Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2021-08-27 22:07:20

I closed my eyes while tilting my head. I'm so tired. Nakakangalay ang nakaupo maghapon.

"Oh magmeryenda ka muna," ani Koko sabay lapag ng juice at lasagna sa maliit na mesa. Nandito kami ngayon sa bahay nila. Naisipan ko munang dumaan muna dito bago umuwi.

"Koko, bakit di na lang kaya ikaw ang maging Acting Mayor? Tutal ay ikaw naman ang kasa-kasama ni papa noon."

"What?" Tawa niya. "Si Tita Eliza ang Acting Mayor. Salitan lang kayo lalo na pag busy siya sa business niya."

"Argh. I can't handle the loads of paperworks. Bakit hindi si Samantha dito sa Capitol tutal Law naman ang tinapos niya."

Nakasimangot akong sumandal sa upuan. I can't believe na nagrereklamo ako. Pero mas maganda sana na magpalit kami ni Samantha. Maybe I should ask her pag magkita kami.

Sumubo ako bago bumaling kay Koko. Nakakunot ang noo niya at malalim ang iniisip.

"May problema ba?"

Tumingin siya sa'kin. "It's just that something's off with Samantha these past weeks."

"What do you mean?"

"I..I don't know. Parang umilap siya."

"Gano'n ba?" I tapped my nails on the armchair. "Maliban noong nakita natin siya sa daan ay hindi ko na siya nakita buong maghapon."

"Hindi siya umuwi?"

"Nagtanong ako kay Manang Rosing at ang sabi ay madaling araw na raw siya umuuwi. Minsan daw ay hindi na at sa cabin na lang naglalagi."

Tumaas lang ang kilay ni Koko sa sinabi ko.

"Anyway, meron bang ibang alaga sa hacienda liban sa mga normal na hayop?" tanong ko nang maalala ang nangyari kagabi.

"Normal? Meron bang abnormal na hayop?"

"No! I mean.. like mga strange creatures gano'n."

"Wala. Bakit may nakita ka ba?"

Hindi agad ako nakaimik. Should I tell him? Baka pagtawanan niya lang ako.

"Huy!" Pinitik niya ang mga daliri sa harap ng mukha ko.

Inis kong tinampal ang kamay niya. "May nakita ako kagabi."

"Na?"

"Hayop."

"May nakawalang baka?"

"Hindi!"

"Eh ano nga? Diretsohin mo na kasi!"

Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kawalan. "Sobrang dilim kaya hindi ko naaninag kung ano 'yon. But I saw a pair of silver eyes, gold to be exact. And then I heard a growl from something like wild beast," wika ko habang inaalala ang nakita kagabi.

"Ano sa tingin mo?" Baling ko kay Koko. Yung mukha niya ay parang nakakita ng multo, namumutla na parang tinakasan ng dugo.

"Koko." Untag ko.

"H-Huh? A-Ahm. Sandali magccr lang ako," aniya at dali-daling tumayo.

Maagap kong pinigilan ang kamay niya. He's acting strange. He knows something and he's hiding it.

"Maupo ka." Utos ko sa kanya sa malamig na boses.

Hinablot niya ang kamay niyang hawak ko bago padarag na umupo.

"Damnit." Mura pa niya.

"Come on Koko, spill it."

Sinamaan niya ako ng tingin tsaka sumeryoso. "You know the tale about this place right?"

I nodded.

He's talking about Magnusthad. Ayon sa kwento noon ay may dalawang magkaibigan ang bumili ng malawak na lupain. Pero nag-away ang mga ito sa di malamang kadahilanan. Isinumpa nila ang isa't isa. Hinati nila ang lupang binili nila at ipinangakong hindi sila aapak sa teritoryo ng bawat isa. 

Kaya nahati rin ang pangalang Magnusthad. 'Asthad' dito sa bayan namin at 'Magnuth' naman sa bulubunduking katabi nito.

Yun ang ayon sa kwento. Kwento na nanggaling pa sa aming mga ninuno.

"Naniniwala ka?" Tanong ni Koko.

"Hindi. Wala namang mga taong nakatira doon."

"Sigurado ka?" Seryoso niyang tanong.

"Bakit meron ba?" Balik tanong ko.

"Nevermind," aniya at tinalikuran ako.

Nainis ako. Bakit ba siya umiiwas?

"Koko ano ba? Just get to the point will you?!" 

"Ihahatid na kita."

Marahas kong hinablot ang braso niya. He's not getting away. "Walang uuwi hangga't wala kang sinasabi!"

"Okay fine!" Singhal niya. "What you see is a wolf. A f*cking werewolf!"

Nabitawan ko ang braso niya. A what?

Inilapit ni Koko ang kanyang mukha sa akin at mataman akong tinitigan. "And your life is in danger."

"W-What do you mean that my life is in danger?" Habol ko kay Koko.

"Tone down your voice Lauren. Let's talk about it inside the car," aniya.

Ano daw? Tone down? Eh siya 'tong sumisigaw!

Diretso ang lakad ni Koko papunta sa sasakyan niyang nakapark sa gilid ng daan.

Nang makapasok kami ay agad ko siyang hinarap.

"Wag ka ngang mainip. I'll tell you everything. Just give me some time to collect my thoughts," inis niyang turan.

Binuhay niya ang makina ng sasakyan at sinimulan na naming tahakin ang daan.

Tinanggal ko ang suot na blazer, leaving only my sleeveless white top.

Sumulyap sa akin si Koko at agad ding nag-iwas ng tingin.

Tahimik lang akong nakatingin sa labas habang inaantay siyang magsalita.

Werewolves are mythical creatures. How come that they exist in this modern world? At bakit may nagpakita sa'kin? Anong kailangan nito?

Pagod kong tiningnan si Koko na tahimik pa rin at diretso ang tingin sa daan. Maybe I'm being inconsiderate. Kung pagod ako ay paniguradong mas pagod siya. Hatid sundo pa niya ako. Kailangan ko na sigurong humiram ng sasakyan kay dad. Masyado ko ng naaabala si Koko.

"The day before you came here, Austin and his men found one. A she-wolf. Ang akala raw nila ay isa lang itong dambuhalang aso. Nagulat na lang daw sila ng ito'y mag-anyong tao. She's deeply wounded and very weak kaya madali lang nila itong nahuli. We don't want to alarm the people so we keep it in private."

"They're real," mahina kong usal. "But how come?"

"I don't know. Pero may mga sabi-sabi na noon na totoo sila. Ang sabi pa ni Lolo ay nakakita na siya noong kapanahunan niya."

"Yung nahuli niyo? 'San siya nakakulong? Gusto kong makita."

"Are you insane? You should be worried about yourself! Hindi sila lantarang nagpapakita sa mga tao ng walang dahilan!"

"I can protect myself. Stop being dramatic."

"Can you really protect yourself?They are pure blooded. They can transform from human to beast. And even in their human form, they are 10 times stronger than us. But how about if they shift? May laban ka pa ba? Sinuwerte lang sila Austin sa paghuli dun sa babae."

Napipilan ako sa sinabi ni Koko.

"And I'm not being dramatic. I'm just concern about you. Yes, you are trained to kill bad people but you aren't trained to kill wolves. I hope you see the big difference there Lauren."

I remained silent. He's right. Pero anong gagawin ko? Magkulong sa kwarto? Paano na ang mga trabaho ko?

"Lumalaki na ang populasyon ng Asthad. Meron ding mga bagong mukha. Hindi natin namamalayan na nakakasalamuha na pala natin ang isa sa kanila."

"Alam ba 'to ni dad?"

"No. Hindi na niya kailangang malaman. Baka lalo pa itong makasama sa kalusugan niya."

Wala sa sariling kinagat ko ang aking mga kuko. A mannerism lalo na pag ganitong hindi ako mapakali.

"You have a gun right?" Tanong ni Koko matapos ang mahabang katahimikan.

Tango lang ang isinagot ko.

"Always carry it with you lalo na pag lalabas ka," bilin niya.

Marahas kong sinuklay ang buhok. Damn. Why did I suddenly became anxious? I have nothing to do with them in the first place.

Dumiretso agad ako sa aking kwarto pagkarating ng bahay. Hindi ko na rin nagawang tingnan si Tita Eliza nang makasalubong ko siya sa hallway. Hindi rin niya ako pinansin. Saglit ko siyang nilingon at nakitang pumasok siya sa kwarto ni dad.

Tinanggal ko ang damit kong pang opisina at nagsuot ng kupas na maong at shirt.

Tiningnan ko ang oras sa malaking orasan na nakasabit sa dingding. Alas siyete. Gabi na pero maaga pa.

Dumako ang tingin ko sa baril na nakalapag sa lamesa. Naalala ko ang bilin ni Koko. Ilang sandali ko itong tinitigan bago nagpasyang iwan ito.

Matapos magbihis ay sumilip ako sa pinto. Nang masigurong walang tao ay tahimik akong bumaba. Ayaw kong makita nila ako at magtanong kung saan ako pupunta. Sa likod ako dumaan. Maliwanag ang buwan kaya hindi na ako nagdala ng flashlight. 

Pumunta ako sa kwadra ng mga kabayo. Buti na lang at wala ang nagbabantay dito.

Wala na akong oras pa na pumili kaya basta ko na lang kinuha ang kabayong malapit sa akin. Nagpapadyak ang kabayo nang ilabas ko sa kwadra nila. Mukhang naiinis sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang tali habang pinagmamasdan ang maskulado nitong katawan.

Now, the question is, kaya ko pa ba kayang sumakay ng kabayo?

I shrugged my shoulders. Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. Mabilis akong sumampa sa likod ng kabayo.

"Woahh.. Easy. Woahhh," wika kong natatawa nang tumalon-talon ang kabayo na mukhang gusto akong ihulog sa lupa.

Peste to. Nagmamatigas pa.

Nang hindi parin tumigil ang kabayo sa kakagalaw ay ipinalibot ko sa leeg nito ang hawak na tali at marahang sinakal. Narinig ko ang pag-ubo niya pero wala akong pakialam. Ang bait ko pero ang damot niya. Nung tumigil siya saka ko rin siya tinigilan.

Hinaplos ko ang ulo niya. "Good boy. Gusto mo pala yung dinadaan sa dahas—"

Mahigpit akong humawak sa tali nang bigla na lang itong kumaripas ng takbo. Eh hindi ko pa siya pinapatakbo!

Kinutusan ko ang ulo niya bago umayos ng upo. Ayaw kong mahulog. Baka makakita pa ako ng tumatawang kabayo ng wala sa oras.

I focused my eyes on the road. Mabilis ang takbo ng kabayo, halatang galit sa angkas na tao.

Sa bawat kubong madaanan ko ay napapalingon ang mga trabahador sa akin.

Maagap kong iniliko ang kabayo bago pa kami sumalpok sa puno. Deym. Nababaliw na ang isang 'to.

Malayo ang binyahe namin at sa loob ng mga oras na 'yon ay walang matinong ginawa ang kabayong ito.

Pagkabang-pagkababa ko sa likod niya ay umigkas ang paa niya. Mabuti na lang at maagap akong nakailag bago niya ako masipa sa sikmura. Hindi ko na lang pinatulan, mukha kasing may pinagdadaanan.

Itatali ko na sana siya nang binigyan niya ako ng masamang tingin. Umatras siya ng isang beses, dalawa, tatlo, hanggang sa tuluyan nang kumaripas ng takbo papalayo.

Naiwan akong nakanganga. Iniwan niya akong mag-isa.

I clenched my fist. Namumukhaan ko ang kabayong yun. Humanda ka sa akin pagbalik ko.

Ibinalik ko ang tingin sa cabin na nasa harap ko. It's too big for 1 person to live.

Dito naglalagi si Samantha. At simula ng dumating ako ay hindi ko pa siya nakikita. Ano bang pinagkakaabalahan niya? Madaming trabahador sa hacienda at halos sila ay mapagkakatiwalaan kaya bakit hindi man lang niya magawang umuwi.

Ayaw ko namang magtanong kay Tita dahil baka sabihin niyang nakikialam ako sa buhay ng anak niya.

Kaya ako nandito ay dahil sa sinabi ni Koko tungkol kay Samantha. Dahil sa mga kilos niya ay nagmumukha siyang kahina hinala.

I know I shouldn't sticking my nose to someone else's life but I'm curious. Hindi man lang niya dinadalaw ang ama naming may sakit. Did she totally became heartless?

Bukas ang ilaw sa loob ng cabin. Nakasara ang mga bintana at maayos na nakatakip ang mga kurtina.

Kumatok ako ng tatlong beses. Walang sumagot. Inulit ko pero wala pa rin. Mukhang walang tao. Pinihit ko ang doorknob. Hindi nakalock.

I licked my lips. Let's see what's inside Samantha's cabin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Breaking The Rules   Chapter 149

    The aftermath scent of rain lingers in my nose as I drove the Wrangle full of goods from the market. I was covered with thick clothes from head to toe to avoid the freezing temperature but it's not enough that some spike of chills still enter between my skin pores.This is the coldest time of this season where you really need a tons of clothing before going out or even inside your house. The temperature drops incoherently than last year.Ngumiti ako nang may bumati sa akin sa gilid ng daan. Bumuka ang bibig ko upang batiin din ito at nakita ko pa kung paano lumabas ang usok galing sa bibig ko sa sobrang lamig, kulang na lang talaga ay magyelo ang paligid.Palapit na ako sa palasyo nang mapansin ko si Zeke na nakatayo sa bukana ng pintuan at kunot na kunot ang noo habang diretso na nakatingin sa akin.Hindi pa ako nakakababa ng sasakyan nang magsimula na siyang putaktihin ako ng mga tanong.Huminga ako ng malalim. "Zeke—""Lauren naman. Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na magpa

  • Breaking The Rules   Chapter 148

    Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakakalipas simula nang magsimula ang matinding lababanan sa pagitan ng mga Vaughan laban sa mga malalakas na Alpha sa Timog at Kanluran na Distrito.At kahit na sabihin pa na malalakas ang mga Vaughan, hindi pa rin maipagkakaila ang katotohanan na iba talaga ang lakas ng isang Alpha, kaya nga nilang makipagsabayan sa mga ito pero kita ko sa kanilang mga mata kung paano sila nahihirapan na talunin ang mga ito.Bukod pa doon ay sobrang dami ng mga kalaban na nakapalibot sa amin at nahihirapan din ako na bantayan ang bawat likod ng lahat. Pero hindi ako pwedeng manghina sa mga oras na ito. Nandito sila upang tulungan kami sa laban na ito na wala naman silang kinalaman. Kaya hangga't may lakas pa akong natitira, hinding-hindi ako papayag na may mangyaring masama sa kanila, hindi iyon kakayanin ng aking konsensya.While fighting, my eyes quickly diverted to where Christy is fighting. She's busy fighting to an Alpha and all her focus and attention is on

  • Breaking The Rules   Chapter 147

    "They are so cool!" hindi na rin napigilan na bulalas nitong mga kasamahan ko habang pinapanuod sila Tyrone sa kanilang mga kalokohan na pinaggagagawa."Ikaw ang tumawag sa kanila dito diba Ate Lauren?" baling ni Ivee sa akin. "Paano yun nangyari? Bakit mo sila nagawang papuntahin dito?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.Lahat ng kanilang mga mata ay nabaling sa akin. Punong-puno iyon ng mga katanungan at hindi ko alam kung saan uumpisahan ang pagkukwento sa kanila."Charrggggee!!"Nabaling ang lahat ng atensyon namin sa sigaw na iyon.It's Alpha Wilson together with other Alphas from West District.At mula sa border naman ay ang sangkaterbang mga lobo galing sa Timog na Distrito."How.. How come that they still have that number?!" bulalas ng mga kasama ko.Pati ako ay nabigla. Ang dami nang nalagas sa kanila mula pa kanina pero sa bilang ng mga sumusugod ngayon ay parang wala man lang nabawas sa pwersa nila.If they're

  • Breaking The Rules   Chapter 146

    "Hindi niyo pwedeng kunin sa akin si Da Silva! He is mine! You can't take him away you bastards!" malakas na sigaw ni Alpha Wilson na parang nababaliw na."Go now Dalton," ani Falcon sa kapatid at humanda na sa pakikipaglaban."Noooo! Putangina niyo! Ibigay niyo siya sa akin!" nanlalaki ang mga mata niyang sigaw nang makitang pumapasok na si Dalton sa portal kasama si Dean. Alpha Wilson's face is disoriented, kulang na lang ay magwala siya sa matinding inis at galit.Sa mabilis na galaw ay natawid niya ang distansya sa kinaroroonan nila Falcon.Lahat ng mga tauhan niya ay napawi at nagtilamsikan nang nadaanan niya. Galit na galit any mukha niya na parang inagawan ng sobrang importanteng laruan."Akin siyaaaaa!"Bago pa niya malapitan si Dalton at mahawakan ay biglang sumulpot si Tyrone sa harapan niya. Tyrone grabs Alpha Wilson's neck and slam him forcefully on the ground.Tyrone's face is serious and dark as his golden eyes are looki

  • Breaking The Rules   Chapter 145

    Biglang akong napaiyak. Sa sobrang saya at galak na nararamdaman ko ay umiyak na ako na parang bata. I can't contain my tears. I can't contain my emotions.Akala ko ay hindi na sila darating pa, at kung dumating man sila ay baka nahuli na ang lahat.But thank goodness, they came in time, they made it out here before I lost everything.Malakas na humalakhak si Tyrone saka ako pinatayo at niyakap habang umiiyak ako."Hahaha! Para kang bata. Ganun ka ba kasaya na makita ulit ako?" tumatawa niyang wika habang hinahaplos ang buhok ko.Hindi ako sumagot at umiyak lang sa balikat niya. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat dahil sa pagdating nila."Uwaahh! Ate Lauren!" atungal din ni Enzo saka yumakap sa likod ko."Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo! Buti na lang at dumating ako! Hindi kita papabayaan na masaktan ulit!" iyak niya habang nakayakap din sa akin.Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa sinabi niya. Enz

  • Breaking The Rules   Chapter 144

    I closed my eyes. They say that the world is cruel without realizing that it's us, the people are the one who is cruel.The greediness for power, not being satisfied of what you have, wanting more even though you already have enough, jealousy and envy, those are the reason why this world is full of violence and non-stop killing.If we only learn to be contented, if we appreciate the blessings and the things that we have, then the world Peace is not imposible to achieve.Hinablot ni Alpha Wilson ang buhok ni Dean saka pinaluhod sa lupa. Itinapat nito ang espada sa leeg ni Dean.Umapaw palabas ang mga mga luha ko habang pinagmamasdan ang nakapikit na mukha ni Dean.Para akong mamamatay sa matinding sakit na nararamdaman sa mga oras na ito. Bakit kailangang niyang mapunta sa kalagayan na yan?Hindi ko na napigilan ang aking nararamdaman at napasigaw na ako habang umiiyak ng malakas. Wala na akong pakialam kung pinagtatawanan nila ako dahil sa n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status