorry," malungkot na sabi ko at may naisip. "Acquaintance party naman bukas diba? Bawi ako!"


I heard Ava groaned. "Palusot.com ka na naman Lia Kennedy!"


"University parties just suck, gurl!" Zoe grunted.


"Lia ngayon lang eh," malambing na sabi pa ni Quinn.


I bit my lower lip before saying no again. Sinubukan pa uli nila kong kumbinsihin pero kahit kailan naman ay hindi ko sila napagbigyan sa ganitong bagay.


"Hay nako! Humanda ka samin bukas ah," Ava warned.


I chuckled. "I love you, guys." 




Kinabukasan sa klase ay bakas ang pagka-bangag sa tatlo. Sabog at lutang ang itsura nila pwera lang kay Zoe na mukang nakapag-ayos at make-up pa rin kahit papano.


"Anong oras nga yung party?" nahikab na tanong ni Ava.


"7pm sabi but of course 9pm pa start nun," Quinn answered who's just as sleepy as her.


Dahil mga puyat pa ay mabilis ding nagkasundo ang lahat na magsi-uwi muna right after dismissal.


Pagdating sa bahay ay naidlip din muna ako at nag-alarm na lang.




"Anak, you look so beautiful," Mama immediately commented when I came down after preparing.


Ngumiti naman ako. Dressing up is another thing that I really enjoy the most. For tonight, I chose a chic and sexy look. The black cocktail dress hugs my body perfectly and revealed the right amount of skin. My legs are already long but the heels made me look even taller. My hair is up in a high and tight ponytail that almost made my eyes chinky. I also made sure that my make-up would complete the sultry look.


Nang makarating sa venue ay agad kong nilabas ang telepono para tawagan ang mga kaibigan.


"San kayo banda?" tanong ko kay Zoe.


"Hala I'm not there yet pa! I'm on the way pa lang,"


Natawa naman ako atsaka nagpaalam. Sunod kong tinawagan si Quinn.


"Sa gitna, babe. Look, nakita na kita. I'm raising my hand," 


Agad namang dumapo ang mata ko sa nakataas na kamay ni Quinn. Kasama niya roon si Markus at Ava.


"Damn, Lia. This is why we have to drag you in clubs! We definitely need to see more of those rocking outfits of yours," sabi ni Quinn pagkatapos akong ibeso.


Nagkumento rin si Ava at pabiro pang sinampal ang pwet ko. Naiiling na tinawanan ko na lang siya.


Maya-maya ay dumating na rin naman si Zoe. Tama nga si Quinn at halos 9pm na nagsimula ang program. May ilang usual activities pang ginawa bago pinakawalan ang crowd para mag-party. Si Markus ay nagpaalam na pupunta rin muna sa barkada niya.


The school really did spent money for this. From the venue, the lights, foods and drinks, it was very evident.


"Weak. It's not as good as actual clubbing." Ava commented though. Panay din ang bulong ni Zoe na ang boring daw.


"Alam niyo, why don't we have some fun?" Quinn inquired.


The two curiously leaned over but I can't. I'm always hesitant about their idea of fun.


"Since Ava broke up with her latest, why don't you guys find your boy toys tonight?" 


Lumukot ang mukha ko at nilayo na lang ang tingin.


Masayang sumang-ayom naman ang dalawa at agad na naghanap ng target. 


"Ayun! Ayun na lang sakin! Lagi ko nakikita 'yan. Graduating na ata 'yan diba?" sabi ni Ava habang may tinuturo. 



Tumango naman ang dalawa at inaprubahan ito.


"Hmm, that one looks nice. Okay, he's mine." sabi namin ni Zoe at turo sa isang palagay ko'y ka-year lang namin.


Maya-maya'y nagulat ako nang bumaling sila sakin.


"How about our Lia right here?" Quinn asked.


Nanlaki ang mata ko. "Guys, you know that's not happening," I said half-panicking.


"Hoy sabi mo babawi ka!" sabi ni Ava na parang may hinanakit.


"Ayoko, ayoko nang ganun," sunod-sunod na pagtanggi ko.


Nakita kong lumilibot na ang tingin ni Zoe na parang naghahanap. "Girls how about one of those guys,"


Sinundan namin ang tinuturo niya.


"The student council officers?" Quinn asked.


Nalaglag ang panga ko.


Zoe nodded. "Since pinarusahan nila tayo, let's get even." she smiled like it's a good idea.


"Oo nga para pag-nahuli uli tayo next time daanin na lang sa lambing," dagdag pa ni Ava at humalakhak.


Umiling-iling ako at umisang hakbang pa paatras. "Kayo na lang guys, kaya niyo 'yan. Go, guys." cheer ko sa kanila.


They gave me a horrified look. Pinilit nila ako ngunit panay ang tanggi ko. Nakita ko pang naiinis na si Ava.


"Okay ganito na lang," Quinn started calmly. "Let's make it milder for our baby Lia," she smiled warmly but I just can't be calmed.


"Just be friends with one of them, Lia." she said.


Agad namang nag-react si Zoe. "Yuck. That sounds like bullshit,"


"No, really." Quinn rolled her eyes. "You guys know Lia. We can't expect her to suddenly be flirty like us. We can't even force her. That's the least she can do. Pansin niyo ba hindi pa natin nakikitang mag-entertain ng lalaki si Lia? So it would be fun watching how she makes friend with one,"


Ava thought for a while. "Sige na sige na. I think that would be challenging enough kay Lia for now."


Still not convinced, tumanggi pa rin ako.


Halos sumabog na ang fuse ni Ava sa pagtitimpi sa kaartehan ko raw.


Quinn looked at me intently. "Lia, you'll be able to make a friend, what's wrong with that?" she asked sincerely. "Take this to your advantage and just have a new friend, please?" she pleaded.


"Right, Lia! Remember your promise last night that you'll make up for your absence! Do this atleast. This isn't even for us anymore. Para sayo na 'to halos." Zoe added.


"Lia ano? Gusto ka na lang namin magka-kaibigan di mo pa kami mapagbigyan?" hamon ni Ava.


I turned silent for a while. Sinubukan kong pag-isipan ang sinasabi nila. Tama ba to? Mukang wala naman ngang masama? Ayos lang naman siguro?


Bumuntong-hininga ako. 



"Sige," I half-heartedly said. Ang totoo'y nag-aalangan pa rin.


Nakita kong agad na lumiwanag ang mukha nila. 


"Nice! So now, sino jan sa kanila?" tanong ni Ava.


Lumingon kami sa grupo nila.


"Hmm, I think it's better to cross out Brixx and Leo from the choices since they're both in a relationship right now. You know how some girlfriends can be freaks even when someone's just trying to befriend their man." sabi ni Quinn.


Manghang napabaling si Zoe kay Quinn. "You know them?"


Quinn shrugged. "I went to the the same middle school as them." 


Bukod pa roon ay malawak din kasi talaga ang social reach ni Quinn kaya hindi na ko nagtatakang alam niya rin ang tungkol sa mga ito.


Binalik namin ang tingin doon.


"So that leaves us with Pete and Ridge. But according to Markus, Pete's courting someone right now. Though okay pa rin naman since nililigawan pa lang," sabi ni Quinn at ngumisi sa akin.


Napalunok ako. "Yung wala na lang nililigawan para safe na walang magagalit,"


She chuckled. "Okay, Ridge it is then."


"Sino sya dun?" tanong ko.


"The one with the navy blue suit." she pointed out.


Siningkit ko ang mga mata para higit na makita iyon sa kabila ng dilim.


My lips slowly parted.


It was the VP guy.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status