Share

Chapter 1

last update Last Updated: 2023-08-22 21:46:16

Alam kong hindi magandang umuwi ako ngayon sa bahay dahil mainit pa rin ang tingin nila sa akin. Kahit na walong taon na ang nakakalipas simula noong nagdisesyon akong umalis ay alam kong hindi pa rin nila ako napatawad. Para sa mga magulang ko isa akong masamang halimbawa sa kapatid ko. Kahiya-hiyang babae dahil mas gusto ko pang mamulot ng basura kay sa umasa sa kanilang yaman.

Gusto rin nila akong mag-madre. Hindi naman sa ayaw kong mapalapit sa Panginoon. It just, ayaw ko lang talaga makipagplastikan para lang masabihan na banal. And the people there? Huwag na lang nating pag-usapan.

I’ve heard, my parents forcedly sent my sister to the religious academy. Matagal ko nang hindi nakikita ang kapatid. Wala ring communication dahil tuloyan na nila akong binura sa buhay nila. Hindi rin ako pinapayagan na bisitahin siya noong nasa kumbento siya. 

Both of my parents are all well-known tycoon. Kilala rin sila bilang relihiyoso tao. I guess it runs to our blood. Dahil maging ang mga pinsan kong babae ay nasa simbahan na rin at nagse-serve na bilang mga madre.

My parents expected me to be like my cousin or my sister. Timid and holy. Pero kahit anong pilit nila sa akin hindi ay talaga ako nakakatagal doon. Iniisip ko pa lang na mamalagi sa loob ng kumbento ay kinikilabutan na ko. Kung pwede lang talaga na hindi na ko bumalik dito ay gagawin ko. I heard from one of our maids that my sister plead to stay in dormitory. Nilipat din siya nila mom and dad sa isang religious school.

Hindi ko nga rin alam kung paano niya napapayag sila. Kapag kasi buo na ang desisyon nila, wala nang makakabali noon.

Papunta ako ngayon sa dormitory ngayon upang sorpresahin ang kapatid ko na nag-aaral manging madre. Hindi naman nila ako kilala at mabilis lang din bayaran ang nagbabantay kaya nakalusot ako. Ayaw kong dumiretso sa bahay, since wala naman na doon ang aking kapatid. It wasn’t her dream to go here; it was mum decision. She just turn 19 today and I want to give her a present. Hindi naman ito ganoon kalaki pero pinagharapan ko ito galing sa sarili kong pawis. I was working part time in a café. Matagal ko na ring pinag-iponan ang kotse na ito para sa kaniya. Hindi naman kasi siya pinapayagan nila mommy na magkaroon ng sasakyan kahit na marami naman silang pera, pero mabuti na rin iyon para naman may dahilan akong makita siya ngayon at maabot ang regalo ko.

Pagkapasok ko pa lang ng dormitory ay agad na binungad ako ng mga mapanghusgang mata galing sa mga kaibigan ni mommy na minsan na rin nag-serve sa simbahan at nakapag-asawa ng mayaman kaya ayan, ang taas na ng tingin sa sarili. Binati ko sila pero tulad ni mommy ay mukhang hindi rin nila tanggap ang naging desisyon ko. Tingin nila sa akin napakarumi kong tao, sila nga patapon ang ugali pati na ang mukha.

“Oh dear, looks who's here? What are you doing here, honey? Mag-aaral ka na?” tanong nila. Bakas sa kanilang mukha ang pang-iinsulto.

"Paano naman nakapasok ang isang 'yan?" dinig kong bulong ng kaibigan ni mommy. Ewan ko ba at kung ano ang ginagawa nila rito. Hindi naman nila ito sakop.

“Dumaan ako sa pinto, bulag ka ba?” sagot ko roon sa ginang na kung makapandiri sa akin akala mo walang anak na adik.

Tiningnan ko ang best friend ni mama. Sa pagkakaalala ko ay madalas niya ako noong itulak sa hagdanan dahil parati kong nalalamangan ang anak niya sa skwelahan. Kung titingnan mo ang matandang ito ay wala kang maipipintas dahil bukod sa kaniyang kagalang-galang na pananamit ay nakakubli ang sungay ni satanas.

"Hello Aunt Beth, It's been a long time? Bobo pa rin ba ang anak niyo?" ngumisi ako sa kaniya. 

"Wala pa ring pinagbago ang bibig mo, hija. Mukhang  kailangan mo na ata manumbalik sa may kapal." Dagdag niya. 

"I heard your sweet daughter is pregnant?"

"You must heard it wrong. Nasa America ngayon ang anak ko at kasama ang kaniyang mayamang nobyo, nagbabakasyon." Pagmamalaki niya pa. 

"I met her in LA, last week. Do you want to know what I discovered?" Lumapit ako kay Aunt Beth, itinapat ko ang bibig ko sa tainga niya. "She was a  stripper there. Sumasayaw habang walang damit. Sinong-sino ang kasama habang bumabatak ng druga. Alam mo ba iyon? or baka pinagtatakpan mo lang?"

Agad naman na namula ang mukha ni Aunty Beth sa sinabi ko na iyon. Ang akala niya siguro ay magpapaapi ako sa mga tulad nilang matapobre. I have my ways to know every dark secrets of their children. Malas niya lang dahil noong nagkita kami ng anak niya ay humihimgi ito ng tulong sa akin dahil nabuntis siya ng isang hindi kilalang lalaki. 

"Abang Maria, patawarin ka sana sa mga biro mo." Bigla naman siyang napa-cross sign, kasama ang mga amega niyang ganoon din naman ang issue sa mga anak nila.

"Teka, hindi ba ay nagsasayaw ka noon sa club? Siguro naman tumigil ka na? Nakakahiya na sa mga magulang mo." Isa sa kanila ang nagsalita.

“Oo, at alam mo kung sino-sino ang customer na palaging nandoon?” I smirk at them. "All of your husband." 

Nakita ko ang pamumula ng kanilang mukha. Hindi siguro nila inaasahan ang mga pasalubong ko sa kanila. Hindi naman sila ang sadya ko rito pero nagsisimula nang uminit ang ulo ko sa apat na matandang ito.

"Malandi kang babae ka!" Mabilis na inawat ng kasama nila si Mrs. Smith na mukhang wala atang alam sa nangyayari sa kaniyang asawa. 

"Oo, malandi nga ako. Pero iyong asawa niyo ang sisihin niyo dahil sila itong kusang pumasok sa lungga ng tigre. Sige PO! Ingat..” Naglakad na ‘ko paalis sa kanila. Bago ko pa man sila tuluyang iwan ay ngumisi ako. Humarap ako sa kanila na may mapanuyang ngiti. "Sabihin niyo na rin po sa mga asawa niyo na may libreng tuli sa center. Baka sakaling may pag-asa pang lumaki. Bye!" 

Narinig kong nagtawag sila ng medic nang bigla na lang nawalan ng malay ang dalawa sa kaibigan ni mommy. Bigla akong natawa, nakwento kasi sa akin 'yan ng kaibigan ko noon sa club na ang mga asawa nila ay hindi man lang nakaranas ng tuli. Tapos may gana pang magyaya ng 6th round, kung totoosin ay kahit isang round pa lang nga ay tumba na ang matanda, kailangan pang magtawag ng doctor ni mamang noon. 

Kung insultuhan lang ang labanan, mas mabuti pang tumahimik na lang sila at magpanggap na hindi ako kilala. Inumpisahan nila, kaya tatapusin ko. 

Naabutan kong nakasandal si Finn sa poste habang nakataas ang kilay. Tulad ng ibang mga pinsan ko, napilitan lang din siya na mag-serve sa simbahan dahil sa pangba-blockmail ng mga magulang niya. Karamihan sa mga pinsan kong lalaki ay hindi kayang tumayo sa sarili nilang desisyon.

“Ano na naman ang ginawa mo sa chakarit mong Aunty Beth?” aniya sa malambing na tuno. Natawa naman ako. Dati kasi hindi siya ganito magsalita. Sa lahat ng mga bakla na nakilala ko siya ang numero uno sa lahat ng rampa at beauty queen, kaya naman nakakailang lang na marinig ang kaniyang panglalaking boses.

“Wala. Binati lang namin ang isa’t-isa.”

"Binati? Eh kitang-kita namang gusto ng lumabas ni satanas sa katawan ni aunty Beth."

"Nanggago eh. Ayan, nachismis ko tuloy iyong anak niya."

"Gaga! Bakit mo ginawa iyon?"

"Nanggago nga siya!"

"Sa bagay, kung ako siguro ang nasa katayuan mo baka kanina ko pa siya sinambunutan!"

"Gago!" Pareho kaming natawa. 

"By the way, bakit ka nandito at wala ka ata doon sa paraiso mo?"

"Nilipat ako ng board, kinuha akong isa sa mga ginagalang na guro rito para magturo ng sex education."

"Ayos ah, paldong-paldo."

"Okay na rin ito, at least dito hindi ako kilala ng iba bukod sa mga taga-atin."

“Bruha ka!” bulong niya bigla, bago ngumiti sa mga madreng nadaanan namin.

“Ang plastik mo,” sabi ko rito nang kami na lang dalawa ang natira sa terrace.

“Oo, alam ko. Gusto ko na talaga umalis dito bhie!” pagmamaktol niya.

“Edi umalis ka, sino ba pumipigil sayo? Namahinga naman na ang nanay mo at nasa sayo naman ang mana ng pamilya mo. Ano pa hinihintay mo?”

“Ano kasi!” Ngumuso siya sa akin.

“Ano?” suspetsya ko sa kaniya. Basta kasi ganiyan ang mga tingin niya alam kong may something talaga.

Lumapit ako sa kaniya habang hinuhusgahan ang buong pagkatao niya. “May lalaki ka rito, ‘no?”

“Parang—Parang ganoon na rin.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Kasi naman bhie, ang laki ng ano niya tapos ang sarap pang humalik. Paano ako makakaalis niyan?”

Sinasabi ko na nga ba. Parang ayaw ko na ata pakinggan ang sunod niyang sasabihin. Ang buong akala ko pa naman nagbagong buhay na ang isang ‘to at naging totoong pari na talaga na naglilingkod sa simbahan.

“Pinipigilan ko naman matukso. At alam mo ba ang gwapo ng kasama niya. Pang-model ang dating tapos, tirador din ng madre.” Bigla siyang napahinto sa sinabi niya.

Mabilis ko siyang tiningnan. “Ano’ng sabi mo?”

“Ah ano… hehehe… may sinabi ba ko?”

"Meroon, gago ka ba?"

"Bhie alam mo naman iyan 'di ba?"

"Iyong kapatid ko. Pumasok siya noon sa kumbinto."

"Huh? Bakit hindi ko ata alaam iyon?"

Tinuyo ko ang labi ko. Huwag sana tumugma ang hinala ko. 

"Paanong hindi mo alam? Hindi ba sinabi sa iyo ni mommy?"

"Hindi. Ang buong akala ko'y dito sa academy siya pumasok."

"Isang taon siyang nasa kumbento. Iyon lang ang alam ko."

"Kung nasa kumbento siya kung saan ako galing edi sana nakita ko na siya noon pa. Pero, hindi. Wala ring sinabi si tita."

"Hindi ka ba nagtataka?" sinusubukan kong tahiin ang mga idea na pumapasok sa isip ko. "Hindi basta-basta ilalabas ni mommy ang kapatid ko kung hindi siya nagpumilit na umalis. Pero bakit? Sabi niya sa akin sa sulat niya noon, maayos ang kalagayan niya."

"Nagsusulatan kayo?"

"Oo, noong araw na pumasok siya sa kumbento. Sinabi niya sa akin na maayos ang lagay niya. Na maganda ang turing ng mga madre sa kaniya at naging paborito rin siya ng mga pari." Ikinuyom ko ang kamao ko. Doon sa parte pa lang na sulat niya na iyon ay alam kong may mali na. Pero naisip ko kasi noon, paboritong anak ni mommy ang kapatid ko. Hindi niya naman siguro ipapahamak ang anak niya.

"Pero lahat ng sulat dumadaan sa board, nire-release lamang nila ang mga sulat tuwing katapusan ng buwan. Alam mong mahigpit ang buhay sa loob ng kumbento. After ba nang sulat niya ay nakapagsulat siya ulit sa iyo?"

"Oo. Pero after three months bigla na lang siyang hindi nagpakiramdam, kahit araw-araw pa akong nagsulat. Wala na akong narinig na balita sa kaniya."

"Hindi kaya may kinalaman si tita rito?"

"Hindi imposible iyon. Mayaman si mommy, marami rin siyang koneksyon sa labas at loob."

"Oh my gosh! Hindi kaya hindi binigay sa ni tita ang mga sulat mo?"

Muli kong kinagat ang labi ko. "May kontak ka ba sa lahat ng kumbento rito sa atin?"

"Oo, wait. Gumawa ako ng listahaan niyan noon."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya na iyon.

"Huwag mo nga akong tingnan nang ganiyan. Para ito sa sarili ko. Just in case na gusto kong lumipat."

"Talaga lang ha? Sure kang hindi iyan para sa mga lalaki mo?"

"Ano ba? Ito nga itong tinutulongan!" 

"Sabi ko nga." Tiningnan ko lahat ng nasa maliit niyang notebook. I pull out my phone and took a picture. 

Sinubukan kong tawagan ang kapatid ko gamit ang telepono ng kanilang dorm, pero walang sumasagot. Kinuyom ko ang kamao ko. Sana lang talaga mali ang akala ko, kundi mapapatay ko ang kung sino mang taong sumira sa kinabukasan niya. Kahit pari pa ‘yan.

Narinig kong pinatawag si Finn ng isang sakristan, kaya naman wala siyang nagawa kundi ang sumama rito at pabayaan akong makaabot sa dorm ng kapatid ko. Humahangos na hinawakan ko ang pinto, pero agad din akong napahinto nang marinig ang boses ni mommy.

"You know him..." iyon na lamang ang naabutan kong sinabi ni mommy sa kapatid ko. 

“Mommy. Hindi ko ginusto iyon!” Boses iyon ng kapatid ko.

"Hindi nga ba?"

"Mommy hindi ko po talaga ginusto iyon. Hindi ko po kasalanan ang lahat."

"At sino sa tingin mo ang kasalanan? Ang pari? Ang sakristan?" Naikuyom ko ang kamao ko.

"Mommy..."

"Oh, baka naman dahil inakit mo silang lahat kaya ka niya ginalaw?"

"Mommy, believe me. Hindi ko po talaga alam. Hindi ko rin po ginusto iyon. Biktima lamang ako mommy. Maniwala ka!"

Halos hindi ako makagalaw sa pag-amin na ‘yon ni Melisa. Niya? Kung ganoon may idea siya kung sino ang naglapastangan sa kapatid ko? I didn't expect her to be cruel like this! Alam niyang mapapahamak ang anak niya pero pinilit niya pa ring ipasok siya roon. Pero ang labis kong kinagulat ay ang malakas na sampal na binigay ni mommy sa aking kapatid at sa sunod niyang sinabi.

“Ipalaglag mo ang bata. Huwag mo nang hayaang umabot ito sa kaniya. Masyado ka pang bata para r’yan. Ano na lang sasabihin ng mga amega ko sa akin, na may anak akong rebelde at tangang anak na nagpabuntis sa kung sino-sinong lalaki?” Kalmado lamang ang boses ni mommy pero hanip kung manaksak ang kaniyang mga salita. Mas lalong humigpit ang pagkahawak ko sa doorknob. Hindi na siya nagbago.

Lumabas siya sa silid ni Melisa. She’s wearing her red dress and light lipstick again, her posture screams authority and power. I can still recognize her gaze that almost killed me. Iyan din ang tingin noong sinubukan kong magpaliwanag sa kaniya, sa pag-aakala paniniwalaan niya ako. But, no. She despises me for lying at her, at pinalabas niya na kasalanan ko kung bakit nagawa ng mga walanghiya na iyon na hawakan ako at sinubukan na halayin.

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi bago niya ‘ko tiningnan. “Mabuti at nandito ka. Kumbinsihin mo ‘yang kapatid mo na ipalaglag ang bata para may silbi ka naman,” wika niya bago umalis.

Napasinghap na lamang ako habang sinubukan na pakalmahin ang sarili ko. Mabilis kong tinuon ang buong atensyon ko sa kapatid ko.

“Ate…” napahikbi siya at napayakap sa akin.

“Ayaw kong ipalaglag ito,”dagdag niya pa.

“Sino ang ama ng bata? Ang mga pari ba?” Napatigil siya at napahiwalay sa yakap. Napatingin ako sa kaniyang nangingig na kamay.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat para pakalmahin. “Sino Melisa? Sabihin mo sa akin. Maniniwala ako,” I convince her. Alam kong takot siya sa mga oras na ito, pero gusto kong ipadama sa kaniya na may kakampi siya. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang dapat ginawa noon ni mommy sa akin.

“Ate natatakot ako.” Napahikbi siya.

"Huwag kang matakot, nandito na ako. Hindi kita pababayaan. Sabihin mo sa akin sino sa mga pari na iyon ang gumalaw sa iyo?"

"Ate natatakot ako. Natatakot ako..."

"Melisa, walang magagawa ang takot mo kung hindi mo sasabihin sa akin kung sino iyong nangbaboy sa iyo."

Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko. Nainis ako. Bakit sa lahat-lahat, bakit kapatid ko pa? Magbabayad ang sino mang may gawa nito sa kapatid ko!

 "Saang kumbento ka dinala ni mommy?" Mahigpit kong hinawakan ang balikat niya. Pero hindi siya tumugon, she only cried out loud.

"Answer me, Melisa. Sagutin mo ako?"

"H-hindi ko pwede sabihin ate... Hindi pwede..."

"Bakit!? Tell me! Gusto kitang tulongan!"

"He'll kill us. Maging ang angkan natin. At maging ikaw hindi makakaligtas sa kamay niya."

From the moment I saw the most vulnerability in her eye. I know, hindi basta-bastang tao ang nasa likod nito.

"Naiintidihan mo ba ako!? The beast will kill us all!"

Niyakap ko siya nang mahigpit. “Dahan na. Makakasama sa bata ang stress. Doon ka na muna sa bahay ko. Hindi ka niya gagalawin doon.”

"You do not understand me..." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"I understand you. Pakiusap sa bahay ka na muna at baka ano pa ang gawin ni mommy sa iyo."

"Mommy won't harm me, ate."

"Melisa. Narinig ko siya. Gusto niyang ipalaglag ang bata. Iyon din ba ang gusto mo?"

Bigla siyang natahimik.

"Mommy will handle this, ate."

"Melisa listen to me! Si mommy? Wala siyang ibang iniisip kundi ang ipahamak ka!"

"Wala ka nga talagang alam, ate."

"Melisa, please. Alam kong pinapaboran ka ni mommy. Pwede ba kahit ngayon lang ay makinig ka sa akin? Kaya na kitang buhayin. Hinding-hindi na kita iiwan tulad noon." Mahigpit ko siyang niyakap. 

That day when I left her, I know her life will never be the same in the hands of my mom. Kabisado ko si mommy, Alam kong gagawin niya lahat para sa kapakanan niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Break The Priest's heart   Chapter 13

    I can believe I have to be at this stupid show. Ngayong araw din na ito kasi ipapakilala ang iba pang mga special na kalahok. Akala ko pa naman napakilala na nila lahat kahapon. Bigla tuloy akong kinabahan dahil baka mamaya ay mga fans na nong actress ang ipasok nila sa Isla at kuyugin ako.Jusko! Paawat naman sana sila. Araw-araw ko na ngang kaharap itong boss ko na kung makatitig sa akin parang gusto na niya akong pababain sa sinasakyan namin na private plain. Hindi kasi sa Pilipinas gaganapin ang show. It will be held somewhere on Meldives' Island. Hindi lang iyon, dahil sa oras na makalapag na kami ay hindi na kami pwede na gumamit ng cellphone. Kaya naman nag-aalala ako para sa kapatid ko. Although I sent enough bodyguard and cash, para bantayan siya at tustusan ang kailangan niya habang wala ako, pero iba pa rin iyong nakakausap mo ang kapatid mo, lalo na at wala silang ibang kasangga kundi ako lang. Sana lang talaga at hindi na siya guluhin ni Mommy. "Pang-ilang buntong hini

  • Break The Priest's heart   Chapter 12

    Every day was like fireworks that exploded inside out. It wasn't easy to accommodate his length, to be honest. I had my head spin, and my candy soared every time I tried to move and even breathing was like I had to pay for my life. I also got a fever the next day and almost ended up in the hospital the night I woke up, but with the help of lubricates and his long slim fingers made him the remedy to stop all these complaints that my body requested.I bathed myself because I still had work to do and to clean from Gabriel's spring. Nakakaloka, wala ata sa bokabularyo niya ang salitang pahinga. Matindi ba ang pangangailangan ng tao na ito kaya ganoon na lamang kung kumayod? Napatingin ako sa lalaking hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang natutulog. I went to Gabriel's closet to look for something to wear. Napangiwi ako nang mapansin lahat ng damit niya ay tatlo lamang ang kulay. Kung hindi gray, black ay white. Napailing na lang ako't dinukot ang puting polo sa nakahilirang damit niya.

  • Break The Priest's heart   Chapter 11

    Even the backseat feels the tension between our kiss. He pinned my hands and stated to kiss me like tomorrow would never come."This is wrong," he said under my skin. "Yet so fucking hot."I snaked my legs around him to get him close and to feel the one that had been growing for the past two minutes. Napapikita ako nang maramdaman ang mainit at mapusok niyang halik sa leeg ko pababa sa dibdib."We should stop now, little lamp, before we rhyme the night-""Stop?" Marahan kong hinawakan ang bukol na unti-unting lumalaki sa gitna ng hita niya. "Will you handle this?" I whispered in his ears.He licked his lips and closed his eyes. I never knew how gorgeous my view above me. Kahit na madilim ay kumikinang pa rin ang perpekto niyang mukha. Even his sweat looks delicious to taste. I wonder why GOd made this guy so perfect, yet he's not using it to diffuse his genes to be able to used by others. Kung hindi ko lang talaga kilala ang tao na ito baka matagal na 'kong nagpabuntis. But he's Gabri

  • Break The Priest's heart   Chapter 10

    "I'm home." Inilapag ko ang mga pinamili kong grocery nang makaabot ako sa bahay. "Ate!" my sister welcome me. Pinatay niya na muna ang Tv at sinalubong ako at para na rin tulungan ako sa mga pinamili ko. Matagal na rin iyong huling bisita ko rito. Hindi kasi ako maka-lugar na bisitahin siya dahil na rin sa malayo ito sa trabaho ko. "Kumusta ka rito?" "Okay naman, 'te." "Bakit parang pumayat ka ata?" Napatingin ako sa tiyan niya. "Nagpa-check up ka ba?" "Opo kanina." "Ano sabi ng doctor?" Inisa-isa ko nang ilagay ang mga pinang-grocery ko sa fridge. Napahinto ako nang makitang nandoon pa rin iyong pinka-deliver ko sa kaniya noong isang linggo. "Okay naman daw. malakas din daw ang kapit ni baby." Napahawak siya sa tiyan niya. "That's a good sign." Ngumiti ako sa kaniya. Pero nang tingnan ko siya ay parang may kakaiba sa kinilos niya. Tinanong ko naman iyong mga bodyguard kanina sa bahay, sabi nila wala naman daw kakaibang umaaligid sa bahay. I have my cameras on my ph

  • Break The Priest's heart   Chapter 9

    Life isn’t just like the rainbow after the rain. There’s always the aftermath of what we meant to be failed. Let’s just say that after what happened last night, I have to pay for the aftermath. I didn’t choose it, it just meant to happen because the universe chose to give me the cruelest destiny, like I had been his brave soldier that armor with mental anguish, instead of writing me a happy ending where I could rest and make money. What I’m trying to say here is, I haven't resigned, yet. Who will pay for my bills if I choose to curl up on the mattress and read my untouched limited edition books by the New York bestseller author? No one. Kaya naman kahit ayaw kong makita si Travis ngayon ay wala akong choice. I needed money. At isa pa, it’s my first day as a regular employee. I don’t want to ruin my professionalism did an unintellectual action he had done last night. “Job well done team!” Lahat kami ay nagpalakpakan matapos ang maikling pasalamat ni Travis. Mabuti naman at hindi pa

  • Break The Priest's heart   Chapter 8

    Plakado ang ngiti nang lumapit ako sa mesa ng Prime minister. Lahat ng body guard niya ay nakapalibot sa kaniya. Hindi ko alam na kasama pala ng Prime minister ang buong pamilya niya. Pero ang hindi ko inaasahan ay makita si Travis. He sat on a chair, beside the Prime minister. Nakatitig din siya sa akin. Ako lang ba? Or sadyang may kakaiba sa mga tingin niya? Marahan akong yumuko nang inangat ng Prime minister ang kaniyang ulo upang batiin ako. “You must be the great chef?” “Good evening, Prime minister.” Bati ko sa kaniya. Mahina siyang natawa. Napatingin ako sa kaniya ng kamayin niya ang maliit na natirang falafel at sinubo ito sa kaniyang bibig.Napatingin ako sa pinggan ni Travis. Hindi niya man lang ito ginalaw. “I don’t remember the last time I lost my manners in the table. This food.” Pinakita niya sa akin ang huling falafel. “This feel like home. I remember my mama and the memories when I was a child, craving for this Falafel.” Sinubo niya ang natitirang falafel

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status