Share

Chapter 4

"Pwedeng pumasok?" tumitig ako sa mukha ni Henry. May dala siyang cake na alam niyang gusto ko.

"Bakit naman hindi?"

Sumilay ang ngiti sa labi niya niya. Pumasok siya at nilapag sa mesa ang cake na dala niya.

Nilibot niya ang paningin niya sa buong bahay.

"Gusto mo ng juice?" tanong ko

"Sige. Thank you,"

Pumunta ako ng kusina. Narinig ko ang sinabi niya no'ng huling kita namin at alam ko ang nararamdaman niya.

Henry and I were in relationship before I met Rico. Pero sandali lang iyon.

Matapos ang kasamaan ni dad, nalaman ko na kung bakit niya ako niligawan dati. It's not because he loves me, dahil may pakay pala no'n siya kay dad.

Iyong worth billions na necklace na ninakaw sa kaniya ni dad, iyon ang gusto niyang makuha. 

I forgave him after he ask for forgiveness, at ako rin, humingi ng tawad sa kaniya sa ginawa ng ama ko.

Matapos ang ilang taon, nagkita kami ulit dito sa Pinas and ilang beses na nagkasama until he confess na may nararamdaman siya sa akin.

Kilala ko si Henry. Malokong tao pero hindi siya nagbibitaw ng salita na hindi totoo. Hindi siya sinungaling.

And as for me, I was a brat. Lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Doon lang ako nagising nang namatay si mama.

Hindi kinaya ng katawan niya ang ilang taon na pang-aabuso sa kaniya ni dad.

"Hey, you okay?" napatingin ako sa likuran at nakita si Henry na nag-aalang nakatingin sa akin.

"Yeah. Ayos lang ako."

"You need help?"

"Hindi na. Natapos ko na naman ang juice. Tara sa sala," sumunod siya sa akin.

No'ng nagtatago ako sa Pinas para hindi mahanap ni dad, si Sico ang tumutulong sa amin no'n ni mama.

He hid us, at aware akong wala siyang sinabihan tungkol sa amin.

Sabi niya, mas safe kung kahit sina Rachelle o Rico ay hindi malaman ang tungkol sa amin.

At tama siya doon dahil hindi nga ako natunton ni dad.

Between that years, Sico ask me to be their surrogate mother cause Zeym is incapable of giving birth. 

Pumayag ako kaya magkasama kaming tatlo no'n sa Spain. 

Ako, si Zeym, at Sico.

Pero no'ng buntis na ako, tumakas ako. Iniisip ko ang anak ko. Hindi ko kayang iluwal siya tapos ibibigay lang sa iba. 

But nahuli ako ni Sico. I begged. Halos umiyak ako ng dugo pumayag lang siya. Pumayag lang siyang patakasin ako. 

He didn't listen. Hindi niya ako pinatakas pero binalik niya ako sa Pinas at lagi pa rin siyang naka monitor. Binibigyan niya ako ng perang pilit kong tinatanggihan.

Nakontento na ako sa ganoon. Hindi bale ng hawak niya ako sa leeg, basta huwag lang niyang ilayo sa akin ang anak ko.

Sa pagkawala ko, nabalitaan kong umalis rin si Zeym sa puder niya. Alam kong nagsinungaling na si Sico na patay na ang bata pero hindi naniwala si Zeym.

Sinuyod niya ang buong Europa mahanap lang ako kaya walang nagawa si Sico kun'di habulin siya.

At ang batang iyon ay si Kua.

"Hey, are you really okay? Ang lalim ng iniisip mo." Napatingin ako kay Henry.

Tumango ako at ngumiti.

"Ano... I just wanted to say sorry about the last time,"

"Pabayaan mo na iyon,"

"But I am serious, Beth. Gusto kita,"

"Henry-"

"I know. Ilang beses mo na akong ni reject e," natawa ako sa turan niya.

"Pero gusto pa rin kita at wala akong magagawa doon. Will you let me like you until it'll fade away?"

Lumaylay ang balikat ko at tumango. Nakita ko ang kasiyahan sa mata niya.

"Thank you,"

Ngumiwi ako.

"It's weird if I answered you, you're welcome," natawa siya.

"I couldn't belive that the brat I met years ago, ay isa ng mabuti at matapang na babae ngayon."

I smiled. "I couldn't believe too na tuwid ka ng mag Tagalog ngayon,"

Tumawa na naman siya ngunit napatayo ako sa gulat ng biglang may nabasag na baso sa kusina.

"Ops, sorry. It slipped in my hand," sabi ni Sico habang madilim ang mukhang nakatitig sa amin dalawa ni Henry.

Teka. Hindi ba nakaalis na siya kanina? Paano siya nakapasok?

"S-Sico?" napatayo ako sa gulat nang makita siya.

"Bakit nandito ka?"

"Bakit? Bawal na ba ako dito ngayon?" puno ng sarkasmo ang boses niya.

"Hindi naman sa ganoon pero paano ka nakapasok?"

"Through that fvcking door. You didn't fvcking notice me cause you were so fcvking busy talking to that fvcking Spaniard!"

Ngumiwi ako sa malulutong na mura niya.

"Why is he here?" kunot noong tanong ni Henry.

"Binibisita niya si Kua," bulong ko.

"But Kua isn't here now, so sinong binibisita niya?" napapikit ako sa sinabi ni Henry. Please lang, ayaw ko ng gulo.

"Henry, pwede ka bang bumalik sa susunod na araw? Kakausapin ko lang si Sico."

"Bakit mo siya pinapabalik?" si Sico na nakahilig pa sa pader at masama ang tingin sa amin.

"Why do you care? This is not your fvcking house," sagot ni Henry, galit na rin. Naloko na.

"Aw talaga? You pack your things Elizabeth. Lilipat kayo ng anak ko sa malaking bahay."

Sumasakit na ang ulo ko sa tension na namumuo sa pagitan nilang dalawa.

"Please, ayaw ko ng away. Henry, please... Pwedeng mag usap muna kami ni Sico?"

Tumitig siya sa akin at tumango. Sinamaan niya muna nang tingin si Sico bago siya umalis.

Nang kami nalang ni Sico ang natira, tumingin ako sa kaniya. Igting ang panga niya at nanlilisik ang matang nakatingin sa akin.

"Ano iyon Elizabeth? Bakit nandito iyon?"

Saka ko lang talaga naririnig ang pangalan ko sa labi niya kapag galit siya sa akin.

"He's visiting me,"

"Visiting you? Talaga? O may plano kayong iba?"

Igigiit na naman ba niya na mag si-sex kami ni Henry?

"Bakit ka nandito?" pag-iiba ko ng topic.

"Pakialam mo?"

"I asked you nicely, Sico. Hope you answer me in a nice way too."

Natawa na naman siya. Tawang puno ng sarkasmo. "Wow. You're asking me that? Really? Why would I fvcking answer you in a nice way if you're planning to do something indecent inside this house?" 

"We didn't do that. Bakit ba sa isip mo lagi nalang ganoon? Tingin mo ba lahat ng lalaking pumupunta ng bahay ay makikipag sex na sa akin?" 

"Yes!" Walang kurap na sabi niya.

"Ganoon ba ang tingin mo sa akin, Sico?"

"Yes,"

Nasaktan ako ng sobra sa sinabi niya. Bakit ba nag i-expect pa ako sa kaniya e isa lang naman akong insekto sa paningin niya.

"Umalis ka na," mahinang sabi ko.

"No,"

Galit ko siyang binalingan nang tingin.

"Sico, umalis ka na. You crossed the damn line today,"

Malalaki ang hakbang niya na lumapit sa akin at hinawakan sa braso ko.

"Layuan mo si Henry," banta niya.

"No. Why would I do that?"

"Gagawin mo dahil kung hindi, kukunin ko si Kua sa'yo at ibabalik ko siya kay Zeym." Sabi niya na nagpalaki ng husto ng mata ko. Kinain ako ng takot at sunod sunod ng tumulo ang mga luha ko. 

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
amore mio❣️
etong c sico kunyare pa , halata namang nagseselos kay Henry
goodnovel comment avatar
MeteorComets
Ate na miss kita. Haha
goodnovel comment avatar
Amryw Apmarg
thank u ms.a...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status