Share

Chapter 13

"Hindi tayo aalis ngayon," he jump out of the bed and went outside, topless. Ibinigay niya ang kanyang sando sa akin kagabi, ngayon ay suot ko. Dito na siya natulog sa aking kwarto dahil tinamad tumahak sa itaas.

Sinilip ko ang aking katawan sa ilalim ng kumot at malutong na napamura. Ang sakit parin! 

Tama ang desisyon niyang manalita lang rito sa kanilang tahanan, dahil hindi ako makakagalaw ngayon ng maayos. Gusto ko nalang na manatili sa kama buong magdamag, kahit hindi na kumain ayos lang. I need rest. 

Why does he have to be that big?! Inaasahan ko na naman talagang malaki siya, but he was too much for me my God! He literally tore my system! 

Mommy 'di na ako virgin. I gave myself to someone undeserving! 

Itong karupukan ko rin talaga kasi, habang tumatagal lalong lumalala.

I bit my lower lip and shifted on my position.

Muling bumukas ang pinto. Hindi na ako nag abala pang tingnan ang pumasok. Bukod sa nahihirapang gumalaw, nahihiya rin ako rito. Ayaw ko siyang harapin ngayon, bukas at magpakailanman! 

I am a shame to my family and myself! Hinayaan ko ang aking sariling pangunahan ng kalandian.

Bigla kong naalala ang mga impit na halinghing at malalanding sigaw dahil sa sensasyong ginagawa niya. I remember how shameless I am begging for his touch and kisses; I remember the faces I made while he was banging me over and over. And I remember Berto, that fucking Berto! Siya talaga ang pasimuno nito e.

Isinubsob ko ang aking mukha sa unan.

"Spread your legs," umuga ang kama, hudyat ng pag upo nito. 

Hindi pa siya tapos?! Kulang pa 'yon kagabi?! 

Inis ko siyang binalingan. 

"Po?" mula sa kanyang mukha, lumipat ang aking tingin sa dala nitong bimpo na marahil ay may yelo. 

He eyed me tediously. Ngumuso ito at hinawi ang kumot sa aking katawan. Naalerto ako't mabilis bumangon, bahagyang napangiwi nang muling maramdaman ang sakit sa aking gitna. 

"Ano po ang ginagawa niyo sir?" sinubukan kong agawin ang kumot mula rito.

"I have seen all of it already Alga. Huli na para mahiya," he said coldly. Kapagkuwa'y kinuha ang kanang binti ko at ipinatong sa kanyang kandungan.

"Sir-" 

Before I could protest, nagawa na nitong idampi sa gitna ko ang bimpong may yelo. 

"This could help ease the pain," habang ginagawa ito'y marahan niya namang hinihimas ang aking binti. 

Pasimple kong sinapo ang aking mukha at umiwas ng tingin. This is embarrassing! I can see him looking at me intently in my peripheral vision, muli akong napakagat labi at tumungo.

"Are you blushing?" mariin akong pumikit.

Damn you! Pinuna pa talaga ang aking mukha. Mas lalo lang yata itong namula.

"Yes you are," sagot niya sa sariling tanong. Baliw!

Nanatili lang akong tahimik. Nakayuko, hindi sinasagot ang iilan niyang tanong. Ayaw kong tingnan ito ng diretso sa mata, hindi ko kaya.

Matapos ang ginagawa ay muli lang din siyang lumabas. Pinapanalangin kong sana'y huwag na itong bumalik pa. For this once, gusto kong hayaan niya muna akong huminga. 

Dahan-dahan kong tinungo ang banyo, siniguradong i-lock ang pinto bago ilublob ang sarili sa bathtub. I took my wig off and contact lenses, saka basta-basta itong tinapon sa kung saan. Sinuklay ko ang aking hanggang balikat na buhok gamit ang mga daliri at pumikit. 

I made a huge mistake. Ngayon pa lang ay pinagsisisihan ko na ito. I need a new tactic, kailangan kong bilisan ang paghahanap ng katotohanan. Para agad na makaalis sa tahanang ito at mabilis na makalayo sa kanya. Before things gets messier.

Biglang tumunog ang aking telepono. Nakaligtaan ko pala itong kunin kagabi, mabilis ko itong inabot sa maliit na sink at sinagot ang tawag.

"Naaalala mo iyong babaeng madalas na kinikita ni Fergus?" bungad na tanong ni Gee.

About that woman, muntik ko nang makalimutan ang tungkol sa kanya.

"Hmmm," tipid kong tugon.

"I got curious, so I dug into her profile a bit deeper. And guess what," she paused for a moment. 

Umayos ako ng upo.

"What?"

"Bukod sa pangalan niya at kasalukuyang trabaho, wala na akong ibang mahanap na impormasyon tungkol dito."

"What do you mean?" my brows furrowed. "No history about her former schools? Friends? Relatives?"

"Nothing at all." mabilis niyang sagot.

Pwede ba 'yon? Mas lalo lang kumunot ang aking noo. Pinagdikit ko ang aking mga binti, saka niyakap ito.

"What's her name and work?"

"Lorie Caberte, a freelance model and stylist. Madalas silang nagsasama ni Fergus, pero ni isang beses ay walang paparazzi na nakahuli. You know how famous Mr. Da Silva is, paanong hanggang ngayon ay wala parin sila sa balita? It's either they paid the media o magaling lang talaga sila sa pagtatago," mahabang lintanya niya. 

She got a point in there. Ngayon ay nagdududa na ako sa relasyong meron ang babaeng iyon at si Fergus. 

Nadagdagan na naman ang aking katanungan, maging ang taong susundan at paiimbestigahan. 

"And about Spencer, I think he was using burner phone. Hindi ko mahanap ang mga nagdaang mensahe nila ni ate Kianna. Naging magkarelasyon sila, imposibleng walang messages 'diba?"

That's really odd.

"Susubukan kong personal na alamin ang tungkol sa bagay na iyan."

"You'll go to him?"

"May ibang paraan pa ba?"

"Wala na. Basta mag-ingat ka."

"Palagi naman." 

I ended the call. Saka muling pumikit para pag isipan ang susunod na hakbang. Hindi na ako hinahayaang mag-isa ni Fergus, mahihirapan akong kumawala sa mapanuring mata nito. Hindi ako basta-bastang makakalalabas nang wala siya. Paano kung-

My lips twisted. Hindi ko alam kung gagana ang naisip kong plano, pero susubukan ko parin. 

-

"Ano ang nangyayari sayo?" nagtatakang tanong ni Manang Teo nang mapansin akong paika-ika. Kakalabas ko lang sa kwarto, ngayo'y tinatahak ang daan patungo sa kusina. 

"Nasobrahan po sa ehersisyo," nakangiwi kong sagot. 

Grabeng ehersisyo talaga iyon, with all the erotic sounds as an effect. Dammit!

"Bakit ba? Maganda na naman iyang katawan mo? Itong batang 'to papahirapan pa talaga ang sarili," pabiro niyang pinalo ang pwet ko ng dinadalang walis.

"Ano ang nangyayari rito?" kuryusong tanong ni ate Maria mula sa dining. Nakasunod si Fergus sa likod nito, may hawak na tasa ng kape. Lantaran niya akong pinasadahan ng tingin, saka nagtaas ng kilay. 

"Itong si Alga, ayaw pang makontento sa ganda ng katawan. Sumasakit daw tuloy ang mga hita sa ginawang matinding ehersisyo," sumbong ni manang Teo. 

"Naku, tigilan mo 'yang ginagawa mo Alga. Sapat na iyang katawan mo para mang akit ng lalaki," diretsong sabi ni ate Maria. 

Hindi nakawala sa akin ang bahagyang pag angat ng labi ni Fergus. He bit his lower lip to stop himself from smiling even more. 

"Nga pala, narinig niyo ba iyong kakaibang ingay kagabi? Minumulto na yata tayo," pag-iiba ni manang sa usapan.

"Talaga po? Saan banda?" kinakabahang tugon ni ate Ma.

"Sa kusina." 

Napaubo ako nang masagi sa sariling laway. Pagkatapos ay ipinihit ang katawan sa kabilang direksyon at nagkuwaring may tinitingnan. Si Fergus naman ay marahang napatikhim, kapagkuwa'y tinahak ang daan paakyat sa kanyang kwarto.

"Ikaw ba Alga, may narinig ka?" parehong natuon ang atensyon ng mga kasamahan sa akin. 

"Po? Ummm...wala naman. Napasarap kasi ang tulog ko kagabi," I smiled awkwardly. 

Pasimple kong binalingan ang senyorito. He was looking at me too, suppressing a jubilant smile. Natuwa pa talaga... Gago! 

-

One step at a time. Paulit-ulit ko itong ginagawa hanggang sa tuluyang marating ang itaas ng hagdan. Kanina pa ako nagdadalawang isip na tumugon sa utos ng senyorito. Sinadya ako nitong tawagan kani-kanila lang para papuntahin sa study niya, ayaw namang sabihin ang rason. 

Akala ko pa naman hahayaan niya akong makapagpahinga ngayong araw. Napakalaking sinungaling talaga nitong si Fergus!

Isang hakbang pasulong, dalawang hakbang paurong. Paulit-ulit ko itong ginagawa. Ayokong harapin siya! 

"What are you doing hija?" natigilan ako matapos marinig ang nagtatakang tanong ni Reah Da Silva sa baba ng hagdan. 

Wearing black embroidered lace v-neck dress, she strutted towards me with grace. Bagay lang talaga ang titulong ibinibigay ng mga tao sa kanya, a woman with grace and elegance. Pinong-pino ang kilos nito, kung maglakad ay talagang taas noo. Her unsympathetic eyes would make someone in tremor, just like Fergus. Hindi nakapagtatakang mag ina nga sila. 

"Magandang hapon po ma'am," magalang kong usal at tumungo bilang pagbibigay galang. Nakapagtatakang hindi sila magkasama ng asawa niya ngayon. 

"Magandang hapon din," she smiled a bit. "Saan ka papunta?" she tilted her head to other side. 

Siya lang ang nag-iisang kalaban na madalas akong kabahan kapag kaharap. Hindi ko kasi mabasa ang iniisip nito, hindi ko alam kung ano pa ang kaya niyang gawin bukod sa sirain ang buhay ng mga taong babangga sa kanya.

"Kay ser Fergus po ma'am. May iuutos siya."

"Really?" lantaran niya akong pinasadahan ng tingin. "Why aren't you wearing your uniform?" 

"Hala," lihim akong napamura. Nga pala, nakalimutan kong magsuot ng uniform ngayon. Hindi ko naman kasi inaasahang maaga itong uuwi. 

"Sorry po. Nakalimutan ko-"

"Nakalimutan? O kinalimutan?" she cut me off. Inilagay nito ang kanyang kanang kamay sa baywang. Ang isa'y itaas at pinaypayan ang sarili.

Hindi ako makasagot. It was actually in between. Sinadya kong kalimutan kaninang umaga, at talagang nakalimutan ngayong hapon.

"Sorry po," tanging nasabi ko saka muling yumuko.

Hindi ito sumagot. Bagkos ay mataman akong tinitigan. She heaved a deep sigh before walking away, leaving me a bit scared. 

Sinapo ko ang aking dibdib at mariing napapikit. That was intense!

"What was my mother said?" 

"It's about my uniform. I forgot-" 

Oh my God! Ang bibig ko naman ang agad kong nasapo. Wrong answer Kiesha, damn!

I slowly turned to face Fergus. 

Parehong nasa baywang ang magkabilang kamay nito. He craned his neck, patagilid akong tinitigan.

"What is it again Alga?" pinanliitan niya ako ng mata.

"Sir? Ang alin po?" 

He pursed his lips. Nanatili lang ang masamang titig sa akin. 

I looked away. Hindi ko siya kayang titigan ngayong may katangahan na namang nagawa. Pasimple kong pinisil-pisil ang aking mga kamay. Ako lang din ang magiging dahilan ng aking pagkatalo. 

Dahil sa bibig kong palagi nalang nadudulas. Shit!

"You know how to speak English," usal nito matapos ang ilang sandali. He took one step closer, I took one step back. 

"Si sir nagpapatawa," sinenyasan ko siyang huwag lumapit. "Ginaya ko lang po si ma'am Reah, hindi ko naman alam na tama pala iyon. Tama po 'yon sir? 'Yong gram-ar? Gram-"

"Grammar," he again took steps closer. 

This time, he successfully got me. Mabilis nitong ipinulupot ang kanyang braso sa aking baywang, saka hinila ako palapit. 

"Really Alga?" inilagay niya ang takas kong buhok sa likod ng aking tenga, kapagkuwa'y marahang pinadausdos ang mga daliri mula sa aking balikat, pababa sa braso. 

Lihim akong napasinghap sa ginagawa nito. I suddenly felt volts of electricity, at alam na alam ko kung ano ang ibig sabihin nito. Bagay na dapat kong balewalain sapagkat hindi pwede. I will never let this stupidity ruin everything I had in mind. 

One mistake is enough. Ang nangyari sa amin kagabi ay dulot lang ng kalibugan. Hindi ko na hahayaang muling mangyari iyon. No one can stop me from seeking justice. Not you Fergus Da Silva. 

Napakagat labi ako. Gamit ang buong lakas ay itinulak siya palayo. 

"Ano po ang iuutos niyo sir?" I asked firmly.

Sinubukan kong pantayan ang intensidad ng titig nito. Nangangatog man ang tuhod ay hindi ko pinahalata. 

He licked on his lips, the dangerous eyes went into the deepest part of my system. 

Pasimple akong napalunok. Umayos ng tayo, at mas pinatindi pa ang matapang na titig sa kanya, trying to give him the same chills Reah Da Silva bestowed on me earlier.

"Magmamatigas ka na ngayon Alga?" he smirked. Wala man lang akong makitang kahit katiting na takot sa mga mata nito, bagkos ay mas lalo lang naging mapanganib.

Marahas akong napabuntong hininga saka tumingala. 

"Pasensya na po sir, nabigla lang ako."

I remember this isn't the best time to fight back. Sobrang layo ko pa sa katotohanan. Kung lalaban ngayon ay paniguradong matatalo lang ako. 

"Patawad po," I added. 

"Come with me," walang ganang tugon nito. 

Una siyang naglakad papunta sa kanyang study, mabilis naman akong sumunod.

He opened the door and let me in first. Gaya lang din ng ginawa niya noong nakaraan.

Agad kong namataan si Argus. Nakaupo ito sa pang isahang sofa, may hawak na mga papel at isang envelope. 

Sinenyasan niya akong lumapit. 

"Magandang hapon po sir," paunang bati ko. 

"Magandang hapon," he smiled sweetly.

Nagtataka kong tinungo ang kaharap nitong upuan. Si Fergus naman ay dumiretso sa tabi ng kapatid. He crossed his legs and leaned backward. 

"About my offer..." he paused for a moment. Malokong tinitigan ang nanahimik na kapatid, pasimple itong siniko, bago ako muling binalingan. Ngayo'y may naglalarong ngiti na sa mga labi. Tila ba sinasabing may alam siyang alam din namin. 

Ayaw kong isiping ang nangyari kagabi, pero ito ang isinisigaw ng kanyang mga mata.

Bahagyang nag init ang aking pisngi. Tumikhim ako at umiwas ng tingin. 

"10 Million for your works," he said after a while. 

Ang laki naman masyado. Dalawang disenyo lang naman iyon. At ang iba'y kay ate na, nilagyan ko lang ng mga detalye para mas lalong gumanda. 

"Ano po?" 

"Make it fifteen," si Fergus. "Labinlimang milyon para sa disenyo mo Alga. Huwag ka nang umangal pa, that's a deal."

Ano pang silbi ng pagpunta ko rito kung siya rin naman pala ang magdedesisyon para sa akin 'diba? 

"Are you fine with it?" 

"Filipino Argus, speak in our language," puna ni Fergus sa kapatid. 

"Pasensya na po sir," pabirong tugon ni Argus. "So... Ayos lang ba iyon sayo Alga?" 

"Opo. Kung ano ang sabi ni sir Fergus, doon ako." 

Diretso kong tinitigan ang senyorito. Nakabusangot man, hindi pa rin nito maitatago ang nagbabadyang ngiti. 

"Alright, fifteen million in cash."

"Ako na ang bahala sa lahat." 

"Si sir Fergus na po ang bahala sa lahat."

Lahat ng sinasabi niya'y sinasang-ayunan ko. Wala akong lakas para makipagtalo rito. I am still tired from what happened, gusto ko nang muling matulog. 

Kailan ba ito matatapos? Wala sa sarili akong napahikab sa kanilang harapan.

"She's tired," biglang sabi ng senyorito sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita. "Ihahatid ko na siya sa kanyang kwarto," he stood up and walked languidly towards me. 

"Sa kwarto niya?" makahulugang tanong ni Argus. 

"Sa kwarto ko." 

Gulat ko siyang binalingan. 

"Mas makakatulog ka ng maayos sa kwarto ko Alga," pagdadahilan nito. Pagkatapos ay marahan akong hinila patayo. 

"Patulugin mo ha?" pahabol na sigaw ni Argus bago kami tuluyang makaalis. 

Alam niya nga talaga ang nangyari kagabi. 

Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya... 

***

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status