Share

CHAPTER 117: ITAPON

Bella’s POV

“Hindi ko gusto ang tanong mo sa akin, Selena,” prangkang sabi ko sa kanya.

Napailing naman siya. “Wala akong masamang ibig sabihin doon, Bella. Ang akin lang ay sigurado kana ba na makipag relasyon kay Jarvis ulit?” mahinahon na tanong wika niya.

“Oo,” mabilis na sagot ko.

“Sigurado kana ba?” tanong niya sa akin ulit.

Medyo napataas na ang aking kilay sa tanong niya ulit. “Get straight to the point, Selena,” naiinis kong saad.

“Ang gusto ko lang naman iklaro ay hindi kaya mapahamak sila. Isipin mo, kapag nalaman ni Tres na may relasyon na ulit kayo ni Jarvis. Gagawa na naman siya ng kabaliwan at idadamay ang lahat ng mahal sa buhay ni Jarvis. Hindi ka niya/kayo patatahimikin. Sigurado ako. Hindi mo naman siguro nakakalimutan kung anong klaseng pagkatao ang meron siya,” mahabang wika niya na dahilan na mapaisip ako sa sinabi niya.

Bigla nawala ang inis ko sa kanya at napalitan iyon ng kasiyahan. Dahil naririnig ko sa boses niya ang pag aalala sa aming dalawa ni Jarvis.

“I
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Ic Dan
Ayan na ung love ni selena
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status