Share

First Day!

Samantha Pov...

The soft opening was successful and kuya accepted my proposal. I’m happy na makakapagpahinga din siya kahit isang buwan man lang. Isang buwan ay sapat para marelax ang kanyang katawan na binugbog niya sa trabaho ng tatlong taon. Ngayon ang araw ng kanyang pag - alis at kinakabahan akong maiiwan. Okay lang naman sana akong maiiwan kung ako lang, kaso kailangan daw talagang kasama ko lagi si Atty. Rex sa lahat ng transactions ko at dahil kakabukas nga lang maraming mga gagawin at kakailanganin ko nga naman ang kanyang tulong.

Haaaay!.. Mahaba kong buntong hininga. Sana lang makapagtrabaho ako na kasama siya! Sana lang! Dahil hindi ko mapigilan ang aking leeg na hindi lumingon sa kanya. Paano ko ba siya matatanggal sa aking utak at sa aking tatanga - tangang puso.

Tinulungan ko si kuya na makapag - impake ng kanyang gamit bago kami pumunta sa opisina. Gusto daw niyang isa - isahin sa akin kung anu ang dapat kung gawin.

“Sam stick to the SOP natin, anjan lang naman si Rex who will guide and assist you! People will underestimate you since you are a woman, just stay firm and always listen to Rex.” Madiing bilin ni kuya. Alam ko kung paano magtrabaho si kuya kaya mahalaga sa kanya ang standard policy. Bago dumating sa buhay niya si Anita ay maayos ang kompanya at ibang sangay nito. Pero ngayong nawala si Anita naging times three ang pagiging istrikto na niya!

“I will kuya, just please enjoy your vacation. Kalimutan mo muna dito kahit pansamantala lang. Sa bahay ko palang hindi ka na mastress. Maraming bagay din ang pwede mong gawin at puntahan doon para marelax ka at mag enjoy. Please kuya, kahit sandali lang ang hinihiling ko sa'yo!” Sagot ko na pakiusap din sa kanya.

“I will try Samantha. I’ll try.” Pilit niyang ngiti. Humalik at yumakap muna siya sa akin ng mahigpit bago tuluyang umalis kasama ni Rex. I hope you will find peace kuya kahit sandali lang. Bulong ko habang pinapanood ang sasakyan nilang papalayo.

Ngayon ang unang araw ko dito sa opisina pero tanghali pa lamang ay sumusuko na ako. Hindi pala talaga ganun kadali ang maging isang CEO ng kompanya. Hindi naman kasi ganun kalaki ang aking mga neegosyo sa New York kaya nakakapagpeteks pa ako ng madalas. Pero kung ganito ang binabasa ko araw - araw ay baka mabaliw na yata ako nito. Nakakalimutan ko na nga ring kumain o kahit magtimpla ng aking collagen drink.

Anung oras kaya babalik si Rex? Tanghali na kasi. Inayos ko muna ang aking mesa bago dinampot ang aking cellphone at wallet para lumabas na kumain, pero hindi pa ako nakakalapit sa pintuan nung magbukas ito at pumasok si Rex. Napasinghap ako na malanghap ang kanyang mabangong pabango.

"Rex!" Nagulat kong sambit.

"Lunch break?" Tanong niya.

"Hmnn. Muntik ko ngang makalimutan." Tipid kong sagot.

"Sabay na tayong kumain!" Kanyang sagot at dumeretso dito sa loob ng opisina ko. Anu daw? Sabay kaming mananghalian? Natulala akong hindi makagalaw.

"Samantha are you not hungry?" Kanyang muling pagtawag.

"Ha! Ah! Yeah, nagugutom na nga ako. Thank you!" Namumula kong sagot, bago naglakad palapit sa kanya. Lalo akong nagutom maamoy ang mga dala niyang pagkain.

Nahihirapan akong lunukin ang aking pagkain dahil sakanya. Bawat subo ay parang buto ng santol na pilit dumadaan sa aking lalamunan. May mali na talaga sa akin. Araw araw humahalay na ang aking pag - iisip tuwing kasama ko siya. Sumisikip na rin ang aming paligid, pakiramdam ko nauubusan ako ng hangin.

"How was the food? Do you like it?" Bigla niyang tanong.

"Ha!" Tanging sambit ko. Diko nga malunok lunok eh, paano ko pa magraduhan. Siguro kung iniwanan mo nalang dito at ako lang kumain baka may masabi ako.

"I see, you don't like it! Anu gusto mo bibili ako." Kanyang turan. Nakaramdam ako ng hiya parang ako yata ang nag iinarte eh, naubos naman niya.

"Ha! Huwag na Rex. Okay na to masarap naman!" Awat ko sakanya.

"Ha! Eh 'di mo nga magalaw galaw ang pagkain mo eh!" Napakunot noo akong tumingin sa pagkain ko. Omg! Isang kutsara lang pala ang naisusubo ko. Napakagat labi ako sa hiya. Nalikita ko siyang napalunok at tumikhim bago uminom ng tubig.

"Sorry. I'm not used to eating with you!" I mumbled, shyly. I can feel my face turned red.

"Oh! Okay. Should I leave now para makakain ka naman ng maayos. Babalik nalang ako kapag tapos ka na." Turan niya. Bakit parang ang sakit ng sinabi niya.

"Ay! Am fine Rex! Hindi naman yun ang ibig kong sabihin." Nakakaloka kong turan dahil hindi ko alam kung anu ba talaga ang sasabihin at gagawin ko. Tumingin siya sa aking mukha, lalong namula ang aking mukha. Naku! Lalong hindi na ako makakain nito Rex. Mata mo palang nakakalunod na tignan.

" Okay. Kumain kana kasi hindi masarap yan kapag malamig na." Sabi niya sabay tulak sa nilagang baka na malamig na nga. Namumuo na nga ang mga taba. Sasandok sana ako nung tumayo siya at dinala sa labas yung nilaga. Sinundan ko lang siya ng tingin bago kumain sa ibang pagkain. Ilang sandali pa bumalik siya dala ulit ang nilaga.

"Oh my god Rex! Sana hindi ka na nag - abala pa!" Nahihiya kung turan. Pinainit niya pala ang ulam.

"Hindi masarap yan kapag malamig na. Kaya kumain ka na Sam!" Utos niya. Wlaa akong ibang pagpipilian kundi kumain. Hindi ko namalayang naubos ko na pala lahat ang pagkain sa aking harapan.

"Wow!" Gulat niyang sambit. Napatakip ako sa aking bibig sa gulat sabay pa talaga ang pagburp ko. Nahihiya akong tinakpan ang aking mukha na alam kung hindi lang basta nagkulay kamatis.

"Sorry!" Nahiya kong saad.

"No! It's fine Sam! Bakit ka mag-sosorry hindi naman masama kumain ng marami. I'm sure you are already hungry and exhausted kaya tama lang na sinabawan lahat ang kinuha ko. Just a bit surprising to see you eat a lot with that beautiful slender body na mayroon ka!" Kanyang nakakakilig na pahayag.

"It's my first time to eat a lot of food, madalas kasi talaga controlled ang aming kinakain to maintain our figure! Thank you talaga sa pagkain makapagtrabaho na ako ng maayos!" Saad ko sa kanya kahit sa totoo lang gusto ko ng matunaw sa hiya. Nakakahiya na nasaksihan niya na matakaw din pala ako. I am who I am kapag kasama ko si kuya Jordan not him.

"Yeah! First time ko rin makasabay kitang kumain after decades I guess!" Kinilabutan akong tumingin sa kanya at magkasalubong ang aming tingin. I feel like I was just the 10 year old girl na humalik sa kanyang labi noong kanyang kaarawan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status