"Sinong gusto ng candy?! Sinong gusto ng chocolate?! " magarbong sinabi ng magician host.
Nagtaasan ng kamay ang mga paslit at mukhang sabik sa mga nakahilerang box na may disenyong akma para sa mga batang babae at batang lalaki. Ang laman nito ay mga tsokolate at candy. Kami mismo ang naglagay sa mga laman.
Nagbigay kami ng gable box sa bawat lamesa. Gaya noon, marami ang mga bata. Isa rin siguro ang feeding program ni Donya Herenia na hinihintay ng mga bata. Bukod kasi sa masasarap na pagkain, maraming laro at mga papremyo. Tila ba ay may birthday party.
Ngumingiti ako sa bawat bata na inaabutan ko ng pagkain. Ang ilan ay mukhang nahihiya ngunit may ilan din namang ngumingiti at bibo.
"Ate! Ang ganda niyo po. May f******k ka? Ano pong pangalan niyo sa f******k?" wika ng isang batang lalaki. May mantsa ng ice cream ang kaniyang puting sando.
Tinukod ko ang aking mga kamay sa tuhod ko upang magpantay ang aming mukha.
"Oo. Ikaw? Mayroon ka?" ngiti ko.
Maligaya siyang tumango. "Opo! Pwede ko po ba kayong i-add? Magpipiso net po ako mamaya. May bente po ako rito."
Tumawa ako at ginulo ang kaniyang buhok. Umayos ako ng tayo at nilingon ang mga kasamahan na nag-aabot pa rin ng pagkain.
"Mamaya sasabihin ko sa 'yo ang f******k ko. Tatapusin ko lang ang trabaho ko, okay?"
Tumango siya at nagsimulang buksan ang box.
Naging matiwasay ang feeding program. Alas siete ng gabi nang tuluyang matapos ang programa. Nagliligpit na at nagsiuwian na ang mga bata.
"Kumain muna kayo bago umalis, ha?" bilin ng isang kasambahay.
"Opo. Tapusin lang po namin ito. Salamat po," si Royd.
Tumango ang kasambahay bago tuluyang umalis at umakyat sa batong hagdanan patungong mansiyon.
Si Sania at Trixi ay parehong abala sa pagtutupi ng mga table cloth. Si Brix ay nasa tabi ko at nakikisabay sa kung anong sinasabi ni Royd. Hindi nakapunta si Julia dahil namatay ang kaniyang lola.
"Ano kayang dahilan ng break up nina Julia at Jimuell?" ani Trixi.
"Malay ko! Wala namang kinukwento ang gaga!" tugon ni Sania.
"Malamang ay nagloko ang gagong si Jimuell! Nahihiya lang si Julia dahil siyempre, siya ang naagrabyado." Tumango-tango si Royd sa kaniyang sinabi na para bang sigurado siya roon.
"Hindi ganoon ang pagkakakilala ko kay Jimuell. Mabait iyon, ah! Tahimik nga lang iyon, eh." Lumingon sa akin si Sania na tila hinihingi ang pagsegunda ko sakaniya.
Tumango ako. "Oo. Umabot sila ng isang taon. Maayos naman silang dalawa. Baka gusto na siguro talaga nilang maghiwalay." Nagkibit balikat ako.
"Kung ako man, hinding-hindi ako magloloko. Mamahalin ko nang buung-buo ang magiging girlfriend ko. Sino kaya ang maswerteng babaeng iyon? Tingin mo, Marwa? Sino kaya?" May nahimigan akong paglalaro sa tono ni Brix.
"Pwedeng si Trixi," wala sa sarili kong tugon.
"Yak! Ayaw ko sa lalaking walang pangarap sa buhay!" protesta ni Trixi.
"May pangarap ako, hoy! Nasa tabi ko nga, eh." Humagalpak si Brix pagkatapos ng kaniyang sinabi.
Kumunot ang noo ko dahil ako lang naman ang katabi niya maliban kay Royd. Nilingon ko sina Sinia na mukhang binalewala lang ang sinabi ni Brix.
"Dapat talaga kilalanin mo muna nang mabuti ang isang tao. Mas maganda kung magsimula kayo bilang magkaibigan," ani brix. Sumulyap ako kay sa kaniya at naabutan ko ang ngiti niya sa akin. Ngumuso ako at kumuha ng table cloth upang itupi.
Nilingon ko ulit siya nang tumikhim siya sa aking tabi. Kumunot ang noo ko sa weirdo niyang ngiti sa akin. Umiling siya at hinarap si Royd.
"May mga tao pala talagang manhid, 'no? Royd?" aniya.
Nakita ko ang pagpadpad ng tingin ni Royd sa akin. Tumawa siya at minura si Brix.
Limang ulam ang nasa mahabang mesa. Mayroong ilang mga banyagang pagkain na hindi ko matanto kung ano. Ganito ba talaga ang hapag ng mga mararangya? Laging puno ang mesa kahit normal na araw lang? Hindi ko maiwasang mamangha habang minamasdan ang bawat putahe.
Tahimik kaming kumain at ang ilang kasambahay ay nanatili sa dining area. Masyadong tahimik ang buong mansiyon. Nasa magkabilang gilid ko sina Sania at Julia. Sa kabilang panig ng mesa ay sina Brix, Royd at Trixi.
Ngayong graduate na kami sa senior high school noong nakaraang buwan, minsan na lang kami magkita. Kaya ngayong bakasyon ay halos binubuhos ko ang oras ko sa pagpipinta. Ang mga ginagamit kong materyales sa pagpipinta ay iyong mga binili ni Mr. Albarenzo para sa akin. Mataas ang kalidad kaya naman tuwang-tuwa ako tuwing ginagamit ang mga iyon.
Madalas akong bumisita sa puntod ng ama ko at ni Mama. Madalas din ay sinasamahan ako ni Hayes tuwing libre siya. Naghahanap na rin ako ng part time job nang sa ganoon ay hindi masayang ang mga araw ko.
May sinasabi si Royd kay Brix tungkol sa kung saan nang bigla niyang tinikom ang bibig niya.
Bumagal ang pagnguya ko nang makitang pumasok si Hedrus Verulendez sa dining area. Tanging puting t-shirt at black shorts ang suot ng ginoo.
Pansin ko rin ang pagkakatigil ng mga kasama ko. Seryoso ngunit may tipid na ngiti sa kaniyang mukha ang ginoo nang pinasadahan kami ng tingin.
"K-Kain po, Sir Hedrus," si Brix. Halos hindi na siya makasubo sa kaniyang kutsara. Maging ako man ay halos hindi na gumalaw sa aking upuan. Matikas ang tindig ng ginoo at mukhang hindi yata tumatanda. Bukod sa ilang linya sa mukha ay nananatili pa rin ang kakisigan.
He doesn't smile that much. Naisip ko na hindi naman ganito si Hayes. Kahit papaano ay ngumingiti naman iyon sa mga tao. Ngunit hindi maikakaila na kamukhang-kamukha ni Hayes ang kaniyang ama. Nakikita ko na tuloy ang itsura niya sa pagtanda.
"Kumain lang kayo riyan. I'll just get some milk for Georgia," malamig nitong tugon.
Nang tuluyan nang makaalis si Sir Hedrus dala ang isang baso ng gatas, tila roon lamang sila nakahinga.
Tumunog ang cellphone ko sa aking sling bag. Mabilis kong binaba ang juice at nilabas ang cellphone. Pigil ang ngiti ko nang makita ang mensahe ni Hayes.
Hayes:
– I'm in my hotel room. What are you doing?
Tumulak siya kanina patungong Maynila dahil may kailangan daw siyang asikasuhin doon. Tatlong araw siyang mananatili sa Maynila kaya ibig sabihin, tatlong araw ko rin siyang hindi makikita.
Ngumuso ako habang nagtitipa.
– Nasa mansiyon niyo kami. Katatapos lang ng feeding program. Kumakain kami. Pauwi na kami mamaya.
Binaba ko ang cellphone sa aking hita at uminom ulit ng juice. Mabilis ang kaniyang naging reply.
Hayes:
Okay. I will call you later.
"Sinong ka-text mo, oy? Si Limuel ba? Kailan mo ba sasagutin iyan?" Ngumiti ni Sania.
Mabilis kong pinatay ang cellphone ko at nilapag muli ito sa aking hita. Nagkibit-balikat ako kay Sania. Wala silang alam tungkol sa amin ni Hayes. Tingin ko rin naman ay mabuti ng ganoon. Natitiyak ko naman na hindi magtatagal ang kung anumang namamagitan sa amin ni Hayes ngayon.
Nanlamig ang aking tiyan sa aking naisip. Kahit pa na alam ko sa sarili ko na iyon ang totoo, na iyon ang mangyayari, hindi ko maiwasang makaramdam ng pait. Hindi ko maintindihan kung bakit may parte sa aking umaasa na magtatagal ito. Dalawang buwan na siyang nanliligaw. Ni hindi ko lubos maisip na ang isang Hayes Verulendez ay magsasayang ng panahon para sa akin. Sino ba ako? Isang hamak na anak sa labas. At siya? Hinding-hindi ko kailanman maaabot ang tuktok na kaniyang kinalalagyan ngayon. Sobrang taas at makapal na pader ang nasa pagitan namin. Hindi iyon kailanman matitibag. Kahit gaano ko man gustuhin...
Lumunok ako at wala sa sariling sinubo ang isang maliit na patatas.
"Hayaan mo. Bukas na bukas din ay mag-iimpake na ako at aalis. Bukas mismo," wika ko.
Suminghap ako at binaba ang tasa ng kape. Lunes ng gabi nang bisitahin ako ni Zanila rito sa condo. Hinawi niya ang kaniyang itim na buhok at tamad akong pinagmasdan. Ni hindi niya ginagalaw ang inalok kong tsaa sa kaniya.
Ngumuso siya at nag-angat ng kilay.
"I don't really want you to leave this place, actually. You can have it with all you want! But mom is really blinded by her ferocious. I can't do anything about that. Masyado siyang stress sa mga nangyayari sa pamilya namin. Lalo pa noong namatay si Dad. Ayaw ko nang lumala iyon."
Wala sa sarili akong tumango habang nakikinig sa kaniya. Napaghandaan ko na rin naman ang pag-alis sa condong ito. Nakausap ko na rin si Tita Margaret noong nakaraang araw. Aniya ay ayos lang kung sa kaniya muna ako tumira. Akala ko nga ay hindi siya papayag kaya talagang ikinagulat ko 'yon.
"Ano pa nga ba? Hindi naman ako ganoon kawalang-hiya para hindi ka tanggapin sa pamamahay ko. Sabihan mo lang ako kung kailan ka lilipat."
Iyon ang naging sagot niya kaya naman kahit papaano ay lumuwag ang pakiramdam ko.
Pinanood ko ang paghigop ni Zanila sa tsaa na akala ko'y hindi niya na gagalawin. Pagkatapos niyang ilapag iyon ay luminga siya sa paligid ng kusina.
"Sayang. Ang ganda pa naman ng condo na ito. But too childish for me. Pang-high school! Really? Color pink wallpapers?" aniya at ngumiwi.
Umangat ang mga labi ko sa kaniyang reaksiyon. Tumindig ako sa aking kinauupuan at nagtungo sa fridge upang kumuha ng tirang dulce de leche cake na dala ni Denver kanina.
"You have to move out from here. As soon as possible. Bago pa si Mommy ang mismong magpunta rito at kaladkarin ka palabas. I'm sure she will do that. She's crazy," aniya habang hinihiwa ko ang cake sa mesa.
"Zanila..." pagod kong tawag sa kaniya. "Oo. Aalis ako. Bukas na bukas. Paulit-ulit ka."
Ngumuso siya at nagkibit-balikat. Nilapag ko sa kaniyang harapan ang cake at kaagad siyang ngumiwi habang pinagmamasdan 'yon.
"I don't eat sweets. Nakakataba 'yan! God! That's freaking 500 calories! Ganiyan ba ang kinakain mo everyday? You should be mindful of what you eat," maarte niyang sinabi bago humigop sa tsaa.
Umirap ako.
Ako na lang ang kumain ng cake habang patuloy siya sa kaniyang suhestiyon na dapat ko raw gawin.
"You're just eighteen but you have to strictly watch your diet! Noong nasa ganiyan akong edad, nagsimula akong mag-gym. I hate to admit it but I was a chubby girl back then dahil sa walang pigil kong pagkain. Those years are the horrible years of my life! I got bullied because of my body. So, me, as a concerned ate, I suggest you to start working out to be in a perfect shape," aniya.
"I'm fine with my body. Mabilis naman ang metabolism ko," kibit-balikat ko sabay subo sa cake.
"Iba ang payat sa sexy. And in your case, payat ka! Iba pa rin kapag nagwo-work out. Wala kang pwet! I suggest you to do lower body workouts dahil focused iyon sa butt at abs."
Tumango na lamang ako kahit pa na wala talaga akong balak gawin ang mga iyon. Ilang sandali nang may tumawag sa kaniya at sinagot niya iyon sa kaniyang upuan. Tahimik lamang akong kumakain. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya nang tumayo siya pagkatapos ng tawag. Inayos niya ang kaniyang suot na itim na jumpsuit.
"Thanks for the tea. Next time sana gyokuro green tea. It fights free radical. But anyways, I have to go," aniya bago sinuot ang madilim na sunglasses at dire-diretsong naglakad paalis.
Mabilis akong sumunod upang ihatid siya sa pintuan. Nang binuksan ko iyon ay nagulat ako nang bumungad sa labas si Neal. Hindi naman siya nagsabi na pupunta siya ngayon dito.
"Oh. Neal's here. Okay. Bye guys!" walang pakealam na sinabi ni Zanila bago tuluyang lumabas.
Niyaya ko sa loob si Neal. Pulang t-shirt at khaki shorts ang kaniyang suot. May dala siyang take out galing sa isang pizza parlour.
"I got some beers. Inom tayo." Malapad siyang ngumiti.
"Neal, hindi ako iinom. Kung gusto mo, ikaw na lang." Kinunotan ko siya ng noo.
"So?" mahaba niyang sinabi na para bang hindi iyon problema. "Isang can lang. Hindi naman tayo malalasing dito."
Hinayaan ko siyang ilapag ang mga binili sa mesang nasa tapat ng sofa. Ako naman ay umupo lang at nilingon ang TV. Nakapagpalit na ako ng pantulog. Oversized shirt at cotton shorts. Hindi ko naman inasahan ang pagdating nilang dalawa ni Zanila.
"Salamat," Nataschia smiled at me and unbuckled her seatbelt.Lumunok ako habang pinagmamasdan siya."Nataschia..." I trailed off. Sumulyap siya sa akin at nagtaas ng kilay."Hmm?""When... when can I get a kiss?" I whispered softly.Kita kong natigilan siya sa narinig. Napakurap siya."H-Huh?"Dahan-dahan akong nagpakawala ng malalim na hininga. "Kahit sa pisngi lang... please..." Sa rahan ng boses ko ay hindi ko alam kung narinig niya.Bahagyang umawang ang mga labi niya habang nakatulala sa akin.Nag-iwas ako ng tingin, nakaramdam ng hiya."I-It is okay. Forget about it." I tried to sound cool but I failed. Bakas pa rin sa boses ko ang panghihina."Yevros..." may lambing sa kaniyang tono.I glanced at her. "No. It'
"Do not fucking tell me na hindi ka na naman sasama sa amin!" Sigaw ni Harris habang pinapanood akong nagmamadaling ilagay ang mga gamit sa aking bag."Bro? What the fuck? When was the last time na sumama ka sa amin? Two fucking months ago!" This time, it was Dylan.I ignored them. Mabilis kong dinampot ang bag ko at sinampay sa aking balikat."I gotta go," saad ko at lumabas na ng silid. Dinig ko pa ang pagmumura ni Harris at Dylan sa akin ngunit binalewala ko lang sila.I texted Nataschia as I walked down the corridor. Yes. I got her number. Ilang linggo ko rin siyang kinulit para makuha ang number niya. Doon ko talaga napatunayang dapat ay maging makulit lang ako para tuluyan siyang bumigay sa akin.- Baby, my classes are done.Hindi niya naman mababasa 'yon dahil abala na siya sa karenderya.And I know that she doesn't care about it but
Dagsa ang mga tao ngayon sa karenderya. Kahit tapos na akong kumain, ayaw ko pang umalis. I was hoping that I could drive her home, but she never let me. Sa isang buwan kong palaging pagpunta rito, hinihintay ko ang pag-uwi niya. Kahit alam kong hindi siya papayag, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa.I watched her as she smiled at their customers while taking their orders. Kahit kita ang pagod sa kaniya, hindi nabubura ang ngiti niya sa mga tao.I heard that her parents are both dead while her brother is in jail because of rape. Ngunit ang sabi ay na-frame up lang daw ang kuya niya. Tatlong taon na raw itong nasa kulungan. Gumagawa na ako ng paraan upang matulungan ang kuya niya na makalabas. May nakausap na akong abogado. I promise that I'll do everything to get her brother out of prison.Napag-alaman ko ring nasa pangangalaga ng kaniyang lola si Nataschia na siyang nagmamay-ari ng karenderyang ito.
"Ang kapal ng mukha mo!" Nanginginig ang boses niyang sigaw. I squeezed my eyes tightly as I felt the pain from the slap slowly subsiding. Girls are crazy. Ngayon ko lang talaga napatunayan. Baliw sila.She threw punches on my chest while crying. Wala akong magawa kundi ang pigilan siya. Paano ko siya aamuhin kung sarili niya mismo ang niloloko niya? She fucking knew that we were just fucking around! We are not kids anymore!Hindi ko talaga maintaindihan kung bakit pinagpipilitan niyang girlfriend ko siya. Malinaw na malinaw sa amin na walang kahulugan ang lahat bago namin napagdesisyunang pasukin ang ganitong setup. Hindi ko siya pinilit na pumayag! Hell! I would never force a woman to enter this kind of arrangement with me. We are both consenting adults. Alam niya ang pinasok niya kaya wala siyang karapatang mag-demand ng kung ano mula sa akin dahil una pa lang ay nilinaw ko na sa kaniya ang lahat.Be
A hard slap across my face made my world shook. I did not even notice the woman who suddenly appeared in front of me. Sa gulat ko ay naalis ko ang pagkaka-akbay ko kay Nikola at nilingon ang babaeng sumampal sa akin.A woman wearing a black tight dress, looking very irresistible, was throwing daggers at me. Her brown hair was slightly disheveled but still, she fucking looked so hot.She looked like an innocent little devil wearing that dress. Napakurap ako at natulala sa kaniyang namumulang pisngi dahil sa galit."You are so disgusting, Verulendez! Napakarumi mo! My best friend is crying right now pero ikaw nandito lang at nakikipaglandian sa babae mo!" Matalim niyang tinapunan ng tingin ang katabi kong si Nikola.I swear, her voice was so sweet. Tila ba hindi siya sanay magtaas ng boses. Ngunit naguguluhan ako. What was she talking about? Sinong best friend ang tinutukoy niya?A
I heaved a deep sigh as I prepared myself. Kinakabahan ako at... natatakot. Pero wala akong balak umatras pa. I prayed countless times before I went here. Alam kong nasa tabi ko lang ang Diyos at gumagabay sa akin.Kinuha ko ang bulaklak na pulang mga rosas sa tabi bago ako muling nagbuga ng hangin. Pinagmasdan ko ang sarili sa rearview mirror. I looked like shit. Kitang-kita ang matinding kaba sa mga mata ko ngunit wala na akong pakialam pa.Mabilis kong binuksan ang pintuan at lumabas na ng sasakyan. I was wearing a semi formal attire. Ayaw kong isipin ng mga magulang ni Sienna na hindi ko pinaghandaan ang pagpunta rito. I already texted Sienna saying that I was on my way. Kahapon ay sinabi ko sa kaniyang haharapin ko ang mga magulang niya upang pormal na magpaalam na ligawan siya.And that woman did not even want to believe me that I was serious about it. Buong akala niya ay walang katotohanan sa mga sinab