Broken Love CHAPTER 2 3RD POV “Sofia!!” Tawag niya pero hindi ito sumagot, kaya naisipan niyang bumaba, dahil baka nasa baba ito. “Manang, nakita niyo ba si Sofia?” Tanong niya sa katulong nang nakasalubong niya ito. “Umlis po si Ma’am Sofia, Ma’am Luna.” Sagot nito, kaya na-pakunot ang noo niya. “Saan daw siya pupunta?” Taka na tanong niya rito. “Hindi ko po alam Ma’am.” Sagot nito, kaya na-pahinga siya nang malalim. Hindi niya maiwasan na manibago, dahil ngayon lang umalis ng bahay ang kanyang ina, na hindi sila kasama. Isa pa, si Sofia, kapag gabi ay hindi ito umaalis, dahil sabay silang mag-aaral. Bumalik siya sa kanyang silid at kinuha ang kanyang phone, tinawagan niya ang kanyang ina, pero hindi ito sumasagot. Naisipan nalang ni Luna ang matulog, dahil inaantok na siya, tinatamad na rin siyang mag-aral,dahil wala naman ang kapatid niyang si Sofia. “Gumising kana.” Nag-dilat siya sa kanyang mga mata at nakita si Sofia. “Anong oras ka umuwi?” Tanong niya, habang tumayo.
Terakhir Diperbarui : 2025-07-04 Baca selengkapnya