Share

Binihag Ako ng CEO
Binihag Ako ng CEO
Penulis: MeteorComets

SIMULA

“Papa, I miss you so much,” Kua, my son, said habang nakayakap sa ama niya.

Niyakap siya ni Sico at kinarga. Nakangiti itong nakikipag usap sa anak ko.

“You miss papa so much?”

“Hmm.. Bakit iba ang house mo papa? Please stay with us with mama,”

Nagbaba ako nang tingin nang tumingin si Sico sa akin.

“Busy si papa sa work, kiddo. Sorry,” Sico said at agad na nalungkot ang mukha ni Kua.

Liar. Hindi siya busy sa trabaho, busy siya kay Zeym. Si Zeym nalang lagi ang inuuna niya.

“Kailan ka po uuwi dito?”

“Next week,”

“Please stay with us tonight papa,”

Nanlalaki ang mata ko at bumaling kay Sico. Nakatitig siya sa akin, agad akong kinabahan.

“Ah—anak, hindi pwede. Papa needs to go-

“Sure son. Why not?” nabigla ako sa sinabi niya. Nanlalaki ng husto ang mata ko sa gulat. Ano bang sinasabi ni Sico? Dito? Dito siya matutulog?

Isang kwarto lang dito sa bahay.

So saan siya matutulog? Sa sala?

“Yeeey! Thank you papa,” my son said happily.

“Play ka muna dito, mama and I need to talk,” aniya at lumapit sa akin.

Hinawakan niya ako sa kamay at dinala sa kwarto.

“Sico, ano ba? Bitawan mo nga ako!”

Madilim ang mukha niya. Agad niyang hinablot ang braso ko.

“Ano itong nababalitaan ko na nakikipagmabutihan ka kay Henry?”

Kumunot ang noo ko.

“Bakit ba? Magkaibigan kami,” sabi ko habang pinipilit na kunin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

“Kaibigan? Ex mo tapos kaibigan? So ano? Kaibigan habang nagkak*ntut*n?” nanlaki ang mata ko at binawi sa kaniya ang kamay ko.

Tumulo ang luha sa mga mata ko.

“Paki-alam mo ba? Bakit? Ka ano-ano ba kita?” nakita kong natigilan siya kasabay ng panlalaki ng mata niya.

“Anong sabi mo?” mas lalong dumilim ang mukha niya. Umigting ang panga at hinawakan ako muli sa braso ko. Napakislot ako sa higpit ng pagkakahawak niya.

“You’re fvcking with Zeym bakit ako hindi pwede sa iba?”

“Shut up, Elizabeth! Shut up! Hindi pwede! Hindi pwede! Naririnig mo ba ako? Hindi pwede kasi akin ka!” nanlaki ang mata ko nang agad niyang sakupin ang labi ko matapos niya akong itulak sa kama.

Napapikit ako nang unti-unti akong nadadala sa mga haIik niya. Hindi ko alam sinong baliw sa amin. Ako ba o si Sico. He’s always been sweet to others pero hindi sa akin.

At kahit ilang beses niya akong sigawan, nandito pa rin ako, parang tanga sa kaniya.

This is the real Musico Shein, a beast, the only beast who protected and hurt me at the same time.

Komen (1)
goodnovel comment avatar
MeteorComets
Manage your expectation. Haha. Iba ang flow nito sa expect niyo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status