Share

Chapter 21

Akmang lalapit si EL.. "Wag ka ng makisali, EL.." Maagap siyang napigilan sa balikat ni Alyah. Punit ang mukhang napatingin lang si EL kay Alyah.

Parang may bagyong biglang namuo sa loob niya at handa itong manalasa.

"Uuwi na ako, Elton.." Pigil pa din si Lara sa kanyang sarili. Ito ang unang beses na masigawan siya ni Elton at makitang ganun kagalit ito.

"No! You are not going home.. At san ka pupunta ha?? Tataguan ako? How could you do this to me, Lara?? I gave everything to you.." Sa mga salita ni Elton bakas ang lubos na pagkawasak ng puso niya.

"Please, Elton.. Not here.. " Pakiusap ni Lara kasabay ang pagtulo ng luha niya na agad din niyang pinahid. Ramdam niya ang pagkahiya sa presensya ni EL at Alyah at ng iba pang trabahador na anduon.

Pasimpleng pinaalis naman ni Alyah ang mga ito.

"Bakit? Ngayon ka pa ba magkakaroon ng hiya? After you ran away from our wedding? Tell me.. What's wrong? Anong hindi ko nagawa para ganituhin mo ako?!!" May diin sa bawat bitawan ni Elton.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status