"A-ano po ang...i-ibig mong sabihin sir?" pautal kong tanong.
Hindi nakakaintindi ng ingles si Alga. Hanggang ikalawang baitang lang ang natapos nito, napilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan. Halos lahat ng bagay ay wala siyang alam, ngunit kailangan niyang lumaban at subukang pantayan ang tapang ng mga sasalubong na problema. Marami pa itong dapat malaman sa mundo.
In other words, pahihirapan niya si senyorito Fergus.
Tingnan lang natin kung hanggang saan ang pasensya ng demonyo.
You want her body right? Fuck you!
"Ang lahat ng oras, debosyon at atensyon mo ay dapat sa akin lang. Hindi ka susunod sa utos ng kahit sino bukod sa akin. You'll be with me twenty-four seven," iritadong paliwang nito.
So this is what he really meant. Hindi literal na ang katawan ko ang gusto niya, kundi ang aking paninilbihan.
He's too old fashioned.
Dahan-dahan akong tumayo at bahagyang yumuko upang sana'y mamaalam na.
"Lalabas na po ako."
"Sinabi ko bang lumabas ka?"
"Bawal po ba?" sinubukan kong pantayan ang intensidad ng titig nito. Ngunit natigilan din agad nang maalalang si Alga nga pala ako.
"You'll be with me, twenty-four seven," ulit niya sa matigas na ingles.
"Sir, hindi ko po kayo maintindihan."
Mas lalong kumunot ang noo niya, ang masamang tingin ay mas tumindi pa.
From his face, my eyes travelled down to his body. Muscles were on their right places, broad shoulders, and his perfectly molded abs along with the v-line was very visible. Lihim akong napamura, saka umiwas ng tingin.
Naku, Kiesha maghunos dili ka!
Kung ano-ano 'tong pinupuna ko. Pumunta ako rito hindi para makita ang katawan niya, kundi para humanap ng hustisya. I should keep that in mind. Damn this! Kung bakit ba kasi hindi nito naisipang magsuot muna ng damit bago makipag usap sa akin?
Aksidenteng dumako ang aking paningin sa walk in closet. Walang paalam na binuksan ko ito at basta-bastang dumukot ng t-shirt para sa kanya.
"Sir, magdamit ka po muna. Baka magkasakit ka pa," inosente kong usal.
This really doesn't suit me. Pero wala akong ibang magawa kundi ang pangatawanan ito. Pinasok ko na e...
Walang gana niyang kinuha ang damit, kapagkuwa'y tahimik na sinuot.
"Pwede na po ba akong umalis?"
"Hindi nga kasi pwede," he growled.
"Paano po ako kakain?"
"Sabay tayo..." tinungo niya ang kama, basta-bastang tinapon ang katawan dito.
"Paano kapag gusto kong maligo, sabay din po ba tayo?"
Bahagya itong bumangon at pumangalumbaba.
"What do you think?" his lips protruded, trying to hide a smile.
"Po?" painosente kong tanong.
Huwag niya lang talaga sanang sabihing pati sa banyo ay magsasama kami. Baka tuluyan ko nang makalimutan ang orihinal na plano. I might end up in jail for killing him.
"Nevermind," he bit his lower lip. "Siyempre, hindi."
I sighed in relief. Tinungo ko ang sofa, saka lihim na pinasadahan ng tingin ang paligid. Nagbabasakaling makakita ng pwedeng gawing ebidensya.
A king sized bed, covered with white and black sheet, may mga papeles na nakalagay sa side table, katabi lang ng antigong lamp shade. Ang pang isahang sofa ay kaharap ng malaking glass window na kasalukuyang natatabunan ng itim na kurtina.
Malaking portait ni Fergus ang nakasabit malapit lang sa kama, magkatabi ang banyo at walk in closet, and the small yet classy chandelier hung freely above.
Magara nga talaga ang pamilyang ito. Lalo na ang demonyong kasalukuyang nakahiga ngayon.
Natutulog na yata? Ang bilis niya naman...
Which is actually an advantage for me.
Masama akong napangiti, tumayo, saka dahan-dahang tinungo ang side table. Una kong binuksan ang drawer. Bukod sa mga panulat at iilang kontrata mula sa iba't-ibang kompanya, wala na akong ibang nakita pa.
Ang mga papeles na nakapatong sa mesa naman ang sunod kong pinagtuunan ng pansin. Walang kinaligtaang tingnan, kahit pa man iyong maituturing na hindi importante.
Then...a small envelope got my attention. It has a word 'Kianna' written in bold.
Mabilis ko itong dinukot, bubuksan na sana nang biglang gumalaw si Fergus. Sa gulat ay nabitawan ko ito, hindi inaasahang nahulog pa ang iilang laman.
Una kong namataan ang litrato ng babaeng kilalang-kilala. She was crying and obviously in pain. Nakatali ang mga kamay at paa nito, sabog ang buhok, saka punit-punit ang bestidang suot. May sugat sa gilid ng kanyang labi, leeg, ganoon din ang iba't-ibang parte ng katawan.
I gasped and bit my lower lip. Mga walang hiya talaga ang gumawa sa kanya nito!
I suddenly felt her pain. Nararamdaman ko ang bawat sigaw niya tuwing sinasaktan at binababoy ng mga demonyo. Ang iyak pati daing nito, maging ang takot sa kadiliman ng gabi. She's too fragile for fuckin sake!
Hinding-hindi ko sila mapapatawad. It is now a matter of life and death...
A tear escaped on my eyes. Mabilis ko itong pinunasan, pagkatapos ay isa-isang dinukot ang mga nagkalat na litrato. Ilalagay na sana sa bulsa, nang biglang magising si Fergus.
"What are you doing in there?" tanong niya na may halong pagdududa.
Mabilis kong inilagay sa ilalim ng kama ang ebidensya, saka pasimpleng dumukot ng bimpo upang magkunwaring nagpupunas ng sahig.
"Basa po kasi ang sahig. Pinupunasan ko lang," I lied.
"Inutusan ba kita?" galit na tanong nito. Padarag siyang umalis sa kama, kapagkuwa'y marahas akong hinila palabas.
"Pero sir..."
"Wait for me downstairs," he immediately closed the door.
Shit! Hawak ko na sana e, binitawan pa.
Nanggigigil kong sinabunutan ang sarili at malakas na sinipa ang pader.
You're so dumb Kiesha!
-
"Alga!"
Here we are again. Ilang minuto pa nga lang akong nagpapahinga, ngunit nandito na naman siya upang mamulabog. Pabalya akong bumangon, saka tinungo ang pinto.
"Sir bakit po?" bungad kong tanong.
"Maghanda ka, aalis tayo."
"Saan po?"
"Just fucking do what I say!"
"Ano po?"
Muli na namang sumama ang timpla ng kanyang mukha.
He doesn't know how satisfied I was seeing him in this state again. Walang araw na hindi ito nabibwisit sa pabalik-balik kong tanong, at wala ring araw na hindi ko ito ginagawa para lang sirain ang bawat minuto ng buhay niya.
Bilib din talaga ako sa pasensya ng isang ito. Magdadalawang linggo na akong naninilbihan sa kanya, ngunit hanggang ngayon ay tila wala paring balak na pakawalan.
"Go fuck yourself," marahas nitong isinarado ang pinto.
Muntik pa akong matamaan, mabuti at agad nakaatras.
"Go fuck yourself," I mocked.
Isang puting v-neck shirt at maong na pantalon ang pinili kong suotin. Inayos muna ang wig at nagpalit ng panibagong contact lenses bago suotin ang paboritong pares ng puting sneakers.
I took my spaghetti strap red dress, and a pair of silver stilettos. Hindi ko rin nakaligtaang dalhin ang itinagong hiringgilya, kapagkuwa'y inilagay ang mga ito sa paper bag.
It's for my disguise.
Muli kong pinasadahan ng tingin ang aking repleksyon sa salamin bago lumabas.
Saktong pag upo sa sofa ay ang pagbaba naman ng senyorito sa hagdan.
He is very manly in his denim jacket and dark pants. His hair was damp and his eyes...It was broading and dangerous along with the hard features of his bone structure. Nagkasalubong na naman ang makapal na kilay nito. Well, may bago ba?
"Let's go," he said in monotone.
Mabilis akong tumayo at sumunod sa kanya.
He went straight inside a black Lamborghini that shouted money and fame.
Ganoon nalang ang pagtaas ng aking kilay habang pinapasadahan ng tingin ang bago na naman nitong sasakyan. Pang ilang palit niya na nga pala ito? Hindi ko matandaan.
Nagkibit balikat ako, saka dumiretso sa labas ng gate upang maghintay ng traysikel. Sa ganitong eksena rin naman kasi hahantong, mas mabuting unahan nalang.
Nadala na ako sa ginawa niya noong nakaraang linggo. May lakad din kami at bilang baguhan, hindi ko naman alam na may alintuntunin pala itong kailangan sundin.
I don't fucking let my fucking slave hop inside my car!
Tanda ko pang sigaw niya noong subukan kong pumasok sa sasakyan.
"Don't be late," may halong pagbabanta sa boses nito habang inaabot sa akin ang papel na may lamang address ng pupuntahan namin. Gaya lang din ng ginawa noong nakaraan.
"Opo," bahagya akong yumuko bilang pagbibigay galang, pagkatapos ay kumaway.
"Ingat po kayo!" pahabol kong sigaw bago ito tuluyang makalayo.
Mabangga ka sana, napakasama ng ugali mo!
"You are the worst animal I've known so far Fergus Da Silva," nanggigigil kong sabi. Kasunod ang malulutong na mura.
-
"Nandito na po tayo," anunsyo ng drayber matapos akong ihinto sa harap ng isang malaking bahay na pinapalibutan ng magagarang sasakyan.
Rinig na rinig mula rito ang tonog ng makabagong musika na kasalukuyang pinaglalaruan ng DJ. May iilang nakikita akong tumatambay sa labas, kadalasan ay mga lalaki.
"Kakilala niyo po pala ang mga Moralde?"
Naagaw ng drayber ang aking atensyon. Tipid ko itong nginitian bago inabot ang bayad.
"You can say so..."
Hindi ko na hinintay pang muli itong magtanong. Mabilis lumabas, saka dumiretso sa entrance.
"Password," seryosong tanong ng bouncer, lantaran pa akong pinasadahan ng tingin. Siguro'y pinagdududahan ang aking katauhan.
I couldn't blame him though. Masyado naman kasing kakaiba ang suot ko para sa isang taong dadalo ng party. We are talking about the elites. They are too classy and meticulous when it comes to dress coding.
"I am acquainted with Fergus Da Silva-"
"Password," ulit nito sa matigas na boses.
Napakamot ako ng ulo at nag isip ng maaaring sabihing password.
Wingardium Laviosa?
Definitely not! Hindi naman ito Harry Potter series.
Napangiwi ako sa sariling naisip. Ano nga ba?
"It's in the paper I gave you dumbass," Fergus went out of nowhere. Marahas nitong hinawakan ang aking kamay, saka hinila ako papasok.
"Sir. Kailangan ko po munang suriin ang dalang bag ni ma'am."
"No need. Ako na ang bahala."
Hindi ko alam kung dapat bang kabahan o makapanti sa tugon niya. Paano kung siya mismo ang sumuri sa aking dala? I couldn't stand being caught sooner than expected.
Pabalya niya akong binitawan, hinayaang maipit sa gitna ng mga nagsasayawang madla.
Agad mapapansin ang kaibahan ko sa mga ito. Mula sa magagarang suot na halos wala nang tinatakpan at sa paraan ng pagkilos. They are a bit wild, dulot na rin siguro ng alcohol. Some are starting to be lusty, which is not a surprise for Kiesha who used to love this kind of get-together before that incident happened.
But for Alga, lahat ng ito ay bago sa paningin niya. Sobrang bago na kahit kakarating pa lang ay gusto nang lumabas at umuwi.
Aksidenteng dumako ang aking tingin sa itaas, and saw the familiar group of men I did hope to see tonight.
There you are... My prime suspects in one frame.
Mapait akong ngumiti, umalis sa kinaroonan, na hindi inaalis ang tingin sa mga demonyo.
Nagtatawanan ang mga ito kasama ang tatlo pang lalaki at apat na babae. Kasali na ang babaeng naabutan kong kahalikan ni Fergus noong nakaraang linggo. Matamis ang ngiti nito, lantarang nakikipaglandian sa katabi.
Mr. Spencer Valle, the town's best lawyer and soon-to-be prosecutor. If only I'll allow...
As if!
"Let's go upstairs."
Speaking of, their king is here... Mamasa-masa ang mapupulang labi, at ang kaninang maayos na buhok ay naging magulo, tila ba sinadyang sabunutan ng kung sino.
Well, we are talking about Fergus. There's no way he'll just sit back and do nothing. Marami pa namang magaganda at sexy sa paligid.
"Po?" nakangiting tanong ko.
Kahit ang totoo'y gusto na rin itong sabunutan, hanggang maubos lahat ng buhok na meron siya.
'Di bale, kapag alam ko na ang totoo, kapag may sapat na ebidensya na ako, I'll make sure to execute every worst scenario I had in mind.
"Quit asking, idiot!"
Marahas niya na naman akong hinila paakyat ng hagdan. Ang akala'y liliko kami papunta sa mga kaibigan nito, ngunit dire-diretso lang ang lakad namin, hanggang sa marating ang teresa.
"You stay here. Para alam ko kung saan ka pupuntahan kapag may kailangan," hinila niya ang upuang bakal, saka basta-basta nalang akong itinapon dito.
Aksidente pang tumama ang tuhod sa paa ng mesa. Yumuko ako, lihim na dinamdam ang sakit. Shit!
"Don't you ever go elsewhere or else-"
"Hindi ko po kayo maintindihan," I cut him off.
"Huwag na huwag kang aalis dito."
Nagsisimula na naman siyang mairita.
"Paano kung gusto kong umihi?"
Problemado itong napabuntong hininga.
"Alright, pwede kang lumabas..." he gave up. "Pero kapag naiihi lang. You have to go back right after."
"Break the rule, or I'll fuck you up..." huli niyang sinabi bago umalis.
He was really blatant and damn...dirty!
***
"A single lie discovered is enough to create doubt in every truth expressed, "-Life Hacks.Today is the day we are finally closing ties...For the business, of course!Aaminin kong lubos na naaapektuhan sa pakiusap nito. I used to love him, I actually still do. Hindi naman talaga siya nawala sa puso ko. Palagi siyang nandito, nag-iisang nakaupo sa trono.I once consider giving him my trust again, kahit imposibleng mabuo pa ang basag na parte. Pero naalala kong may desisyong nakaukit na pala sa isipan. At hindi na ito magbabago."You are finally getting married," bulong ni dad, habang naglalakad kami papunta kay Fergus."For the business," pagtatama ko rito.I silently scanned every details of my groom's face. I saw love and pain on his eyes as his gaze travelled down to my body. Tipid siyang ngumiti, maging ang mapangahas na
"Nasaan ka na?""Nasa aiport pa, kakalapag lang ng eroplanong sinakyan ko," mabilis na sagot ni Gee sa kabilang linya.I parked my lambo right in front of AF Enterprise's entrance. Isang valet ang agad dumalo. He opened the door for me and bowed a little."Good morning ma'am," he said in baritone.I shamelessly checked him out. Hair in clean cut, handsome face, masculine, tall and formal. He can be a model.Siguro ay bago pa lang siya sa kompanya, hindi ko ito napansin noong huling beses na naparito."Hey, are you still there?"Oh, I almost forgot my bestfriend."Yes, I am. Magkita nalang tayo sa club mamaya. May meeting pa kasi akong dapat daluhan. But don't worry, I sent someone there to fetch you.""Just make sure he's as handsome as my Zi."
"I want you to investigate on someone.""Wala man lang hi, how are you? Diretso utos agad? Tauhan mo ba ako?" sunod-sunod na tanong ni Lorie sa kabilang linya.I met her at a club last week. Aksidente nitong nasabing isa siyang secret agent. Now, I am taking advantage of her skills."I'll pay you, don't worry.""Game! What I can do for you master?""Imbestigahan mo ang bagong tagasilbi namin. Ipapasa ko ang ibang detalye tungkol sa kanya," wala sa sarili kong kinagat ang aking hintuturo. I parted my legs wider and leaned backward."Ano ba ang napapansin mo sa kanya?""I saw her searching something on my room last time..."Muling bumalik sa aking alaala ang ginawa nito noong unang beses na tumapak sa kwarto ko. She saw me making out with Bella, pero hindi man lang natakot nang sigawan
*Fergus Da Silva*"Mabuti naman at nandito ka na. Palagi ka nalang late."Everyone's eyes darted on me. I licked on my lips and stared at Spencer coldly as I racked my fingers in my hair.Dumiretso ako sa tabi nito."It's better late than never.""As expected, may bago pa ba sa isang Fergus Da Silva?" si Kianna.Nagkatitigan kaming dalawa."Wala na," nagkibit balikat ako."Tutal, nandito na naman siya. Magsimula na tayo," anunsyo ni Ayesha, a common friend.Nagkasundo ang lahat na mag usap tungkol sa gagawing bakasyon. We are going to Isla Carmella this time. I don't know some details about the place, wala naman din akong pakialam. As long as I can have fun and can at least let my frustrations out, it's all that matters. Works and business has been stressing me out lately, I badly needed a t
"Nakasunod na po sila.""As expected, si Fergus 'yan e. Maghanda kayong lahat, huwag niyong hahayaang makatapak sila rito."Nagmamadaling nagsilabasan ang mga tauhan. Iniwan kaming dalawa ni Argus sa cabin ng kanyang yate. Nakatutok sa akin ang baril nito. Isang maling galaw, siguradong diretso sa ulo ko ang bala."Ang kalmado mo naman yata?" puna niya."Alangan namang magsisigaw ako rito, para saan pa't hindi mo rin naman pakikinggan," I rolled my eyes.Nandito na ako nang magising kanina. Nakatali ang mga kamay at paa, pinapalibutan pa ng mga pangit na alagad niya.Narinig kong nagkabarilan pa bago tuluyang makatakas ang grupo ng kalaban kasama ako. Gaya nga ng aking nahihinuha, walang kaming sapat na lakas kumpara sa kanila."No wonder why my brother chose to fight for you. Kakaiba ka naman pala," he smiled evilly."You're
"Bakit ang tahimik mo?" pabalya kong itinumba ang katawan sa lounger."Tanga, ikaw nga itong kanina pa tahimik diyan.""Ako ba?""May ginawa siguro kayo ni Fergus sa dark room kaya ka nagkakaganyan," itinaas baba niya ang kanyang kilay. "Nabitin ba?"Now I'm convinced, my bestfriend is back! Ganyan na ganyan siya kadiretsahan magsalita. Katulad ko lang.Hindi siya tulala, gaya ng kwento ni Zi at mas lalong hindi nanghihina.The Geline in front of me now, was the same woman I've known for years.Nagpapahinga lang pala ito sa gilid ng pool. Kaya hindi ko nakita sa kahit saang kwarto. Kung hindi pa dumako rito'y siguradong hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako."Walang nangyari 'no!" singhal ko."Narinig ko sa mga tagasilbi na may kinabukasang natamaan ka raw sa labas," s