Share

CHAPTER 9

Nasa loob ng opisina ni Ivor silang dalawa ni Lian. Alas otso na ng gabi at sila na lang ang naiwan sa kumpanya bukod sa mga night-shift guard. Nag-aayos pa si Ivor nang kaniyang mga gamit. Si Lian naman ay nakaupo sa long couch habang naghihintay at nagseselpon. Nang matapos si Ivor magligpit, umupo siya muli sa swivel chair niya at sumandal doon saka niya ipinikit ang mga mata niya.

“Kuya, hindi pa ba tayo uuwi?” tanong ni Lian at dahil tapos na ang office hours, hindi na nila kailangan maging pormal sa isa’t isa.

Idinilat ni Ivor ang mga mata niya at hinarap ang kaibigan. “Lian, may naisip ako.”

Kumunot ang noo ni Lian. “Ano naman ‘yon?”

“Nagustuhan ko kasi iyong luto sa restaurant ni Lily. Mag-offer kaya tayo ng one-year contract sa kanila? Para tuwing may event dito sa company, sila na lang kukunin natin.”

Hindi pinansin ni Lian ang ibang sinabi ni Ivor dahil nakakuha ng atensyon nito ay kung anong tinawag ni Ivor sa ate niya. “Lily? Hindi ba dapat Ms. Lily Andra kasi hindi naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status