Share

Chapter 7

Nagpalit muna ako ng mas kumportableng damit at siniguradong nasa kanya-kanyang lungga na ang mga kasamahan bago lumabas para tunguhin ang kwarto ng senyorito.

Ang bawat galaw ko'y may kasamang matinding pag-iingat, sa pag-aalalang baka magising pa ang iba. Pormal mang inutusan ni ate Maria, hindi parin nila ako pwedeng makita na papunta sa kwarto ng demonyong amo. Lalo na ngayong may ibang balak ako. 

Nang tuluyang makarating sa harap ng pinto ay hindi na ako nag atubili pang buksan ito, saka mabilis nilapitan ang kama. Agad akong lumuhod para silipin ang ilalim nito, ngunit ganoon nalang ang pagkabigo nang makitang wala na ang envelope na may lamang ebidensya. He found it! 

"Ano ang ginagawa mo riyan?" rinig kong tanong ni manang Teo. 

Ang pinakamatandang tagasilbi na akala ko'y hindi ko na makakasundo dahil medyo magaspang ang ugali. Siya iyong nag utos sa aking maghatid ng pagkain kay Fergus noong unang araw ko rito. 

May inaasahan na pala talaga siyang mangyari noong hapong iyon. Ideya nitong utusan ako upang subukin ang katapangan. 

Nagiging maayos na ang pakikitungo nito sa akin ngayon matapos mapatunayang hindi ako basta-bastang tagasilbi lang. I can make the lion bend on his knees if I wanted to. 

Umupo ako ng maayos at gulat itong binalingan. 

"Manang Te, gising ka pa po pala," I tried to act normal. 

"Bakit nandito ka sa kwarto ng senyorito?" tanong nito na may halong pagdududa. 

"Nautusan po kasi akong linisan ang kwarto ni sir Fergus, tinitingnan ko lang kung may natitira pang kalat," dahan-dahan kong itinuro ang ilalim ng kama. 

"Pwede mo namang ipagpabukas ang paglilinis. Tsaka wala nang kalat diyan, kinuha ko na ang walang lamang envelope."

Naalerto ako sa sinabi nito.

"Po?"

"Kinuha ko na ang walang lamang envelope at sinunog, sa utos na rin ni senyorito Fergus." 

What?! It has evidences! 

"Sigurado ka po bang walang laman iyon?" 

"Oo. Ilang beses kong tiningnan ang loob nito bago itapon sa apoy. Bakit ba? Alam mo kung ano iyon?" humalukipkip ito at pinanliitan ako ng mata.

"Ay hindi po," umiling-iling ako saka plastik na tumawa. "Baka may importanteng papeles kasi doon..."

Dismayado kong nilingon ang side table. Tanging lampshade at laptop lang ang nakapatong rito. Wala na iyong mga papeles na naabutan ko noong nakaraan. 

Sigurado akong itinago ni Fergus ang mga ebidensya sa ibang parte ng kwartong ito. Malakas ang pakiramdam kong nasa paligid lang iyon, maayos na nakakubli. 

I'll find it no matter what! 

"Akala ko nga rin e. Kasi may nakalagay na 'KIANNA' sa harap nito, baka mga importanteng papeles iyon ni ma'am," ngumuso ito. 

"Ma'am?" my brows furrowed. 

"Si ma'am Kianna. Dating kasintahan ni sir Argus..." 

My breathing hitched and lips parted for the halted words. 

Walang naikwento si ate sa akin tungkol sa bagay na iyan. Lahat ng nangyayari sa buhay nito'y sinasabi niya. Paano nangyaring-

"Alam mo, minsan nakikita ko si ma'am Kianna sayo. Medyo magkahawig kasi kayo at parehong mabait," dugtong na sabi ni manang.

"Nasaan na po siya ngayon?" mahinang tanong ko kahit na alam na naman ang sagot.

"Sa kasamaang palad wala na ito. Nagpakamatay dahil sa depresyon," malungkot itong umiwas ng tingin. 

I remained silent. 

"Nag away pa sila dalawang linggo bago mamatay si ma'am," muling sabi nito matapos ang ilang sandali. 

"Bakit daw po?" 

"Hindi ko alam. Tanging sigawan lang dalawa ang narinig ko mula sa kwarto ni sir," umiling-iling ito. "Sobrang sayang si ma'am. Ubod ng ganda pa naman." 

Nanghihina akong tumayo at itinapon ang sarili sa kama. Hindi sapat ang salitang sayang para kay ate. Karapat-dapat siyang mabuhay! Marami pa itong gustong abutin, mga taong nais tulungan, mga pangarap na gustong bigyan ng kulay, hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa akin at sa mga magulang namin. 

But they ruined her life, her ambitions, us... A tear escaped my eyes. 

Bigla kong naalala ang mga nangyari bago ito mawala, bago kami masira... 

"May good news ako!" masayang sabi ni ate matapos nitong buksan ang pinto ng kwarto ko. Dumiretso ito sa bilugang sofa, kaharap lang ng aking inuupuan. 

Kasalukuyan akong nagre-review para sa darating na final exam. Huling taon ko na ngayon sa kolehiyo, ilang buwan na lang at gagraduate na. Excited na akong mahawakan ang sariling diploma. All the sacrifices will soon come to an end, so with this chapter of my life. Isang bagong pahina na naman ang mabubuksan pagkatapos nito.

"You remember Fergus Da Silva? 'Yong sinabi kong gwapong classmate sa high school?" she added. 

"Oh," walang gana kong tugon. 

"I saw him last night at the club!" impit itong napatili. "Binigyan niya ako ng number."

"Number niya?" 

"Number ni Spencer. Gwapo rin," nagmistula itong uod na hindi mapirmi sa kinalalagyan. 

"Sino ba talaga ang gusto mo. Si Fergus, o iyong Spencer?" isinarado ko ang aking libro at pinaglaruan ang hawak na panulat. 

"Silang apat." 

"Apat?!" gulat ko siyang binalingan. 

"May dalawa pa kasing gwapo rin. Si Dominic at Jake," she smiled widely. 

"Jake, you mean Jake Moralde?!" marahas akong napasinghap at hindi makapaniwalang tumitig dito.

He's my crush! 

"Got it!" 

"Bakit hindi mo ako tinawagan kagabi?" masama ko itong tinitigan. 

"Abala ka sa pag-aaral e, ayaw kitang abalahin," mas lumapad pa ang ngiti niya.

"Ang sabihin mo. Ayaw mo lang na makilala ko iyang mga bago mong lalaki. Kasi natatakot ka na baka magkagusto silang lahat sa akin, which is not impossible at all," pang-aasar ko rito na sinabayan pa ng binibining halakhak. 

"Yeah... Yeah."

Simula noon, wala nang ibang bukambibig pa si ate kundi ang apat. Lalo na si Spencer, na mas naging malapit dito.

"Saan ka?" puna ko rito matapos mapansin ang kanyang magandang ayos.

"Lalabas," makahulugang sagot nito na may kasama pang kindat.

"Nagpaalam ka na kina papa?" tinaasan ko siya ng kilay. 

"Yup. I'll be with Spencer and his friends. Hindi po ako magpapagabi ma'am Kiesha," pagbibiro niya pa.

Binato ko ito ng nilukot na papel saka lantarang inirapan. Madalas na siyang lumabas matapos makilala ang mga taong iyon. Nakakainggit na! Hindi ko  na nakakasama at nakakausap ng matagal ang ate ko... 

Ingay ng mga tao sa labas ang bumulabog sa akin kinabukasan. I jumped out of my bed and quickly strutted outside. 

Nag-aalalang mukha ng aking mga magulang at tagasilbi ang nabungaran ko. Umiiyak ang iba, kasama na si mommy. Paulit-ulit binibigkas ng mga ito ang pangalan ni ate. Agad sumilay ang kaba sa aking sistema. 

"What happened?" naiiyak kong tanong. 

"Kiesh..." sinalubong ako ni mommy ng mahigpit na yakap. "Nawawala ang ate mo." she added. 

Natigilan ako, hindi magawang yumakap pabalik dito. That's bullshit! 

"She's just with Spencer and his friends ma," matigas kong usal. 

"Hindi raw nila alam kung nasaan ang ate mo. Hindi nila ito kilala..." 

Mabilis akong napamura sa narinig. Anong kabaliwan ba itong pinagsasabi nila? Have they gone mad? What the hell?! 

-

'Kiesh, sa'n ka? Magsisimula na ang exam.'

'Laban lang girl. Makikita rin natin si ate Kia soon, well and alive!' 

'Bibigyan ka raw ni prof ng isang oras para humabol sa exam.' 

'Halikana girl.'

Iilan lang sa mga natatanggap kong mensahe ngayong araw. Been staring at the ceiling for a while now. Wala na akong ganang kumilos, I am so worn out, in so much grief and helpless. 

Apat na araw na kaming naghahanap kay ate, pero hanggang ngayo'y wala pa ring resulta. Paulit-ulit kong sinasabi sa mga awtoridad na may alam si Spencer at ang mga kaibigan niya, kilala ng mga ito ang ate ko. They are just lying! Pero ayaw nilang maniwala. 

"Kiesh..." 

Bahagya akong nagulat sa presensya ni Gee. Mangiyak-ngiyak ito, katulad ko'y pagod na rin sa paghahanap. 

"Bakit nandito ka? Exam natin ngayon!" singhal ko. 

"Ikaw, bakit nandito ka pa?" umupo ito sa aking tabi. 

"Ayaw ko nang pumasok," isang luha na naman ang muling nagbabadyang lumabas. 

"We have to... Hinihintay nila tayo," pangungumbinsi nito, mas naiyak pa. 

"Ikaw nalang-" 

"Akala mo ba magiging masaya ang ate mo kapag naabutan ka niyang ganito? Papagalitan ka lang no'n Kiesh! Alam mo kung paano magalit si ate Kia 'diba? Kung ayaw mong mangyari iyon tumayo ka diyan, pupunta tayo ng school," marahas nitong pinalo ang pwet ko. 

Wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa gusto ni Gee at ng mga kasama ko sa bahay. I have to believe that ate Kia is alive! Kailangan kong maging matatag. Lalo na ngayon pati ang ina ko'y nagsisimula na ring sumuko. Uuwi rin siya... Baka mamaya pagkatapos ng exam ko. 

Please make it real. I silently prayed. 

-

"Kailangan naming isugod sa ospital ang mommy mo," bungad na sabi ni daddy mula sa kabilang linya. 

Kasalukuyan akong naghihintay ng masasakyan pauwi. Magco-commute nalang muna ako dahil paniguradong abala ang lahat ng driver namin ngayon, walang makakasundo sa akin.

"What do you mean dy?" kunot noo kong tanong.

"She's having difficulty breathing. Ilang ulit siyang hinimatay kanina dahil sa kakaiyak."

I bit my lower lip, halting myself from weeping.

She has weak heart. Minsan na kaming binalaan ng doktor na kapag muli itong inatake, they cannot guarantee her recovery anymore.

"Nak, lalaban tayo. Magiging maayos din ang lahat," pampalubag loob ni daddy bago pinatay ang tawag.

Aksidenteng dumako ang aking mata sa pinapanood na balita ng mga food vendors sa gilid.

"Totoo ba ang paratang ni Mr. Alfano na alam mo raw ang kinaroroonan ng nawawalang anak nito?" diretsahang tanong ng reporter kay Jake. 

"No."

"Hindi mo siya kilala?"

"Hindi. Siguradong nagkamali lang si Mr. Alfano."

Liar! May video silang dalawa ni ate. Kaswal na nag uusap at nagtatawanan. Pinakita iyon ng kapatid ko tatlong araw bago siya mawala. I saw Fergus Da Silva, Spencer Valle, and Dominic Roque too! Nasa telepono ng kapatid ko ang lahat ng magpapatunay na magkakilala sila!

"Magdedemanda ka nga ba talaga tungkol sa bagay na ito?" 

"Hindi ko pa alam."

Damn you! Marahas kong sinabunutan ang aking sarili at malakas na napasigaw. 

Paano nila nagawa ito sa ate ko? Mga demonyo sila! 

-

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na kilala ng mga taong 'yon ang ate ko? Nagsisinungaling lang silang lahat!" bulyaw ko sa mga pulis. Hanggang ngayo'y wala pa ring lead ang mga ito. 

Ngayon ay nagdududa na ako kung ginagawa ba talaga ng mga ito ang trabaho nila. I felt like they were controlled, napapansin kong ang sagot ng mga ito'y pare-pareho lang araw-araw. Para bang may binabasang iskrip ang mga ito. Kung ano ang nakasulat, iyon lang din ang isasagot. 

"Ma'am nagrereklamo na po sila dahil dito sa paratang ninyo na wala namang sapat na ebidensya. Naaapektuhan na po ang pamumuhay-" 

"Wala akong pakealam kung naaapektuhan man sila, sinasabi ko lang ang totoo!"

"Pasensya na po ma'am, pero hindi po namin magagawa ang gusto niyo. Wala po tayong ebidensya."

Hindi na nagtagal pa ang mga pulis. 

Mabilis akong pumasok sa sala at nanggigigil na binalibag ang mga kagamitan. They were fucking paid! Fuck them! Fuck this life! 

"Ma'am Kiesh tama na po 'yan," natatakot na usal ng isang kasambahay. 

"Sobrang gulo na... Magulo na..." paulit-ulit kong usal habang pinupunasan ang mga luha. 

"Nak..."

Mabilis kong binalingan si daddy. Kakapasok lang nito. From him, my eyes went to the woman beside him. Mas lalo lang akong napahagulhol saka mabilis tumakbo palapit dito. 

"Ate, saan ka ba pumunta?" mahigpit na yakap ang iginawad ko sa kanya. 

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito at marahas na napasinghap. 

Punit-punit ang kanyang damit, may pasa sa iba't-ibang parte ng katawan, may konting laslas pa sa leeg, pulso, at gilid ng labi. Nakatulala lang siya, nasa baba ang tingin, hindi nagsasalita.

"Te, sinong gumawa nito sayo?" I held her hand. 

"Kanina pa namin siya tinatanong, ngunit wala kaming nakuhang sagot." malungkot na napailing si daddy. "We found her at an abandoned house near our plantation." 

Tuluyan na akong napaluhod sa panghihina. Sino ang gumawa sa kanya nito? 

Agad ding dinala si ate sa ospital para bigyan ng paunang lunas. Hindi na ako sumama pa, hindi ko kayang makita ang dalawang importanteng tao sa buhay ko na nasasaktan at nanghihina. 

-

"Matatandaang nahanap noong biyernes ng hapon, eksaktong alas diyes ng umaga ang nakakatandang anak ni Mr. Alfano, ang isa sa sikat na business tycoon sa bansa," nabungaran kong balita matapos lumabas mula sa banyo. 

Hinayaan kong nakabukas ang TV upang panoorin ang sinasabing special conference ni Spencer, ukol sa paratang naming pagkakasangkot nito sa nangyari kay ate. Malakas ang pakiramdam kong siya ang may pasimuno ng lahat.

"Mula kaninang umaga ay hindi pa rin nagsasalita ang dalaga. Ngunit nakakagulat ang mga salitang sinabi nito ngayon-ngayon lang," naalerto ako sa narinig. 

Mabilis kong dinukot ang remote at nilakasan ang volume. They showed the clip of my sister, saying the words I badly wanted to hear. 

'Da Silva, Spencer Valle, Dominic Roque, Jake Moralde... They... They...raped me,' nahihirapang usal nito. Kasunod ang malakas na hagulhol. 

Agad kong dinukot ang aking jacket at bag sa kama, saka kinuha ang susi ng sasakyan sa drawer. I'll go see my sister. 

-

Mga guwardiya sa labas ng kwarto ni ate at mommy ang sumalubong sa akin, ayaw akong papasukin sa loob. Bukod sa mga nag iimbestigang pulis ay wala nang ibang pinapapasok. They are left alone with those untrusted piece of trash! 

Umalis si daddy papunta sa presinto para pormal na magsampa ng kaso laban sa apat. Hanggang ngayo'y hindi parin ito bumabalik. 

"Kiesh!" sinalubong ako ng yakap ni Gee. "Sobrang dami ng mga taga media sa labas. Gusto nilang makausap ang ate mo." 

"She's still in trauma," tipid kong sagot.

Ilang sandali kaming nanghintay bago bumukas ang pinto. Iniluwa nito ang dalawang pulis na palagi kong nakakausap sa bahay. Hindi nakawala sa akin ang hawak nitong cellphone ni ate. 

"Bakit nasa inyo 'yan?" puna ko sa mga ito na may halong pagdududa. 

"Nandito ang mga ebidensya na magpapatunay ng lahat ma'am."

Hindi na hinintay pa ng mga ito ang panibago kong tanong. Mabilis nilang tinahak ang daan palabas. 

Minabuti kong isawalang bahala nalang muna ang pagdududa. Una akong pumasok sa loob ng kwartong kinaroroonan ng pamilya ko. Tulog pa rin si mama hanggang ngayon. Limang araw na siyang ganito. I heaved a deep sigh. 

Si ate naman ay nakatungo sa gilid, nagsasalita mag isa at umiiyak.

'I did this to myself. Yes, I did... No, no...someone raped me. Yes, yes... " paulit-ulit nitong sabi. 

"Ate, can you tell me everything?" mangiyak-ngiyak kong tanong. 

Walang gana niya akong tinitigan. Ilang sandali ay malakas na napahalakhak. 

"Talaga? Nagmamahalan kayong dalawa? What a funny joke Ar-" nitigilan ito. Muling tumungo kapagkuwa'y umiyak na naman. 

Nababaliw na siya. Mababaliw na rin ako sa kakaisip kung bakit nangyari ito. Anong klaseng pasakit ang ginawa nila para umabot siya sa ganito?

Kasabay ng pag agos ng mga luha nito ay ang pag usbong ng galit at puot sa sistema ko. I'll make them pay. Sisiguraduhin kong hindi sila magiging masaya. Araw-araw silang magsisisi sa kasalanang ginawa. I'll make them live in misery and pain, 'till they run out of reason to continue living!

Humanda sila...

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status