Sa loob ng kwarto, tinitingnan ni Lily ang sariling repleksyon sa harap ng isang human-size mirror. Nakasuot siya ng black-belted suit at ipinareha niya ang nude-colored stiletto. Katatapos lang niyang mag-ayos para sa isang charity event na pupuntahan niya. Lumabas siya ng kwarto at bumaba sa living room. Naabutan niyang nakaupo sa mahabang couch ang kaniyang pitong taong gulang na anak na si Isaac Sales.
Nang makalapit si Lily sa couch, nag-angat nang tingin sa kaniya si Isaac. “Kailangan mo po ba talagang umalis, Mommy?”Umupo siya sa tabi ni Isaac at hinaplos-haplos niya ang buhok nito. “I need to, Isaac. Nakakuha si Mommy ng invite sa event na ‘yon. Hindi magandang hindi ako tumuloy.”“But, it’s already late at night, Mommy,” sabi ni Isaac sa maliit nitong boses na naglalambing sa ina niya.Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Lily. “Alam ko ‘nak, pero huwag kang mag-alala, pinapunta ko rito ang Uncle Lian mo. Sasamahan ka niya habang wala ako.”Nabuhay ang excitement sa mga mata ni Isaac. “Talaga po?”Mas lumawak ang ngiti ni Lily nang makita ang kislap sa mga mata ni Isaac. “Yes. Puwede kayong maglaro, kumain at manuod ng movies o kahit anong gusto ninyo. Isn’t it great?”Pumalakpak sa excitement si Isaac. “Thank you, Mommy!” mabilis na kumandong sa kaniya ang anak at niyakap siya nang mahigpit. “You’re the best!”Niyakap ni Lily pabalik si Isaac. “You’re welcome, son. Kahit ano para sa’yo.”Nang marinig nina Lily at Isaac ang pag-ring ng doorbell, mabilis na humiwalay ang anak niya sa pagkakayakap nito sa kaniya at tumakbo ito papunta sa pinto habang isinisigaw ang pangalan ni Lian.“Nandito na si Uncle Lian!”Napailing-iling na lang si Lily habang pinapanuod ang anak. Ilang minuto ang lumipas, sabay na pumasok sa living room si Isaac habang buhat buhat na ito ng kaniyang kapatid na si Lian Andra. Tumayo si Lily at lumapit sa dalawa.“Sorry, Lian at pinapunta pa kita rito kahit gabing-gabi na. Babawi ako, okay?”Isang malawak na ngiti ang ibinigay ni Lian sa kaniyang nakakatandang kapatid. “Ate naman, wala ‘yon! Isa pa, masaya akong makiki-overnight dito kasama si Isaac. Na-miss kong makipaglaro sa kaniya.”“Thank you,” she sincerely said. Tumingin si Lily kay Isaac. “Magpakabait kay Uncle Lian, ha? Susubukan kong makabalik kaagad.”Lumapit si Isaac sa ina at hinalikan ito sa pisngi. “Promise, I’ll be a good boy!“ nakangiting sabi nito.Nagpaalam na si Lily sa dalawa at nagtungo ang mga ito sa kwarto ni Isaac sa second floor. Lumapit naman siya sa center table, kinuha niya ang susi ng kotse at ang kaniyang pouch. Sa paglabas ni Lily sa kaniyang bahay, tumawid kaagad siya sa kabilang kalsada kung saan nakaparada ang kotse niya. Sumakay siya sa loob ng kotse, binuksan ang makina nito at nagsimula na siyang mag-drive paalis.*****Hatinggabi na ngunit hindi pa rin tapos ang charity event. Na-enjoy naman ni Lily ang pagsali niya sa program at ang pakikipag-usap sa iilan na businessmen sa industry. Marami siyang natutunan sa mga ito at may iilan na sa kaniya naman natuto.Tumingin siya sa relo niya at tiningnan ang oras, nang makita niyang hatinggabi na, mabilis niya itong ipinaalam sa kausap niya.“Excuse me, Mrs. Kang, but I have to go.”Tumingin sa kaniya ang ginang na siyang elegante tingnan sa suot nitong mga gold accessories at kumikinang nitong long dress. “But, the event is not yet over,” sabi nito nang nakangiti.Tipid naman itong nginitian ni Lily pabalik. “I know, Mrs. Kang, but I’m already late. My son has been waiting for me.”Nang marinig ng ginang ang sinabi ni Lily, lumambot ang ekspresyon nito sa mukha. “I understand. Take care on your way home.”“Thank you, Mrs. Kang. Please, enjoy the night,” sabi ni Lily at nagpaalam sila sa isa’t isa.Naglalakad si Lily sa hallway patungo sa lobby ng hotel at iniisip kung tulog na ba si Isaac. Ngunit nawala ito nang makita niya ang isang tao sa harap niya na kilalang-kilala niya. It’s her ex-husband, Ivor Sales.Napahinto sa paglalakad si Lily dahil sa gulat habang naglalakad palapit sa direksyon niya si Ivor. Wala sa sariling niyang pinapanuod si Ivor hanggang sa tumingin ito sa kaniya at nagtama ang mga tingin nila.Makikita ang pagkabigla sa mukha ni Lily, pero walang makita na kahit anong emosyon sa mukha ni Ivor. Inaasahan niya na kapag magkikita sila nang ex-husband niya ay kukumustahin nito ang kanilang anak, pero hindi iyon nangyari. Nilagpasan lang siya ni Ivor.Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Lumingon si Lily sa direksyon ni Ivor at pinapanuod niya ang likod ng dating asawa na siyang papalayo sa kaniya. Huminga siya nang malalim. “Nagpanggap ba siyang hindi ako kilala?” sabi niya sa kaniyang sarili na hindi makapaniwala.*****Nang makauwi si Lily, umupo siya sa mahabang couch at sumandal siya do’n. Nakita niyang lumabas mula sa kusina si Lian, lumapit ito sa kaniya na may dalang warm water sa baso. Umupo ito sa tabi niya.“Kumusta ang event, ate?”Ininom muna ni Lily ang warm water sa baso bago ipinikit ang kaniyang mga mata. “Mabuti naman, nakakapagod lang.” Binuksan naman niyang muli ang mga mata at tumingin kay Lian. “Anong oras nakatulog si Isaac?”Tumingin si Lian sa relo nito saka ibinalik ang tingin sa ate niya. “Mga isang oras na, ate. Basta no’ng sinabi mong pauwi ka na, do’n ko siya nakumbinsi na matulog na.”Tumango si Lily. “Salamat, Lian. Uuwi ka na ba? O dito ka na matutulog?”“Uuwi na lang siguro ako, ate. Wala rin akong dala na damit at may trabaho pa ako bukas.”“Gusto mo ba na ihatid kita pauwi?”Lian smiled at her and generously rejected her offer. “Okay lang ako, hindi na ako bata. Magpahinga ka na lang, ate.”“Sige, mag-ingat ka. I-text mo na lang ako kapag nakauwi ka na.”Tumayo na si Lian at nagpaalam ito sa kaniya saka ito naglakad patungo sa pinto at lumabas ng bahay niya.Nang mawala si Lian sa paningin niya, tumayo si Lily at pumunta sa bar counter na nasa kaliwang bahagi ng living room niya. Binuksan niya ang mini-fridge at kumuha ng isang bote ng wine. Nagbuhos siya sa wine glass, umupo siya sa bar counter at nagsimulang uminom.Inuunti-unti niya ang pag-inom ng wine habang iniisip niya ang sandaling minuto na nakita niya si Ivor kanina. Alam naman ni Lily na pitong taon na ang lumipas simula nang maghiwalay sila at hindi na muling nagkita pa.Do’n siya naguguluhan dahil kung kailan lumipas ang pitong taon, ngayon lang muli sila nagtagpo ng landas. Magkahiwalay na sila, pero hindi pa rin maintindihan ni Lily ang dating asawa. Naihilamos niya ang kamay sa kaniyang mukha. Hindi maalis sa isip ni Lily kung bakit ganoon ang inakto ni Ivor sa harap niya. Sa loob ng pitong taon, ni anino nito ay hindi nila nakita mag-ina. Kahit dalawin man lang o hiramin ni Ivor ang anak nila, wala. Gulong-gulo ang isip niya.Hindi na niya iniisip kung saan at kailan nagkaro’n nang mali sa relasyon nila at bakit sila umabot sa puntong kailangan na nilang maghiwalay noon, pero nang dahil nakita niya ito kanina, bumabalik na naman.Bago sila ikasal, inaalagaan naman nila ang isa’t isa. Hindi nagtatagal ang away nila at palagi nila itong naayos, palagi rin nilang pinag-uusapan ang damdamin nang isa’t isa. Gano’n sila sa mga unang taon nang kanilang kasal at kahit noong dumating sa buhay nila si Isaac.Isang araw, mahal nila ang isa’t isa at kinabukasan, parang hindi na nila ito maramdaman. Parehas silang napagod at sumuko.Tumayo si Lily mula sa bar counter at nagtungo sa kwarto ni Isaac. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at tahimik na pinagmasdan ang anak habang natutulog.Nagpakawala siya nang buntong-hininga. “I’m sorry, Isaac. Hindi kita nabigyan nang buong pamilya. Malaki ka na, pero ni hindi ka man lang naalalang kumustahin ng tatay mo. I’m sorry for that son,” bulong ni Lily sa kaniyang sarili.Kapapasok lang ni Ivor at Isaac sa loob ng kotse. Nilingon ni Ivor ang kaniyang anak sa backseat.“Okay ka na, little buddy? Nakapag-seat belt ka na?”Nag-thumbs up si Isaac sa kaniya. “Yes po, Uncle Ivor.” Nakangiting sabi nito.Ngumiti si Ivor pabalik. “Good. Dahil ang mommy mo naman ang susunduin natin.”Tinaas ni Isaac ang kaniyang dalawang kamay. “Yehey!”Humarap si Ivor sa manibela na hindi naaalis ang ngiti sa kaniyang labi. It’s been a week since Lily said yes to him, to court her again. Sa isang linggo na iyon, naging routine na niyang hatid-sundo si Lily sa trabaho at si Isaac naman sa eskwelahan. Kahit na pansamantalang nakatira sina Lily at Isaac sa condo ni Ivor, ang old routine pa rin nang dalawa ang sinusunod niya. Ivor realized that before their current set-up happened, Lily was still struggling that he was around. Kahit ang ipagmaneho niya ito ng kotse, hindi niya halos magawa dahil mas madalas pa rin siyang tanggihan ni Lily. Naiintindihan naman niya, dahil ilang ta
Ang sleep over na ni-request ni Isaac ay naging “stay-over” dahil sa nakalipas na limang araw, nanatili sina Lily at Isaac sa condo ni Ivor. Walang nagawa si Lily kaya naman nagdala na rin siya nang ilang mga personal niyang gamit. Habang si Ivor naman ay inayos ang kwarto niya na para sa kanilang tatlo. Ginusto rin ni Ivor bumili nang bagong kama para magkasya sila, ngunit sinabi ni Isaac na mas gusto niyang magkakatabi silang tatlo.At ngayon ay Biyernes nang umaga. Kumakain nang agahan sina Lily, Ivor at Isaac. Nakasuot sila ng white t-shirt at maong jeans dahil iyon ang dress-code ng Family Day sa school ni Isaac. Parehas na nag-take ng day off sina Lily at Ivor para sumama. Hindi ito ang unang beses ni Lily, dahil simula noon hanggang ngayon ay wala pa siyang absent tuwing may Family Day event sa eskwelahan ni Isaac.Habang kumakain si Lily, nagbigay siya nang paalala kina Ivor at Isaac kahit hindi siya nakatingin sa mga ito dahil naka-focus siya sa pagkain na nasa harap niya. “G
Hindi namalayan ni Ivor na nakangiti na siya habang nakatingin kina Lily at Isaac. Masaya siyang nagkaayos na ang kaniyang mag-ina. Pasimple niyang pinunasan ang namumuong luha sa kaliwang mata niya.Tumikhim siya para kunin ang atensyon nang dalawa. “Ehem.”Naghiwalay mula sa pagkakayakap sina Lily at Isaac. Sabay na lumingon ang dalawa sa gawi niya. Bahagyang lumapit si Ivor kay Lily, gamit ang kaliwang kamay niya, pinunasan niya ang basang pisngi nito at sa kanang kamay naman niya, pinunasan niya ang basang pisngi ni Isaac.Tumingin si Ivor kay Lily. Nginitian niya ito. “Masaya ako na nagkaayos na kayo ni Isaac.”Ngumiti si Lily sa kaniya pabalik. “Thank you. Kung hindi dahil sa’yo, hindi rin lalakas ang loob ko.”Kinuha ni Ivor ang kanang kamay ni Lily gamit ang kaliwang kamay niya, hinalikan niya ang likod nang kamay nito. Then he looked at her. “You’re always welcome.”Pagkatapos, lumingon si Ivor kay Isaac. Nakasimangot ito sa kaniya ngunit may lungkot sa mga mata nito. Nakatay
Nagising si Lily dahil sa init na tumatama sa kaniyang balat. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, sumalubong sa kaniya ang liwanag nang araw na siyang nagmula sa bintana ng kwarto niya. Tumingin siya sa tabi niya at nakita niyang wala na siyang katabi.“Is it a dream?” tanong niya sa kaniyang sarili. Kinalaunan, sinagot niya rin ang sarili niyang tanong. “No. I remembered it so vividly.”Nakatingin si Lily sa kisame nang kaniyang kwarto. Inalala niya ang mga nangyari kagabi. Kahit lasing siya o may tama nang alak, alam niyang pinapunta niya si Ivor. Dahil din sa alak, nagkaroon siya nang lakas nang loob para sabihin ang tunay niyang nararamdaman. Lily sighed at the thought of what happened last night. Kahit naalala niya nang malinaw ang nangyari, pakiramdam niya panaginip lang ang lahat. Kung hindi lang sana siya natakot at hinarap niya kaagad ang katotohanan na bumalik si Ivor, maaga sana nilang napag-usapan ang lahat. Tumayo si Lily mula sa kaniyang pagkakahiga at bumaba siya s
Hinawakan din ni Ivor ang mukha ni Lily. Dahan-dahan niyang tinuyo ang basa nitong pisngi dahil sa luha nito. “I’m sorry for making you cry. Sorry din, nabasa ka dahil sa’kin.”Tila hindi narinig ni Lily ang paghingi ni Ivor nang tawad. Dahil patuloy pa rin siya sa paghaplos nang mukha ni Ivor habang nakatingin pa rin sa mga mata nito. Bago sumagot si Lily, inalis niya ang kaniyang tingin sa mga mata ni Ivor. Pinagtuunan niya nang pansin ang iba’t ibang parte nang mukha nito. Mula sa bukok, kilay, pilik-mata, ilong at labi ni Ivor, hanggang sa binalik niya ang tingin sa mga mata nito.“For making me cry, you’re forgiven. And for hugging me while you’re soaked from the rain, it’s okay. I don’t really mind,” she paused and she continued, “Seeing you this close, feels surreal to me.” Kinuha ni Ivor ang kanang kamay ni Lily na nasa mukha niya pagkatapos ay kinuha niya rin ang nakababang kaliwang kamay nito. He held both of her hands. Pagkatapos ay tumingin siyang muli kay Lily. “Bakit?
Alas diyes na nang gabi. Nakatayo si Lily sa tapat ng bintana sa kaniyang living area habang tahimik na pinapanuod ang pagbuhos nang malakas na ulan. Hindi man ganoon kalakas ang tunog nito katulad sa labas, ngunit dahil sa katahimikan, tanging ito lamang ang maririnig sa buong kabahayan. May hawak siyang rock glass na naglalaman ng brandy. Dalawang oras na siyang umiinom at halos nakakalahati na niya ang bote ng alak. Nararamdaman na rin niya ang tama nang alak sa kaniyang sistema.Napagpasyahan niyang uminom dahil sa bigat na nararamdaman niya at pinag-iisipan kung ano ang dapat niyang gawin. Susundin niya ba ang gusto ni Isaac? O ang kaniyang gusto? Nang hindi siya makakuha nang sagot sa kaniyang sarili, tinungga niya ang brandy mula sa kaniyang rock glass. Wala sa sariling kinuha ni Lily ang cellphone sa bulsa ng pajama na suot niya. Tinawagan niya ang number ni Ivor. Nakatatlong ring ang tawag bago ito sumagot.“Hello?” Pagbati sa kaniya ng ex-husband niya mula sa kabilang linya.