Share

Siblings

Samantha Pov...

Halos ala singko na ng hapon ako nakarating mismo sa bagong hotel na pag - aari ngayon ni kuya! Napakaganda nga ang desenyo at maganda ang lokasyon. Mukhang dito nga niya ibinuhos ang kanyang oras para makapagdesenyo siya ng ganito. Binago niya ang desenyo ng Vida Corp. Ito na ang latest kung sakali man.

“Mam Samantha!" Bungad bati ni Lea pagkakita sa akin.

“Hi Lea, dito ka pala inilipat ni kuya. Nasaan na siya?”

“Nasa office niya po maam! Bibihira naman siyang lumabas sa kanyang opisina kapag may meeting at kakain lang siya.” Kanyang may lungkot na sagot. Lahat yata ng sympatya ay nasa kay kuya ngayon.

Ngumiti ako sa kanya bago pumasok sa kanyang opisina na hindi niya namamalayan. Seryoso at busy siyang nakatitig sa mga larawan na nakasabit sa dingding. Tinignan ko ang mga larawan na kanyang tinitigan at nakakahabag siyang tignan, dati siyang masayahin at makulit. Kayang pagsabayin ang kanyang luho at negosyo, pero ngayon para siyang patay na nabubuhay dahil kailangan niyang tugunin ang pangangailangan ng ibang tao. Nasasaktan akong ganito ngayon ang sinapit ng aking kapatid. Tinuktok ko ang dingding ng pintuan bago umimik.

“Kuya, can I come in?” Nagulat siyang napatingin sa akin.

“Samantha, bakit hindi ka nagpasabi para sinundo kita?” Gulat niyang sambit sabay tumayo na akala mo walang nangyayari.

“Because I don’t know if you want to see me kay-" Ngumiti siya ng pilit sabay ibinuka ang kanyang dalawang kamay.

“Should you come and hug your brother then?” Kanyang nakangiting sabi. Tumakbo ako at yumakap sa kanya ng mahigpit. I miss him. I really miss my brother.

“I’m sorry princess. I am just tired and in pain that day!" Malungkot niyang saad.

“I know! It’s okay kuya and I’m sorry for leaving you too!" Ganti ko sa kanya. Ang kailangan niya ngayon ay taong makakaintindi sakanya.

“I guess let’s catch up for the loss moments, hindi pa ako kumakain tara sa paborito naming kainan dito. I know you will love it Sam." Aya ni kuya. Hindi na ako tumanggi kahit na hindi ako nagugutom, kung iyon ang makapagpapaligaya sa kanya kahit sandali lang. I'm willing to offer my time.

Dinala niya ako sa isang classical restaurant na talaga nga namang magugustuhan mo. Malaki at maganda ang lugar. Sa paligid palang nakakabusog na sa ganda. Kakaiba rin kapag nakapasok ka na sa loob. Variety of foods is available. Mayroon din silang mini bar. Pwede pala ang ganito, hindi mo na kailangang lumayo at lumipat din ng bar kapag gusto mong magchill after a light or heavy meal. Pero siyempre kung gusto mo sumayaw at magwalwal, this is not the best place for you.

“Wow! I really love it kuya. This place is awesome. You can dine in peacefully while listening to classical music! Saka andito lahat ang klase ng pagakain. Gusto mo ba parang nasa Japan ka o Korea mayroon sila!” Kinikilig kong papuri. I would love to recommend this to my friends.

“Yeah! One day we stumbled here. Dito kami madalas pumunta ni Rex kapag gusto talaga naming kumain at magchill lang.” Paliwanag ni kuya. Nasamid ako pagkarinig sa kanyang pangalan. Kakarating ko lang pero nabuena mano ako agad sa kanyang pangalan. Limang taon din ang lumipas na nakalimutan ko siya at huling nakita. Kaso hindi ko pala siya nakalimutan! Oo nga pala at hindi maiiwasan na magkita kami dahil matalik na kaibigan ni kuya. Anumang oras ay magkakasalubong ang aming daan.

“Pare bakit antagal mo naman, sabi ko agahan mo eh! Bakit ngayon ka lang patapos na kaming kumain ni Sam.” Reklamong sita ni kuya, napaangat ako ng tingin sa di inaasahang sasalo sa amin. Hindi naman kasi ako sinabihan ni kuya na inimbita niya ang kanyang paboritong kaibigan. Hindi sinasadyang napatitig ako sa kanya, napakagwapo pa rin niya lalo na ang kanyang dimples na kahit hindi ngumiti ay parang nakangiti sa iyo. His thick black brows perfectly complimented his tan skin and dark eyes. Tama lang sa pagkatangos ang kanyang ilong. His red lips are inviting to kiss. Bigla akong napalunok sa isiping hinahalikan ko ang kanyang labi. Samantha bakit parang humahalay nanaman ang utak mo! Tanong ko sa aking sarili na minsan ay nababaliw. Pero bakit parang hindi siya tumatanda? Bakit parang lalo pa siyang naging kaakit - akit at masarap. Sa tingin pa lang yan pero marami na akong bakit!

"Samantha!”

"Sam!”

“W-What kuya?” Gulat kong sagot. Mantakin mo ba kasing busy ka sa kakapantasya sakanya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya, daig ko pa ang isang magnanakaw na nahuli sa akto. Iba nga lang ang sa akin. Nahuling nagpapantasya!

"Hi Sam, high school ka pa lang noong huli kitang makita. Ngayon, isa ka nang ganap na dalaga." Nakangiting bati ni Rex na nakatingin sa akin na lalong ikinapula nang aking ambisyosang mukha. Ouch! Isang dalaga lang ako sa paningin niya! May kurot yun sa aking dibdib ah! Hindi ba pwedeng ang ganda at sexy mo naman ngayon Sam. Mas maganda pa sana sa pandinig ko! Twenty eight na ako kaya!

“Sabi ko, until when are you staying here?” Tanong muli ni kuya dahil hindi ko siya narinig kanina sa katangahan ko. Pantasya pa more!

“I guess for good kuya, I promise dad to help you. May mga tao naman ako sa mga negosyo kong naiwan doon and I asked for indefinite leave sa manager ko for my modeling career.” Iwas kong tinging sagot dahil alam kong namumukadkad sa kapulahan ang aking mukha. Pwede nang isahog sa afritada or kaldereta sa kapula! Gusto ko pa muling tignan ang mukha niya ngunit natatakot akong makahalata siya sa akin. He is really damn irresistible. Hindi ko alam kung anung nangyari sa limang taon na wala ako bukod sa nalaman kong namatay na si Ate Coleen, the woman he love's dearly. May gumuhit nanamang pait sa aking puso sa isiping hindi ako ang itinitibok ng kanyang puso at higit sa lahat hindi ko mababago ang laman ng kanyang puso.

“Wow! That’s good Sam! So take a break for a while bro.” Pumalakpak na sabad naman ni Rex.

“I don’t think I can bro. Being busy makes me sane! Hindi ko kailangan ang anumang break!” Malungkot na sagot ni kuya sabay lagok ng kanyang natitirang beer. Kita sa kanyang mukha ang sakit na pilit niyang ikinukubli sa pagngiti ngiti ng peke.

“No kuya, kaya nga ako andito di ba to help you manage para makapagbakasyon ka naman kahit isang buwan man lang. Isang buwan lang kuya ang kailangan mo.” Giit kong sagot sa kanyang pagpoprotesta.

“Are you sure about that Sam?” Hindi makapaniwala niyang tanong. Ngumiti ako sa kanya ng matamis.

“Very sure kuya, siguradong sigurado ako na gusto kitang tulungan. May mga negosyo naman akong hinawakan sa New York at may background naman ako about management. I also know where exactly to find her!” Sagot ko sa kanya.

“Yeah! She is in Korea and happily moved on! No need to find her Samantha!” Nakangiti niyang sagot na akala mo hindi siya apektado. Gaano kasakit ang magpanggap na okay ka kahit hindi ka naman talaga okay.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Merida Garcia
I love the beginning of the story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status