Lure Into Deception: Married the Wealthiest Billionaire.

Lure Into Deception: Married the Wealthiest Billionaire.

last updateDernière mise à jour : 2025-11-15
Par:  TintineMis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel18goodnovel
Notes insuffisantes
5Chapitres
7Vues
Lire
Ajouter dans ma bibliothèque

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

Akala ni Hiraya Cristobal ay tu ay na ang g-ibig na ibinigay sa kanya ng asawa, iyon pala ay isa lang siyang katatawanan tuwing nakatalikod siya.

Voir plus

Chapitre 1

Chapter 1

Sa ikalawang taon ng kanilang kasal, hindi sinadyang nasira ni Hiraya Cristobal Gil, ang kanilang marriage certificate habang nag-aayos ng mga gamit sa drawer.

Pumunta siya sa opisina ng tanggapan sa marriage certificate para mag apply, ngunit nagtaka ang isang empleyado at sinabing, "Ma'am wala pong nakatala sa sistema na kasal kayo." Imporma nito.

Nagulat si Hiraya sa kanyang narinig at sumagot, "Imposible! dalawang taon kaming kasal?" Pagkasabi nito, iniabot ni Hiraya ang marriage certificate na nahati sa dalawa.

Matiyagang sinuri ng dalawang beses ng empleyado ang papel, sa huli ay ay ipinakita nito ang screen ng computer sa babae. “Wala talaga kayong record dito, ma'am. At ang tatak ay baliko… parang peke po itong dokumentong hawak ni’yo.”

Tulalang lumabas ng opisina si Hiraya.

Makalipas ang ilang Segundo ay tumunog ang kanyang telepono.

“Miss Hiraya, magandang araw po. Ako ang abugado ng iyong ama, kung maaari, nais po sana namin kayong imbitahan na pumunta sa San. Vicente Ayala firm, para permahan ang kasunduan sa pagmamana ng ari-arian.” mahinahong wika ng nasa kabilang linya.

"Sinungaling!” akmang ibababa na sana ni Hiraya ang telepono nang biglang nagsalita muli ang kabilang linya. 

“Miss Hiraya ang pangalan ng inyong ina ay si Erlinda Cristobal, tama? at iniwan ka niya sa bahay ampunan dalawampung taon na ang makalipas. Pagkatapos ng ilang imbestigasyon, napag-alaman namin na ikaw ang nag-iisang kadugo ni Ares Reynolds. Ang pinakamayamang tao sa Villa Mercedes.”

Napatigil si Hiraya sa kanyang kinatatayuan at agad nagpumunta sa nasabing appointment.

Mula sa kanyang abugado, narinig niya ang pinaka-imposible bagay sa kanyang buhay.

Ang kanyang tunay na ama na si Ares Reynolds ay isang negosyante. Namatay siya noong nakaraang buwan, at ang kanyang pagmamay-ari at mga kumpanya na nagkakahalaga ng daan-daang bilyong dolyar, siya lang ang nag iisang anak.

Habang gulantang pa ang kanyang isip, biglang nnagtanong ang abogado. “Ano ang civil status mo?”

Biglang sumulpot sa isip ni Hiraya ang mukha ng kanyang asawa.

Nang maalala ang nasira at peke na sertipiko ng kasal sa kanyang bag, hinawakan niya ito at sinabing. “Hintayin niyo ako ng dalawang oras, may lilinawin lang akong isang bagay.”

Pagkalabas niya, dumiretso si Hiraya sa kumpanya ng kanyang asawa.

Nang makarating siya roon, hindi pa man siya gaanong papalapit sa pinto ay bahagya ng nakabukas ang pinto ng opisina ni Vince Gil. Dahan-dahan niya itong itinulak, ngunit sa kanyang pagtulak narinig niya ang isang kaakit-akit na boses ng isang babae na medyo may edad na.

“Vince Gil, limang taon na tayong kasal, kailan natin isasapubliko ang ating relasyon?” Mapang-akit na wika ng babae.

Saglit na napatigil si Hiraya sa kanyang kinatatayuan.

Napaisip si Hiraya, ang boses na pamilyar sa kanya, ito ang kanilang guidance counselor noong college, si Leona Rodriguez.

Mas matanda si Leona Rodriguez kay Vince Gil ng anim na taon, ngunit bukod sa pagiging matanda, ang kanyang hitsura at katawan ay parang isang dyosa pa rin.

Nang nag-aaral pa sila, pinakasikat si Leona Rodriguez sa buong paaralan. Kilala rin siya na pinakamahusay na guidance counselor sa buong paaralan. 

Pigil na pigil si Vince Gil sakanyang hininga. Sa sumunod na segundo, narinig niya ang boses ng kanyang asawa na karaniwang mahinahon at kakaibang tono.

“Malapit ng magpahayag ang kumpanya, at maraming lugar na kailangan para tumulong, at isa pa nag iwan ng kasulatan ang lolo na hindi ka pinapayagang pumasok sa pamilya. kung isasapubliko natin ito baka mahirapan ang lola ko. Naaawa ako sayo.” kalmadong tugon ni Vince.

Parang may sumabog sa tainga ni Hiraya. Agad niyang tinakpan ang kanyang bibig para hindi makagawa ng kahit anong ingay.

Ang sira-sirang peke na sertipiko, pinagtagpi niya ng paulit-ulit, at itinago niya ito ulit sa kanyang bag.

Ngayon ay malinaw na para kay Hiraya ang lahat. Iyon ay pinagka-isahan siya.

Umalis si Hiraya ng kompanya. Huminga siya ng malalim bago kinuha ang telepono at tinawagan ang abogado.

“Mr. Salvador, maaari na nating permahan ngayon ang kasunduan sa pagmamana ng ari-arian”. wika ni Hiraya. “Sa karagdagan, kasalukuyan akong walang asawa at walang anak. Lahat ng mana ay tanging sa akin.”

Pagkatapos niyang asikasuhan ang mga papeles sa pagmamana, nag maneho pauwi si Hiraya. Sa daan ay nagulo siya at biglang nawala sa sarili. Dahilan upang hindi niya mapansin ang sasakyang kasalubong. Nakatamo siya ng kaunting pinsala sa noo.

Matapos gamutin ang kanyang sugat sa emergency room, naisip niya ang isang bagay, kaya’t dumaan si Hiraya espesyalista.

Matapos kunin ang kanyang medical record, tuluyan itong nawalan ng pag asa sa kanyang puso.

“Ibig bang sabihin.. niyan walang problema sa aking matres, tama?” tanong ni Hiraya.

"Yes, according to your record, you are a healthy female..” sagot ng doktor.

“Maari ba akong mabuntis"? muling tanong ni Hiraya.

"Oo naman.” ani ng doktor.

“Hindi rin ba ito makaka-apekto sa buhay mag-asawa?”

Nang itananong ni Hiraya ito, kahit ang babaeng doktor na mahigit limampung taon na gulang ay nahihiya, “kailangan pabang sabihin yan?"

Ngunit noong nag pa check-up sila bago ang kasal, ipinakita ni Vince Gil ang medical report 

at sinabi sa kanya na may malubhang abnormal ang iyong matris, at posibleng mabubuntis siya.

“Kahit na ganyan, papakasalan pa rin kita.” Hawak niya ang kanyang mga kamay, at kanilang mga mata ay puno ng katatagan at lambing, “Habang buhay, ikaw ang gusto ko.”

Para sa pangakong ito, hinarap nila ang isa’t isa ang galit sa kanyang pamilya ni Vince.

Nakita niya mismo ang kanyang biyenang lalaki na galit at nag basag ng tasa at pinagalitan sila, “Magpapakasal ka sa isang babaeng hindi kayang magka-anak?”

Narinig din ito ng kanyang biyenang babae na umiiyak sa isang family gathering at nag reklamo sa kanyang mga kamag-anak,”Naku! si Vince…”

Ngunit sa bawat pagkakataon, ngingiti lamang siya at sasabihing,“ Huwag mo silang pakinggan, nandito ako.”

Sa loob ng dalawang taon,ang mga sinabi ng kanyang biyenang, “Walang silbi ang pagpapakasal sa kanya kung hindi rin naman magkakaanak.” ay labis siyang nahihirapan at isang gabing walang tulog. 

Gayunpaman, nang marinig ni Vince na naaksidente si Hiraya, agad siyang pinuntahan at para sunduin.

Naka puting suot ang lalaki, at nagmamadali siyang dumating. Sa sandaling iyon, naalala ni Hiraya ang anim nataong nilang magkakakilala.

Una silang nag kita sa opisina ng kanilang guidance counselor na si Leona Rodriguez, Naghatid siya ng mga kagamitan para sa kanilang klase. Si Vince ay nakikipag-usap kay Leona Rodriguez. Nang tumingala siya, nag tama ang kanilang mga mata, at magalang siyang tumango ngunit hindi na nag salita pa.

Pagkatapos, nanaganap ang apat na taong walang humpay na pangliligaw.

Si Vince, ay kilala bilang pinaka gwapo sa campus. Bukod sakanyang istura, mahusay din sya sa klase at mayaman.

Dagdag pa dito, napaka masigasig niya sa pangliligaw at napakalambing, halos walang babaeng makakalaban sa kanya.

Hindi rin naiiba si Hiraya Cristobal.

Lumaki siya bilang ulila, at kanyang pagkatao ay mabait, malamig, hiwalay. Sakabila nito sumuko parin siya sa walang humpay na pangliligaw.

Matagal na nakipag-usap si Vince kay Hiraya, ngunit nang napasin niya nawalang reaksyon si Hiraya,

akala niya ay natakot ito, kaya agad niya itong niyakap.Ngunit sa pagkakataong ito,bigla siyang itinulak ni Hiraya at agad na tumayo.

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Latest chapter

Plus de chapitres

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Commentaires

Pas de commentaire
5
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status