Hindi na niya alam kung ilang araw na siyang naglalakad na parang wala sa sarili. Ilang pintuan ang kinatok, ilang beses siyang huminto sa bawat bahay na maaaring tinutuluyan ni Fortuna. Pero walang sagot. Wala siyang natagpuan kundi katahimikan, tanong, at pangungulila.Ang tanging alam niya: wala na si Fortuna.Hindi niya alam kung saan siya pupunta, pero parang may humihila sa kanya pabalik—sa mansion. Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.Bumaba ang taxi sa tapat ng matandang gates. Muli niyang nasilayan ang mapupusyaw na kulay ng lumang Carlito mansion, na tila ba mas tahimik na ngayon. Hindi siya sigurado kung anong sasalubong sa kanya, pero wala na rin siyang ibang mapuntahan.Pagbukas ng pinto, hindi pa siya nakakapasok ay narinig na niya ang pamilyar na tinig."Ikaw din pala ang huling babalik, John."Nakatayo sa may gilid ng malaking hagdan si Lola Irene, naka-abang. Naka-puting saya, hawak ang lumang rosaryo na tila ba pilit na pinanghahawakan sa gitna ng maraming panalan
Sa maluwang na sala ng bahay ni Kuya Tonny sa California, umaga pa lang ngunit abala na sa paghahanda ng almusal sina Jinky at Jack. Ang amoy ng pritong itlog at bagong lutong sinangag ay humalo sa malamig na simoy ng hangin mula sa bintana. Si Fortuna ay tahimik na nakaupo sa sofa, hawak ang tasa ng mainit na tsaa, at bahagyang hinahaplos ang kanyang tiyan.Lumapit si Jinky at umupo sa tabi ng anak, halatang nag-aalala."Anak, okay ka lang ba? Hindi ka halos kumikibo buong linggo ah."Ngumiti si Fortuna, pero may bigat sa mga mata niya. Hindi ito lungkot, kundi pag-iisip."Ma... Pa..." sabay tingin kay Jack na kasalukuyang nag-aayos ng kape sa mesa, "...Kuya Tonny, may gusto sana akong sabihin sa inyo."Agad na lumapit si Jack at si Tonny mula sa kusina. Umupo sila sa sala, pinalibutan si Fortuna. Tahimik ang lahat, hinihintay ang kanyang susunod na sasabihin."Matagal ko na po itong iniisip, lalo na ngayon na... buntis ako. Ayokong habang buhay ay maging alaala na lang ako ng isang
Kinabukasan.Maagang nagising si John, tila hindi na nga natulog nang buo. Nagmamadaling inayos ang sarili—suot ang simpleng puting polo na ilang beses niyang isinuot tuwing may mahahalagang pag-uusap, itim na pantalon, at dala-dala ang isang maliit na notebook. Sa loob nito, mga liham na ilang taon niyang isinulat para kay Fortuna—mga salitang hindi niya kailanman naipadala, mga pangakong naudlot, mga "patawad" na hindi niya masambit noon.Ang bawat hakbang niya patungo sa likod ng lumang taniman ay parang mabigat na bagaheng isinasabit sa balikat niya—punô ng pag-asa, takot, at mga alaala.Hanggang sa dumating siya sa harap ng isang maliit na bahay na gawa sa kahoy. Puti ang pintuan. Simple, tahimik, tila itinatago ng kalikasan mismo mula sa mga mata ng mundo. Sa labas, sa tabi ng bintana, may nakaupong babae. Nakaputi. Mahaba ang buhok. Hawak ang isang lumang libro. Tahimik. Hindi lumilingon sa paligid.Tumigil si John sa paglalakad. Tila tumigil rin ang pag-ikot ng mundo. Naramdam
San Benito – Hatinggabi, ulan ang tanaw sa labas ng bintana ng lumang inn.Nasa kama si John, basa pa rin ang jacket mula sa ulan. Walang imik. Tahimik ang buong silid maliban sa patak ng ulan sa bubong at mahinang ugong ng electric fan sa isang sulok."Wala pa rin," bulong niya habang nakatitig sa basang sapatos. "Isang linggo na akong paikot-ikot dito pero ni anino ni Fortuna... wala akong mahagilap."Dahan-dahan niyang kinuha ang cellphone. Binuksan ang gallery. Larawan ni Fortuna ang nasa huling frame. Maganda pa rin, kahit pa kuha iyon sa gitna ng isang pagtatalo. Nakangiti si Fortuna sa litrato, hindi niya alam na ilang sandali matapos iyon, magwawakas ang lahat."Asan ka na ba..." bulong niya habang hawak ang telepono. "Buntis ka na... pero hindi ako ang kasama mo. ‘Di ko man lang nasaksihan kung paano mo hinaplos ang tiyan mo. Ako dapat ‘yon. Ako sana ang nandiyan."Tumunog ang cellphone. Nakasulat sa screen: Señora.Napapikit si John. Mariing huminga. Ngunit sinagot niya ang
Mabilis lumapit si Tony. Pagkakita niya kay Fortuna, natigilan siya. Napakapit siya sa dibdib, parang tinamaan ng kung anong emosyon na hindi niya agad masayod.“Diyos ko, Fortuna…” bulong ni Tony habang lumalapit.Pagkatapos ng ilang segundo, niyakap niya ang kapatid. Mahigpit. Mainit. May luhang pumatak sa balikat ni Fortuna.“Kuya…”“Dito ka na. Ligtas ka na. Hindi ka na niya mahahawakan. Nandito kami.”“Maraming salamat, anak,” bulong ni Jinky. “Maraming salamat sa pagtanggap sa amin.”“Dito kayo titira hangga’t gusto ninyo. Dito magsisimula si Fortuna. Sa lugar na ‘to. Sa buhay na hindi na niya kailangang itago ang luha niya.”Hindi nagsalita si Jack. Tahimik lang siyang nakatingin sa anak niya habang pinipigil ang pagpatak ng luha. Sa isip niya, inulit-ulit lang ang iisang pangako. Hindi na siya muling magkukulang.Sa loob ng bahay ni Tony, naroon ang amoy ng mainit na sabaw. Kumot. Katahimikan. At ang bagong simula.“Anak, uminom ka muna ng gatas,” alok ni Jinky habang isinusub
"Walang nagbago?" Halata ang pagpipigil ng luha at hinanakit sa tinig ni Señora. "John, ilang gabi na kitang hinihintay. Pero hindi ka dumadating. Hindi ka na tumatawag. Hindi ka na naglalambing. Dati, ikaw pa ang hindi mapakali pag hindi tayo magkasama. Ngayon, parang ako na lang ang nagmamahal."“Señora…”“At ‘wag mo akong tawaging ‘Señora’ na parang estranghero ako sa’yo!” Napalakas ang boses niya. "Ako ang nobya mo, John! At kung mahal mo na si Fortuna… sabihin mo sa’kin ng direkta.Natahimik si John. Parang binasag ang puso niya sa narinig.Natahimik si John. Parang binasag ang puso niya sa narinig.“Ongoing na ang annulment niyo, hindi ba?” patuloy ni Señora, nanginginig na ang tinig. "Dapat nga mas nagkakaroon tayo ng time ngayon. Dapat tayong dalawa ang gumagawa ng plano sa future natin... pero ikaw, parang may hinahanap kang hindi ko kayang ibigay.Humugot siya ng mahabang buntong-hininga, bago tinanong ng diretso, "Don’t tell me… mahal mo pa rin siya?"Hindi agad nakasagot s
Napayuko siya. Napakuyom sa kanyang palad. Ang bawat salita ng kanyang lola ay parang latigong dumudurog sa natitira niyang dangal.“Minsan, ang sobrang pagmamahal… napapagod din.”“Pero mahal ko siya, La…” Mahina. Umiiyak. “Mahal ko siya…”“Late na ba ako?” tanong ni John. “La, late na ba ako kung ngayon ko lang ‘to naramdaman?”“Hindi ako ang makakasagot niyan, apo. Si Fortuna lang ang may karapatang sumagot niyan.”Tumayo si John. Humakbang siya palapit sa kanyang drawer, binuksan ito at hinugot ang isang maliit na kahon. Sa loob ay naroon ang panyo ni Fortuna, ang huling bagay na naiwan nito. Mahinang halimuyak ng pabango ang tumama sa kanya. Nabalot siya ng alaala. Ng mga gabing magkatabi silang hindi nag-uusap, ng umagang naghain si Fortuna ng almusal pero hindi niya kinain, ng huling beses na lumingon si Fortuna sa kanya bago lumabas ng pinto sa law firm kung saan sila pumirma ng annulment.Doon siya tuluyang bumigay.“Gusto ko siyang hanapin, La. Gusto kong itama ang lahat. Ka
Pero walang sagot.Pilit niyang pinindot muli ang pangalan sa contact list. "Fortuna." Wala pa rin. Palaging out of reach. Palaging tahimik ang kabilang linya.Dahan-dahang pinikit ni John ang mga mata. Umihip ang hangin sa loob ng kwarto, tila ba sinasadya siyang balutin ng lamig ng pagkakabigo. Binuksan niyang muli ang cellphone. Pinindot ang isa pang pangalan. "Lola Irene."Isang ring. Dalawa. Tatlo."Hello?" mahina pero malinaw ang tinig ng matandang babae."Lola..." basag ang boses ni John."Bakit, anak? May nangyari ba?""Si Fortuna..." Napalunok siya. Napakuyom ang palad. "May balita ka ba sa kanya?"Sandaling katahimikan sa linya."Ha? Wala, anak. Matagal ko na ring gustong itanong kung kumusta na siya. Pero simula nang magpirmahan kayo, hindi na rin siya nagparamdam sa akin.""Hindi ko na siya makontak, Lo. Lahat. Wala. Parang... parang nawawala na lang siya.""Ano'ng ibig mong sabihin, John?""Hindi na siya sumipot sa huling pirma. Akala ko darating siya. Akala ko kailangan
Napasinghap si Fortuna. Hindi niya kailangan itanong kung paano nalaman ng kanyang ina—isang ina'y laging nakakaramdam, kahit walang salitang binibitawan.“Ma…” basag ang boses niya, “paano kung hindi ko kayanin?”Hinawakan ni Jinky ang kanyang pisngi, pinunasan ang luha. “Kakayanin mo. Hindi dahil wala kang takot, kundi dahil may dahilan ka na. Hindi na para kay John. Hindi na para sa nakaraan. Kundi para sa anak mo. At para sa sarili mo.”Pagpasok nila sa immigration, isa-isang tinapik ni Jack ang balikat ng anak. “Anak, huwag mong sisihin ang sarili mo kung hindi ka niya pinili. Minsan, hindi tayo pinipili kasi... kailangan muna nating piliin ang sarili natin.”Napangiti si Fortuna kahit nangingilid pa ang luha. “Pa… salamat. Kayo ni Mama lang ang dahilan kung bakit hindi ako tuluyang nawasak.”Sa loob ng gate, habang naghihintay ng boarding, sumulyap si Fortuna sa likod—sa mga glass wall ng airport. Walang kaalam-alam ang pamilya Tan. Walang pamamaalam. Walang paghawak ng kamay ni