Patikim, Ninang

Patikim, Ninang

last updateLast Updated : 2025-10-29
By:  CiejillUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
21views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Hindi akalain ni Reinna na isang kapirasong papel lang pala ang tatapos sa mahabang pagsasama nila ng kanyang asawa na si Jacob Salazar, sa loob ng 14 years of marriage. Dala ng sakit at pagkabigo dahil sa pagtataksil nito ay lumayo siya. Ngunit sa oras ng kanyang pagkabigo at kalungkutan ay dumating naman ang isang lalaki at tahasang umamin ng pagmamahal sa kanya. Si Z, ang binatang inaanak niya. Ano ang gagawin ni Rei, kung ang pag-ibig na inaalay nito sa kanya ay bawal? Ano ang paiiralin at susundin ni Reinna? Dikta ng isip niya na gawin ang dapat at tama o pagmamahal na sigaw ng puso niya para kay Z?

View More

Chapter 1

Chapter 1.

“Finally, our marriage has been annulled after three years of waiting,” nakangising sabi ng ex-husband ni Reinna na si Jacob, matapos nitong ilapag sa mesa ang hawak na approved annulment ng kanilang kasal.

Samantalang siya ay shock pa rin sa pangyayari kahit pa alam naman niyang matagal ng naka-process ang annulment nila ni Jacob. At habang pinoproseso ang annulment nila ay sapilitan siya nitong pinalayas sa bahay nilang mag-asawa, pero nagmatigas siya at pinaglaban pa rin ang karapatan niya. Kahit pa harap-harapan na siyang ginagago ng asawa niya kasama ang kabit nitong si Angela na akala mo isang anghel pero demonyeta pala. Idagdag pa ang biyenan niyang reyna ng mga demonyeta. Umpisa pa lang kasi na ipinagkasundo sila ng kasal ni Jacob ay tutol na sa kanya ang biyenan niyang babae na akala mo ito ang ikakasal. Tanging ang biyenan lang niyang lalaki ang tumanggap sa kanya sa pamilya ng mga ito. Pero sa kasamaang palad ay nasa ospital ito dahil na stroke. Tapos natumba pa ito at may pumutok na ugat sa ulo, dahilan para ma comatose ito sa ospital ng halos tatlong taon na ngayon. Na-coma ang biyenan niyang lalaki na walang alam sa ginagawa sa kanya ng anak nito at ng asawa nitong demonyeta. Inilihim ng mga ito sa biyenan niyang lalaki ang tungkol sa annulment dahil alam niyang tututol ito. Kaya ngayon, hindi siya makapaniwalang sa loob ng fourteen years of marriage, ngayon ay wala ng bisa ang kasal nila ng lalaki.

She was sixteen years old noon, nang ipagkasundo siya ng daddy niya sa anak ng kasosyo at kaibigan nito sa negosyo. At iyon ay si Jacob Salazar. Nang maka-graduate sila at tumuntong sa tamang edad ay agad silang ipinakasal ng mga magulang nila sa huwes. Kahit tutol noon ang mommy niya ay wala itong nagawa sa desisyon ng kanyang ama na ang tanging nasa isip lang ay ang kayamanan at kumpanya. Dahil sa merger ng dalawang kumpanya kaya maaga siyang natali sa isang kasal. Pero naging pabor iyon sa kanya lalo pa at halos baliw siya sa kagwapuhan ni Jacob. Marami ang naghahabol sa lalaki sa angkin nitong kagwapuhan, pero sa kanya bumagsak ang lalaki dahil nga sa mga magulang nila.

Pero ang akala niyang maganda at masayang buhay ay naging impyerno sa piling ng lalaki simula nang magsama sila bilang mag-asawa. Harap-harapan ba naman nitong dinadala sa bahay nila ang kabit nitong si Angela na isa sa naging kaibigan niya noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo. Akala niya totoong kaibigan ito pero tinatraidor pala siya kapag nakatalikod na. Sadyang malandi at makati talaga ang babaeng ito dahil kahit alam nitong ipinagkasundo na noon si Jacob sa kanya ay lumalandi pa rin ito at hindi tumigil hanggang ngayon na tuluyang naakit sa babaeng ahas ang asawa niyang malandi! Kunwari pa ito na concern sa kanya iyon pala ay aahasin ang asawa niya!

Ang mga magulang naman niya ay sabay na namatay dahil sa isang car accident tatlong taon na ang nakalipas matapos niyang ikasal noon kay Jacob. Buti nga at nakapagtapos pa siya ng pag-aaral kahit papaano. Pero hindi man lang niya naranasan ang makapagtrabaho dahil sa naging alila siya ng asawa at biyenan niya sa mansion ng mga ito. Ginawa siyang katulong imbes ituring na asawa at anak. Walang kaalam-alam ang mga magulang niya sa nangyayari sa kanya sa tahanan ng mga Salazar, kahit na noong nabubuhay pa ang mga ito. Lalo pa at mukhang anghel ang asawa at biyenan niyang babae kapag kaharap ang parents nya noon.

Napabuntong hininga si Reinna at hinubad ang suot niyang wedding ring na wala naman ng silbi pa. Iniabot niya iyon sa dating asawa pero hindi nito iyon tinanggap.

“Oh sorry. Pero sa iyo na ‘yan. Isanla mo kung gusto mo total ginto naman iyan or pwede ring itapon mo. Basta ikaw na ang bahala. Hindi ko naman na iyan kailangan pa,” ani nito at inilapag sa harapan niya ang wedding ring din na suot nito. “Isama mo na rin ito. Sigurado na kakailanganin mo ang pera lalo pa at wala ka namang alam na trabaho. I doubt if matatanggap ka sakaling mag-apply ka, dahil wala ka namang experience,” pang-iinsulto pa nito sa kanya.

“Paano nga naman ako makakapag-trabaho kung buong buhay ko ikinulong nyo ako rito sa mansion nyo?!” himutok na niya sa gigil at galit.

Kung meron mang pinagsisisihan si Reinna ngayon sa buhay niya, iyon ang ang nakasal siya sa maling lalaki. Mabuti na lang talaga at hindi sila nagka-anak, dahil kung nagkataon ay baka dalawa pa sila ng kanyang anak ang nagdudusa ngayon sa demonyong pamilya ng mga Salazar. Pero naisip niya na paano nga naman siya mabubuntis kung sa tuwing may nangyayari sa kanila ng h*******k na lalaking ito ay gumagamit ito ng proteksyon. Nasaktan pa siya sa sinabi nitong wala na nga raw siyang silbi dahil palamunin lang siya ay wala ring silbi ang matres niya at hindi niya ito mabigyan ng anak. At paano nga naman iyon mangyayari kung ito mismo ang umiiwas na mabuntis siya. Sira ulo di ba? Tapos siya pa ang sisisihin.

Pati ang demonyeta niyang biyenan ay ‘wala ring silbi’ ang paboritong salita na binabato palagi sa kanya. Sobrang demonyeta na kulang na lang ay korona sa ulo na dinaig pa ata si satanas sa sama ng ugali. Tanging si Senior Javier lang ang nagtrato sa kanya ng tama sa pamilya ng mga ito. Kaya ngayong comatose sa ospital ang nag-iisang tao na nagtatanggol sa kanya ay ito na ang sasapitin niya sa kamay ng mga taong sukdulan ang pagka-ayaw sa kanya.

Matapos pala ang lahat ng hirap at sakripisyo at pagtitiis ni Reinna sa poder ng walanghiya niyang asawa ay sa hiwalayan pa rin ang bagsak nila. Ginawa naman niya ang lahat bilang isang mabuting asawa rito at mabuting daughter-in-law sa mga biyenan niya pero hindi pa rin pala sapat at kulang na kulang pa.

Dinig ni Reinna na napabuntong hininga si Jacob at tumingin sa suot nitong mamahaling relo.

“Let us just wait for attorney Garcia to arrive, dahil may mahalagang bagay siyang sasabihin bago ka umalis sa mansion na ito,” malamig na wika ni Jacob.

Masakit lang dahil minahal niya si Jacob. Sa paglipas ng mga taon ay sobrang minahal niya ito kahit pa ba puro sakit at pang-iinsulto lang ang natatanggap niya. Patuloy siyang nagtiis sa ngalan ng kanilang kasal at pagmamahal. Pagmamahal na ni minsan ay hindi nasuklian.

“Hello, sorry I’m late,” napatingin si Reinna sa pagdating ng isang lalaki. May bibit itong attache case sa kamay kaya malamang ay ito na ang abogado na sinasabi ni Jacob.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status