BROKEN LOVE C903RD POV “Anong nangyari rito? Abby, Anak. Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ka sumisigaw?” Tanong sa kanya ng kanyang ina, matapos itong pumasok sa condo unit ni Matteo. “Lola, ayokong sumama ro’n.” Hikbing wika ni Lukas. “H-hindi na Apo, hindi na tayo aalis.” Wika ng kanyang ina rito. “Halika ka kay Lola.” Wika nitong muli, pero hindi lumapit dito si Lukas. “Ayoko! Alam kung hindi totoo ang sinasabi mo Lola, ibabalik n’yo lang ako ro’n! Dahil hindi n’yo ako mahal! Buti pa si Pare, mahal niya ako, naawa siya sa akin. Ayaw niya akong umalis!” Galit na wika nito. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo Lukas?” Wika niya sa kanyang anak. “Alam mong mahal na mahal ka namin, at walang ibang pwedeng magmahal sa ‘yo, kun’di kami lang..” Hinawakan siya sa kanyang ina, sa kanyang braso dahil sa kanyang sinabi. “Tama na Anak..” “Hindi Mommy, hindi ko alam kung sa’n niya nakuha ang mga sinasabi niya..” Hikbing wika niya rito. “Alam mo bang ginagawa ni Mommy ang lahat para sa ‘yo?” Hikb
BROKEN LOVE C893RD POV “Alam mo, ubod ka talaga ng kasinungalingan Luna!” Galit na sigaw sa kanya ni Sofia, kaya kinuha niya ang kanyang phone at pina-play ang voice record naang pag-uusap nila noon. Namilog ang mga mata ni Sofia, dahil sa narinig niya. “Alam kung darating ang araw na hindi mo talaga aaminin ang mga sinasabi mo, kaya ginawa ko ‘to.” Ngiting wika niya rito. “Hay*p ka talaga Luna!” Muling sigaw nito sa kanya. Sa ating dalawa, alam mong ikaw ‘yon.” Sagot niya rito. “Mommy!!” Napalingon siya sa silid at mabilis na pumasok doon nang marinig ang malakas na iyak ni Lukas. “Anak, nandito si Mommy.” Wika niya, habang niyakap ito. “Ang galing n’yo pala, nagbahay-bahayan pala kayo, kaya ayaw mo akong dalawin Matteo?” Galit na wika ni Sofia, habang pumasok ito sa silid ni Matteo at nakita si Lukas. “Pare..” Mahinang sambit nito. “Sinadya mo talagang kumuha ng isang bata, para makuha si Matteo sa akin Luna..” Iling na wika sa kanya ni Sofia. “At ikaw naman Matteo, gusto
BROKEN LOVE C883RD POV “Bakit?” Wika niya, matapos niyang sagutin ang kanyang phone. “Wala kabang balak na umuwi sa bahay Matteo?” Galit na wika sa kanya ng kanyang ina.“Ano naman ang gagawin ko r’yan?” “Matteo! Hindi mo ba na balita-an ang nangyari sa kapatid mo? Wala ka man lang bang gagawin?” Singhal nito sa kanya. “Ano ba ang maitutulong ko? Lagi n’yo naman sinasabi na hindi niya ako kailangan dahil magaling siya.” Sagot niya sa kanyang ina. “Pwede ba Matteo, isipin mo naman ang kapatid mo. Tulungan mo siyang makalabas sa kulungan!” “Bakit ayaw n’yo nalang ibigay ang hinihiling niya. Ibigay n’yo ang gusto para makalabas siya agad.” Balewalang sagot niya sa kanyang ina at pinutol ang linya. ‘Tumayo siya habang nailing, akala ko ba mas magaling siya?’ Nang makarinig ng katok sa pinto ay tinungo niya ito. “Matteo..” Hindi na siya nagulat nang niya ang kanyang biyenan na si Emma. “Tuloy po kayo Mommy.” Wika niya rito, habang malawak na binuksan ang pinto.“Matteo, siguro na
BROKEN LOVE C87 3RD POV “Anong nawawala?” Tanong niya kay Luna, matapos niyang masagot ang tawag nito. “Umalis siya sa bahay, hindi ba siya tumawag sa ‘yo?” Tanong nito sa kanya, habang narinig niya ang hikbi nito. “Hindi.” Sagot niya rito.“Kapag tumawag siya sa ‘yo, tawagan mo ako Matteo.” Wika nito sa kanya.“Sige, tutulong na rin ako sa paghahanap sa kanya.” Sagot niya rito at mabilis na pinutol ang tawag. ‘Bakit ba umalis si Lukas? At paano siya nakalabas sa kanila.’ Mabilis niyang kinuha ang susi ng kanyang kotse, para sana lumabas. Pero natigilan siya, matapos niyang bukasan ang pinto, dahil naroon si Lukas sa gilid at umiiyak. “Damn! Anong ginagawa mo r’yan?” Tanong niya rito, habang mabilis itong binuhat. “Bakit hindi ka kumatok o tumawag?” Muling tanong niya, habang mahigpit siyang niyakap ni Lukas. “Tulungan mo ako Pare, ayokong sumama kay Mommy.” Sagot nito, habang patuloy na humihikbi.“Anong ayaw sumama?” Taka na tanong niya, habang pumasok muli sa kanyang condo.
BROKEN LOVE C86 3RD POV “Galit ka sa kanya Mommy?” Tanong nito, kaya natigilan siya.“H-hindi..” Utal na sagot niya sa kanyang anak. Matapos niyang ihatid ni Lukas sa silid ng kanyang mga magulang ay pumunta siya sa kanyang silid at humiga. Ipinikit ni Luna ang kanyang mga mata, pero kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang mga sinabi sa kanya ni Matteo. “Ano kaba naman Luna! ‘Wag mong sabihin na magpapadala ka naman kay Matteo!” Galit na wika niya sa kanyang sarili. “Tama na ang katangahan mo noon.. ‘Wag mo nang uulitin pa ‘yon.” Muling wika niya. KINABUKASAN ay maaga siyang gumising, para maabutan ang mga magulang niya, dahil maaga silang aalis papunta sa kanyang lola. “Anak, gising kana pala..” Ngiting wika ng kanyang ina, habang humalik siya rito. “Gusto ko po sana kayong maka-usap Mommy.” Wika niya rito. “Tungkol saan?” Tanong ng kanyang ina. “Gusto kung sa ibang bansa nalang mananatili si Lukas.” Napa-kunot
BROKEN LOVE C85 3R POV “Nagpapatawa kaba? Sa’n mo naman nakuha ‘yan?” Tanong niya rito, habang pilit na ikinalma ang sarili. Hindi naman sumagot sa kanya si Matteo, at tinitigan lang siya. “At paano tayo magkaka-anak kung nasa kulungan ako?” Wika niyang muli at iniwan ito. “Hindi ko nakalimutan na may nangyari sa atin noon Luna.” Sagot nito, habang napakuyom ang kanyang kamao. “’Wag mong kalimutan na isang beses lang ‘yon.” Sagot niya habang binuksan ang silid ni Lukas. “Kayo nga ni Sofia, ilang taon kayong nagsama, pero hindi kayo nagkaka-anak, tayo pa kayang isang beses lang may nangyari.” Muling wika niya at hinihiling na sana maniwala sa kanya si Matteo. “Pero bakit pakiramdam ko ay may tinatago ka Luna?” Napa-pikit siya sa kanyang mga mata at hinarap si Matteo. “Anong tinatago? Nalaman mo naman ang tinatago ko ‘di ba?” Galit na wika niya sa mahinang boses, dahil ayaw niyang magising ang anak niya. “Kung ganun, bakit ang daming nagsasabing magkamukha kami?” Tanong nito,