Isang Gabing Pagsasalo

Isang Gabing Pagsasalo

By:  Yenoh Smile  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
22 ratings
237Chapters
234.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Beatrix Del Rosario ang bunsong anak ng mga Del Rosario. Pitong taon na itong kasal kay Miggy Sandoval ngunit dahil sa hindi niya mabigyan ng anak ang kanyang asawa ay nagawa nitong mangaliwa sa kanyang pinsan at gusto siyang hiwalayan. Dala ng sakit ay nagpakalasing siya at nagawa pang humila ng isang lalaki sa hotel para lamang mapawi ang sakit na nararamdaman. Paggising sa umaga ay ni ayaw niyang makilala ang lalaking nakasiping at tanging ang tattoo lamang nito sa likod ang kanyang naaalala. Sinubukan niyang kalimutan iyon at ipokus ang sarili sa kumpanya lalo pa't malapit na silang matalo ng isang Levi Archer Alcantara na kanyang kinasuklaman sa taglay na kahambogan at isa ang lalaki sa suspect niya sa pagkamatay ng kanyang pamilya. Ngunit paano kung magbunga ng kambal ang isang gabing dala ng kalasingan? At paano kung makita niya ang tattoo sa likod mismo ng isang Levi Archer Alcantara na kanyang kaaway? At paano siya magiging masaya nang tuluyan kung nakatali pa siya sa dati niyang asawa?

View More
Isang Gabing Pagsasalo Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
Marilyn Tacio Penaflor
I like the story, malayo pa Ako sa ending pero Araw Araw ko itong inaaabangan. Thank you so much sa writer Ng story nakakawala Ng stress
2023-10-12 16:20:09
3
user avatar
Liezel A. Maglente
bat ganun Ang hirap mkakuha NG points para maka pag unlock
2023-08-01 13:28:10
4
user avatar
Theresa Betita Rod
unlock chapter 174
2023-07-23 04:18:11
1
user avatar
Leonardo Balbuena Lozada Jr.
Salamat po sa Author ng Kwentung itu na pinamagatang Isang Gabing Pagsasalo natapus ko din po itu within 40days, maganda po ang kwentu kaya po araw² ko pong binabasa..........
2023-07-21 17:13:44
5
user avatar
Duyag Juguillon
ganda ng kwento tatapusin ko to hanggang dulo kahit super haba,, medyo malayo pa ako sa ending.. pero. HIGHLY. RECOMENDED
2023-07-01 23:49:25
3
user avatar
Leonardo Balbuena Lozada Jr.
Yenoh Smile, para saan po magagamit ang ..., baguhan lang po kasi ako.
2023-06-15 20:07:06
3
user avatar
Yenoh Smile
May bagong story po ako na hot and spicy! Ang title ay Entangled with Mr. Ruthless. Everyday update! Iba pang kwento: 1. My Beautiful Stranger 2. My Bittersweet Mistake 3. Treat Me Right, Misis! 4. Help me: West Severino
2023-03-02 19:36:04
5
user avatar
Yenoh Smile
May bagong story po ako na hot and spicy! Ang title ay Entangled with Mr. Ruthless. Everyday update! Iba pang kwento: 1. My Beautiful Stranger 2. My Bittersweet Mistake 3. Treat Me Right, Misis! 4. Help me: West Severino
2023-03-02 19:35:48
0
user avatar
Aida Apor
Thank you very much....️Sa may akda ng librong ito Sa napakagandang kwento...
2023-02-25 04:18:06
2
user avatar
Juvielyn Quilla
maganda po ang kwento ng story.,mix emotions lagi kapag binabasa mo at nasusundan ang bawat kabanata..
2023-01-28 08:41:34
2
user avatar
Aida Apor
Pease update the next chapter 2 weeks ago na.. Salamat po sa magandang kwento 195 chapter na ako..
2023-01-27 05:00:09
2
user avatar
Aida Apor
Nice story
2023-01-11 04:45:10
3
user avatar
AL Ma
I cant read the book na.. Pls nman author anyare?
2022-12-30 08:18:12
1
user avatar
Merlyn Gomez
Nice story
2022-12-29 11:55:20
1
default avatar
Terrence Encarnacion
Grabeee super ganda ng story. Malapit na tayo sa exciting partttt. ......
2022-11-16 13:57:21
2
  • 1
  • 2
237 Chapters
KABANATA 1
"Beatrix, siguraduhin mong makukuha mo ang investor bago ka pa man maunahan ng mga Alcantara," ani ng kanyang Daddy na tutok sa hawak na dokumento.Bumuntong hininga siya at unti-unting niligpit ang mga hawak na folders."Yes, Daddy. I'll try—""Huwag mo lang subukan. Make it sure, anak. Babagsak tayo kapag hindi natin nakuha iyan," tugon ng kanyang Mommy na kanyang kinatigil.Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na halos lahat ng investors nila ay lumipat na sa kabila, habang ang mga target din nilang investor ay nakukuha rin ng mga Alcantara. Masyadong magaling ang nag-iisang apo ng matanda na si Levi at nagagawa silang matalo nito."Kung hindi mo kaya, Bea, si Crystal ang gagawa," dagdag ni Daddy na nilingon ang pinsan niyang nag-aayos na ng bag."Alright, Tito. Pero tingin ko kaya naman na po iyon ni Bea. Right, Be?" baling nito sa kanya na binigyan pa siya ng magaan na ngiti.Tumango na lamang siya sa mga magulang at sa pinsan, at simpleng ngumiti sa kanyang Ate na tinapunan si
Read more
KABANATA 2
Hindi niya alam kung paano niya nagawang tumayo roon sa harap nila nang hindi babagsak agad. Oo at sa una ay nagulat ang mga reaksyon nila ngunit pagkaraan ay halos magpuyos siya sa galit noong pinagpatuloy pa ng dalawa ang ginagawa kahit pa nahuli na niya ang mga ito. Ngising-ngisi si Crystal at talagang pinakita sa kanya kung gaano ito nasasarapan sa pagromansa ng kanyang asawa. Kagat labi pa ito at talagang pinahindayog ang katawan.Malinaw na malinaw niyang nakikita ang paggalaw ng katawan nila. Kinakain siya ng selos, inggit, at galit lalo pa't mukhang mas ganado ang asawa niya kay Crystal kumpara sa tuwing sila ang gagawa ng bagay na iyon sa mismong kama na iyon.Gusto niyang magmura nang malutong. Triple ang sakit na makita ang mga itong nagpapasarap sa mismong kama nilang mag-asawa na siya pa ang pumili at bumili!Wasak na wasak ang puso niya at tila madudurog na iyon matapos marinig ang malakas at malanding ungol ng kanyang pinsan na alam niyang nakarating sa rurok ng kapusuk
Read more
KABANATA 3
Akala niya ay nananaginip lang siya sa lalaking nasa convenience store ngunit hindi. Totoo ang lalaki at mukhang siya ang nagyaya rito papunta sa hotel. Hindi pa sila nakapapasok sa hotel at nakababa sa sasakyan ay inupo na siya nito sa kandungan nito at sinunggaban ang kanyang mga labi.Mahina siyang napaungol at nailiyad ang likod matapos maramdaman ang mainit nitong dila sa kanyang bibig. Kumapit siya sa braso nito at muling napaungol matapos maramdaman ang tigas noon sa kanyang palad. Bumaba ang halik nito sa kanyang panga habang ang mga kamay nito ay dumapo sa kanyang hita."Sh*t," mahina niyang bigkas matapos humaplos ang kamay nito patungo sa gitnang hita niya.Swabe itong tumawa at kinagat ang kanyang leeg, "Do you want to do it inside the car, or on the soft bed, Baby?" senswal na tanong nito sa kanyang punong tainga.Bumigat ang kanyang paghinga at nayukyok ang kanyang ulo sa balikat nito."Inside a room please. Gusto kong humiga, ayaw kong sumakit ang katawan ko," hiling ni
Read more
KABANATA 4
"Don't leave me like this, Baby," mahina niyang usal.Nangunot ang noo niya sa naging panaginip at halos hatiin sa dalawa ang ulo ni Levi matapos magising. Mahina siyang napaungol matapos maramdaman ang kah*bdan niya sa ilalim ng kumot ngunit sumilay din ang ngisi sa kanyang labi.It wasn't a dream. He got laid last night.Natutuwa siya sa kaisipang nakapag-ehersisyo na naman siya kagabi sa kabila ng stress niya sa buhay. Ngunit napamulat ang mga mata niya matapos maisip na baka hindi na naman siya pakawalan ng babaeng nakasiping kung kaya't balak niyang tumakas. Lagi na lang kasing nagiging clingy ang bawat babaeng nakakasiping niya at kulang na lang ay itali siya sa leeg makasama lamang ulit o di kaya ay mapakasalan.Sinubukan niyang damhin ang katabi ngunit nangunot ang noo niya matapos walang makapang bulto ng babae. Napabalikwas siya ng bangon at napatitig sa parteng iyon ng kama. May gusot at halatang may humiga roon ngunit wala ang babae. Dumapo ang tingin niya sa pinto at maki
Read more
KABANATA 5
Hindi alam ni Beatrix noong araw na iyon kung saan tutungo. Hanggang ngayon kasi ay kinakabahan pa siya sa halos muntikan na pagkakita ng lalaki sa kanya noon sa hotel. Kung hindi siya tumakbo ay baka pa naabutan siya nito matapos magising.Ngayon ay dalawa na ang problema niya. Alam niyang mayaman din ang lalaking iyon at pinapanalangin niyang hindi siya nakilala nito kun'di ay itatakwil siya ng kanyang Daddy sa pakikipagtalik sa iba gayong kasal pa siya kay Miggy. Sising-sisi siya na nagawa niya iyon. Wala na rin siyang pinagka-iba kay Miggy dahil sa nangyari. Nagkasala na rin siya at iyon ang kinakatakot niya.Dalawang araw din siyang namalagi sa ibang hotel, nagdadalawang isip kung uuwi ba sa ancestral house nila o sa bahay nilang mag-asawa. Kung uuwi siya sa mansyon ay magagalit ang Daddy niya, pero kung uuwi siya sa bahay nilang mag-asawa ay baka nandoon pa rin ang pinsan niyang si Crystal.Nagtagis ang mga ngipin niya. Hindi talaga niya lubos maisip na magagawa iyon ni Crystal
Read more
KABANATA 6
Naningkit ang mga mata ni Beatrix habang tinatanaw ang lalaki sa malayo. Bigla ay gusto niya itong takbuhin upang mas malinaw na makita ang itsura. Pamilyar ang bulto nito pero alam niyang hindi pa niya nakikita ang lalaki. Pero gusto niya itong makilala ngayon.Akmang maglalakad siya patungo roon matapos makitang sumakay na ito ng sasakyan. Ngunit naantala ang paghakbang niya noong maramdaman ang mahigpit na hawak sa kanyang siko."Where do you think you're going, Bea? Pirmahan mo na para matapos na ang lahat sa atin," ani Miggy na mariin na tinititigan ang dalaga.Mahinang tumawa si Bea at muling binalingan ang asawa—ang dating asawa. Para sa kanya ay hiwalay na sila kahit walang annulment. Ngumisi siya at kunwaring binasa muli ang papel.Humihigpit ang hawak niya roon sa bawat martilyong pumupukpok sa puso niya. Wala na talaga ang binuo niyang pag-ibig at balak na pamilya. Naglaho ang pangarap niyang manatiling Mrs. Sandoval."Here's the ballpen. Pirmahan mo na, Be.""Don't call me
Read more
KABANATA 7
Dinamdam niya ang lahat ng iyon. Sa tanang buhay niya ay hindi niya maalala kung kailan ba natuwa ang Daddy niya sa kanya. Personal man o sa negosyo, lagi itong galit."Disappointment?" tanong niya sa sarili.Siguro nga ay nakakadismaya ang pagpapakasal niya ng maaga tapos ay ang asawa pa niya ang nanghihingi ng hiwalayan.Bumuntong hininga siya at nilagyan ng nude lipstick ang mga labi bago hinagilap ang kanyang handbag. Sakto iyon sa pagbukas ng pinto at iluwa ang Ate niya.Tumikhim ito, "Gusto ko sanang malaman kung sinong babae ni Miggy. Pinapatanong ni Daddy."Sandali siyang natigilan. Gusto niya sanang sabihin agad ngunit baka mas kampihan nila si Crystal."Trust me, Bunso. Galit si Daddy sa'yo pero hindi niya palalampasin ang ginawa ni Miggy," hikayat nito.Muli siyang bumuntong hinga, "Si Crystal, Ate," balewalang bigkas niya.Tila tanggap na niyang hindi anghel ang pinsan niya."What?" litong tanong nito.Kumibit balikat siya at inangkla ang braso sa kapatid, "Kung ayaw mong
Read more
KABANATA 8
Daig pa ni Levi ang nanalo sa loto sa nadiskubre. Kanina pa lang sa pintuhan ng restaurant ay nakuha na ni Beatrix Del Rosario ang atensyon niya. Nagtataka siya kung bakit ito naroon sa lugar ng meeting nila. Malayo pa lang ay nagnanakaw na siya ng tingin sa taglay nitong pino at ganda. Ang ash blonde nitong buhok ay may buhay habang ang kutis ay kumikinang.Nang makalapit ay mas namangha siya sa istura nito. Bagay ang malalantik nitong pilikmata sa cute nitong ilong at labing nagkorteng puso. Ang liit ng mukha nito ay kaya lamang yatang sakupin ng kanyang palad. Dumako ang tingin niya sa katawan nito, at paniguradong maliit lang ito kapag nasa ilalim na niya.Nakagat niya ang labi sa naisip. Hindi niya inasahan ang ganitong reaksyon ng katawan niya sa dalaga. Tila hinihila ang katawan niya na maidikit rito kung kaya't mas humakbang siya palapit. Mahina pa siyang natawa matapos nitong sampalin nang mahina ang mga pisngi na para bang ginigising ang sarili.Ngunit mas namangha siyang ma
Read more
KABANATA 9
"Saan ka pa ba pupunta, Bea? Bumalik ka na sa kumpanya kung ayaw mong magalit si Daddy," may gigil na utos ng Ate niya mula sa kabilang linya ngunit wala roon ang atensyon niya kun'di na kay Levi Alcantara.Kanina pa gustong kumulo ng dugo niya sa lalaki. Napakahambog nito at napakayabang. Akala yata nito ay pinapantasya niya pagkatapos makita ang larawan sa cellphone. May bilin pang play dirty, play dirty ang loko."Bea! Ano na?!" sigaw ng Ate niya.Huminga siya nang malalim at sinundan ng tingin ang papalabas na bulto ng lalaki kasama ang dalawang investors nito. Kailangan niyang sumunod doon dahil wala siyang masasabing report sa Daddy niya. Ang layo ng mesa at ang presensya ng lalaki ay hindi nakatulong sa focus niya, lalo na ang mga sulyap-sulyap nito."Sandali lang ako, Ate. Extended yata meeting nila, susundan ko lang."Umungol ito ng pagtanggi, "Huwag na. Baka mapahamak ka pa! Umuwi ka na ng maaga. May dinner tayo sa mansyon."Pagpatay ng tawag ay mapait siyang ngumiti. Dati r
Read more
KABANATA 10
Imbis na lumayo ay mas diniin ni Levi ang mga labi sa dalaga. Ang balak niya ay itago lamang ang itsura nito ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya ito hinalikan. Sa pagpikit ng mga mata niya ay naging pamilyar ang mga labi nito matapos gumuhit ang isang pangyayari sa hotel. Alam niyang ngayon niya pa lang nahalikan ang dalaga kaya't imposibleng ito ang babae sa hotel. Isa pa, hindi ito agresibo, hindi kagaya ng babaeng sa hotel.Mas lalo niya rin itong hinapit matapos maramdaman ang pagtulak nito. Mas mabuti na ang ganitong paraan kaysa mahila ng mga investor niya ang dalaga. Kanina pa niya ito sinusundan ng tingin at alam niyang kanina pa rin ito minamatyag ni Mr. White at Mr. Wilson."Mr. Alcantara," dinig niyang tawag sa kanya ni Mr. Wilson.Napapikit siya nang mariin at pinakawalan ang mga labi nito. Ngunit agad niya ring sinubsob nang marahan ang mukha nito sa kanyang dibdib upang hindi makilala. Mahigpit niya itong niyakap at sinuguradong hindi malalaglag ang
Read more
DMCA.com Protection Status