Nakaupo si Ivor sa kaniyang sofa. Kakauwi niya lamang galing sa trabaho. Dahil ngayon lang siya nagkaroon nang oras, naisipan niyang tawagan ang kaniyang ina. Nagpakawala siya nang isang malakas na paghinga. Kinuha niya ang kaniyang cellphone mula sa loob ng kaniyang suit. Ilang ring pa lang ay sumagot na kaagad ito.“Hello, Mom?”“Hi, anak. Napatawag ka? May kailangan ka?”“Nothing, but I need to tell you something. This is important.”Humungot nang malalim na paghinga si Ivor bago nagsalita at ikuwento ang buong nangyari. Mula sa mga nalaman niya, sa pag-uusap nila ni Janelle at sa nangyari noong isang araw sa loob ng hotel room nito. Nang matapos siyang magsalita, hindi kaagad siya nakarinig nang kahit ano mula sa kaniyang ina.Maya maya ay nagsalita ito. “Anak, I’m sorry. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon sa’yo. I treated her as my child. Hayaan mo, kakausapin ko ang Dad mo, kami ang bahala.”“Thank you, Mom. I’m sorry too. I just can’t handle her, but I can help you. There’s
Janelle looked straight into his eyes. Matalim ang mga tingin nito sa kaniya. Ang mga mata na nagsasabing hindi siya puwedeng mapunta sa iba. “I was claiming you, Ivor. You are mine. Your heart, your body, it’s mine. I will not let anyone else have you anymore.”Hindi makapaniwala si Ivor sa kaniyang nakikita at naririnig. He never thought that his lovely, caring sister would be like this. He never knew that she was capable of such things. He was not a prize or things she could own. He was not her possession.“I was never yours, Janelle! Hindi mo ako pag-aari!”Bumaba si Janelle sa kama at lumapit ito sa kaniya. Ilang distansya lamang ang pagitan nang kanilang mga mukha.“That’s not for you to decide, Ivor.” Matiim nitong sabi sa kaniya.Marahan na tinulak ni Ivor si Janelle at umatras siya palayo rito. Hindi niya alam kung anong itsura ang mayro’n siya ngayon ngunit nakita niya ang pag-ngisi ni Janelle.“Why do you look so afraid, Kuya? Natatakot ka ba sa’kin? Sa gagawin ko sa’yo? O
Nasa loob si Lily ng opisina niya at tulala siyang nakaupo sa swivel chair niya habang hinihintay niyang dumating si Lian. Tinawagan niya ito na kunin ang ilang gamit ni Isaac na inimpake niya pati na rin ang uniform nito.Maya maya pa, bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Lian. Hindi na niya ito binati. Seryoso ang mga tingin nito sa kaniya. “How are you feeling, Ate Lily?” pangangamusta nito sa kaniya nang makalapit ito sa table niya. Hindi niya ito sinagot. Tinanong niya rin ito pabalik. “Si Isaac, kumusta? Is he doing well?”Tumango si Lian bilang sagot. “Yes. Tahimik lang siya, pero normal naman ang mga kinikilos niya.”Sapat na iyon para kay Lily. Tumingin siya sa bagpack at maleta na nasa tabi ng table niya. “Nand’yan na ang ilang damit ni Isaac pati na rin ang kaniyang uniform. Dinala ko na rin iyong bagpack niya sa school.”Nakita ni Lily na lumapit doon ang kapatid niya at kinuha nito ang maleta, sinukbit naman ni Lian ang bagpack ni Isaac sa kaniyang likod. Tumingin sa
Nakaupo nang magkatabi sa couch sina Lily at Gwyneth, parehas silang may hawak na isang glass of wine. Ilang linggo na ang lumipas simula nang malaman ni Lily na naaalala na sila ni Ivor. Simula noon hindi pa sila nagkikitang dalawa. Kasisimula pa lamang muli nang linggo pero heto siya, umiinom ng wine. Mabuti na lang, may free time si Gwyneth ngayon at may makakausap siya. Katatapos niya lang din magkwento tungkol sa lahat nang nangyari. “Ano na ang plano mo ngayon?” tanong ni Gwyneth sa kaniya. Tumingin siya sa hawak niyang wine glass bago magsalita. “Hindi ko pa alam. Pakiramdam ko, nakadepende kay Ivor ang susunod na mangyayari kung anong actions ang gagawin ko,” Walang kasiguraduhan na sagot niya. “Nakausap mo na ba ulit siya?” Umiling si Lily bilang sagot. Nilingon niya ang kaniyang kaibigan. “Hindi pa kami nag-uusap simula noong naaksidente sila ni Isaac. Siguro, inaalam niya pa kung anong nangyari sa kaniya. Mukhang may iba pang nangyari.” Tumingin si Gwyneth sa kaniya a
Nanatiling nakatingin si Ivor kay Janelle at hinihintay nitong magsalita ang kapatid. Nagpakawala nang isang malalim na pagbuntong hininga si Ivor. “Jane, kinakausap kita.” Nang hindi magsalita si Janelle, nagsalita ulit si Ivor. “Bakit sinabi mo kina Mom na ayoko nang makita si Lily at ang anak namin? You know that’s not true. Nang magising ako sa ospital, wala ka sinasabi tungkol sa kanila. No wonder, wala rin sinasabi sina Mom at Dad sa’kin. At nitong mga nakaraang buwan, nakita mo ako kung paano mag-react sa existence ni Lily. And yet, you’re pretending that you didn’t know? Why?” Huminga nang malalim si Janelle at saka ito nagsalita. “I did all of that for you, Kuya. Ayokong makita na nasasaktan ka. Nakita ko sa U.S kung gaano ka-miserable ang buhay mo noong maghiwalay kayo.” Kumunot ang noo ni Ivor at hindi makapaniwala sa kaniyang naririnig. “You did that for me? Hindi mo kailangan magdesisyon para sa’kin, Jane. What I felt for the past seven years doesn’t come close to how
Nakaupo si Ivor sa balcony ng bahay nang kaniyang mga magulang at patuloy niyang iniisip ang mga nangyari sa nakalipas na pitong taon. Sa naalala niya, nang gabing magdesisyon sila ni Lily na maghiwalay, umuwi siya sa Sales family house sa U.S. He remembered how wasted he was. Isang linggo siyang umiinom dahil sa pagiging miserable niya. Hindi na rin siya pumapasok sa trabaho noon na siyang sinisisi niya sa lahat nang nangyari sa pagitan nilang mag-asawa. One night, he decided to go back to her. Umalis siya sa bahay nila nang nakainom at nagmaneho pauwi sa bahay niya, sa tahanan kung nasaan si Lily. He was recklessly driving. Hindi niya napapansin kung gaano na siya kabilis magpatakbo ng kotse. Gusto na lang niyang makita kaagad at bumalik kay Lily dahil na-realized niyang hindi niya kaya makipaghiwalay. Then, the accident happened. Nagising na lang siyang nasa loob nang ospital at walang maalala. Dumating noon si Janelle, ang kaniya mga magulang na hindi niya maalala. Dahil doon,