Broken Love

Broken Love

last updateLast Updated : 2025-09-07
By:  Darkshin0415Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
122Chapters
7.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isang masayahin si Luna, lahat ginagawa niya para sa kanyang pamilya at kapatid. Pero hindi niya akalain na sa isang iglap ay kayang magbago ang lahat. Ang pamilya na akala niya masasandalan niya at kaya siyang ipagtanggol ay ito pa ang nagdala sa kanya sa kapahamakan. Kaya kaya siyang ipagtanggol ng lalaking pinakamamahal niya o katulad din ito sa pamilya niya?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

Broken Love 

CHAPTER 1 

3RD POV 

“Luna, kumusta ang pag-aaral mo?” Tanong ng kanyang ama, habang nasa hapag-kainan sila. 

“Maayos naman po Dad.” Ngiting sagot niya rito. 

“Mabuti kung ganun, alam mong kailangan mong pagbutihan ang pag-aaral mo. Lalo na at malapit na kayong magtapos ni Sofia.” Muling wika nito, kaya napatingin siya sa kapatid niya na naglalaro ng phone. 

“Opo Dad..” Sagot niya rito. 

“Sofia, pwede bang ibaba mo muna ‘yang phone mo.” Wika ng kanilang ina, kaya agad nitong ibinaba ang hawak nitong phone. 

“Anak, tulungan mo lagi ‘yang kapatid mo sa pag-aaral. Alam mong ikaw ang mas matanda.” Wika ng kanyang ina, kaya tumango siya. 

Matapos silang kumain, ay agad na silang nagpa-alam sa kanilang ina, dahil ayaw ng kanilang ama na ma-late sila sa skwela. 

NANG makarating sa paaralan ay agad na hinanap ni Luna si Matteo. Si Mateo ay kaibigan nila at lihim niyang minamahal. 

“Mateo!” Tawag niya nang makita ito. Agad itong lumingon sa kanya, habang may ngiti sa labi. 

“Bakit?” Tanong nito habang ginulo ang kanyang buhok. 

“Wala lang, akala ko hindi ka pumasok.” Pagsisinungaling niya, dahil ang totoo, gustong-gusto niya itong makita. Ito rin ang dahilan kung bakit siya ganadong mag-aral. 

“Nagawa mo na ba ang assignment natin?” Tanong niya, habang umiling ito. 

“Gawan mo nalang ako.” Ngiting wika nito kaya nailing siya. 

“Ikaw talaga.” Ngiting wika niya, habang kinurot ang pisngi nito. 

“Ang kapatid mo pala pumasok?” Tanong nito, kaya unti-unti na nawala ang ngiti niya sa kanyang labi. 

“Oo.” Mahinang sagot niya, habang lihim na nasasaktan. Noon pa man ay ramdam na niya na may gusto si Mateo sa kapatid niya. 

“Bakit bigla kang natahimik?” Tanong nito habang umiling siya. 

“Akin na nga ‘yong bag mo.” Wika niya rito. 

NANG sumapit ang lunch break, ay agad silang nilapitan ni Mateo. 

“Sabay na tayo sa canteen.” Wika nito, habang napatingin siya rito. 

“Ayokong sumama sa inyo.” Sagot ni Sofia at nauna na naglalakad. Narinig niya naman ang malalim na pag-buntong hininga ni Mateo. 

“Ano pupunta ka pa bas a canteen?” Tanong niya rito. 

“Oo naman.” Sagot nito habang inakbayan siya. 

“Boyfriend mo ba si Matteo?” Tanong sa kanya ni Sofia, habang nasa loob na sila ng kanilang silid. 

“Anong boyfriend ang pinagsasabi mo?” Wika niya, habang pinipigilan na mapangiti. 

“Hindi mo ba alam na playboy siya?” 

“Hindi naman siya playboy, sadyang lapitin lang talaga siya ng mga babae.” 

“Isa pa, magka-ibigan lang naman kami.” Dagdag niya rito. 

“Magkaibigan? Para na nga kayong mag-nobyo.” Wika nito habang agad siyang napatingin sa pinto nang bigla nalang itong bumukas. 

“Anong nobyo? Luna, may nobyo ka?” Galit na wika ng kanilang ina.

“Wala po Mommy.” Takot na sagot niya rito. 

“Imbis na pag-aaral ang atupagin mo, mga lalaki pala ang nasa isip mo?”

“Hindi po totoo ‘yan Mommy, wala po akong nobyo at kaibigan ko lang si Mateo.” Paliwanag niya rito. 

“Mag-kaibigan lang po sila Mommy.” Wika ng kapatid niya, kaya napatingin dito ang kanilang ina. 

“Mabuti kung ganun, alam ninyong hindi pa kayo pwedeng pumasok sa ganyan, dahil mga bata pa kayo. Isa pa, kailangan ninyong unahin ang pag-aaral ninyo.” Wika nito kaya agad siyang tumango. 

Nang makalabas ang kanilang ina, ay agad siyang nakahinga nang maluwag. Ang akala niya kanina ay magsusumbong ito sa kanilang ama. 

“Kinabahan ka?” Ngiting tanong ng kapatid niya. 

“Sinabi mo pa.” Sagot niya rito. 

Kinabukasan ay nauna siyang pumunta sa paaralan, dahil may pupuntahan pa raw ang kapatid niya. hindi na rin siya nagtanong pa kung saan ito pupunta, dahil narinig niya itong nagpa-alam sa mga magulang nila. 

“Nakita mo ba si Matteo?” Tanong niya sa kaibigan nito, dahil kanina pa niya ito hinahanap at hindi niya ito nakita. 

“Hindi yata pumasok.” Sagot nito, kaya hindi niya maiwasan na malungkot. Maaga pa naman sana siyang pumasok at naghahanda ng pagkain para rito. 

Hanggang sumapit ang uwian ay hindi niya talaga nakita si Mateo, kaya hindi niya maiwasan na maging matamlay. 

“Bakit ngayon ngayon ka lang?” Tanong sa kanya ni Sofia. 

“Ngayon pa ang uwian.” Sagot niya habang umupo sa sofa. 

“Bakit hindi ka pumasok?” Tanong niya, habang nakitang natigilan ito. 

“Nagpa-alam naman ako kay Mommy kanina. Sinabi ko na hindi muna ako papasok, dahil may pupuntahan ako.” Sagot nito, kaya napatingin siya sa kusina. 

“Nasa’n pala sila?” Tanong niya sa kapatid niya, nang mapansin na wala ang kanilang ina. 

“Sumama kay Daddy, may mahalaga raw silang pupuntahan.” Sagot nito. 

“Kumain na tayo, para tulungan mo akong mag-aral.” Ngiting wika nito kaya nailing siya rito. 

“Malungkot ka yata ngayon?” Tanong nito, habang tinuturuan niya ito. 

“Hindi ako malungkot.” Wala sa mood na sagot niya. 

“Dahil ba kay Matteo?” Napakunot ang noo niya, habang tumingin dito. 

“Anong ibig mong sabihin?” 

“Nakita ko kasi siya kanina, may kasama siyang babae.” Wika nito, kaya lalo siyang nakaramdam ng sakit. 

“Sinabi ko naman sa ‘yo na playboy ‘yon, kaya dapat nilayuan mo na siya.” Wika nitong muli. 

“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” Wika niya habang pinipigilan ang kanyang mga luha na bumagsak. Ayaw niyang ipakita sa kapatid niya na nasasaktan siya. 

“Sinabi ko naman sa ‘yo na magkaibigan lang kami.” Sagot niya habang pinipilit na ngumiti. 

“Kung ganun, bakit ka malungkot?” Tanong nito sa kanya 

“Dahil mababa ang nakuha ko kanina.” Napansin niyang napakunot ang noo nito, habang nakatingin sa kanya. 

“Anong mababa? Bakit bumaba? Hindi kaba nag-aral ng mabuti?” Galit na wika nito, kaya hindi niya maiwasan na magtaka. 

“Nag-aral ako, alam mo ‘yon.” Sagot niya rito. 

“Kung ganun, paano mo ‘yon, ipaliwanag? Alam mo naman na ayaw ni Daddy nang mababang grades.” Napapikit siya sa kanyang mga mata, dahil sa sinabi nito. 

“Isang beses lang naman ‘yon, at mababawi ko agad ‘yon.” 

“Siguraduhin mo lang Luna.” Galit na wika nito, habang tumayo. Hindi niya naman maiwasan na magtaka, dahil sa kinikilos ng kapatid niya, lalo na at hindi niya maintindihan kung ano ang kina-gagalit nito. 

“Manang, wala pa ba sila Mommy?” Tanong niya sa katulong. 

“Hindi pa po sila umuwi Ma’am.” Sagot nito, kaya naisipan niya na pumasok muli sa silid nila ni Sofia. Pero taka siyang napatingin sa paligid nang hindi niya ito makita.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Jane Mirarez
tagal ng update
2025-08-30 20:15:11
1
user avatar
Maehak Wahaki
parang maganda ang book 2
2025-09-01 17:55:06
1
122 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status